Same POV ..
Zellyrein's POV
____________________________________
Tumayo kaming dalawa at nagsimulang naglakad papunta sa kanya kanyang classroom. Habang tinatahak ang pathway, panay sulyap ko sa relos ng biglang..
~Tug~
Slam.
Nahulog ang mga notebooks, pens at folders na bitbit niya. Dali dali ko siyang tinulungan upang kunin ang mga yon. Saka ko palang sinulyapan kong kanino niyon galing at inabot sa kanya. Isang malaking lalake ang aking nadatnan.
"I'm sorry." habang binibigay ang mga iyon sa kanya. "Here."
"Naku, beshie okay lang ano. Kasalanan ko din naman." sabay kuha ng gamit niya sakin. "Gem Urbado, ikaw?" Nilahad ang kanyang kamay sa harap ko.
" Zellyrein Pearson." nakipagkamay kami, nakita ko pa siyang natigilan.
" Ze-Zellyrein Per-Pearson?" Kabado niyang tanong. "Naku, ikaw nga! The one and only Zellyrein Pearson." manghang dagdag niya pa. "Gusto sana kitang makausap eh." sabay ngiti sakin. Gustong makausap, at teka bakit gulat na gulat siya?
"Tungkol san?" pormal kong sagot pinipilit na itago ang pagtataka.
"Gusto ko sanang manalo ka at ang partido mo. Alam mo na marami kasing nagbago dito sa M.I.C yung ikaw na ang naging Pres. Plus, mas rumami ang humanga sa akin. Hahaha Joke!" Biro niya pa.
"Pero seryoso, hindi ko kasi gusto si Maechina Fowler eh. Wag kang mag-alala, my vote will be yours." nagthumbs up sa siya at ngumiti.
"Ganon ba? sge, gagawin ko ang makakaya ko." Saka ako ngumiti.
"Alam mo beshie, Ikaw na talaga!" Masayang aniya. " See ya." paalam niya sabay talikod at lumakad na siya papalayo, sinundan ko pa siya ng tingin hanggang hindi ko na siya natanaw.
Si Maechina Fowler, ang running for president sa kabilang partido. Ang mga kasama niya ay hindi ko kilala siguro mga kabarkada niya, hindi niya ako gusto, simula high school hangang kolehiyo at nung nalaman niyang dito ako sa M.I.C mas lalong nag triggered yun. Hindi lumipas ang isang araw na hindi niya ako pinapahiya o gagawan ng kalokohan. Ginawa niyang at risk ang paligid ko at siya ang hazard na laging nakabuntot. Pero ang tanging nagawa ko ay hayaan siya at huwag pansinin katulad ng mga pelikulang nakikita ko, at sa huli sumuko din siya at hinayaan ako. Pero paminsan minsan may napapansin akong nga matang nakamasid sa akin, sa huli tulad ng lagi kong ginagawa hindi ko na lang din pinapansin. Pero wait, hindi pa don natatapos ang kalokohan niya, sa ibang bagay niya na lang din ako kinokontra at ngayon tumakbo rin siya sa M.O upang ipakita sakin na kayang kaya niya ring makipagsabayan at higitan ako.
Well, now you're on.
Di na malayan nasa tapat na pala ako ng classroom at umupo sa aking silya. Maswerte ako dahil bagong dating lang ang Prof. Nagsimula ang unang klase para sa afternoon class namin at syempre nakinig ako, ilang oras na din ang lumipas na tapos na ang lahat ng afternoon classes namin.
Ring~
"Okay class, see all tomorrow." malakas na sabi ng Prof. " Mamaya kailangan lahat ng --" Ano kaya ang pwede kong lutuin mamaya? Gusto ko sana, ako naman ang maghanda para samin. Hm, pakbet, T'nola o Adobo? Ano kaya ang gusto ni Jeannise? tatanongin ko na lang siya mamaya.
"And don't be late." dagdag pa ng Prof. at don pa ako natauhan. Okay, I just miss something but I'm pretty sure hindi naman yon importante. Unti unting lumabas ng classroom ang mga kaklase ko, tulad ng dating gawi, hinintay ko muna silang lumabas bago ako. Paglabas ko ng pinto ang unang bumungad sakin ay ang walang katao taong hallway. "Asan na ba ang mga tao dito?" bulong at nagsimula pumunta sa building ni Jeannise, panay tingin ko sa relos na nasa wrist ko, 4:15 palang usally 5:15 ang labas namin. "Napa-aga ba ang dismissal, Ba't hindi ko man lang namalayan?" nasabi ko habang naka tingin sa pathway. Napatigil ako sa paglakad ng may narinig akong tunog ng guitara at nilingon ko ang paligid pero wala akong makita. Intro yata ng kanta ang tinunogtog niya, maya maya lang nagsimula na siyang kumanta, soft ang boses ng isang lalake!
"Hindi kaya? Impossible hindi siya dito nag-aaral. Tama! hindi siya dito nag-aaral." Napahinto ako na malaman kong ano ang kanyang kinakanta.
~~~~~♪♪♪♪♪♪~~~~~
I'm jealous of the rain
That falls upon your skin
It's closer than my hands have been
I'm jealous of the rain
I'm jealous of the wind
That ripples through your clothes
It's closer than your shadow
Oh, I'm jealous of the wind
'Cause I wished you the best of
All this world could give
And I told you when you left me
There's nothing to forgive
But I always thought you'd
Come back, tell me
All you found was
Heartbreak and misery-
* * *
♪ ♪ ♪
Napasulyap ako sa gilid ng bintana ng room, nakita ko ang isang silhouette. Na paka emotional ng kanta, rinig na rinig ko ang gusto niyang sabihin at ang nakakatawa pa ay naranasan ko rin ang naranasan niya, simula nung pakinggan ko ang kantang ito. Parang pareho kami ng pinagdadaan. Naulila din ba siya o nawalan din ng mahal sa buhay? I remember this song, I listened to it since my parents died and now--
♪ ♪ ♪
It's hard for me to say
I'm jealous of the way
You're happy without me
Oh, you're happy without me.
~~~~~♪♪♪♪♪♪~~~~~
Everything is coming back to me.
Blag~
Nakita ko pa siyang napatigil at nilingon ang bintana, dali dali akong sumandal sa pader at tinakpan ang aking bibig. Bakit naman kasi may upuan dito! Hay patay nako nito, baka isipin niyang stalker ako o di kaya isa sa patay na patay niyang fans. "Sinong nandyan, may tao ba riyan?" Kaswal niyang tanong, at narinig ko na ang yapak niya papalapit sa bintana. No! No! No! Napapikit na lang ako dahil sa inis ng biglang-
Meow~
"Oh! Ikaw lang pala." Napatingin ako sa pinto at nakita ang nakatalikod na lalaki habang hinahamis ang isang kulay abong pusa. Hay, salamat naman, akala niya pusa niyon. Napabuntong-hininga na lang ako at umiwas ng tingin sa kanila at..
"Ay! Karabao!" Napasigaw pako dahil ang lapit ng mukha ni Jeannise sakin, dali daling kong tinakpan ang bibig ko.
"Ze, anong ginagawa mo dito?" Pormal niyang tanong.
"Ano!? Ako dapat ang magtanong nyan sayo." Sarkastitong tanong ko pa. Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Kanina ka pa kaya hinihintay sa gym, nagsisimula na ang event, ikaw na lang ang hinihintay." Saka niya nilayo ang kanyang mukha. "Dalian mo na, may ibang oras, pa naman para-" saka niya nilingon ang lalakeng nasa pinto kanina. "Sa Stalking mo."
Stalking?
Mukha ba akong stalker?!
"Hindi ako stalker." pilit kong pigilan ang inis na nagkukuwala sakin.
"Hindi ba?" May dalang asar na tanong niya. Bahagya niya pang nilagay ang kanyang dalawang kamay sa likod ng bewang niya. "Well, it doesn't look-"
"C'mon, there already waiting, right?"
Nagpanguna na akong lumakad sa kanya, at hindi na pinansin ang kanyang sinabi kanina, di nagtagal kasabay ko na rin siya paglalakad.
"Kung saan saan kita hinanap, pero hindi kita makita. Nagsisimula na ang announcement para sa elections at-"
Taka ko siyang nilingon.
"Hu, announcement?"
"Oo, nandon narin si Maechina at guess what dalawang partido lang ang tatakbo, ikaw at siya. Kaya halika na't bilisin na natin." Hinila niya pa ang kamay ko at dali dali naming tinahak ang daan papuntang gymnasium.
Yun ba ang sinabi ni sir kanina?
Bakit naman kasi hindi ako nakinig.
Nasapo ko na lang din ang sariling noo sa sariling katangahan. Bakit lagi na lang akong late? Akala ko nagbago na ako, akala ko hindi na mauulit ang katangahan ko. Siguro nasa nature ko na talaga to. Hayss.
Narating namin ang gymnasium pero sa likod kami dumaan, napa sulyap pa ako sa mga estudaynteng naiinip na sa kakahintay. Lahat ng estudyante ay narito pati narin ang mga Prof. at staff ng campus. Eh kung nadito lahat, eh sino yung lalaking yun, hindi ba siya student dito? Binalik ko na lang ang atensyon sa paghila ni Jen sa akin papuntang backstage kung san bumungad sakin ang ilang estudyante na tatakbo din sa M.O pati narin ang teamates kong mukhang may malaking problemang kinakaharap.
Anong nangyari dito?
* * *
_________________________________
Song title:
Jealous by labrinth
Thank you for reading this chapter stay tuned for more.