Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 15 - Chapter #14 GAME ON!

Chapter 15 - Chapter #14 GAME ON!

"Omg! ang gwapo niya."

"Sinabi mo pa."

"Let's go Raphael! Go, go."

"Bagay na bagay sa kanya ang kulay na red!"

Tiliian pa ng ibang nanonood sa kanya. "Oh?" nakita ko pa siyang napa smirked sa mga papuri natatanggap niya habang nakatingin sakin!

Tsk, Feeler.

Kasalukuyan kaming nasa field 8 am na at mamayang 9:30 pa sisimula aming klase. Limang katao ang narito ngayon sa field siya, ako at dalawang keeper at ang referee. Kasama ko si Jen na nasa bleachers at siya naman ay hindi ko kilala ang kasama pero nakita ko na sila dito sa campus.

"Handa ka na bang... matalo?" sabay ngisi ng nakakaloko.

Ang kanyang malalim na boses ang nagpatigil sakin kakaisip, sa katunayan kanina ko pa iniisip kung pano ko siya matatalo, but i have to trust my instinct.

Bahagya pa akong ngumuti "You wish, I won't let you win without a fight" seryoso kong ani.

"That's my girl" bulong niya.

Sandali akong natigilan.

His girl....

Prrt~ (whistle)

Hindi rin nagtagal muli akong natauhan sa tunog mula sa pito ng referee. Nagsimula akong tumakbo papalapit sa bola at ganun din siya. Pero siguro nga na sakin ang swerte kasi ako ang nakakuha ng bola! Dali dali akong tumakbo papunta sa goal kung saan nakabantay ang keeper niya. Hibang na lang siguro ako na isipin na mapapadali ako sa pagpunta doon, kasi bigla siyang sumulpot sa harapan ko! Kaliwa't kanan ko siyang iniwasan pero iba talaga ang loko, sa isang iglap nakuha niya ang bola at naka puntos!

"Go Raphael!"

"Go idol!"

"Raphael for the win!"

malakas na sigawan ng tagahanga niya. "Catch up" sabi niya nang makaharap sakin.

Damn it..

Napamura na lang ako sa isip. Ganon na lang din ang takbo ko ng muling pumito ang referee at tinapon ng keeper ang bola, bahagya pa akong nalagutan ng hininga ng makitang nakuha niya ito! Dali dali akong lumapit sa kanya at ginawa ang lahat upang harangan siya, mahigpit ang bantay niya doon sa bola kaya doon lang din ako nakatingin. Naghihintay ng pagkakataon na maagaw ito.

"I like your fighting spirit, it turns me...on" narinig ko pa siyang natawa ng bahagya, pero hindi ko na lang din siya pinansin at...

Now's my chance!

Mas lumapit ako sa kanya upang mapadali ang pag-agaw ko ng bola at hindi nga ako nagkamali dahil nakuha ko ito! Dali dali akong tumakbo habang sinisipa ng marahan ang bola saking mga paa papalapit sa goal. Muntik na akong kapusan ng hininga ng makita sa peripheral view ko na nasa likod ko na siya!

Pano niya nagawa iyon, ang bilis niyang tumakbo hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at di nagtagal sinipa ko ito ng malakas upang hindi makuha ng keeper.

YES!!

Napangiti na lang din ako ng makita ang gulat niyang mukha ng harapin ko siya.

"That's 1 to 1" sabi ko ng makalapit sa kanya.

Hindi na siya sumagot sa halip pumito na ang referee para simulan ulit ang laro. Dali dali naman akong tumakbo pamunta sa bola, nakuha ko ito ng walang kahirap-hirap binilisan ko pa hangga't maka-abot sa goal, sisipain ko na sana ito ng iharang niya ang sarili sa aking harapan ganun na lang din ang iwas ko at aligagang naghanap ng malulusutan.

Ayun! sa kaliwa ako tumakbo at nung akma na siya hahabol bigal akong huminto at sinipa sa kanan ang bola dahilan upang bumagal ang takbo niya. Hindi na ako nagsayang ng oras at..

"Grabe ang galing din ya ha" hindi makapaniwalang sabi ng iba.

"Go Ze!" rinig ko pang sigaw ni Jen

sinulyapan ko siya at nginitian.

"You have guts, i like that" banat pa niya.

Nakuha na naman niya ang bola ng itapon ito ng keeper, dali dali ko siyang sinundan pero ganon na lang ang gulat kong tumalon siya at inipit sa dalawang paa ang bola at walang kahirap hirap akong nilagpasan, bahagya pang umihip ang marahan na hangin dahil upang tabuyin nito ang ilang hidla ng kanyang buhok.

Nakita ko pa siyang ngumiti ng kaunti ng magtama ang mga mata namin! Mas lalo akong hindi nakagalaw dahil naka puntos na siya! Hindi ko lang man namalayan.

Nakangisi na siyang ng humarap sakin, nagmamalaki. "Now the real fight begins" seryosong aniya.

Real fight?

You must be kidding me!

Pero kahit wala na akong marinig at nauubusan na rin ng hininga nagpatuloy ako tumakbo papalapit sa bola at ganun din siya. Hindi ako susuko isang puntos na lang mananalo na ako. Tumakbo ako ng mabilis, hindi iniinda ang sakit ng katawan at pagod. Kasalukuyang nasa kanya ang bola pero ganun na lang ang taka ko ng bagalan niya ang pagtakbo, hindi ko alam kong ano ang gusto niyang patunayan pero ang dating sakin ay nang-aasar.

"Do you think you can beat me?"

mahinang bulong niya habang tumatakbo.

Gulat ko siyang nilingon "I can't, but I can try..." umiling ako ng umiling. "No I will try" animong tinama pa ang aking sinabi.

"Try it then" bigla siyang huminto pagkasabi ng linyang yun "Go ahead and try" seryosong aniya.

"What do you wanna say?" nauubusan na ako ng pasensya.

"That you'll never... beat me" aniya.

"Game on" sabay agaw ng bola sa kanya. Hindi lang man siya nagulat sa ginawa ko sa halip ay tinanaw muna ako bago humabol. Tumakbo ako ng mabilis unti unti ko ng nararamdaman ang kirot saking mga paa ramdam ko na rin ang butil ng pawis na namumuo saking noo at leeg, kinakapus narin ako ng hininga....

Tug~

"Ze!" Bahagya ko pang narinig si Jen na tinawag aking pangalan pero hindi ko na siya kayang lingunin, ramdam ko na ang panghihina ng sadaling tumama aking katawan sa lupa.

Hindi ko na maigalaw aking buong katawan at unti unti naring nanlalabo aking paningin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sariling habol ang hininga. May narinig pa akong yapak ng paa papalapit sakin at hindi nagtagal hindi ko na maramdaman ang lupa at animong nakalutang lang ako. Ramdam ko pa ang pagaalala niya, ng tumakbo siya ng mabilis animong nagmamadali.

"You'll be alright, just hang on" kaswal niya yung sinabi, pilit itago ang pag-aalala pero nabigo siya.

Sa pitong katagang lumabas sa kanyang bibig, hindi ko alam kong ano ang sasabihin pero ang mas ikinagulat ko ay kung ano na lang ang epekto nun sakin.

* * *