Nababagot kong tiningnan isa isa ang mga babaeng unang tinawag at ang mabilis nilang pagbaba sa stage. Minsan talaga nakakainis magkaroon ng epilyedong nasa dulo ng alphabetic. Minsan may advantage sya katulad sa mga recitation lalo na kapag alphabetical ang tawag. Pati sa upuan dahil palaging konti lang ang nagiging classmate ko na lalaki. Wala pa kong nakakatabing lalaki. Kaya lang kapag dating sa graduation nakakabagot dahil imbis na pwede ka ng umuwi once na natawag na pangalan mo. Kailangan ko pang mag antay, mas lalong kawawa ang nasa dulo. Ang letrang Z.
Kaya sabi ko sa sarili ko. Pagmag aasawa ako, ang unang papansinin ko ang epilyedo nya dahil kapag nasa dulo sya katulad ko, busted na agad sya. Ayokong maranasan ng anak ko ang paghihirap at pag antay na matawag ang pangalan nya.
Mabuti na lang at saktong 7 ang tapos ng martsa ng graduation namin kaya may oras pa kami para magkakasama. Dahil siguradong sa susunod na araw kailangan na namin kumilos sa agos ng buhay.
"Grabe nakakabagot ang maghintay na matawag ang pangalan mo." ani ni Maria na sinang-ayunan namin.
"Tara, may alam ako para mawala ang bagot natin." tiningnan namin ang nakangising Lion. Minsan talaga may kaibigan kang hindi mapagkakatiwalaan.
Since bagot na bagot na nga kami pinatulan na namin ang sinasabi ni Lion. Minsan kasi wala syang magandang nadudulot at minsan naman ay sobra ang ganda ng kanyang nadudulot. Kaya kahit anong sabi namin na hindi namin sya pagkakatiwalaan. Nagtitiwala pa din kami. Nature na ata iyon ng tao. Na kahit ilang beses kang masaktan magmamahal ka. Kahit ilang beses kang niloko magtitiwala ka. Kahit ilang beses kang nadapa tatayo ka.
May kutob na kami kung ano ang tinutukoy ni Lion pero mas nanaig ang tiwala namin sa kanya. Sinamaan namin sya ng tingin ng dalhin nya kami sa isang bar. Madami kasing tagong bar dito sa Laguna na tanging party goer lang ang nakakaalam.
"Uuwi na kami." sabi ng KJ na si Ara.
Kumpleto kami ngayon dahil parehas lang ang uwian namin gawa ng practice ng martsa. Ako, James, Maria, Sam, Lion, Ara at Lous.
Maria Jane Nicolas. Ang pinaka malakas tumawa at laging dahilan kung bakit ako badtrip.
Samantha Nicolas. Kakambal sya ni Maria pero hindi sila magkahawig. Sya naman ang kabaliktaran ni Maria. Mahihin ang kanyang aura. At nakakahawa ang ngiti nya.
Lion Arlcon. Ang mayaman, party goer at ang nagsisimula ng mga lakad ng barkada. Sya din ang sagot sa mga sasakyan at pamasahe namin kapag naalis kami. Sya din ang pasimuno ng gulo.
Arlene Vicon. The book lover samin. Sya yung source kapag may mga bagay kaming hindi alam. Sa kanya kami lumalapit. Palagi din syang nasa library kaya hindi mahirap hanapin.
Lous Blaron. Ang good boy kuno. Masyadong maamo kasi ang mukha nya kaya hindi mo mapagkakalman na babaero. As in. Kami lang nakakaalam na napakababaero nya. Mas babaero pa sya kay Lion. Mayaman din sya naman ang taya sa mga pagkain namin. Silang dalawa ni James.
James Vixxon. Ang badboy samin. As in badboy talaga. Kaya siguro naging best friend ko sya dahil pareho kaming bayolente. Palagi kaming dalawa ang naresbak kapag may away o may nang away sa tropa. Pero kahit na barumbado sya hindi mapagkakaikala na matalino at masipag. Never ko pa kasi syang nakitang umabsent. Lagi nyang sinasabi na nakakabored lang sa bahay kaya masipag sya.
Pero nung pumunta kami sa kanila gusto ko ng magpaampon dahil nandun na lahat sa bahay nila. Sa tingin ko sa kanilang tatlo. Sya ang pinaka mayaman. Isa din sya sa source ng pagkain at sa mga bagay na hindi namin alam. Alam ko candidate din sya sa top ng strand nila kaya lang dahil sa bad records nya sa guidance hindi sya qualified.
Lastly me, Kaira Arsena Rein. Candidate din sana ako sa top sa strand namin kaya lang katulad ni James. May bad records din ako pero mas bad records ang akin. Palagi akong nalelate at tinatamad pumasok. Suki pa ko ng guidance at faculty upang pagalitan. Pero never pa pinatawag ang magulang ko kahit na palagi akong nasa bad side ng teacher. Wala naman daw kasing problema sa grades ko kaya walang kaso sa kanila.
Laking pasalamat ko ng hindi pinatawag ang magulang dahil baka mabugbog lang ako nila dahil sa disappointment na binigay ko sa kanila. Kaya minsan nakakatamad lalo magsumikap dahil sa mga taong nakapaligid at lalo na sa mga taong malalapit sayo. Pero kahit anong paliwanag ko sa kanila hindi nila ko maiintindihan kaya mabuti na lang hindi nila ko pinigilan na umalis.
Napailing ako ng makitang nagsasaya na sila. Parang kanina lang aayaw ayaw sila pero tingnan mo nga naman ngayon. Hindi na nila mabitawan ang basong may alak. Napatingin ako sa katabi ko.
"Hindi ka makikisaya sa kanila?" umiling lang sa akin si James.
"Sawa na ko pumunta dito." natawa ko sa sinabi nya. Nakalimutan ko pala na matagal na silang magkakaibigan nila Lion.
"Iba naman ngayon. Kami ang kasama mo kaya siguradong mag eenjoy ka."
"Nag eenjoy ka ba?" nagulat ako sa tinanong nya sakin
"Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganito." bumuntong hininga sya "pero kayo ang kasama ko kaya ayos lang." pambawi ko.
"Ok. If you say so." minsan talaga hindi ko mapigilan titigan sya lalo na kapag nagsasalita sya ng english.
Ang manly kasi ng boses nya. Ang sarap pakinggan. Isama mo pa yung itsura nya. May lahi kasi si James. Yung tipong nakakabuntis. Pero alam mong hindi pa yun yung boses nya. Nasa 20 pa lang kasi sya kaya siguradong lalim pa ang boses nya.
Nawala lang ang paningin ko sa kanya ng dumating si Lion at basta na lang hinila si James.
"May pakilala ako sayo." ayon ang narinig ko na sabi ni Lion kay James
Mga lalaki talaga. Pinalibot ko lang ang paningin sa paligid. Siguro kung hindi ako sumama sa kanila. Nasa higaan ako ngayon oras at busy lang sa pagbabasa ng mga bagong bili kong libro.
Nakapwesto kami malapit sa may counter kaya kitang kita ko ang mga taong pabalik balik sa counter. Meron mga bago at merong maya't maya kumukuha. Ano kayang pakiramdam ng alak? Kahit kailan kasi hindi pumasok sa isip ko ang uminom o tumikim man lang ng alak. Hindi ko din alam kung bakit.
Masyadong malakas ang will kong hindi uminom kaya kahit anong sama ko kala Maria ay hindi nila ko mapapa inom ng alak. Kaya siguro hindi din tumagal yung ibang naging kaibigan ko dahil masyado daw akong KJ. Mabuti na lang at hindi ako iniiwan nila Maria kahit na mas KJ ako kesa kay Ara.
Nakita kong nagsasayawan at nagsasayahan sila sa gitna. Kitang kita ko ang kasayahan sa kanilang mga mata at labi. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit. Minsan kasi gusto ko ng uminom ng alak para malaman kung bakit madaming naadik dito. Pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang suwayin ang sarili ko. Mas gugustuhin ko pang uminom ng delight kesa uminom ng alak.
Natatawang tingnan ko ang baso ko. Mukhang ako lang yata ang nabubukod tanging naiwan sa mesa namin habang umiinom ng juice. Muntik pa nga akong iorder ng Chuckie ni Lion. Hindi ko malaman kung nang aasar ba sya o concern.
"Hi miss." napatingin ako sa lalaking basta na lang umupo sa upuan sa may tapat ko. Tinaasan ko ito ng kilay
"Are you alone?" natawa ko dahil isa yun sa mga pick up line na tinuro samin ni Lion kapag may gustong mapalapit samin.
"No." malamig at tipid kong sagot. At naalala ang mga tips na tinuro samin ni Lion
Tip 1: Itaboy mo na sila agad. Wag kang magpapakita ng interes o kahit tingnan sila sa mata.
Sabi kasi ni Lion once na tiningnan mo sila sa mata. Interesado ka na daw agad sa kanila. At dahil kinain na ng alak ang sistema nila. Binibigyan na nila ng malisya lahat ng kinikilos mo. Isa rin yun sa rason kung bakit ayoko ng alak.
Bahagyang tumawa yung lalaking nass harapan ko. "I know miss you're interested." may pagmamayabang sa boses nito na tinaasan ko lang ng kilay
So eto yung sinabi ni Lion na binibigyang malisya.
"Go away." malamig na utos ko dito.
Kapag ito hindi umalis. Ako aalis dito. Tip 2: Kahit anong taboy ang ginawa mo at walang balak umalis. Ikaw na umiwas. Mahirap na kapag napalapit na sila sayo.
Tumayo ako na ikinangiti ng lalaki. "See? I told you. You're interested with me." napasimangot ako ng matantong mali ang pagkaintindi ng lalaki sa pagtayo ko
Mukhang mali ang tip 2 ni Lion dahil sa alak na kumakain sa sistema nila. Hindi ko na lang sya pinansin at nakipag siksikan sa mataong tao para mawala sa paningin ng lalaki. Nang mapansin na walang sumusunod sakin tumigil ako sa paglalakad. Mabuti naman at konti lang ang tao sa na puntahan ko.
Masyadong malaki ang bar na pinuntahan namin. Sa disenyo pa lang ng bar mukhang sa mayayaman ang bar na ito. Yung tipong kailangan mo pa magpamembership upang makapasok. Halata din sa mga taong nandito na may kaya o mayaman sila. Wala din akong nakikitang panget hindi naman sa panglalaet. Mapapansin mo talaga ang pinagka iba ng mayaman sa mahirap.
"Ah!!" napatili ako ng may biglang yumapos sa bewang ko.
"Caught you." kinalibutan ng marinig ang boses ng lalaki na kausap ko kanina sa table namin.
Inilibot ko ang paningin ko para makita kung may nakapansin ba sa amin. Lulong sa kanyang kanya mundo ang mga taong nandito. At kung may makakapansin man samin alam kong hindi nila bibigyan ng malisya dahil nasa bar kami. Normal lang itong ginagawa nya.
Tip 3: If he caught you. Save yourself.
Napairap ako sa tip 3 ni Lion. Kahit kailan talaga walang matinong dulot ang mga tinuturo nya samin. Bumuntong hininga na lang ako. Mukha wala talagang tutulong sakin. Maliban sa sarili ko.
"Kung ako sayo Mister. Alisin mo na yang kamay mo sakin kung gusto mo pa magka anak." may bantang sabi ko na tinawanan nya lang.
Mukhang hindi naniniwala sakin ang lalaking ito. Akmang susuntukin ko na ang tigiliran nya ng may nag alis ng kamay ng lalaki sa bewang ko. Napatingin ako sa lalaking nangilam samin.
"Bakit ka nangengelam?" may inis ang tono nung bastos na lalaki sa pakealamerong lalaki. Hindi ko alam na totoo palang madaming bastos sa bar. Naka encounter ako ng dalawa.
"I think the girl didn't want you." cool lang na sabi nya. Hindi ko maiwasan tingnan sya.
Ang lalim kasi ng boses nya. Mas malalim pa kay James. Ang manly at nakakakilabot in a good way. Yung tipong may paru paro akong naramdaman.
Bahagyang tumawa ang bastos na lalaki. Siguro akala nya gwapo sya dahil sa tawa nya. "Mind your own business." akmang kukunin nito ang kamay ko ng iniwas ko. Bumakas ang galit sa mukha nito
Tiningnan ko lang ang lalaking pakealamero at tinanguhan. At tumalikod sa kanila. Napaharap lang ulit ako sa kanila ng may marahas na naghila ng kamay ko.
Sinamaan ko ng tingin ang kamay nya na nakakapit sa kamay ko. "Sinabi ko na bang pwede kang umalis?" nangilabot ako sa boses na ginamit nya. Para syang leader ng mga goons.
Nagpupumiglas ako para mawala yung kamay nya sakin. Dahil sa inis ko sa kanya susuntukin ko na sya ng biglang nangilam na naman ang yung lalaki. Mabilis nitong sinuntok sa mukha at tumumba agad yung bastos. Mukha napansin ng bouncer ang kaguluhan samin at mabilis na lumapit.
"Ano pong problema Sir Alon?" napataas ang kilay ko sa pangalang binanggit nila
"Same case. Get that man out of here." mabilis sumunod ang dalawang bouncer.
Mukhang kilala dito ang pakealamerong lalaki dahil mabilis syang sununod nung mga bouncer. At noong makita syang nandito pinuntahan kaagad samantalang ako kanina pa ko kinukulit nung bastos hindi man lang sila lumapit.
Tip 4: Wait for someone who can help you.
Mukhang tama ang mga tips na binigay samin ni Lion. Akalain mo yun may maganda na naman syang naidulot sakin. And lastly his last tip.
Tinawag ko yung lalaki. Nakaangat lang ang isang kilay sakin.
"Thank you."
Tip 5: