Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 4 - Chapter #3 Third recruit

Chapter 4 - Chapter #3 Third recruit

P.s continuos po ito sa last chapter, same POV lang po.

Jeannise's POV

__________________________________

Pagtapos noon, nagtungo na ako sa building at pumasok sa classroom namin. Hay, salamat hindi pa ako late.

Muntik nakong matipalok kanina. So dahil hindi ako late, tulad ng nakasanayan mga dalawa o tatlong estudyante palang ang naron, tumingin ako sa relos ko 8:01am! "Ha!? One minute akong late?" di  namalayan sumigaw na pala ako, "Sorry- Sorry" nagpasensya ako sa mga kaklase ko. Siguro dahil first day medyo nalito pa ang ibang estudyante kung san ang kanilang classroom kaya kami-kami lang ang nandito ngayon, 8:00am usually start ng klase at 8:20 nakumpleto ang lahat, umupo na kami sa choosen seats namin. May ilang nagbabalita patungkol sa kanilang summer vacation, yung iba naman ay nakikinig na lang ng music kasi may earphones sa kanilang tenga. Maya-maya lang dumating na rin ang Prof. sa first subjetc namin, hindi na nga nag-aksaya ng oras ang Prof. nilapag niya agad ang gamit niyang marker at ilang ballpen may indexcard, libro at eraser. Kinuha niya ang kanyang marker at  nagsimulang magsulat ng kanyang pangalan sa white board.

"Derus?" bulong ng isang estudyante.

"Yes! any problem with that sir?"  tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, tinaasan niya ito ng kilay. "Anyway, I'm Sir Derus" diniin niya talaga ang apelyido niya. "And you are?"

"Faño po sir," nakayukong sagot niya.

"Ah, Faño? kaano- ano mo si Mrs. Faño?

"Mama ko po sir."

"Mama?" sarkastikong  tanong niya pa, nag-iwas ng tingin at mukhang nagiisip."Well, ngayong sinabi mo na, magkamukha nga kayo." Binalik ang nanghuhusga niyang tingin sa amin."Tutal nakilala na kita sa pangalan,why don't we start  introducing yourselves, right?" Ikaw? sabay turo sa kay Faño. "Name, Age, Expectations in this subject and the teacher." nag-angat ng tingin si Faño sa Prof. at bahagyang itinuro ang sarili ng may pag-aalinlangan. "Ako po sir?" takang tanong nya. "Sino pa ba? diba sayo ko itinuro ang daliri ko?Alangan naman dyan sa katabi mo?" masungit na sinabi ng Prof. kay Faño. "First day na first  day, san na ba umabot ang isip mo?" inis na tanong  niya pa sabay tawa ng mga kaklase, maliban sakin I just don't think it's funny.

"Ah," natutulirong tumayo."Yes sir, of course."

"Hindi lahat ng oras ko sa iyo Mr. Faño, hindi ako hilig mag aksaya ng aking oras, hanggat maaari ilalaan ko iyon sa mahalagang bagay." idiniin pa nya ang "mahalagang."

"Yes sir, dali-dali siyang pumunta sa unahan at nagpakilala. "Hello everyone, Go--good morning,"  nahihiyang sabi niya pa."I'm Marko Faño, 20. Hope I learned more than last year about bacteria and viruses, magiging challenging ngayong year, narrow and intimate chance to impre-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil umepal na ang Prof. "HA! Akalain mo nga naman, matututunan mo pa lang, bakit past tense kana? Siguro hindi lang about micro-organisms ang dapat mong matutunan ngayong year, pati narin ang grammar and right usage of past, present, future tenses.

Grammar mo kasi hindi acceptable eh." sarkastikong dagdag niya pa. Hindi na mapigilan ang bungis-ngisan ng mga estudyante ang iba'y nagtatawanan pa.

"Tahimik!!!" Biglang sigaw niya at natigilan "Sunod." sunod-sunod na nga  pagpakila, iba dito ay tinatawanan dahil mukhang hindi malaman ang sasabihin, ang iba naman parang maluluha dahil sa mga seryosong tanong ni sir sa kanila, kaunti na lang ako na ang pagpapakilala hindi nga nagtagal, matapos umupo ng nauna sa akin ito na ang hudyat na ako na, kaya huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago pumunta sa harapan.

"Good morning everyone," bigay na bigay kung ngiti, "I'm Jeannise Amora M. Sanchez ,19. I know in this subject I will learn more than expected, just like last year this year will be great, greater, greatest hehehe. Noble and intelligent in doing their jobs. That's the professors here." Saka ako bahagyang tumango at ngumiti babalik na sana ako sa upuan ko nang bigla akong natigilan.

"Ms. Sanchez" tawag ni Prof. kaya lumingon ako.

"Yes sir?" Takang tanong ko.

"Ikaw ang secretary last school year right? Hanggang ngayon parin ba?"

"Yes sir, bakit po?"

"Starting today, start gathering the names of your officers, after class mayron tayong event, next week elections so-- don't be late  just like last year." May authority niyang sabi.

"Yes sir, Ze and I have talked about that."

" Ze? si Zellyrein." tumango ako upang magsilbing sagot, "That's good tatakbo parin ba siya?"

"Yes sir" maikling sagot ko, last year kasi na delay ang elections dahil sobrang tight ng schedule ni Ze, iniba tuloy ang schedule ng room to room namin at isa pa, hindi pa gaano kompleto ang list of officers namin kaya ayun na delay. "Mabuti huge improvement ang ginawa ni Zellyrein dito sa campus, malaki ang naging pagbabago kahanga-hanga" makikita sa kanyang expression ang pagkamangha.

Ring~~

Ring~~

Ring~~

Napangiti na lang ako sa sinabi ni sir, hindi ko na rin nagawang magsalita nang biglang nag ring~ ang bell sa next subject, tinapik na lang ni sir ang balikat ko bilang hudyat na aalis na siya, ngumiti ako bilang sagot. Katulad kanina ang ginawa ng sumunod. Name, Age at expectations sa prof. hanggang sa huling subject bago mag luchtime, puro pakilala lang.

Ring~~

Dali-dali akong lumapit sa bandang likuran ng makita ko ang gusto kong makausap kanina pa,  isa siya sa hindi mawala sa isip ko habang sinasabihan ako ng Prof., pero bago pa man siyang tuluyang makalayo...

"Marko!" natigilan ako hindi ko pa dapat siya tinatawag na ganon hindi pa kami close. "Ah, Mr. Faño!"  sigaw ko, dahilan upang pagtinginan ako ng mga estudyante, pero wala na akong pakialam. Napalingon siya sa akin na puno ng pagtataka at hiya sa kanyang mukha. Lumakad ako papalapit sa kanya, makikita ko mula dito ang gulat sa kanyang mukha, dahil siguro hindi niya inaasahan na ako ang tatawag sa kanya. "Ah, Miss Sanchez?"  Mas lumapit ako sa kanya, tamang lapit lang upang magkausap kami na hindi maririnig ng iba. "Ms. Sanchez, ano yon? nahihiyang tanong niya pa.

"Gusto sana kitang isali sa list of official namin sa upcoming elections, if okay lang sayo?" masayang ani ko.

"Ako?" tinuro niya ang kanyang sarili, "Talaga bang ako?" Nangunot ang kanyang noo.

" Oo, ikaw" sabay ngiti ko.

"Bakit? hindi mo ba narinig ang sabi ni sir kanina na hindi ako marunong ng  english? wala sa dugo ko yun, paano tatakbo bilang official ng M.G.O ang isang tulad ko?" umiling siya  "Pagtatawanan  lang nila ako," sabay yuko nya.

"Diyan ka nagkakamali." Tumingin siya sa akin na parang may nagliwanag sa kanyang mga mata, now inspirational Jeannise activated. "Hindi lahat ng matatalino tapat sa kanilang trabaho Marko, hindi porque hindi ka marunong mag salita ng wikang ingles wala kanang kakayahan, hindi mo na ba pwedeng matutunan? Hindi dyan nababase ang katayuan ng buhay. Kaya pinili kita dahil nakikita ko sa iyo ang katangian na hinahanap ko bilang isang leader. Alam mo ba kung ano yon?" tanong ko sa kanya. "Ano?"aniya. "Determination, yun ang meron ka, kahit hindi ka gaano karunong mag english ginawa mo parin, nagpakilala ka at ang mas nakakatawa, nakuha ko ang punto mo doon. Gusto kong sumali ka sa partido namin hindi bilang Marko na mahina sa grammar kundi bilang Marko na handang subukan ang isang bagay kahit magkamali man ay patuloy parin." Ngumiti ako sa kanya, tumingin din siya sa akin at walang salitang lumabas sa kanya. "So-- what do you say? Will you join us?" umaasang tanong ko.

Huminga siya ng malalim, lumunok ng isang beses bago muling tumingin sa akin.

"Wow, pano ba yan, kailangan ba english kung magpapakilala na sa kanila?" biro niya .

"Hehe, loko." Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. "Welcome to the team, Marko" ngumiti ako sa kanya, nagkamay kami at saka siya ngumiti.

"Salamat, sige mauna na ako sayo Ms. Sanchez"

"ehehe" bahagya akong natawa at ngayon ko lang din napansin Ms. Sanchez pala ang tawag niya sakin.

"Jeannise, you can call me Jeannise."

"Ah, Jeannise-" bigla niyang binitin ang gustong sabihin "Bagay sayo."  Doon ko lang namalayan kakabitaw lang ng kamay namin, haaayy~ tagal din ha, di bale gumawa ka ng excuse ngayon na! Pero ano daw, bagay sa akin ang pangalan ko?

"Sige Marko mauna na din ako I'll inform you sa susunod na meeting natin as a group, I'm sure nandoon rin si Pres. pero wag kang mag-alala mabait yun."

"Mark, mark nalang."

"Okay, I'll inform you Mark." tatalikod na sana ako kaso napatigil ako.

"Salamat pala kanina, ikaw lang ang nakakagawa nun sa akin kaya--"

Hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin niya. "Don't mention it ,see you around." Tumalikod na nga ako at nagsimulang maglakad papuntang building ni Ze.

Sorry Ze, promise sasabihin ko agad sayo.

* * *