Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 5 - Chapter #4 Fourth recruit

Chapter 5 - Chapter #4 Fourth recruit

Zellyrein's POV

"Tawagan mo ako ha!?" Sigaw niya habang nakatalikod.

"Oo." tinanaw ko pa siya bago tuloyang umalis, abala kung pano sasagutin ang daang daang tanong, isang hakbang, isang tanong na bumabara sa puso't isip ko. Maingay ang paligid dahil may naglalaro sa basketball court, P.E siguro ang first subject nila, tilian doon, sigawan dito ang iba naman ay nagche-cheer pa sa idol nila. Pero hindi ko na nagawang pakingan ang sinasabi nila, parang may bumabara sa tenga ko upang pigilang pumasok anong salitang binitawan nila. Nagpatuloy ako sa paglakad, parang ako lang ang tao sa pathway, ang hangin na dumapo sa aking balat ay siyang nagbigay ng prisensya na hindi ako nagiisa, na may kasama ako, kasi ngayon nasabi kong solong solo ko mundo pero ang totoo ay hindi. Di namalayan nasa tapat na ako sa pinto ng classroom, tumingala ako upang maghanap ng maupuan, sakto namang kaunti pa lang ang bilang ng mga estudyante kaya libre akong umupo sa pwestong gustong-gusto ko. Aircon ang lahat ng classroom sa M.I.C kaya kahit harap, gitna o kahit sa bandang likuran hindi ka talaga pagpapawisan at siguradong comfortable ka sa upuan mo.

Pumasok ako ng classroom, diretso ako sa mga bakanteng upuan. Hakbang sa kanan, hakbang sa kaliwa, kahit ang sarili kong yapak ay naririnig ko dahil sa mga oras na ito. Ako lang ang naglalakad. "Ennggk~~" (tunog nyan ng upuan wag kang ano) hinila ko ang silya at nilagay ang backpack ko sa likuran at hinila ko ito papalapit sa mesa, merong maliit na drawer sa ilalim ng nito kaya inilagay ko doon ang mga gamit kong folders, papers at iba pa na kailangan ko sa araw to.

Hinayan kung lumapag ang likod ko sa aking upuan, tumingala ako sa bintana at tinanaw ang mga ulap na malayang lumutaw sa himpapawid, unti-unti silang umaalis sa kanilang pwesto, para silang sumasayaw kasabay ng ihip ng hangin na sya ring gumagabay sa kanila. Merong fluffy at hindi, may maliliit at malalaking ulap na kung minsan ay nagkakabanggaan pa. Sana ganyan rin ako gaya ng ulap,  walang dahil upang mapanghinaan at bumagsak. Napabuntong-hininga na lang sa naisip ko. Kanina ko pa napapansin ang mga matang nakamasid sa akin, hindi umaalis ang kanyang tingin sakin simula pagpasok ko, parang pinag-aaralan lahat ng mga kilos at galaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at nilingon ko to upang tingnan kung sino ang tumitingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng makita lahat ng kaklase ko ay naka tingin sakin! Wala pa rito ang ilan dahil may nakikita pa akong bakanteng silya. Taka akong tumingin sa kanila, anong meron? naitanong ko sa isip ko. Maya-maya may lumapit sa aking isang babaeng maganda, maputi, singkit ang mga mata at naka half bun siya, fitted jeans at simpleng polo shirt  with black sneakers. Di namalayan na sa harapan ko na pala siya.

"Hi." nag wave pa siya "Se-ri Pachica, napansin ko lang wala ka bang kasama?" idiniin talaga ang kasama ha.

I just gave her a what are you talking about look .

"Uh, sorry natanong  ko lang, kasi naman eh."  sabay turo niya sa likuran at nilingon ko ito pero gulat ako ng makitang walang katao-tao, dali dali akong tumingin sa harap ko pero wala rin tao. Hindi ko na napigilan ang aking  sariling sumulyap ako ang mga kaklase ko. Hala! May sumpa ba ang row na to, ba't ako lang ang nandito? Lahat kasi sila ay sa opposite side ko at ako lang ang nandito sa row na ito. Alam kong napahiya na ako. Hindi na pwedeng madagdagan pa, eh kaso nandito na itong Se-ri na to, anong gagawin ko? Ah, bahala na.

"Zellyrein, Ayos ka lang?" Bumalik ako sa wisyo, tumingin ako sa kanya at-

That take me of guard. How can I be okay, napahiya na ako! "No." pormal kong sagot. "I have a friend, but she's not my classmate."

Hindi ko na nagawang sagutan ang ikawalang tanong niya I have to act calm, calm down Ze .

"Ganon ba." napapahiyang sabi niya "I mean that's good, but can I--"

I cut her off. "Of course, I'm a men not an island." Tumingin ako sa kanyang mata "If  you don't need anything you can go, I'll stay here, thank you" saka ako nagiwas ng tingin.

" Kung kailangan mo ng kasama narito lang ako, ready to serve you." Naging matunog ang kanyang ngiti habang sinasabi ang linyang yon. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi ko na siya pinansin, binalik ko na lang ang attention ko sa mga ulap.

Hindi ako yung tipong, na dapat lahat ng tao kilala ako at kilala ko, mailang-ilan lang okay na ko, kaya laking gulat ko nung binanggit niya ang pangalan ko. Akalain mong sikat pala ako? Haha. Since high school kasi seatmate ko ay pader, pumupwesto ako malapit sa bintana kung saan makikita ko agad ang mga ulap, dahil sa nangyari 5 years ago itong  mga bagay na ito lang ang  nagbibigay ginhawa sa loob ko at kahit panandalian lang makalimutan ko ang mga problema. Nagitil ang aking pagiisip dahil pumasok na sa loob ang Prof. at nilapag niya ang kanyang gamit sa mesa, sa mga oras na ito puno na ang mga bakanteng upuan kanina at nagsimula na nga ang klase. Every year kasi pinapalitan ang bawat Prof. namin na hindi gaano mahusay sa pagtuturo, yung mahuhusay naman ay naiiwan kaya expected na talaga namin na may bago.

"Good morning class." aniya.

"Good morning miss Nesire." sabay naming natayo at bati sa kanya.

"Okay, sit down everyone." nakangiting sabi niya pa.

Nagsiupo kaming lahat, umayos ako ng upo at tumingin kay miss. Last year Prof. namin siya mabuti dahil nanatili siya dito. Marami akong natutunan sa kanya at masasabi ko talagang magaling siyang magturo, mabait si miss at napakahabang pasensya ang nilalaan niya  sa kanyang mga estudyante, kapag naubusan naman siya ng pasensya pinagsasabihan o di kaya may parusa silang matatanggap, pero kahit ganon walang nag-abuso kay miss, bagay na hinahangaan ko sa kanya.

"As you can see, may ilang prof na pinalitan." Malungkot niyang sabi. Hindi ko naman siya masisisi, naging close rin namin ang ibang prof dati lalo na si miss, nung summer nga pumunta silang lahat sa glan sa Mindanao, doon nila pinalipas ang summer vacation at dahil doon nagkaron sila ng ugnayan sa isa't-isa at ngayon napag-alaman niyang   huling tawa, hirit at huling oras na magkakasama sila. Hindi ko rin na iwasang  maging malungkot, ganon rin kasi ang naranasan ko. "Pero wa'g kayong mag-alala, tulad ng last year gagawin ko parin ang best ko para maturuan kayong maigi at syempre kayo din gagawin nyo ang parte bilang estudyante sa Mendeen International College at huwag iaasa  sa guro, kung mayron man kayong hindi na intindihan lumapit lang kayo sa akin at magtanong, handa akong magturo malinaw ba class?" Nakangiting aniya.

"Yes, miss!" masayang sabi ng lahat, sa pamamagitan ng salitang iyon makakasiguro ka talagang gagawin rin nila ang lahat ng kanilang makakaya.

"Baka aabutan pa ako ng ilang taon dito ah." biro niya at nagtawanan ang buong klase. " Pero masaya akong makakasama ko kayo ulit ngayon. Masaya ang last year natin, syempre dahil iyon sa ating president na si Miss Pearson" gulat akong napatingin kay miss, naka ngiti siya sakin ngayon. "Tatakbo ka bilang president ngayong school year, hindi ba miss Pearson?"

"Yes miss tatakbo po ako."

"Mabuti, aasahan ko yan kung ganon."

Bahagya akong ngumiti " Thank you miss."

"Ito si miss Pachica, may plano rin sanang tumakbo bilang treasurer kaso wala siyang partido, pwede ba siyang sumali sa iyong team?" napaiisip agad ako kaya pala, bulong ko sa sarili at  nilingon ko si Se-ri pero nakayuko siya parang nahihiya. Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya at isa pa hindi pa kompleto ang aking partido next week narin naman, why not, diba? Nagiwas ako ng tingin kay Se-ri at binaling ito sa kay miss.

"Sure, I'll be glad kung sasali siya miss. " saka ako ngumiti nakita ko pa sa peripheral view ko kung paano nanliwanag ang mukha ni Se-ri sa sinabi ko.

"Masaya ako sa naging desisyon mo miss Pearson and I'm sure miss Pachica  would be excited to work with you." nakikita mo talaga ang saya sa mukha niya, di na nagtagal ang paguusap namin at nagsimula na si miss  Nesire sa kanyang klase. Introduction at maikling excercises lang ang pinagawa niya sa amin. Parang di ko nga namalayan ang oras  dahil sobrang libang na libang ako sa subject na to.

Ring~~

Ring~~

Ring~~

"Okay class that's for today, see you tomorrow." saka niya kinuha  isa isa ang kanyang mga gamit at lumabas.

Now, this is going to be exciting.

* * *

___________________________________

Hi everyone I'm so happy na naka abot kayo sa chapter 4 just keep on reading.