Two months from now. Ga-graduate na kami. And after our graduation we will face the real world. The toxic society, the pampalakasan in workplace, and mostly the cruel justice in people.
Naka upo lang ako sa ilalim ng puno at iniintay sila James. Nakasanayan na naming magkikita bago pumasok sa sari-sariling room. Hindi kami magka klase. Dahil nito lang kami nagkakila-kilala.
Bakit kaya sa tuwing malapit na matapos ang pag aaral. Doon ka pa lang makakahanap ng mga taong totoo at nandyan para sayo. Hindi pa parang nakakabaliw at nakakapang hinayang at the same time. Tipong ang sarap kantahan nang. Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?
Hindi ko alam kung ilang oras na ko naghihintay sa kanila. Wala naman akong pake kahit paghintayin nila ko ng matagal. Walang kaso sa akin yun. Wala din kasi kaming ginagawa sa classroom.
Ayokong marinig ang mga plastikan ng mga babae sa may gitnang upuan. Ayoko naman umupo sa mga taong nasa unahan dahil panay libro lang ang nakikita kong hawak nila. Mabuti na lang sa likod ako naka upo dahil malayang nakakatulog pero dahil walang ginagawa ngayon. Ayokong marinig ang mga kalokohan ng mga lalaking nasa dulong upuan.
Naisipan ko na lang matulog habang hinihintay sila. Alam ko namang gigisingin nila ako. Puyat din ako kagabi kakabasa ng mga stories sa wattpad at kakanood ng mga videos sa tiktok.
Nagising ako ng makarinig ng tawanan sa paligid. Sa tawa pa lang ni Maria talagang magigising ka. Yung tawa nya kasi parang gustong iparating sayo na ang saya saya nya. Samantalang yung tawa naman ni Sam ay nakakadala. Mala-Jhong yung tawa nya. Na kahit hindi mo maintindihan ang pinag-uusapan nila matatawa ka na lang.
Tumingin ako sa cellphone ko upang malaman kung anong oras na at galit ko silang tiningnan.
"Aba aba. Iba din. Ang saya saya natin ah. Parang wala kayong pinag antay dyan. Share your laughter naman kaibigan." may galit sa tono ko na nagpatigil sa mga tawanan nila
"Hehehe." ang kaninang masayang tawa ni Maria.
"Bakit ngayon lang kayo? May usapan tayo!" isa isa ko sila tiningnan upang malaman nila na galit na galit ako
"Oh!" tiningnan ko lang ang ice cream na binibigay ni James sa akin
"Hindi nyo ko madadaan sa pagkain nyo." patay gutom kasi ako kaya lang once na tinanggihan ko na ang pagkain. Isa lang ang ibig sabihin. Galit na galit talaga ako
"Sorry na Aira, nagluto pa kasi kami ng pancit canton kala Sam." sinamaan ko lalo ng tingin si Maria.
Aba! Buti pa sila nakapag pancit canton na. Samantalang ako kahit tinapay wala pang nakakain.
Hinila nila ako patayo. Dere-deretso lang kami lumabas sa gate. Mabuti na lang may kalandian ang guard kaya hindi kami pinigilan. Minsan talaga hindi nakakabwusit kapag may nakikita kang naglalandian na mag-jowa. Katulad na lang ng guard namin. Sana palagi silang magka-usap ng jowa nito para advantage saming gusto palaging lumabas ng school.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila
"Bakit pa kasi pumasok ka? Alam mo naman na wala ng gagawin diba? Yan tuloy sinundo ka pa namin." naiinis na sabi ni Sam
"Aba baka nakakalimutan nyo. Hinintay ko kayo ng 4 na oras." pangko-konsensya ko sa kanila
"Pupunta tayo kala Jean. Balita ko may handaan na nagaganap sa kanila." bigla nawala ang inis ko dahil sa narinig
"Sino naman? Baka mamaya hindi tayo pwede. Nakakahiya kayo." kunwaring ayaw ko
"Yung tatay nya. Kilala mo si Mang Kanor?" napakunot ang noo ko sa pangalang binanggit nya
"Birthday kasi ng ate nya na si Jayanne. At kauuwi lang ng tatay nya na si Mang Kanor. Kaya ang daming handa kala Jean."
Si Jean Mae Argon. Kaibigan ko na kakilala pala nila. Magkaparehas kami ng strand nung Senior High School. Parehas din dapat kami ng school kaya lang nung natanggap ang papa nya sa ibang bansa. Sa private school na sya pinapasok.
Malapit lang sa University ang bahay nila Jean kaya hindi sya mahihirapan pumasok kung sa ROWAN sya nag aral. Dahil patay gutom ang mga kaibigan ko mabilis lang kami naka punta kala Jean. Konti pa lang ang taong nakapalibot sa bahay nila. Mukhang sinuswerte kami.
"Hi gurl!" tawag pansin ko kay Jean nabusy sa pag aayos ng pagkain nila
"Iba din talaga kapag handaan ang nababalita sayo. Nagpapakita ka bigla." pang aasar nya sa akin
"Ang swerte lang ng timing nyo. Wala na kaming ginagawa. Tapos na kami magdefense at tamang practice lang ng martsa sa graduation." bakas sa mukha nya ang panglulumo.
"Buti pa sa inyo ganyan na lang. Samantalang sa amin, bayad dito, gawa nito, pasa doon, assignment doon. Palibhasa kasi dalawang buwan na lang ang natitira sa inyo. Samantalang sa amin ay 4 na buwan pa." natawa kami sa sinabi nya
Noong una kasi tuwang tuwa pa sya na matagal ang pasukan nila. Pero ngayon mas nauna ang graduation namin. Gusto nyang sumabay.
Umupo kami sa isang table na malapit lang sa pagkain para hindi hassle pumila at kumuha ulit. Since patay gutom nga kami siguradong hindi lang dalawang beses ang balik namin sa pagkain. Minsan kasi pagkumakain kami sa eat-all-you-can. May dare dare pa kaming ginagawa, kung sino mas madaming nakain sya ang babayaran at kung sino ang pinaka konti kumain sya ang magbabayad.
Kaya minsan may advantage talaga ang pagiging patay gutom ng kasama mo. Pero minsan naman nakakayamot at nakakainis din pag sila ang kasama mo dahil imbis na masarapan ka sa kinakain mo maiinis ka dahil ang bilis maubos. Kaya minsan masarap magtago sa kaibigan na ganito.
Nanatili lang kaming nakatambay sa bahay nila Jean. Wala din kasi kaming pupuntahan kaya mas maganda ng nandito kami maliban sa magkakasama kami may free food pang nakahanda. Minsan talaga ang sarap ihinto ang oras kapag kasama mo yung mga taong dahilan ng kasiyahan mo.
Siguro ganon talaga. Kapag alam natin na may hangganan lang ang lahat ng ito manghihinayang tayo pero pag alam naman natin na nandyan lang sila. Masyado tayong kampante na kahit ilang araw man ang dumaan wala lang para sa atin.
Sometimes the best memories are sad because you know they will never happen again.