Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 14 - Chapter #13 Wrong move

Chapter 14 - Chapter #13 Wrong move

Zellyrein's POV

"Wait!" sigaw niya sabay habol sakin.

Inis ko siyang tiningnan "ano na naman?"

Bahagya niyang tinuro ang guitara niyang nasa kamay ko. "My guitar?"

"No, it's confiscated" may diin kong sabi.

"What?" bahagya pa siyang natawa.

"For what reason?" kaswal niyang tanong pero nainis ako.

"First, you are interrupting the other students. Second, hindi sila

makapag-concentrate dahil ang ingay ingay nyo and lastly, pwede maging distraction ito sa ibang kaklase nyong gustong matuto." Seryoso kong sabi habang animong nagbibilang sa daliri ko.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, napabuntong-hininga na lang siya sabay tingin sakin. "Alam mo ba kung anong meron don kanina?" tanong niyang hindi ko inaasahan.

Ako naman ngayon ang natahimik,

nangangapa ng sagot, nang walang akong nasabi nagpatuloy siya.

"Obviously hindi" siya na ang sumagot para sakin. "Vacate namin, sinabihan ako ng prof sa magbigay ng maikling presentation, coincidence  marunong akong mag guitara't kumata and the audience....just did their job" ganon kakaswal niya yun sinabi, hindi nagmamayabang.

Napahawak ako sa guitara ng mahigpit.

Ba't ba hindi ako nagtanong?

Pero wala naman akong makitang Prof.  kanina ah.

Akma na sana akong magsasalita pero biglang napatigil.

"He went out for a minute, that's why when you came he's not there." Laking gulat ko siyang tiningnan habang nakakunoot aking noo.

Pano niya na laman na yun ang gusto kong sabihin. Literally pano!

Nasapo ko ang aking noo.

Pero wala na akong magawa panindigan ko na lang to.

"Marami pa rin ang nagreklamo sa hallway kanina, hindi sapat na reason yun para hayaan na lang kayo"  seryoso kong sabi.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na sinabihan lang ako ng Prof?" inis niyang tugon.

"That's not the poi~" hindi ko na natapos ang gustong sabihin ng biglang magsalita siya.

"Then what is?" seryosong aniya.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Still Mr.Ralph~" bigla akong natigilan.

"Don't call me that, only me friend are allowed to" walang reaksyon niyang sabi.

Kasing tigas ng bato ang mukha niya ngayon! Yung totoo, pinaglihi ba siya sa bato?

Hindi ko na lang yun pinansin.

"Still Mr. Raphael" sadyang idiniin ko ang pangalan niya "if  I tolerate this action it will happen again in the future. I'm just considering the opinion of others."

Sadaling na tahimik kaming dalawa, hindi ko alam kong kailangan ko na bang talikuran ang isang to o ano.

"Let's make a deal then" taka ko siyang tiningnan..

Ano daw deal? Seryoso ba siya?

Ba't ang hilig ng mga tao ngayon ng deal?

Hindi ako sumagot at hayaan siyang magpatuloy.

"Let's do it in a game." Kaswala niyang sabi.

"You and me" dagdag pa niya.

Him..me...

Game...

Bigla akong kinabahan, taka ko siyang tiningnan."What game?" hindi makapaniwalang lumbas yun sa bibig ko!

Napasmirked siya dahil pumayag ako sa deal niya "Soccer."

Nagbigay ng mas matinding kilabot sakin ang huli niyang sinabi, Soccer?..

pero bago pa ako lamunin ng pagiisip nagsalita siya agad.

"Just to be fair, you play that right?" animong nangiinsulto niyang tanong. Usong uso kasi ngayon ang Soccer at isa ito sa highlight sports namin sa M.I.C. Wala sa sarili akong tumango.

"Good. Field, tommorow morning 8 a.m sharp, see you there" sabay talikod sakin!

Okay, wrong move!

Sa totoo lang marunong naman ako maglaro nun tinuruan ako ni papa pagkabata, yun nga lang limang taon na ako hindi nakapaglalaro.

Pano na ako nito?

"Ze!" napatigil ako sa pagiisip ng umalingawngaw ang tinig ni Jen. Tiningnan ko siya at muntik ng maluluha.

"Anong nangyari" taka niyang tanong.

"Do you know how to play soccer?" wala paman, pero parang ang laki laki na ng problema ko.

"What? Ba't ako ang tinatanong mo eh ikaw ang may background nun" animong natatawa pang aniya,

pero hindi ko na gawang sabayan.

Buntong-hininga na lang aking nasagot. Hindi ko mapigilang mag-isip na mukhang matatalo na ako sa deal namin kahit hindi pa nagsisimula.

I guess have failed my duty...

"Ano na naman bang sinabi sayo ni Ralph?"

Tiningnan ko siya, pero hindi rin nagtagal napababa ako ng tingin.

"We'll going to play soccer in exchange for his guitar."

"Guitar?"

"I confiscated it, its too noisy" naka ngusong sabi ko.  "Nakaka-abala ng maraming studyante."

"So, wala ka ngang choice Ze kailangan mo ngang gawin. Pag si Ralph ang nagyaya...."

Taka ko siyang nilingon.

"Gagawin niya ang lahat mabalik lang ang guitara niya" dagdag niya.

Ganon ba kaimportante ang guitara niya? Ugghhh..

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Let's go, baka male-late tayo" sabay talikod na sabi ko.

"Teka naman oh, hintay!" sabay takbo ni Jen papalapit sakin.

Hanggang natapos ang araw at naka uwi kami sa bahay yun parin ang nasa isip ko, hindi mawala wala.

"Jen, ilang taon na siyang nalalaro?" litong lito na talaga ako, kung ganon lang kalakas ang loob niyang magyaya sigurado akong bisahang-bisa na ito.

"Hm" animong nag-iisip "kung hindi ako nagkakamali simula pagkabata hanggang nagyon" aniya.

What!? Anong laban ko nun.

Isang hamak na rookie lang ako kung tutuusin  at hindi ko masyadong alam ang rules and regulations sa laro. Oo nga't naglalaro ako pero just for fun lang, libangan lang namin ni papa ito twing summer or even weekends kami naglalaro pagwala siyang trabaho at ako naman ay walang pasok.

Kailangan kong manalo...

Kailangan may magawa ako para sa kapwa kung estudyante.

"Any idea about his strategies at techniques?"

"Nako Ze, walang akong ideya. Oo nga't nakilala ko na siya pagkabata pero hindi ko pa siya nakitang maglaro eh, pasensya na" nalulungkot na sabi niya.

Yun palang ang sinabi niya pero bakit tila nabuhay ang kaba ko? Lakas loob akong tumango kanina pero tila gusto ko nang umurong? Hindi ko naman ikakaila na kahit papano ay may nalalaman din ako, marunong akong mag dribble pero hanggang doon lang ang alam ko. Papano ko matatalo ang naglalaro mula pagkabata hanggang ngayon?

Hindi na ako magaaksaya ng oras kailan ko ng gumawa ng plano kung pano ko maiuwi ang gantimpala.

"Jen, sa labas muna ako matulog kana at huwag na akong hintayin"

"Ano naman ang gagawin mo sa labas?" taka niyang tanong.

"Basta matulog kana't magpahinga alam kong pagod ka" sabay labas sa bakuran. Hindi na siya sumagot at bahagya ko pang narinig ang yapak niya paakyat ng hagdan.

_________________________________

Disclaimer: Hindi ko na po lalagyan ng POV pag kay Zellyrein, pero pag iba lalagyan ko po kung kaninong POV.😉