Chereads / The Hidden Prince (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Rossane's

Lumipas ang maraming oras at halos umaga na. The man slept on the sofa na nasa loob ng kwarto ko. While I slept inside my library dahil may mas malaking couch doon.

Paglabas ko nang library, dali-dali akong pumasok sa kwarto. I sigh in relief when I saw the man na nakahiga sa kama ko na ngayon ay mulat na ang mata.

He groans in pain nang pinilit niyang tumayo. Telling him to rest has no use dahil pagpipilitan niya rin naman na okay siya kahit hindi. A common line.

"Light!" Napatingin ako sa right side ko. Nagising narin yung isang lalaki na nakahiga sa sofa at dali-dalig lumapit sa lalaki. Light daw. "How do you feel?"

"My Lo--" Natigil yung Light when this man infront of him shooked his head. "My Loving... Friend... Where am I?"

Nawirdohan ako at gusto kong matawa sa tawag ni Light sa kanya. It feels gay.

Tinuro ako ng lalaki. "She helped us."

"Oh. Does she know?"

He shooked again his head. Ang tinutukoy siguro nito ay kung bakit sila nakatamo ng ganyan. Napailing ako at hindi na nange-alam sa kanila. Lumapit ako sa Cabinet at naglabas ng shirt doon para sa dalawa tapos binigay ko sa kanila.

"Really? Pati ang mga panlalaking damit meron ka?" Takang tanong niya na hindi ko alam ang pangalan.

"Paano naging panlalaki yan? For your information, it is a uni-sex shirt. Extra lagre lang panlalaki na agad?" Pambabara ko. "I used to wear loose shirt kapag andito ako sa bahay. Mas komportable ako jan. No worries dahil hindi ko pa naman gamit yan." Pagkasabi non ay mabilis akong umalis ng kwarto para makapagbihis sila.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil kahit ako ay nawiwirdohan sa sarili ko.

Why Am I doing this for free?

Naghanda ako ng kape at pagkain para sa kanilang dalawa at tea naman sa akin. Saktong matapos kong magawa yon, nakababa narin sila.

I offered them what I made.

"Thanks." Light said at tumango lang ako.

Napansin ko rin ang accent nilang dalawa. Nagtatagalog nga sila pero minsan hindi diretso at parang native na sila sa english. They must be from a noble family.

Hindi ko nalang pinansin. Nang matapos kaming kumain ay tumayo na sila at parehong humarap sa akin.

"Again, thank you for helping us." Sabi niya at naglabas ng wallet. May nilabas siyang cheke at inilapag yun sa harap ko.

I gulped when I saw that it is worth Million pero ang isip ko ay parang nahihiya.

Bakit ngayon pa ako nahiya?

"I'ts free." Sabi ko at tinalikuran sila.

"Ayokong nagkakaroon ng utang ng loob."

Muli akong humarap at sinalubong ang tingin niya. "Ayaw ko rin pero hindi pera ang kapalit ng ginawa ko. Hindi ko alam kung ano but I'll take it once I name it."

"At sa tingin mo magkikita pa tayo?" He asked while smirking.

"Ipagdasal mo na sana hindi na tayo magkita ulit para naman hindi ko na makuha yung kapalit."

They just laugh. Napailing nalang ako at naramdamang nag-aayos na sila. "Alright. I'm looking forward to it. Aalis na kami."

Tumango lang ako at inihatid sila palabas ng pinto. Medyo nanunuyo parin ang labi ni Light at namumutla pa ang kanyang mukha kaya naman nakaramdam ako ng pag-alala. I shouldn't have feel that.

"We're leaving." Aniya at tumango lang ako. Nang makalayo ang dalawa ay sinara ko ang pinto at bumalik sa kwarto.

The blood stains stinks. Mabilis kong hinila ang bed sheet, pati narin ang punda ng unan ay pinalitan ko saka ako pumasok sa banyo. Nilagyan ko ng tubig ang bath tub ko at detergent saka doon ibinabad ang mga puting tela. Then I went out para palitan ng color gray ang sapin ko at punda ng unan ko.

Palabas na ako ng kwarto when I heard my phone rang. Agad kong sinagot yon.

"Hello?"

"Nakapag handa ka na ba?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Madame Silvia. "Hindi pa. Bakit parang excited ka? Bukas pa naman yon diba?"

I heard her sighed. "Mamayang gabi na tayo aalis. 11 hours and 11 minutes ang byahe papuntang Sweeden. Kung bukas tayo aalis baka madelay pa tayo. I heard, there will be a heavy rain tomorrow."

Napatango-tango lang ako. "Okay. Maghahanda na ako." Pagkasbai ko non ay pinatay ko ang tawag.

Inilabas ko ang malaking maleta ko na nasa lower part ng cabinet at nilagay doon ang mga kakailanganin ko. Nilagay ko rin ang mga gamit na binili ko kahapon sa mall at pagkatapos ay sinarado yon. Naghanda naman ako ng pagbibihisan ko sa kama at pumasok sa banyo para maligo.

I took 30 minutes bago matapos at nagpalit ng faded jeans and gray shirt. Nagsuot ako ng rubber shoes para mamaya ay wala na akong gagawin.

Nang makaharap ako sa harap ng salamin para mag-ayos, naalala ko ang ang mga lalaking yon.

Who are they?

Light ang pangalan ng isa pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng isang lalaki.

Napailing nalang ako saka nagbrowse sa youtube. 3 movies ang natapos kong panoorin at hindi ko napansin ang pagtakbo ng oras. Hapon na pala.

I felt my tummy groaned. Napahimas ako sa tiyan ko nang maramdaman kong gutom na ako. Kaya naman bumaba na muna ako ng kwarto at nagtungong kusina to cook for my food. Kumain ako ng kumain para hindi ako mahilo sa plane. Nang matapos ako, saktong dumating naman si madame Silvia.

"So... Nakahanda na ba ang gamit mo?" She asked and so I nod. "Get it and lets go."

Mas lalo akong nagtaka. Para kasing nagmamadali siya hindi dahil uulan bukas. Napailing nalang ulit ako at kinuha ang maleta sa kwarto saka sumunod sa kanya sa labas. Ipinasok ko ang maleta sa trunk at sumakay na sa backseat katabi ni madame Silvia. May driver naman pala.

"Hindi ba sasama si Mac?" Tanong ko.

"Nauna na siya doon kahapon."

"Bakit parang nagmamadali tayo?"

"The prince was missing."

Namilog ang mata ko sa nalaman ko. "Saan naman pupunta yon? Alam niya na ngang mapanganib ang buhay niya tapos wala pa siya?"

"They believed na tumakas siya. Feeling ko nga nas-suffocate na siya sa palasyo. He always stays on his room alone..."

Nakaramdam ako ng awa sa lalaking yon.

Nakarating kami sa airport at nakaprepared na pala ang plane ticket namin. Sanay akong gumamit ng private plane but now,we will be using a public plane.

While waiting for the plane to get full, may inilabas si Madame Silvia na case at binuksan yon. It is a laptop at may kinakalikot doon. He opens a map at pinindot ang satelite non.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Im trying to track his highness but couldn't find. Kagabi pa ako naghahanap."

Nanlaki ang mga mata ko when I forget something. "Shit!" I cursed in a low voice. "I forgot the picture. Damn!"

"What? Saan mo nailagay?"

"Nasa box nong motor."

"Hayss! Ano ka ba naman." Iritang sabi niya at may tinawagan. "Kindly go to Rossane's house. Pakuha yung envelope sa loob ng box ng motor... Yes.. And don't open it. Ihabol mo."

Hindi pa naman puno yung plane at iilan palang kami kaya naman after 15 minutes ay may dumating na guard.

"Heres your envelope." The guard says. Chineck yun ni Madame Silvia at tumango.

"Thanks." Then the guard left. Pinatong ni Madame Silvia ang envelope sa lap ko. "See it yourself."

Dinampot ko ang envelope at nilabas lang ang kalahati ng picture sa loob. Natawa lang ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Seriously? Likod lang ng lalaking ito with a tribal tattoo. Sa tingin mo makakatulong to?"

"Tatlong pictures ang anjan."

Nilabas ko ulit ang dalawa. There's a little snake tattoo on the back of his ear. Sa isang picture naman ay may nakasulat na A-T-O-M sa bandang gilid ng bewang nito pababa.

Doon sa tatlong picture ay hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

"Im going to talk to his Majesty to have his picture--"

"Nasabi ko narin yan sa Hari but no used."

"Edi aatras ako. Ano ba naman yan. Sila na nga tong nangangailangan tapos sila pa tong demanding na wag ipakita sa akin ang mukha. Kahit sa akin man lang ipakita ang mukha ng prinsipe. Sa tingin niya magagawa ko ang trabaho ko?"

"Rossane. His highness is missing. Hindi mo na siya map-protektahan kasi nga nawawala siya. That picture will help you find him. Kapag nahanap mo edi you're lucky kasi nakita mo na ang mukha niya at iuwi mo siya ng ligtas sa palasyo."

Hindi ako makapaniwalang natatawa sabay iling. Naramdaman ko ang paggalaw ng plane. Natahimik nalang ako at inobserbahang maigi ang mga tattoos na ito.

"Tumakas siya o nawawala talaga siya?

"Both. Tumakas siya kaya ngayon nawawala na siya at hindi namin makita."

Sumandal ako sa kinauupuan ko at pumikit.

Where are you Prince Crawford Atom Moloney?

Related Books

Popular novel hashtag