Chapter 11 - 11

ALTNF

11

Ben Cariaga's POV

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng parang commotion sa labas.

Napatingin ako sa phone ko. 8:47 am na. Ano ba 'yan, late na naman ako nagising. May balak pa naman akong pumunta sa bayan ng 8am para mamalengke at grocery.

Bakit nga ba ako na-late ng gising?

Napaisip ako. May napanaginipan ako. Nag-outing daw kami nina Jay, Nico, Mang Tako at Kristal. Si kuya raw ay pasunod na lang. Then, doon daw sa pinuntahan naming beach ay sobrang linaw ng tubig. Gustung-gusto ko na raw maglangoy kaya lang, hindi naman kami pinayagan ni Mang Tako. Lumipat daw kami sa ilog. Duh.

Pagkarating namin sa ilog, malabo ang tubig. At nagulat ako nang bigla akong hinila ni kuya Jay at dinala sa isang madilim, walang tao, tahimik at nakakatakot na parte ng ilog.

Syempre, nagtaka ako at tinanong ko siya kung bakit niya ako dinala doon.

Hindi siya sumagot at sa halip, naghubad siya sa harapan ko. At pilitin ko mang ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa dahil nakatitig lang ako sa maganda niyang katawan.

Hinawakan daw ni kuya Jay ang magkabila kong pisngi, nakatitig siya sa akin, at sabay sabing, "Gusto kitang kainin ngayon."

At unti-unti, inilapit niya ang labi niya sa mga labi ko hanggang sa... magising na ako.

Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko ngayon. Ano ba naman kasing klaseng panaginip 'yon. 'Yun pa talagang napakaimposibleng mangyari. Hay naku.

I sigh. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Pa-diretso na sana ako ng cr nang halos madapa naman ako sa gulat dahil nakita ko si kuya Jay na nagtatago sa may likuran ng pintuan namin.

Si kuya Jay? At ano namang ginagawa niya rito?

Napatingin naman ako sa pintuan. Nakasarado ito. Napahawak ako sa noo ko at napapikit. Shet, nakalimutan kong i-lock kagabi.

Napatingin siya sa akin at medyo napatitig. At ano namang tinitingin-tingin nito?

Agad naman akong napaayos ng tayo.

"A-anong ginagawa mo dito kuya Jay?" Tanong ko sa kanya.

Ngunit sumenyas lang siya na huwag akong maingay. Teka, ano bang meron?

"Ano nga?" Bulong ko.

"Basta. May stalker ako." Sabi naman niya.

I slightly gasped, at medyo lumapit ako sa kanya.

"May mga stalker ka? Kaya ba parang ang ingay sa labas?" Sabi ko at sumilip ako sa may bintana namin.

May mga tao sa labas. tatlong babae, dalawang bekiwaps, isang lalaki. Parang may kinakausap sila at nagkakagulo. Tiningnan ko naman kung sino 'yung kausap nila. Si Nico.

"Sus. Stalker? Mukhang hindi naman ikaw ang kailangan nila eh. Si Nico," I told him.

"Sira. Kaya nga ako nagtago rito para si Nico ang makita nila sa halip na ako. Wag ka na ring maraming tanong, ok lang ba?" Medyo inis niyang sabi.

Umupo ako sa tabi niya.

"Sa dinami-rami ng pwede mong pagtaguan, dito pa talaga sa bahay ko?" Sabi ko sa kanya.

I waited for about 10 seconds bago siya magsalita.

"Just." sabi niya.

"Just?"

"Just because."

Napapikit ako. At saka ako sumigaw, "NANDITO SI KUYA JAY MGA HAMPASLUPAXHXHXH--" nang bigla niyang itakip ang kanan niyang kamay sa bibig ko. I could no longer say anything.

He glared at me. Ramdam ko na rin ang panggigigil niya sa akin.

Napatitig din ako sa mata niya. Malalim, madilim -- ang tempting. Kitang-kita ko ang panga niyang umigting dahil sa galit.

Naalala ko naman ang panaginip ko kanina. Ok, this is awkward.

After a few seconds, I heard a continuous beat. And it's getting louder and louder, and faster.

Napahawak ako sa dibdib ko. Pero hindi sa akin 'yon nanggagaling.

Maya-maya ay nagulat ako nang biglang tanggalin ni kuya Jay ang kamay niya sa labi ko at umiwas siya ng tingin.

"W-wag...wag kang maingay." He said without looking at me. Ang cute niya.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang dibdib. Nagulat naman siya ginawa ko at agad din niya itong tinanggal.

"A-anong ginagawa mo? Are you a pervert?" Sabi niya bigla.

Grabe naman. Pervert talaga agad? Eh siya nga itong pervert as far as I know.

"Nagsalita ang nagbabasa ng hentai magazine." Sabi ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala. May ico-confirm lang sana ako kung sa'yo ba talaga 'yun nanggagaling."

"Ha? A-alin?"

"'Yung heartbeat na narinig ko." Sabi ko.

Medyo natigilan siya. At saka siya muling umiwas ng tingin.

"Fine. Sa akin galing 'yon. Happy?" Sabi niya.

"Inlababo ka na sa akin?"

"Tumigil ka." Sabi niya at saka siya ako tiningnan ng masama. Ang cute niya. Parang dalawa ang personality niya.

Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin.

"Ok."

Sabi ko na lang.

Maya-maya ay naisipan ko na ring tumayo at pumunta sa cr para maghilamos at magmumog.

At pagbalik ko sa sala, wala na si kuya Jay. Sarado rin ang pinto.

I sigh.

Kuya Jay has a witty side. Hindi lang siguro siya sanay ipakita dahil mas sanay siya sa seryosong personality. Marahil sa kadahilanang lumaki siya ng may hatred at pain sa puso. Kaya naiintindihan ko siya.

Mabuting tao si kuya Jay. Nararamdaman ko 'yon. Nagtatago lang siya sa paraang pagsusungit para walang lumapit sa kanya. Para maturn-off sa kanya ang mga tao at para hindi siya kausapin.

Which is hindi naman gumagana sa akin.

He has this side that I am curious. Pero hindi ko na siya pipilitin na ipakita at ipaliwanag sa akin dahil in the first place, hindi naman siya interesado sa akin. Alam ko naman ang turing niya sa akin -- isa lang estranghero. Kahit na gaano ako magpumilit na kausapin niya ako, ramdam ko na nabubuwisit na siya sa akin at iritang-irita na siya sa akin.

Na kahit magpaka-childish at magmukhang tanga ako sa harapan nya, hinding-hindi siya magkakaroon ng iteres sa akin dahil wala naman siyang balak na makilala ako ng lubos.

Then why am I still being like this?

Hindi ko man alam ang lahat ng tungkol kay kuya Jay, alam ko naman na mabuti siyang tao.

At hindi ko rin naman kailangang malaman ang lahat sa kanya dahil wala lang naman ako sa kanya at wala lang din siya sa akin. Dahil hamak na magkapit-bahay lang kami.

I sigh.

Naisipan ko nang mag-almusal para magkaroon ako ng energy. Nagsangag ako ng natirang bahaw kagabi at nagprito ako ng itlog. Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo ako at naghanda para mag-grocery.

Nagdasal muna ako saglit bago umalis.

~*~

Jay Marco Natividad.

"P-pupunta ka rito?" Tanong ko kay Haiah. My 3-year girlfriend. Nag-uusap kami ngayon via Skype.

She's planning on visiting me here.

"Yep! Diyan na rin muna ako habang bakasyon pa." Sabi niya.

My heart skipped a beat. I smiled.

I miss her. Sobra. Matagal na rin simula noong umalis kami ni Nico sa Maynila at gustong-gusto ko na ulit siyang makita. Muntikan pa kaming mag-break dahil sa isang misunderstanding bago kami umalis. But she chased me, and asked me to clear the mess. Oo, siya ang naghabol sa akin.

That's because I saw her with a guy. Nagtatawanan sila. Sabay na kumakain ng ice cream. Tapos nalaman ko na pinsan niya pala 'yon. Nag-insist pa talaga ako na makipag-break, na hindi ko rin naman kaya dahil mahal na mahal ko siya.

"H-hindi ka ba masaya?" Tanong niya at napansin ko namang parang unti-unting nawawala ang ngiti niya.

"No, Haiah. I'm more than happy. I wanna see you here. Gusto kitang yakapin." Sabi ko.

She smiled. "Me too, Marco. Gusto na ulit kitang makasama." Sabi niya.

Ngumiti rin ako.

Napansin kong nakasakay siya sa van kaya naman tinanong ko siya.

"Saan ka pupunta?" I asked.

"Ha? Ahh sa birthday ni Gibs, you know him right? Yung anak ni Kiko at Jennifer. 7th birthday nya ngayon." Sabi niya.

"Really? Sige pasabi happy birthday ha.

Kailan mo pala balak pumunta dito?" I asked her.

"Maybe the day after tomorrow? Sunday ata 'yon."

"Sunday? Ok. I couldn't wait more." sabi ko.

She chuckled. "Ako rin. Hintayin mo ako ah? Pagkarating na pagkarating ko diyan, yayakapin kita nang mahigpit."

"Yakap lang?" Biro ko.

"Yakap muna. Haha,"

I gave her a pout. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Sige na, sige na. Kiss kita." Sabi naman niya.

Ngumiti uli ako. "Exactly what I want to hear." Sabi ko.

She smiled as well, at napansin kong nagbago ang anggulo ng kanyang front cam. "Oh siya Marco. I'll hung up. Pa-lowbatt na rin kasi 'tong laptop ko. Bye Marco.. I love you."

"I-I love y--"

At naputol na ang tawag.

"...ou too."

I smiled. Kahit naman siguro hindi niya narinig, alam niyang mahal ko rin siya

Bumuntong-hininga na lang ako.

Bahagya akong napasilip sa bintana ng aking kwarto. Nakita ko pa si Ben na nag-sign of the cross at saka siya umalis. May pupuntahan siguro siya.

Sana magtagal siya sa pupuntahan niya para hindi na ako atakihin ng anxiety kung kailan uli siya mambubulabog dito sa kwarto ko. Nakaka-trauma eh. Akala mong nakakatuwa pa mga trip niya sa buhay. Hindi niya alam na nakakabwisit na siya.

Maya-maya ay nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Pumasok si Nico.

"Kuya, saan ka ba kasi nagtago kanina? Bakit hindi mo na lang sila kinausap? Ako tuloy napagkaguluhan e." Sabi niya.

"Ok lang 'yan Nico. Paminsan-minsan maki-socialize ka rin. Kailangan mo na ng jowa." Sabi ko naman.

"Ako pa talaga ngayon?"

"Bakit, may jowa ka?"

"W-wala. Pero magkakaroon din ako non. Feeling ko nga malapit na eh. Konting push at deep talks pa," sabi naman niya.

"Aba, gumaganyan ka na ha. Sino yan?" I asked him.

"Sikretong malupet." Sabi niya at lumabas na uli siya ng kwarto.

Napakapilyo talaga nitong kapatid ko kahit kailan.

Konting push at deep talks.

Naalala ko 'yung minsang sinabi ni Ben sa akin. He once told me that he want to have deep talks with me.

Does that mean, may gusto siya sa akin? Bakit gusto niyang mag deep talk kaming dalawa? Ayun siguro ang paraan niya para malaman kong gusto niya ako

I cringe.

Hay naku, Ben. Hulog na hulog ka ba talaga sa akin? Talagang gagawa at gagawa ka ng paraan para mapalapit sa akin ha?

Kung ganoon, I pity you.

Dahil alam ko na ngayon.

Ganoon ba talaga ako ka-gwapo? Ang daming naghahabol sa akin dito. May mga stalker na ako. Sa basketball court ang daming mga babaeng nagchi-cheer sa akin. Tapos nainlab pa sa akin si Ben.

Hay naku. Wala na akong ibang magagawa sa ka-gwapuhan ko kundi umiling na lang.

Muli akong napasilip sa bintana. Napansin kong sarado na ang bahay nila. And I am somehow relieved. Mukhang magiging mapayapa ang araw ko ngayon.

---