Chapter 16 - 16

ALTNF

16

Jay Marco Natividad's POV.

Minahal ko si Haiah. Halos ibigay ko sa kanya lahat noon. I was the happiest when she answered me yes that time.

Ang hindi ko maintindihan, kahit anong bigay ko ng pagmamahal ko, ng pag-aalaga ko, pag-aalala ko sa kanya, kaya pa rin pala niya akong lokohin.

Akala ko mali ako. Akala ko totoo 'yung sinabi niya sa akin dati. Pero hindi. Matagal na pala niya akong niloloko. At ang isa pang hindi ko maintindihan, bakit patuloy niya pa ring ginagawa sa akin 'to? Kung hindi niya ako gusto bakit hindi na lang niya ako pakawalan? Bakit nasa akin pa rin siya? Bakit kailangan niya pa akong lokohin?

Bakit? Ano pang point? Masakit na nga 'yung idea na niloloko niya ako pero 'yung ginagawa niya? Torture.

I loved her because she's worth it. She's worth to be loved. Unang unang pagkikita namin, malungkot siya. She even have shared me her pains, her doubts, her sadness and anxiety. Kaya ko nga siya nagustuhan dahil sa katatagan niya. Kailangan niya ng karamay at ng pagmamahal.

And I cannot believe it. I can't believe na nagawa niya sa akin 'to. Sa matagal na panahon.

"Marco?" Tawag sa akin ni Haiah.

Nandito ako ngayon sa terrace. And she followed me as I ordered.

Nilapitan niya ako at ngumiti siya. "So, what's it that you want to tell me? Importante ba talaga?" Tanong niya.

"Oo, Haiah. Sobrang importante." sabi ko, saglit akong tumigil, "kaya wag ka nang magpaka-inosente. Pakiusap." Sabi ko pa.

Alam kong nabigla siya sa sinabi ko. Para saan pa kung paiikutin ko pa? It's better to get straight to the point.

"H-haiah, pakiusap. Sabihin mo na sa akin ang totoo. Hahayaan kitang ikaw ang unang magsabi sa akin. Please, Haiah. Tell me everything."

"A-ano bang sinasabi mo, Marco? Anong totoo?" She said.

I smiled bitterly. Lalo lang siyang nang-iinis sa ginagawa niya. Akala ko ba, ito ang ipinunta niya rito? Bakit pa niya ako pinaiikot? Damn, I hate this.

"Haiah, sabihin mo na lang. Sabihin mo na ang totoong dahilan ng pagpunta mo dito." I asked her calmly.

"M-marco," napapikit siya saglit, "a-ayoko muna ngayon. Wag muna ngayon Marco." Sabi nya.

"Grabe ka. Grabe ka talaga, Haiah. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa sa akin 'to pero gusto ko pa ring itanong. Minahal mo ba ako? Mahal mo pa rin ba ako hanggang ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Marco..."

"Malamang sa malamang, hindi. Kaya ka nga pumunta rito para hiwalayan ako. Para makipag-break up sa akin, hindi ba? Alam mo, tingin ko mas mabuti sana na una palang na pumunta ka rito, o kahit noong nasa Maynila ka pa -- sinabi mo na kaagad sa akin ang totoong dahilan ng pagpunta mo rito. Hindi 'yung paiikutin mo pa ako. Sasabihin mo sa aking miss mo na ako. Na mahal mo ako. Ang totoo, sisirain mo lang ako. Grabe naman, Haiah. Totoong minahal kita pero ginago mo ako. Ang sakit, sobra." Sabi ko pa.

Napansin kong nagsimula nang tumulo ang luha niya. Noon, ayokong ayoko na nakikita siyang umiiyak. Pero ngayon -- parang gusto ko pa na magsisi siya sa ginawa niya.

"Gawin mo na ngayon. Go on, Haiah. Break up with me. Para pagbalik mo doon sa Maynila, hindi mo na ako iisipin. Hindi ka na makokonsensya. Magagawa mo na ng malaya ang gusto mo kasama ang lalaki mo." I told her.

"Marco, sorry."

"Sige na. Tinatanggap ko ang sorry mo. Ngayon, nakikipaghiwalay ka na 'diba? Gusto mo na maghiwalay na tayong dalawa? Kaya ka pumunta rito." Sabi ko.

Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. Gustuhin ko mang humiwalay sa pagkakayakap niya ay mas lalo lang niya itong hinigpitan.

Napapikit ako. Wala na akong ibang nagawa kundi hayaan na lang siya sa ginagawa niya.

"P-patawad, Marco. Wala man akong ideya kung paano mo nalaman ang lahat ng 'to pero, oo. Inaamin ko. Kaya ako pumunta rito para tapusin na ang lahat. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ko kakayanin na hindi kita makita sa loob ng matagal na panahon. Hindi ko kayang magtiis ng matagal. Kaya gusto ko nang tapusin 'to." Paliwanag niya.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan, Haiah. Hindi mo talaga ako mahal. Alam ko na naman eh. Hindi talaga ako ang mahal mo. Alam kong may iba ka. Huwag mo nang i-rason ang pagpunta ko rito. Dahil kahit anong mangyari, hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi na ako babalik ng Maynila."

"That's why I'm sorry, Marco... I really am. Pero maniwala ka sa akin, minahal kita. At 'yung pagmamahal na binigay ko sa'yo, totoo 'yun. Hindi 'yun peke."

"Alam ko. Kaya nga ako nagpakatanga eh." Sabi ko.

"Si Jayson, yes. I-I'll admit. Hindi ko talaga siya kamag-anak. Boyfriend ko na siya noong time na 'yon. But believe me, I was about to tell you that, hindi lang ako nakahanap ng tiyempo..." she said.

Humiwalay ako sa yakap niya, at hinawakan ko siya sa magkabila niyang braso.

"At ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito, kung kailan durog na ako." I told her then I paused for a moment, "salamat, Haiah. Salamat sa pagsasabi ng totoo. Dahil ngayon, pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng kagaya mo. Hindi na ako magpapadala sa kagaya mong manloloko. Salamat sa pagpunta mo rito, nagawa kong makita kita sa huling pagkakataon."

"Marco.."

"Huli na 'to. Pagkaalis mo rito, 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin. Kakalimutan ko lahat -- ayokong sariwain ang masamang alaala sa pamamagitan ng pagpapakita mo sa akin." Tinanggal ko na ang kamay ko sa balikat niya at tinalikuran ko na siya.

Akmang paalis na ako ng bigla namang may tumawag sa akin.

"Kuya Jay!"

Bahagya akong natigilan at unti-unti akong lumingon sa kabila. Sa harap ng terrace namin.

Nakita ko si Ben mula sa kanilang bintana, nakangiti sa akin, at nakathumbs-up.

"I-I mean, Jay! Congrats!"

Sigaw niya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Medyo naguluhan ako.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na ako.

The moment na makaalis ako ng terrace ay naisip ko na baka na-misunderstood ni Ben ang pag-uusap namin. Siguro akala niya nagkaayos na kami ni Haiah. But no.

I never want to see Haiah anymore. She caused me so much pain, ayoko nang magpakatanga pa.

~*~

"Congrats, ok na kayo ng gf mo. Nagkayakapan na kayo eh," Sabi ni Ben.

Nandito siya sa amin ngayon, sa may bakuran. May dala siyang isang supot na mangga.

"Congratulatory gift ko 'tong mangga, hehe. Nag-effort kami ni Kristal dyan kaya wag na wag mong bubulukin 'yan!" Sabi pa niya.

Kanina, pagkapasok na pagkapasok niya rito sa bakuran -- masasabi ko na kung ano at sino talaga ang gusto kong makita. Ang aayos sa sira-sira kong nararamdaman.

Siya lang naman ang may kakayahan, eh.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya.

Maya-maya ay naupo siya sa harap ko.

"Oh, bakit parang hindi ka masaya?" Tanong niya.

Napangiti naman ako nang bahagya. "Ikaw, masaya ka ba na nagkaayos na kami?"

Natigilan siya at parang may nagbago sa mata niya. May nawala.

"So, totoo pala. Nagkaayos na kayo. Ang galing ko talagang magconclude," sabo nya.

"Ben,"

"Ok, great. Sabi ko naman sa'yo, kausapin mo lang siya. Linawin mo lahat ng misundertandings. See? Gumana 'yung payo ko sa'yo kagabi. Hindi kayo nag-break kagaya nina Kristal. Haha!" He faked a laugh.

"Nag-break kami. Hindi kami nagkaayos. Mas pinili ko ang sarili ko." Sabi ko na siyang nagpatigil sa kanya.

"H-ha?"

"Hindi kami nagkaayos. At hindi na kami magkakaayos kahit kailan. Masaya ka na?" I asked him.

"Kuya Jay..."

"Hindi tayo magkapatid."

"Jay.. k-kung ganon, eh bakit parang ok lang sa'yo? Bakit hindi ka umiyak?"

Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Iyak? Iyak talaga? Nagpapatawa ka ata. Hindi niya deserve na maiyakan sa ginawa niya sa akin."

"Pero kuya Jay, kung nasaktan ka sa ginawa niya dapat umiyak ka. Kasi kung hindi, ibig sabihin, ok lang sa'yo 'yung ginawa niya."

"Ben, hindi ok sa akin ang ginawa niya but that doesn't mean kailangan ko na siyang iyakan. I know how and when to cry. I'll cry if that person deserves my tears. I won't if not." Sabi ko na lang sa kanya.

Oo nasaktan ako. Sobra. Masakit ang maloko. But I just don't feel like crying. But that doesn't really mean na ok lang sa akin ang maloko.

"Asan na pala siya?" Tanong nya.

"Sinong siya?"

"Gf mo."

"Umalis na." Sabi ko.

"Ha?" Tanong niya at bakas sa boses niya ang gulat.

"Umalis na siya. Pinalayas ko na. May pupuntahan naman siya. May boyfriend na yun sa Maynila." Sabi ko.

"HA?!"

I chuckled, "Oo, matagal na niya akong niloloko." I told him.

"Kuya Jay..."

"Hindi tayo magkapatid."

"Jay... Hay nako, kasalanan naman pala niya eh! Si Nico asan?" He asked.

"Wala rin,"

"Nasan?"

"Hinatid si Haiah."

"Sus! Bakit pinahatid mo pa? Matapos kang lokohin? Kaimbyerna naman pala 'yung babaeng 'yon." Sabi niya.

Bahagya naman akong napangiti.

"Ang cute mo." Sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin, saglit lang, at agad niya itong iniwas.

"Sinabi mo pa. Sus. Matagal ko nang alam 'yan, ngayon mo lang nalaman? Palibhasa hindi mo ako ma-appreciate dahil palagi mo akong pinapalayas." Sabi nya.

"Pwede bang gawin mo ulit 'yon?" I asked him.

"Ha? A-alin?"

"Ngumuso ka ulit." Sabi ko. At ginawa nga niya. Muli akong napangiti.

"Ayan, ang cute mo uli."

Pinanliitan niya ako ng mata, "Sinasabi mo ba na cute lang ako kapag nakanguso?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Oo." Sabi ko.

"Sus. Kung makapag-joke 'to parang hindi galing sa break up!"

"Sorry, bumabawi lang. Alam mo, maayos ka naman palang kausap at kabiruan. Ngayon ko lang napansin." Sabi ko sa kanya.

"Kasi nga inuuna mo 'yang kasungitan mo dati."

"Ayoko kasing mapalapit sa'yo." Sabi ko.

"A-ano? Anong sabi mo?" He asked.

"Wala. Ayoko nang ulitin. Basta sa akin, pakiramdam ko malaya na ako ngayon." I told him.

I heaved a sigh, at tumingin ako sa paligid.

"As if namang nakulong ka para makalaya." sabi niya.

"Hindi nga ako nakulong. What I'm saying is that, simula ngayon, magpapakatotoo na ako sa nararamdaman ko." I told him.

"Anong ibig mong sabihin?"

Bumuntong-hininga ako at bahagyang napangiti.

"Love needs truth to be true."

---