Chereads / Batas ko, sunod mo / Chapter 3 - Chapter #2 First day

Chapter 3 - Chapter #2 First day

Jeannise's POV

"Hoy! Ze"nakita ko pa siyang nataranta, haha you should see the look on her face pero naagaw talaga ng pansin ko ay ang ngiti niya, ang weird kasi ng smile niya hindi mo maintindihan kung masaya ba o ano. "Ano ngiti-ngiti mo dyan? Bilisan na kaya natin?" Sarkastikong tanong ko kay Ze.

Hindi na siya nag salita at umuna nang lumabas ng dinning area, kinuha ang backpack niya at lumabas na ng bahay. Aba! hindi lang man marunong magligpit tong si Ze, binilisan ko na lang ang pagligpit ng pinagkainan namin, kinuha ang gamit ko at paglabas, saktong papunta palang si ze sa kotse at tinanaw ko ang kanyang kabuuan, naka denim pants, polong long sleeves na puti at naka white sneakers with matching ponytail at naka backpack, wala siyang make-up at hindi siya mahilig dito, macoconsider ko na nga minsan na allergy niya ang pagmamake-up kasi kahit lipstick hindi pwede, pero kahit ganon mahamis ang kanyang balat at kayumanggi rin siya, mapungay ang kanyang mga mata at may mapula pulang labi. Sa unang tingin ay parang ordinaryong mukha lang ang mayron siya pero kapag tinitigan mo siyang maigi dito mo pa mapapansin ang tunay niyang ganda na hindi mo pa nakikita sa ibang babae, parang mayrong kakaiba sa kaniya na siyang kaibahan niya sa iba. Sa tagal tagal naming  naging magkaibigan di hamak lahat ng to ay napapansin ko na. Nakasakay na siya sa kotse at hinihintay na nila ako nagbuntong-hininga na lang ako at nagsimulang lumakad papunta sa kanila, binuksan ko ang pinto at naupo sa tabi ni Ze. Tiningnan ko siya pero sa labas ng bintana ang kanyang presensya, sinara ko ang pinto at nagsenyas sa driver, agad din niya itong nakuha at umandar na ang sasakyan.

"Bago yan ah? Ngayon ko lang nakita"  aniya habang nasa labas parin ang tingin.

"Ah, bigay ni mommy alam mo na special day ngayon eh." Pagmamalaking  sabi ko.

"Bagay sayo, isuot mo madalas ang mga ganyang disenyo." unti-unting tumingin at ngumiti sa akin.

"Thanks."Nakangiting sabi ko pa kahit na madalas ko naman iyon naririnig, iba parin talaga pag galing sa kaibigan mo. Kung hindi mo na tatanungin, naka simple beige dress na mayrong black belt na ring design sa gilid at naka beige 5 inch crisscross sandal at mayrong black purse na tugma sa belt at naka lugay ang aking beachy wave black hair.

Ilang minuto pa ang lumipas, di ko na namalayan na nasa harap na kami ng Mendeen International College (M.I.C), marami rami na rin ang mga estudyanteng nasa labas ng gate at ang iba ay abala sa paghahanap sa kanilang buildings at classrooms. Hindi ko parin mapigilan mamangha, malayo palang ay makikita mo na ang napakalaking gate at mala-palasyon ang design, 10 meters width / 12 meters length mayroong malaking M.I.C logo at name na nakalagay sa gitna ng gate at nahahati ito sa tuwing bubukas ang gate, pagpasok isang napakalaking building ang makikita sa gitna at sa harap nun may makikita kang flag pole, sa kaliwa mayrong path way papunta sa ibang buildings dito sa campus, malaking basketball court sa harapan nito. Sa kanan naman may ibang buildings para sa students at sa bandang dulo mayroong isang malaking room para sa mga lecturers/ professor, marami ring halaman at puno ang naka palibot sa campus, ang iba ay mayrong hugis at porma. May malawak na parking lot at iba pang courts sa bandang likuran, buildings for arts, dancing, singing, painting, acting,musical at syempre library sa ibang parte ng campus.

Pagkababa ko ng kotse may bumungad sa akin sa bandang kanan, ang isang tunog ng gitara. Tumingin ako at nagulat sa dami ng taong nakapalibot, pabilog sila na tila artista ang kaharap nila. May ibang  kumukuha ng litrato at ang iba naman ay nagsisigawan na tila ba'y kinikilig at nagtutulakan, sunod-sunod ang tunog na parang may ritmo, intro siguro ng kanta hindi kasi pamilyar sa akin ang tunog pero masasabi kong maganda.

"Omg! Ang gwapo-gwapo niya"

"Hoy, padaan"

"Grabe! dito kaya siya nagaaral? Sana naman."

"Kuhanan  mo siya dali!"

~~~~♪♪♪♪♪♪~~~~

And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that I'll

ever be

And I don't wanna go home right now

And all i can taste is this moment

And all i can breathe is your life

'Cause sooner or later it's over

I just don't wanna miss you tonight

And i don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken i just want you to know who I am

And you can't fight the tears that ain't coming

Or the moment of truth in your lies

When everything feels like a movie

Yeah you bleed just to know you're alive

And i don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken i just want you to know who I am

Yeah~~~

~~~~♪♪♪♪♪♪~~~~

Napatigil ako sa dapat kong gawin, di namalayan ay humakbang na ako papalapit sa kumpol ng tao at huli na para umatras ako, napabilang na pala ako sa kanila. Napakalamig at napakasarap sa pandinig ang boses ng isang lalake, parang ngayon lang ako naka dinig ng ganitong boses naiiba sa lahat, kapag marinig mo siya parang mapapahinto ka talaga sa ginagawa mo para makinig. Napakahusay niyang magpalit ng tono pataas at swabe naman iyon habang pababa, ganda rin ng pagkatugtog ng gitara klaro ang mga nota na nilalabas nito, masasabi ko lang bagay na bagay ang tugtog sa boses ng lalake.

"Hoy! Halika na malelate na tayo, hindi ba?" Doon lang ako

napabalik sa wisyo

"Ah, Ze! Oo naman, nadyan na."  natutulirong sabi ko

"Bilisin mo na kaya?" sabay  talikod sa akin, Aba! Binalik niya ang sinabi ko sa kanya kanina. Tumakbo na ako papalapit kay Ze upang magkasabay kaming dalawa, nakatingin lang siya sa aming daraan nung nilingon ko siya, mukhang malalim ang iniisip niya. Ilang minuto pa ang nakalipas nasa gitna na kami ng pathway, kung saan sa kaliwa siya sa kanan naman ako.

"Ze?"  Sabi ko para mabasag ang katahimikan sa aming dalawa, tumingin ako sa kanya sabay ngiti.

"Oh?"

Itong babae talaga hindi marunong pahabain ang sinasabi, dapat talaga tinuruan ko na to dati pa eh "Sabay tayong uuwi mamaya ah?"

"Mm~Tatawagan  na lang kita kung pauwi na ako. "

"Sge, aasahan ko yan ah." Bahagya ko siyang tinapik sa balikat.

"Oo naman"  tumingin siya sa relos niya

"Ah , mauna nako baka malate ako first day pa naman."

Natigilan ako at tumingin sa relos ko OMG! "Sge ako din hindi pwedeng malate, baka masira ang record kong pinakamaaga lagi sa klase hehe." biro ko.

Hum~ she gave me a smirk "Syempre  ikaw pa, dagdag awards din yan." at talagang diniin niya ang salitang ikaw.

Nainis ako "Hoy! Ano tingin mo sa akin ha? Kayamanan ang awards?" Pinandilatan ko siya.

"Biro  lang~"

"Hay, sge na aalis na ako." tsaka tumalikod sa kanya. "Tawagan  mo ako ha!?"  Pahabol na sigaw ko habang naka talikod.

"Oo."

Kitams, kahit kailang talaga.

At dito nag uumpisa ang first day namin ni Ze.

* * *

___________________________________

Song/s in the story:

Iris by Goo Goo Dolls

Check it out you guys, TY