Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 10 - Chapter #9 Surprise

Chapter 10 - Chapter #9 Surprise

Zellyrein's POV

Naghawak kamay kami at sabay sabay na yumuko upang hudyat na tapos na ang aming presentation. Pumunta kaming lahat sa backstage.

"Grade Pres, ang galing mong kumanta." Masayang ani ni Se-ri.

"Kung alam mo lang, patikim pa lang yun." biro ni Jen.

"Talaga!" Mukang napaniwala ni Jen si Se-ri sa biro nito. "Sumali ka kaya sa Just a Voice Pres, siguradong mapapaikot mo lahat ng judges!"dagdag pa ni Se-ri.

"Sumali na dyan si Ze, kaya lang hindi na siya kwalipikado baka daw mapalitan ang coaches kung magpapatuloy siya." Dagdag pa ni Jen habang naka ngiti na nang-aasar.

"Daig mo pa yata ang orihinal na kumanta niyan Pres, pagkarinig ko para akong nasa ibang planeta." Papuri pa ni Marko.

Parang ang O.A naman nitong dalawang to, hindi naman ako ganon kagaling kumanta ah. Pshh.

"Talaga? Ibang planeta? Kaya siguro nasabi mo yan kasi hindi mo gets ang kinanta ni Ze no?" Masasabi mo talagang biro lang ang kanyang sinabi, natatawang luningon si Jen kay Marko pero unti unting nawala ang ngiti nito.

"Oo, hindi ko naintindihan ang kinanta niya" Malungkot na aniya.

"Joke! Ito naman hindi mabiro."

Biglang bawi ni Jen.

"Hindi ko kasi gusto ang biro mo." Nahihiyang bulong ni Marko pero rinig na rinig ko, pilit pinipigilan ni Jen ang tawa dahil sa itsura ni Marko.

"Jeannise, tama na yan college student kana for heaven's sake" seryosong ani ni Anthony  "para kayong pusa't daga" dagdag pa niya. Binalot ng katahimikan ang aming paligid.

Pilit kong ibahin ang usapan "salamat sa inyo, pero teka ba't pala kayo pawisan?" takang tanong ko.

"Nag back-up dancer sila sayo kanina habang kumakanta ka." ani ni Anthony habang nakatingin sakin, tinginan ko rin siya pabalik. Ito na ba ang sinasabi kanina ni Marko na hindi niya kami pababayaan? Talagang sinurpresa nila ako. Buong akala ko si Anthony at ako lang ang magprepresent pero mukhang nagkamali ako.

"Oy~" animong kinikilig na sabi ni Se-ri. "Alam mo Pres, hindi maalis ni Anthony ang mga mata niya sayo kanina." Nabigla ako sa sinabi ni Se-ri.

Dali dali akong nagiwas ng tingin kay Anthony at binaling yun kay Se-ri, ayun naman ang nanunuksong tingin niya. Hindi ko alam ang sasabihin, ni hindi ko rin kayang tingnan si Anthony. Walang nagsalita samin, parepareho siguro kami na malalim ang inisip.

"Tama na yan, mukhang pagod na si Ze, tapos narin naman ang program halina't umuwi na tayo." Si Anthony ang bumasag ng katahimikan samin. Tuningin ako sa relos ko. "Oo nga almost 5:50 narin, halika na Ze uwi na tayo kailangan pa nating maghanda." Si Jen na ang nagsantinig ng gusto kong sabihin. Nagpaalam na din si Marko at Se-ri na uuwi na rin sila.

"Sge bye bye, mauna na ako" sabi ni Se-ri.

"Mauna na rin siguro ako, ingat sa inyo."  sabi ni Marko habang na ka tingin kay Jeannise. Hindi ko na gawang tanawin ang kanilang pag-alis.

Doon lamang ako natauhan at di namalayang lumilipad na pala ang aking isipan.

Nagulat ako ng biglang may kamay na bumungaw saking harapan! Unti unti ko itong nilingon, nakita ko si Anthony may inabot siya saking bottle water.

"Alam kong napagod ka, take this." Kaswal niya sabi. Kinuha ko ang bottle water sa kamay niya.

"Salamat" yun na lang ang nasabi ko.

Nakita ko ba siyang bahagyang ngumiti "Jen, mauuna nako may kailangan pa akong asikasuhin, Ze I'll go ahead." Tumango ako bilang tugon.

"See you" sabay talikod at unti unti na siyang nawala saking paningin.

"Ze, halika magluluto pa tayo dadalhan na lang natin sila bukas." hinawakan ni Jen ang kamay ko ng hindi ako sumagot at dali dali naming nilisan ang lugar na yun, dumiresto kami ng parking lot na nasa gilid lang ng gymnasium, hindi nagtagal naka-abot na kami ng bahay. Pagpasok namin hindi na malayan na tumunog na pala aking sikmura.

"Ze, maligo't magpahinga ka muna ako na lang ang luluto ngayong gabi, tatawagin na lang kita paghanda na" aniya.

Nakakalungkot naman marami pa akong naisip na lututin para ngayong gabi. Hays, pero hindi ko na iyon magagawa dahil sobrang pagod at gutom na ako.

"Salamat, babawi na lang ako sa susunod."

"Tsk sanay na ako dyan, sige na sige na magbihis ka na't makapagluto narin ako" biro pa niya.

"Mm." Tanging naisagot ko na lang dahil sobrang pagod na rin ako magsalita at batid kong alam narin niya yun, kaya siya na lang ang nagluto ngayong gabi. Nagsimula na kong naglakad paakyat sa kwarto at nagbihis. Humiga mula ako sa kama at nagpahinga. Di na malayan naka tulog na pala ako.

Naalimpungatan ako at unti unti kong minulat aking mata at tumingin sa bintana, pawang kadiliman lang aking nakikita, dali dali kong kinuha aking cellphone at tinginan ang oras 1:30 am na! Bakit hindi ako ginising ni Jen? Dali dali akong bumangon at lumabas ng kuwarto, dahan dahan akong bumaba ng hagdan at ang ilaw  na mula sa buwan lang ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. Pumunta ako sa kusina at naghanap ng makakain, ilang minuto lang wala parin akong makita. San ba nilagay si Jen ang mga pagkain? Naubos na ba? Bakit hindi niya ako ginising? Sunod sunod na naitangong ko saking isip, nang wala talaga akong makita handa na akong bumalik sa kuwarto ay biglang nagliwanag ang buong paligid!

"Ze"  Nagulat ako ng marinig ang kanyang bosses, hindi pa ako handang humarap sa kanya. Nakaparami niyang pinagsasabi kanina na hindi ko maintindihan at bago sakin. Pero teka hindi naman siya dito naka tira ah? Guni-guni ko lang ba ito?  Nawawala na ba ako sa aking sarili dahil kulang ako sa tulog?

"Ikaw ba nyan?" Dagdag niya pa. Unti unti ko siyang nilingon.

Hindi nga ako nagkakamali, hindi ko nga ito guni-guni dahil nasa harapan ko ngayon  si Anthony!

* * *