Zellyrein's POV
"ZE? ZE!? bumangon ka na dyan! Malelate na tayo," nagulat at napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng sigaw ni Jen, tong babaeng to talaga perfect timing kahit kailan, "Yes nandyan na!" malakas na sigaw ko.
"Ze bilisan mo na ha? Maligo kana din." Narinig ko siyang lumakad palayo, ng hindi ko narinig ang yapak niya, nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo habang nakatutok ang shower sa mukha ko. Until now it haunts me. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagligo. Mabilis akong nagbihis at bumababa na rin pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ,diretso ako sa hapag kainan at may tatlong piraso ng sunny side up, may pineapple juice at bread tabi ng itlog. Kung di dahil sa kanya hindi ako makakain ng ganito, thank you for saving me but I want to be with you too. Bumalik na ako sa wisyo ng muling sumigaw si Jen.
"Breakfast!" tumingin ako sa pinto ng kusina at hinintay siyang makalabas dala-dala ang tatlong pinggan, umupo siya sa harapan at nilapag ang mga ito. Sabay-sabay kaming kumain at ni isa sa amin ay walang nagsalita . Punong puno na naman ang isip ko.
Bakit kailangan mangyari to? bakit?
Natulala ako sa kung saan, hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nangyari ang bagay na ngayon ay pinagsisihan ko, binasag ni Jeannise ang katahimikan sa pagitan namin.
"Hmm, Ze? First day na ngayon, are you ready? Ah, Next week kailangan na ang line-up kung sino ang tatakbo sa M.O, sasali ka?"
I smiled slightly, "Oo naman, bakit naman hindi?" unti unti akong tumingin sa kanya. "Eh , sabi mo noon mahirap mag adjust ng sched mo dahil dito." Nanghihinayang niyang sagot. Nagpakawala ako ng hininga "Huwag kang mag-alala at masasanay rin naman ako." She smiled and that gave me relief.. "Oo nga naman malaki ang pagbabago ng M.I.C simula nung tumuntong ka bilang Pres. mas organize na nga yung mga events eh pati mga student."
Hindi na ako nag salita pa sapagkat pansin ko rin hindi na gaano ka kalat ang mga basura kahit na may taga linis naman, hindi ko inaasa ang iyon sa mga janitor dapat mismo ang mga estudyante ang gumagawa ng kanilang parte. Gumawa na rin ako ng mga campaign, programs at batas na makatutulong sa M.I.C. Summer palang may plano na ako para sa school year, ngayon pa ba ako aatras? Di namalayan naka ngiti na pala ako.
Masisisi nyo ba ako? lahat na nangyari sa buhay ko'y hindi ko ginusto, ni wala nga ako kalaban laban sa mga nangyari at kung papipiliin ako ng kakayahan, pipiliin ko ang may kaugnayan sa oras at kahit papano maibabalik ko ang mga panahon na naging dahilan ng pagtawa, saya at kagalakan ko pero hindi ko na iyon maibabalik pa lalo na ngayon kahit ngumiti lang man hindi ko na magawa, hindi ko na alam ang pakiramdam ng ngiting totoo walang halong lungkot, kaya kahit dito lang gusto kong ako naman ang masusunod.
Just you wait, change is about to come.
* * *