Rossane's
Agad na iminwestra ni madame Silvia ang upuan na kaharap niya nang makita ako.
"Akala ko ay hindi ka na darating pa." Umikot lang ang mata ko at pabagsak na umupo.
"This must be important."
Natawa siya at napabuntong hininga na tumingin sa akin. "Of course, the prince is important. Ipapatrabaho ko ba sayo kung hindi importante?"
Kahit nakangiti na si madame Silvia, malalaman mo parin na seryoso siya. "Bakit kasi sa ganong kababaw na rason, ako agad ang hahanapin niyo. He is a goddamn prince! Malamang palaging nasa panganib ang buhay niya. Napasok lang ang kwarto niya, hindi na kayo mapakali na ipatawag agad ako." iritang sabi ko.
May lumapit na waiter sa amin and she's the one who ordered the food.
"Since andito ka naman na, isa lang ang ibig sabihin niyan. Pumapayag ka na talaga sa offer ko. You'll going to guard him no matter what happen."
"Paano ko nga gagawin ng maayos ang trabaho ko? Mac told me that the prince never showed his face to anyone at ako mismo ay alam yun! Paano ko siya makikilala?"
She sighs at nakarating ang mga inorder niya. Nang umalis ang waiter ay saka lang siya nagsalita.
"Im giving you his picture. But make sure na ikaw lang ang makakakita nito. Never let anyone to see these." May inilabas siya sa sling bag niya na brown thin envelop at ibinigay sa akin. "Sa bahay mo na tignan yan, and after 2 days, Ill bring you to the palace."
"Again..." pagpaparinig ko pero ngumiti lang siya. "Kung may nakapasok na istranghero sa kwarto niya, ibig sabihin nakita na ng taong yun ang mukha niya."
She nodded. "Kaya nga ipinaguutos ng hari to triple the securuty team and he's giving you the right to be in charge. Alam na ng hari na mauulit ang mangyayari at nangangamba siya na baka mapahamak ang anak niya lalo na ngayon, magisa niya lang na anak na lalaki at magmamana sa mga properties niya."
Napailing nalang ako at hindi na umimik. Inubos ko ang cake na nakalagay sa platito at nang matapos akong kumain ay nagpa-alam na akong aalis na.
Wala akong bag na dala kaya naman nang makalapit ako sa motor ko, nilagay ko nalang yung envelop sa U-box na nasa likuran saka ako sumakay at pinausad yon.
Pag-uwi ko sa bahay ay dineposito ko ang katawan ko sa sasakyan ko at minaneho yun papuntang mall. I need new things. My life will be boring kababantay sa prinsipe kaya mas maganda nang may magawa ako.
Nang makarating ako sa mall, agad akong nagpunta sa isang boutique na puro damit. I choose those clothes na pang casual lang. Pagkatapos ay pumunta ako sa mga cosmetics to buy press powder and liptint.
Nagpunta rin ako sa isang bookstore to buy new environmental books dahil doon lang naman ako interesado.
At bago ako umuwi, dumiretso na muna ako sa isang parlor shop na puro beki ang nag aasist at nagpakulay ng buhok from black to blonde. Hindi ko pinabawas ang buhok kong hanggang bewang. Matapos ng ilang oras ay umuwi narin ako bitbit ang mga binili ko.
Napakurap-kurap ako when I see someone who always makes me irritated.
My ex boyfriend.
"What are you doing here, Zack?" Pagtataray ko at nilapitan siya.
"I heard may t-trabahuin ka nanaman daw."
"So what? Pwede bang umalis ka na?"
Zack Martinez. My first love at unang tao'ng nanakit sa puso ko. Alam niya ang mga pinagdaanan ko sa 8 months na naging kami. Alam niya rin ang trabaho ko at nawitness niya narin kung paano ako kumilos.
"Im just here kasi nag-aalala ako." Maramdamin na sabi niya.
Inis kong sinuklay ang buhok kong bagong kulay na pumukaw sa atensyon niya sa akin at doon tumingin sa buhok ko.
"Wag kang mag-alala dahil hindi ko sinabing mag-alala ka. Now, leave my house bago pa kita masaktan." Pananakot ko. Hindi ko naman siya kayang saktan ng pisikal.
"Im sorry. Pero sana mag-iingat ka." He said at umalis na.
Napailing nalang ako at pumasok sa bahay. Agad kong nilock ang pinto at binagsak ang mga pinamili ko sa sofa.
Umupo ako sa centre table at inilabas lahat ng pinamili ko until I heard a lot of knocks on my door.
Kumunot ang noo ko dahil palakas ng palakas ang bawat katok. Naisip ko na hindi ganyan si Mac or si Madame Silvia kaya im sure ibang tao yan.
Agad kong inangat ang foam ng sofa at doon nakatago ang isang baril ko. Sa lahat ng parte ng bahay ko at gamit ay may mga weapons na nakatago.
I walk towards the door at inopen ang maliit na TV kung saan makikita ko ang mga kakatok sa labas ng bahay, pero kumunot ang noo ko nang wala akong makita. Tumigil narin ang pagkatok.
Mabilis kong binuksan ang pinto at agad na inihanda ang baril ko pero ganon na lamang ang gulat ko when I saw two men na nakaluhod na halos sa mismong hagdan malapit sa pinto.
"S-save my butler I mean.... Friend please." The man said. Puro daplis at may bahid ng dugo ang mukha niya. Ganon pa man ay hindi non naitago ang kagwapuhan niya.
My eyes settled on the man beside him na naka-akbay sa kanya at may tama ng baril sa bandang ibaba ng tiyan niya.
Hindi naman ako ganong kasamang tao para hindi sila tulungan. Tumabi ako sa lalaking may tama at pina-akbay din siya sa akin papasok sa bahay. I closed the door and locked it at dinala ko sa mismong kwarto ko ang dalawang lalaking ito. I-isa lang naman kasi ang kwarto dito.
Kahit na nalagyan na ng dugo ang bed sheet ko ay hindi na ako nagisip ng kung ano-ano.
"What happened?" Tanong ko habang hinahanda ang first aid box na nasa cabinet ko. Hindi lang iyon basta kit na may laman na basic things para sa sugat. My job is too dangerous so I need things tulad ng mga liquid medications dahil kapag nagkaka abirya ay ako lang ang mag-isang gumagamot sa sarili ko. Ayokong pumupunta sa hospital dahil magtatanong lang sila.
"I cannot tell you." Sagot ng lalaki na nakaupo sa pabilog na love seat sa tabi ng kama.
Alam ko ang pakiramdam na may tinatago dahil sa mga ganitong bagay. Kung sa ibang tao ay mac-curious ito. At malamang magpapatawag na ng emergency, but I didn't ask more.
Tatanggalin ko na sana ang tshirt ng lalaking nakahiga nang pigilan niya ang kamay ko.
"What are you doing?"
Malakas kong tinampal ang kamay niya at sinalubong ang tingin niya. "Kung gusto mo pang mabuhay ang kaibigan mo, then let me do this pero kung hindi, umalis na kayo dito." Sabi ko. Tumahimik siya kaya pinunit ko ang shirt na suot ng lalaking nakahandusay sa kama ko at nakita ko ang bala ng baril na nakabaon sa ibabang gilid ng tummy niya.
Then I started cleaning it like how I cleaned myself kapag may ganitong nangyayari sa akin.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya ng matawa siya. "What?" Takang tanong ko na para bang nawiwirdohan sa kanya.
Dinuro niya ang tiyan ng lalaking nakahiga. "Hindi ka man lang naintimidate nang makita mo ang katawan niya?"
Kasalukuyan niyang pinupunasan ng wipes ang dugo sa mukha niya. Tumingin ako sa lalaking nakahiga at mukhang nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.
He is masculine at wala namang bago don. "Bakit naman ako ma-iintimidate? I saw a lot of it."
"Oh." Ngayon ay nililinis niya na ang mga sugat niya sa mukha.
Nang matapos kong tanggalin ang bullet sa katawan ng lalaking nakahiga at nalinisan ay saka ko to kinumutan.
"Hindi ka man lang ba mangungulit kung ano talagang nangyari sa amin?"
Tumingin ako sa lalaking naka-upo. "Hindi mo rin naman sasabihin diba?" Tapos nag shrug ako. "You already said it once that it is something private. Hindi ako chismosang babae."
"But this thing is not a common issue."
Nag shrug ulit ako at ibinalik sa cabinet ang malaking kit. "I don't care. I'm not interested." Sabi ko nalang at lumabas ng kwarto. Nagtungo muna akong kusina at naghugas ng kamay sa lababo.
Bigla nalang pumasok sa isip ko na ang dalawang tao'ng iyon ay hindi lang basta mga ordinryong tao. Hindi nila matatamo iyon ng wala silang ginagawa.
"Thanks for helping us."
Mabilis akong humarap sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "You're weird."
Natawa siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Im exepcting to revcieved a 'You're welcome' from you pero yan ang sinabi mo?"
Napabuntong hininga nalang ako. Yung pakiramdam ko kasi ay parang sinasabi na hindi sila ganon kasama. Hindi ako masyadong nagpapapasok sa bahay ko pero ngayon, sila ang kauna-unahang nakapasok sa kwarto ko.
"Weird ka naman talaga. Instead na sa hospital kayo pumunta, dito pa talaga sa bahay ko?Paano kung wala akong gamit? Hindi naman kasi hospital dito."
"Ikaw nga tong weird. I saw your medical kit. Halos gamit na iyon sa mga gumagawa ng surgery. Bakit meron kang ganon?"
"Now, I'll be the one telling this, Its private." Sabi ko at lumapit sa water dispenser para magsalok ng tubig at uminom.
"But, Im serious. Thank you for not asking more and of course for helping us."
Ito ang kauna-unahang gumawa ako ng ganito nang libre at hindi ako nagdemand ng pera bago gumawa ng actions.
Kagaya parin ba ako ng dati?
Am I still smooth and softly inside?