P. S same POV ng last chapter.
Zellyrein's POV
_____________________________________
"Okay class that is for today see you tommorow."
Napaisip tuloy ako, kung bakit hindi na lang ako direktahin ni Se-ri na gusto niyang sumali sa partido ko. Ah, oo nga pala hindi ko na siya pinatapos kanina. Nasapo ko na lang ang aking noo, hindi ko naman kasi alam na ganon pala ang gusto niya sabihin. Actually, mapili talaga ako pagdating sa pagrerecruit, hindi ko kasi gusto na may lumabag sa patakaran, lalong-lalo na sa mga officers, sila nga mismo ang patupad ng patakaran sila pa ang lalabag. How ironic diba?
Pano ako pipili ng karapat dapat kung "No exchange of seats" hindi pa masunod, sa mga utos pa kayang ipapatupad ko? Pero iba ang pakiramdam ko kay Se-ri, feeling ko may kakaiba sa kanya na gusto kong makita, nung nalaman ko na gusto niyang sumali hindi na ako nagdalawang isip pa.
Blag!~~
Natutuliro akong tumingin sa harapan, ng makita ang isang lalaking Prof. hindi ko pa siya nakita noon siguro isa siya sa bago tulad ng sabi ni miss kanina. So pinalitan ang prof sa subjetc na to. Sa unang tingin masasabi kong strict siya, may begote at nakataas ang kilay, mataba siya at naka tuck in ang kanyang white polo sa khaki niyang pants at tie na kasing kulay ng pants niya at may glasses siya. Tiningnan ko siya at unti unti tumingin ang ulo at mata niya sa akin! makikita sa mata niyang galit siya. Eh, anong ginawa ko?
napabuntong-hininga na lang ako sa naisip ko.
"You." he pointed at me with his powerful voice, it gives me chills to hear that.
"Yes sir?" I calmly asked.
"Anong tinutunganga mo dyan, iniisip mo ba kung pano ka makakapasa sa subject ko?" sarkastitong tanong niya.
" Excuse me sir?" takang tanong ko.
Tsk~hanep ang aga-aga ah.
"Your classmates are calling you, 3 times already and you don't even bother to face them. Who do you think you are?" may halong inis sa kanyang tono.
"Po?" litong tanong ko.
Ano bang pinagsasabi nito, may katok yata to eh?
"Ikaw na ang magpapakilala. Dine dely mo ang oras ko." seryoso aniya. "Wala ka bang magawa sa oras mo at dinadamay mo pako?" Saka siya ngumiti ng nakakaloko. "Mahalaga ang oras ko at mapili din ako sa ipapasa ko sa subject ko. Name,age, expectations in my subject and in the teacher."
Hindi na ako nagsalita pa, tumayo ako sa harapan at nag pakilala. "Zellyrein Pearson, 19. I hope in this subject, I will learn things that will help me grow successful one day. I will not assume everything i can understand but doing my best will change that. Hm~" nagkunwari akong nag iisip "the Prof~" sinadya kung putulin ang gusto kong sabihin "~No expectations, being strict and sarcastic is part of their job." saka ako nagpatuloy sa paglakad papunta sa silya ko at umupo.
"Ha! Sa mukha mo hindi ko akalain marunong kang magsalita ng ingles, pero di bale sabi nga nila Don't judge a book by it's cover. Totoo hindi ako naniniwala sa ganyang kasabihan pero, ngayong nakilala kita~" tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. "Akalain mong ikaw ang example. dagdag niya pa, hindi ko na siya pinansin at sa halip bumuntong-hininga na lang ako at nag iwas ng tingin. Ano na lang siya, perfect example? Tsk.
"Sa mga hindi nakikinig dyan kung sino ako." napasulyap ako sa kaniya.
"Ako ang magiging bago niyong Prof. sa subject na ito magiging mahirap ang pumasa, ang kailangan nyo lang gawin ay makinig, participate at makisama sa akin, ako si Mr. Derus. Kalain mo miss Pearson may tama ka? Haha." dagdag niya pa "Oo, strict ako at sarcastic kaya isang paalala lang, maghanda na kayo." saka siya tumingin sa akin at ngumiti. Pagkatapos niya nagpakilala, diniscuss na niya ang kanyang subject, maya-maya pa ang luch break pero, gusto kong na matapos na ang subject niya. Hindi nga ako nag kamali maya maya lang.
Ring~~
Ring~~
Yes!
"See you tomorrow, class dismissed" sabi ng Prof. at lumabas na siya ng classroom. Hindi pa muna ako lumabas, hinintay ko munang maging libre ang pinto bago ako lumabas ng classroom, hindi ako mahilig makisiksik, kaya hinintay ko munang makalabas ang mga kaklase ko bago ako. Hindi pa naman ako tuluyang nakalayo sa room ng may narinig akong bulungan ng mga estudyante. Dalawang babae lang talaga ang rinig na rinig ko dahil malapit sila sa akin, na sa harap ko lang.
"Hala! Grade ang ganda ng tinig niya, ngayon lang ako nakarinig ng boses na napapakilig ako."
" Oo nga, akalain mong may nabubuhay pa lang ganong nilalang. Plus! ang gwapo gwapo niya, akala ko nga si Aladdin na naging tao. Feeling ko makasama talaga siya sa panaginip ko mamaya." Kinikilig na dagdag pa ng isa.
"Pagkarinig ko ng boses niya, buong
umaga hindi na talaga nawala sa isip ko. Kahit kaharap ko ang terror na Prof. nayun kahit sigawan niya pa ako buong araw lang akong naka ngiti."sabi pa ng isa.
" Omg! Same tayo. hahaha teka may litrato ako sa kanya kanina habang kumakanta, tingnan mo." pinakita ang litrato sa cellphone niya "Di ba kahit nakatalikod ang gwapo niya."
"Hm, wala ka sa akin may video ako eh to oh." pinakita ang video sa cellpohone niya "Teka student ba siya dito? gustong gusto kong malaman."
"Ewan ko, pero kung Oo ako ang pinakamasaya sa buong campus. Talaga may video ka?" Namamanghang tanong niya "Patingin hala! Oo nga ano, tara tingnan natin." saday lakad papalayo.
Eh, siya ba yung kumanta kanina?
~Flashback~
Binuksan ni Jeanise ang pinto at nangunang lumabas, tatawagin ko na sana siya kaso lumabas na siya. Dali-dali kong inayos, ang gamit kong papers nilagay ko sa loob ng folders. Sinuot ko kaagad ang backpack ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse, tatawagin ko sana si Jeannise kaso wala na sya sa gilid ng kotse, nilingon ko ang paligid nagbabasakaling makita ko siya, "Asan na ba yun?" inis kong bulong, natigilan ako sa sumunod na nangyari. Isang tugtogan sa labas ng gate ng campus maraming estudyante na nakapalibot kaya hindi mo matukoy kung charity program ba o ano, pero dahil sa tunog ng gitara masasabi mong may jam na mangyayari, hindi ko na yun pinansin at magpapatuloy na sana ako sa paghahanap kay Jeannise nang biglang~
~~~~♪♪♪♪♪♪~~~~
And I don't want the world to see me
'Cause i don't think that they'd understand
And when everything's made to be broken i just. Want you to know who
I am
Yeah~
~~~~♪♪♪♪♪♪~~~~
Taka kong nilingon ang tumpok ng estudyante upang makita sana kung sinong kumakanta, kaso maraming tao ang humaharang. "Sa lahat ng kanta yan pa talaga, ha?" Inis kong bulong "tsk" pinipilit kong na hindi pinansin ang tugtog upang makita ko si Jeannise, pero ang akala kong madali ay mapakahirap pala. "Jeannise san kana ba? Bawal ako malate." nagulat akong nakita si Jeannise kasama ang maraming estudyante at nakikinig siya ng kantang iyo! Lumakad ako palapit sa kanya at..
"Hoy! Halika na, malelate na tayo hindi ba?"
"Ah, Ze! Oo naman nandyan na." natutulirong sabi niya.
Hum~ " Bilisan na kaya natin?" Haha binalik ko sa kanya ang sinabi niya sakin kanina, sabay talikod ko.
Dinig na dinig ko pa ang yapak niya, nagmamadali upang maabutan ako, nakita ko ng peripheral view kong liningon niya ako, pero hindi ko na pinansin yun at tinuon ko na lang ang aking paningin sa dinaraan namin. Hanggang di namalayan nasa gitna na kami ng pathway.
"Ah ,Ze?" sabi niya upang mabasag ang katahimikan namin.
"Oh?" simpleng sagot ko.
"Sabay tayong uuwi mamaya ah?" Nakangiting tanong niya.
Natigilan pa ako. tsk, san naman ako sasakay pauwi eh kayo ang may kotse. Pero minsan kasi kung kailangan talagang mag overtime dito, eh nag je-jeep na lang ako o di kaya tricycle. "Mm~ tatawagan na lang kita kung pauwi na ako." Saka ako ngumiti sa kanya, biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Sge, aasahan ko yan ah." bahagya niyang pang tinapik ang balikat ko. Natawa naman ako minsan niya lang yun ginagawa.
"Oo naman." hindi ko na maiwasang tumingin sa relos ko. "Ah,mauna nako baka malate ako first day pa naman." halatang natigilan siya sa sinabi ko at tumingin sa relos niya, nakita ko pa kung pano nanlaki ang mata niya.
"Sige ako din, hindi pwedeng malate baka masira ang record kong pinakamaaga lagi sa klase hehe." biro niya.
Nagbibiro ka narin ngayon ah? Iba talaga ang dulot ng first day sa isang to. Hum~ " Syempre ikaw pa, dagdag awards din yan" haha my turn.
Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. " Hoy! Ano tingin mo sa akin ha? Kayamanan ang awards? Pinandilatan niya ako.
Siya ang nagsimula, tapos kapag nakisabay ka hindi pwede? Isang to may topak din eh."Biro lang~" nasabi ko na lang sa kanya.
"Hay, aalis nako." sabay talikod sa akin. "Tawagan mo ako ha!?" Pahabol niya pa.
"Oo" tanging na isagot ko na lang dahil nagpanguna na siya naglakad sa building niya, tinanaw ko muna siya bago naisipang tumalikod.
~End of flashback~
Sino kaya yun, namamamilos ba siya?
* * *