Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 7 - Chapter #6 Final recruit

Chapter 7 - Chapter #6 Final recruit

Zellyrein's POV

__________________________________

May naramdaman akong init sa balikat ko, ini na parang isang palad!

Unti unti kong nilingon kung sino ang may ari ng kamay na yon. Laking gulat ko ng makita ko si Jeannise na sa akin ang tingin. Anong nangyari dito?

"Ze ano ba, kanina pa kita tinatawag hindi mo ba ako narinig? Psh.. tinatanong pa ba yun, hindi mo nga ako nagawang lingonin." Inis niyang bulong pero rinig na rinig ko. "Sorry" paumanhin ko, kasi naman eh, nakichika pa ako, hays.. tumingin siya sakin ng matagal. "Alam kong marami kang iniisip pero pwedeng makisiksik?" nangunot ang noo ko. "May news ako sa iyo." masayang aniya. " Ano yon?"tanging naisagot ko.

" Ano kase-" sinadya niyang putolin ang gusto niya sabihin. "May auditor na tayo!" pasigaw niyang dagdag.

"Ano, sino?" Tinginan ko siyang maigi.

" Si Mark, Marko Faño, classmate ko."

"Ganon ba?" Saka ako ngumiti, hindi na ako hindi na ako tumutol alam ko naman kasi ang taste ni Jen sa pagpili. In short, parehas lang kami ng taste kaya kung sino ang napili niya siguradong hindi basta basta iyon.

"Oo eh, hindi ko na nasabi sayo bago ko siya kunin, malakas kasi ang determination ng isang yun, alam mo yung kahit hindi siya marunong ng wikang ingles at kahit pinagtawanan siya ng Prof. at classmates namin hindi niya pinansin, nakakabilib nga eh, nagpatuloy parin siya. Alam ko na mapili ka pagdating sa ganitong bagay. Gusto mo, lahat ng makuha nating officier ay walang kapintasan lalo na sa pagsunod at pagpatupad ng batas dito sa campus." nahihiyang sabi niya. " Pero promise, magaling tong nakita ko." talagang nagpanatang pa siya. Munting katahimikan ang nangibabaw sa ming dalawa, yumuko siya ng hindi ako nagsalita. "Eh, may magagawa pa ba ako?" nakangiti kong tanong. Biglang nanliwanag ang mukha niya sa tanong ko.

"Salamat Ze! I wouldn't let you down promise." tinaas niya pa ang kanang kamay na parang manunumpa. Hay..itong babae tong talaga. napangiti nalang ako ng wala sa sarili.

"Anong ngiti yan Ze?" dagdag pa  niya.

"Ikaw kasi, mukhang lakas ng tama mo diyan sa lalaking yan eh." planong mangasar ng salitang yon.

" Ano!?" gulat na gulat niya tingin sakin. "Hi-hi-hindi ah! Pa-papa-pano mo na sabi?" pilandilatan niya ako sabay lunok.

"Diyan." turo ko sa kanyang mukha. "Dahil dyan sa mukha mo."

"Mukha? Anong meron sa mukha ko?"

litong tanong niya habag nakaturo ang isang daliri sa kanyang mukha.

"Mukahang Kabado , pero ang pinagtataka ko kung saan nangaling ang kaba mo." saka ako nagpakawala ng nakakalokong ngiti. Sinadya kong idiin ang salitang kabado, kasi wala ng pwedeng madescribe sa kanyang mukha ngayon.

"Hoy!hooy, hooooy!" hinampas niya pa niya ang balikat ko. "Tumigil ka Zellyrein."

Ops, Foul na ba? " Biro lang." sinubukan kong pigilang ang nagkukuwalang tawa sa loob ko.

"Hindi na kasi nakakatawa, Lovelife na kasi ang pinaguusapan natin eh." pasiring siyang nag-iwas ng tingin.

Napatawa pa ako lalo, kahit kailan greenminded talaga ang isang to.

"May lovelife kaba? Sa pagkakaalam ko kasi life lang meron ka." tumingin siya sakin at sabay na kaming natawa.

"hahahaha, Oo nga pala wala akong lovelife, sorry." Sabay peace sign pa.

Sa kalagitnaan ng aming paguusap may biglang..

"Ganda ng mga ngiti nyo ah, anong meron?" naka ngiting tanong niya.

"Ants, ikaw pala." masayang bati ni Jeanninse. Napasulyap ako kay Anthony, pilit na ngiti na lang ang ginawa ko ng tumama ang tingin niya sa akin. Ngumiti din siya at binalik ang tingin kay Jeannise. "Oo, napadaan lang ako papunta sana ako ng classroom, pero nakita ko kayo." tungin ulit siya sakin.

"San punta nyo, Jen?" hindi ko na hinintay nasumagot si Jeannise.

"Cafeteria, gusto mong sumama?" diretsong tanong ko.

"Hmm, pwede ba?"

"Away mo ba?" sinadya kong ibalik sa kanya ang tanong niya, tininginan ko pa si Jeannise bago nagpangunang lumakad papuntang cafeteria. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon, hangang sa nakapasok ako ng pinto at dali dali kong ginala ang aking mata upang maghanap ng mauupuan, saktong may nakita ako sa dikalauyan, umupo ako at sumonod naman silang dalawa.

"Anong gusto mo Ze?" tanong ni Jeannise.

"Pasta, cinnamon bread at pineapple juice, sayo?" tanong ko sa kanya.

"Macaroons and cofee lang, sayo Ants?" tanong niya kay Anthony.

"Hindi ko pa alam." nahihiyang sagot niya. "Ako na lang  ang o-order." tumayo siya at lumakad papuntang counter, sinundan ko pa siya ng tingin.

"Jen, may nabanggit ba sayo si Anthony?"

"Tungkol san?" takang tanong niya.

"Kung tatakbo siya sa M.O."

"Ah, ngayong sinabi mo," napaisip pa siya. " Wala eh, napagsabihan mo na ba siya?"

"Oo." Yung Summer pa.

~Flashback~

Ring-ring~  Ring-ring~

"Hello?" takang sagot niya.

"Antho-" hindi ko na napatos ang sasabihin ko.

"Ze!?" gulat na gulat niyang tanong "I'm sorry, ba't napatawag ka?" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. "Gusto sana kitang gawing Vice president sa M.O ngayong school year, kung okay lang sayo?"

"Talaga? I mean, biglaan naman yata. Ah- ano ba?" Bulong niya sa sarili.

"Don't worry, hindi naman kita minamadali. Please think this through. Sana pagnagkataong tinanong kita about your decision, I hope I can get your answer."

"I understand, makakaasa ka." Bumontong-hininga na lang ako.

"Thank you for your time, see then."

"Okay, salamat."  ( Beep )yung na lang ang sinabi niya at binaba ko na ang linya.

~End of flashback~

Tumingin uli ako sa counter, natanaw ko si Anthony na may bitbit na dalawang tray na puno ng pagkain. Kung pano niya yun dinala ay hindi ko alam. Oo nga pala hindi ako nagbigay ng pera, libre niya ba?

"Wow, gentlemen ah, libre mo ba?" biro ni Jeannise. "Hahaha pwede namang hindi, bayaran mo ako." nakatawang aniya. " Ay, may ganon. Sige wag kang magalala may date kayo ni Ze pagtapos nito." Bulong niya pero rinig ko. Natigilan at tumingin ako kay Jeannise. "Anong sabi mo." seryosong tanong ko. "Wala." Kunwaring tumawa pa siya. "Tara kain na tayo, lalamig na ang mga pagkain oh."sabay turo sa mesa na punong puno ng pinamili ni Anthony, well what do I expect in him. May pasta, cinnamon bread, macaroons, crepe cake, coffee, mochi, pizza at pineapple juice and plain  bottle

water.

"Teka" tumingin ako kay Jeannise. "Pansin ko lang, ba't ang daming pagkain. Wala namang birthday hindi ba? Birthday mo ba Ants?" tiningnan ko rin si Anthony.

" Hindi, October pa birthday ko." kaswal niya tugon.

"October ano?" tanong ni Jeannise.

"3, October 3 birthday ko."

"Talaga? October din kasi ang kay Ze kaso 6." pagmamalaki ni Jeannise.

Hindi naman kailangan ipaalam hindi ba? Napabuntong-hininga na lang ako at nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging tunog ng kubyertos lang ang nangibabaw sa paligid namin, nang biglang binasag ni Jeannise ang katahimikan.

"Anthony, patungkol pala don sa sinabi ni Ze, ano ang desisyon mo?"

tinuon ko na lang ang ang paningin sa pinggan at nakinig. Matagal bago nasagot ni Anthony ang tanong ni Jen.

"Patungkol don, pinagisipisipan ko na rin. Sige sasali ako tatakbo ako bilang Vice Pres. sa M.O." nabigla ako sa sinabi niya kaya tumingin ako sa kanya. Laking gulat kong nakita na sakin na pala ang paningin niya. "Napaisip rin kasi ako, I think it's time for a change. I wanna try being a leader, be a rule model for my fellow students that's why-"

"Why?" may halong panga-asar ni Jeannise.

"Wala." Aniya

"We? Yung totoo, baka may gusto ka lang paringgan? Huwag mo kasi akong pinagloloko Ants. I know you from head to toe." Kaswal na sabi ni Jen.

" Okay, you got me." nahihiya niyang dagdag.

" Ha! I knew it, so what's the catch Anthony Louis?" Sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi. Ano naman ba ang iniisip nitong babaeng to?

Hindi ko na hinintay na makasagot si Anthony, nilahad ko ang kamay ko sa kanyang kandungan at ..

"Welcome to the team, vice."kaswal na sagot ko.

"Salamat, Pres." inabot niya ang kamay ko at nagshake hands kami.

" Gagawin ko ang makaya ko."

"Mm." saka ako ngumiti, nakita ko pa siyang natigila at hindi maalis ang tingin sakin. Meron ba sa mukha ko?

"Hoy!Ants" tinapik ni Jen ang balikat niya  "Liitin  mo naman niyang bunga nga mo. Pwede ng dapuan ng langaw."

Saka ko lang nakitang bukas pala ang bibig niya, binitaw ko ang kamay ko at nagiwas ng tingin. "Kita na lang tayo sa meeting for the elections, kailangan din nating magkaron ng room to room campaign. Includes supplies, financial, do's and don't of being a leader, isasali ko yun sa meeting."

" That's good,  I guess I'll see the two of you there."

"Mm." Tumango ako bilang tugon. Hindi na nga siya sumagot, tumalikod siya at nagsimulang lumakad.

"Tsk-tsk-tsk, lakas talaga ng tama ng taong yun sayo Ze, naubosan ng sasabihin pagkaharap ka." Biro niya pero hindi ko nagawang tumawa o ngumiti lang man. "Ano? Speechless din?" dagdag pa niya. "Wala, halika."sabi ko pa

Tumayo kaming dalawa sa upuan at nagsimulang lumakad papuntang classroom.

Tik tok~ earlier than expected, hu.

* * *