Rossane Ibarra is a well known best fighter that counts money. She works for money and she's not accepting low prices because she knew how dangerous it is to be for her when her boss is offering her a job.
Hindi na nalalayo kay Rossane ang salitang 'kapahamakan' sa trabaho niya. Simula nang pasukin niya ang trabahong ito ay hindi niya iniinda ang takot kahit pa malapit na siya sa kamatayan. Her heart was already filled with anger and lust to kill those person who killed her parents 19 years ago, kaya naman hindi niya inaalala ang takot dahil sa tuwing gagawin niya ang trabaho niya ay namamahay ang sobrang galit sa puso niya dahilan para hindi siya matakot pa.
Rossane groaned in annoyance nang biglang tumunong ang cellphone niya. Kadalasan kasi ay tutunog lang yon kapag emergency or may bago nanaman siyang offer.
Mabilis niyang kinuha ang remote ng kanyang flat screen TV at pinatay ito saka niya kinuha ang isang phone niya na katabi lang din ng isa pa niyang phone for personal purposes.
Agad niyang sinagot ang tawag.
"Rossane..." Napapikit siya sa inis nang iisang tao nanaman ang tumawag sa kanya.
Her Boss.
"Wala bang bagong tatawag sa akin? Ikaw nanaman?" Reklamo niya dahil nagsasawa na siya sa boses at pagmumukha nito. Ilang taon na silang magkasama at magkakilala.
"Wag ka nang magreklamo. Kaya kita tinawagan ngayon dahil may bagong offer si madame Silvia." Napaikot siya ng mata niya sa sinabi ni Mac. Name of her boss
"Please lang. Nagpapahinga ako ngayon. Baka naman pwedeng pagpahingain niyo ako ngayon?" Reklamo nanaman niya dahilan para matahimik ang nasa kabilang linya. "Ang sabi mo sa akin, after kong matapos yung last offer na tinanggap ko ay pwede na akong makapag pahinga for a month. Wala pa ngang isang lingo tapos tatawagan mo ako for another offer again?" Inis na talagang tanong niya.
Inilipat niya ang phone sa kabilang tenga niya saka siya bumuntong hininga.
"Im not accepting it."
"Rossane it is a big deal--"
"My life is more big deal than the new offer. Sabihin mo kay madame Silvia na ayokong tanggapi--"
"Its about the Prince. " Putol ni Mac sa sasabihin niya.
Napahilot-hilot siya sa kanyang sintido at sumandal sa sofa na kinauupuan niya habang nakapatong ang kanyang paa sa centre table.
"The Prince again? But, Im done with him."
Hindi niya makakalimutan ang araw na pinagsilbihan niya ang Hidden Prince of that Royal House. Nagpanggap siyang maid sa palasyo para lang masiguro ang kaligtasan ng lalaking iyon.
"Alam mo bang napasok nang hindi kilalang tao ang kwarto ng prinsipe kagabi? Kahit nga ang tindi na ng Security system nila, may mga nakakapasok parin and madame Silvia was been summoned by King Plato just to give his highness a real best bodyguard. " Sagot ni Mac sa kabilang linya.
Rossane sighed in frustration. Ayaw niya na munang magtrabaho ngayon dahil nasa kalagitnaan siya ng pagpapahinga. Her last offer was to save someone na nagpadala ng malaking halaga kay madame Silvia, maligtas lang ang buhay non dahil maraming naghahabol sa kanya pauwing America. Muntik na nga siyang masagasaan non ng train para lang maiuwi niya ng ligtas ang lalaking yon tapos ngayon babalik nanaman siya sa Prinsipe na alam niyang mas malaking obligasyon ang gagawin niya dito.
"How much?" tanong niya nalang. "And what reason? I mean yun lang ba talaga? Dahil lang sa may nakapasok na kung sino sa kwarto niya kaya sila naghahanap ng bodyguard ngayon?" Inis na dadag pa ni Rossane.
"Yes, and I don't know what's more in that. Basta ang alam ko, kailangan nila ng magbabantay sa prinsipeng iyon. Kaso mukhang mahihirapan ka. His highness never show his face dahil nga sa maraming nagtatangka ng buhay niya maybe for money?"
She sighed again. Naalala niya nang magpanggap siyang maid sa palace ay hindi niya nga nakita ang mukha ng prinsipe. Ang binabantayan niya kasi doon ay mga taong lumalabas-pasok sa kwarto nito. Nagtatanong siya sa mga maids na nagdadala ng pagkain niya sa loob ng kwarto nito kung anong itsura ng prinsipe pero hindi rin daw nila nakikita dahil sa tuwing iiwan ng mga maids ang pagkain ng prinsipe sa mesa ay wala siya doon o kaya kadalasan ay nakatalikod.
"What if kapag lumabas yung prince sa labas ng palasyo? Paano mo pa malalaman?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang nagooffer sakin diba? Dapat alam mo yan." Reklamo ni Rossane at narinig niya ang matunog na buntong hininga ni Mac.
"Alright. Bukas gusto kang makita ni Silvia para pagusapan to."
"Okay. Ah teka!" Rossane almost forgot something. "Magkano ang bayad--"
"900 Million plus another set of case na naglalaman nang hindi pa natin alam kung ilang halaga ang nasa loob." Natameme siya.
"Kulang." Reklamo niya.
"Alright. I'll try to tell to his majesty."
Napangisi siya sabay turn off ng tawag.
Hindi na niya muling tinuloy ang panonood. Instead, tumayo siya at dumiretso sa gym na nasa underground ng bahay niya for warming up dahil trabaho nanaman.
Makikita niya nga ba ang mukha ng tao'ng yon? Tama si Mac. Paano ko gagawin ang trabaho ko nang hindi ko nakikita ang mukha niya? What if nagkamali ako dahil lang sa wala akong alam sa pagkatao ng lalaking yon?