ALTNF
13
Jay Marco Natividad's POV
Para hindi ako ma-bother ng mga iniisip ko, inasikaso ko na lang ang girlfriend ko. Tutal ako naman ang sadya niya rito. Nandito siya para sa akin.
"S-so, you like it?" Tanong ko sa kanya.
"Yep, super like!" Nakangiti namang sabi niya.
Ngumiti rin ako. Ipinagluto ko kasi siya ng pasta. 'Yung specialty ko na siya at ako pa lang ang nakakatikim.
"Marco, promise me na ako lang ang ipagluluto mo nito ah," she said.
I shyly smiled, "Ok, promise."
At ipinagpatuloy na niya ang pagkain.
Nakapag-isip isip ako. Bakit nga ba ako mab-bother, kung in the first place wala naman akong pake sa batang 'yon. Ang tanging ambag lang niya sa buhay ko ay ang mangblackmail, mambulabog, mangulit at mang-istorbo.
Hindi ko alam kung anong tunay na motibo niya. Kung makalapit siya sa akin akala mo namang kilalang-kilala niya ako. Bukod kasi sa ayoko sa mga ganoong tao ay naa-anxious ako. Hindi ako halos makatulog sa gabi.
Sinabi niya sa akin na crush niya ako. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o ano pero kung ano man ang naramdaman niya nang makita niya akong may kahalikan, bahala na siya. Kung nasaktan man siya, bahala na rin siya. At least, alam na niya ang limitasyon niya. Para rin hindi na siya mangulit.
I sigh. Mabuti siguro kung ganoon nga ang nangyari. Mapapayapa na ang buhay ko.
"How about 'yung ginataang balinghoy na dala nung bata, tinapon mo na ba talaga? Sayang masarap pa naman siya." Sabi ni Haiah.
Bahagya naman akong napaiwas ng tingin, "A-ahh oo, tinapon ko na. You know, baka binastang luto lang 'yun at sumakit pa ang tiyan mo." Sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman sa binasta. Eh mukhang malinis naman ang pagkakaluto. Ang creamy nga nung gata eh. Tsaka malambot 'yung balinghoy. I think matagal niyang pinakuluan 'yon." Sabi pa niya.
"But still,"
"Ok, ok, fine fine. Nasasayangan lang ako dun sa effort nung bata. But I get it, concern ka lang sa akin." She said then she gave me a smile.
Nang matapos siyang kumain ay iniligpit na niya ang pinagkainan niya at naghugas siya ng kamay.
"Ahm Marco, pwede bang sa kwarto mo na lang ako matulog?" Tanong niya sa akin pagkatapos niyang magligpit.
"H-ha? Ahm,"
"Please?" Pakiusap niya.
Mukha namang may choice ako. Girlfriend ko siya at ang sama-sama ko kung hindi ko siya papayagang makitulog sa kwarto ko.
"Ok, ok. Medyo maliit 'yung bed but I can sleep on the floor." Sabi ko sa kanya.
She gave me a pity look, "aww, ang sweet talaga ng boyfriend ko. Pero hindi mo kailangang gawin 'yun. Magkakasya tayo sa bed mo, ako bahala." Sabi niya.
Muli siyang bumalik sa sala at kinuha niya ang kanyang backpack.
"So, saan ba ang kwarto mo?" She asked.
Saglit akong ngumiti at sinamahan ko na siya sa taas papunta sa aking kwarto. Pagkapasok namin ay namangha naman siya rito.
"Woah, akala ko ba maliit bed mo? Eh parang pang dalawang tao 'yan. And infairness, ang linis ng room mo ah?" Sabi niya.
I just chuckled. "Thanks. Right, ayusin mo muna ang mga gamit mo diyan. Ililigpit ko lang 'yung mga kalat ko sa kusina since nagluto ako. Tsaka padating na rin sina Tito so," sabi ko.
"Ok, Marco. Love you," she said.
I gave him a genuine smile. "Love you too." Sabi ko at isinara ko na ang pinto.
Bumalik ako sa kusina para iligpit ang mga kalat. Pinunasan ko ang lamesa pati ang gilid ng sink. Naghugas na rin ako ng pinggan para siguradong malinis ang kusina pagkarating nina tito.
Inilagay ko na rin sa ref 'yung tirang pasta na niluto ko. Sa lower right corner ay nakita ko ang isang tupperware na may takip. Hinawakan ko ito at nang maramdaman kong malamig na ay kinuha ko na ito. Kumuha rin ako ng isang kutsara at tinanggal ko na ang takip nung mangkok.
Naalala ko 'yung sinabi ni Ben kanina.
---
"Pero siguro mas masarap siya kung hihintayin nyong magwarm tapos palamigin nyo sa ref. Mainit o malamig pwede sya both, 'wag lang yung neutral, haha!"
---
Bahagya akong napailing at ngumiti. Si Ben talaga. Tsk tsk.
Oo na. Nagsinungaling ako kay Haiah. Hindi ko magagawang magtapon ng edible pa na pagkain no. Sa Maynila nga kahit malapit nang mapanis 'yung pagkain kinakain ko pa rin. Ganun kalupit si tita Era. Eto pa kayang bagong luto?
I sigh. Napansin ko rin kasi kanina na enjoy na enjoy si Haiah sa pagkain. Naisip ko, baka maubusan niya ako. Hindi ko pa matikman ang luto ni Ben. Kaya bago pa niya ako maubusan, inagaw ko na sa kanya 'yung tupper at binalaan ko siya na baka sumakit ang tiyan niya. Tsk. Napakatalino ko talagang nilalang kahit kailan.
Tinikman ko na itong niluto ni Ben at, tama siya. Mas masarap kapag malamig. Sobrang creamy at parang yung dila mo yung kinakain ng creaminess. Gusto ko pa sanang lasapin at bagalan ang pagkain kaya lang naalala ko, baka maabutan ako ni Haiah. Kaya binilisan ko na.
Hanggang sa maya-maya ay biglang may pumasok sa bahay.
Si Nico.
"Kuya! Ano 'yan?" Tanong niya at dali-dali siyang lumapit sa akin at tiningnan 'tong kinakain ko.
"Bakit mo inubos?! Akin na lang 'to!" Sabi niya at inagaw niya sa akin ang tupper at kutsarang hawak ko. At dali-dali na niya 'yong inubos.
"Patay gutom ka." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw ang patay gutom. Uubusan mo pa ako. Ayokong palampasin luto ni Ben uy." Sabi naman niya.
Natigilan ako nang mabanggit ang pangalan ni Ben.
"Speaking of *ehem* Ben *ehem*, kumusta siya?" Tanong ko sa kanya.
Nilunok muna ni Nico ang nasa bibig niya at saka siya tumingin sa akin.
Medyo napatingin ako sa tupper. Inubos talaga niya. Ano ba 'yan.
"About that, kuya..." Sabi niya at saglit siyang tumigil.
"B-bakit? Anong nangyari?" Curious kong tanong.
"Si Ben.."
"Ano?" I asked.
"Natatae lang daw siya kaya nagmamadali siya kanina. Haha!" Sabi niya at bigla siyang humagalpak ng tawa.
Muntik na akong mapairap sa sinabi niya. Ayon? Ayun na 'yon? At anong nakakatawa doon?
"Ano bang sinasabi mo?" I asked him. Naguguluhan ako. Nakakainis. Hindi ako nakikipagbiruan.
"Natatae nga lang daw siya! 'To naman, bakit ka ba curious? Eh ano ba kung nagmamadali 'yung tao? As if namang gusto mo siya para macurious ka kung anong naramdaman niya nung nahuli niya kayong naglalaplapan ni ate Haiah," sabi niya.
"A-ano? Gago ka ba? Hindi ako curious. Napatanong lang. Ikaw 'tong over reacting. OA ka. Napaka-OA mo." Iritableng sabi ko sa kanya.
"Ako pa talaga 'tong oa eh ikaw 'tong unang nagtanong. May pa 'sPeAKing oF bEn' ka pang nalalaman. Sus, wag ako kuya." Sabi niya habang umiiling-iling pa.
Umiwas na lang ako ng tingin then I sigh. Kung totoo man na natatae lang si Ben, then fine. Oo na. Inaamin ko. Nawala na 'yung kanina pa bumabagabag sa loob ko.
Isa lang ang ibig sabihin nito. May posibilidad na pumunta na naman siya rito sa bahay bukas para mambulabog. O hindi dahil alam niyang may bisita ako. Hay nako. Nakakainis naman. Akala ko tapos na ang peligro ng buhay ko, hindi pa pala. Maa-anxious na naman ako. Bwiset na buhay 'to.
Nang tuluyan ko nang mailigpit ang kusina ay pumasok na ako sa kwarto ko para doon naman maglinis. Naabutan ko pa si Haiah na nagf-facebook.
Nakakainis. Napangiti na lang ako sa sobrang inis ko.
~*~
Kinabukasan, nagpasama si Haiah na mag-jogging. Kaya naman 4:30 am pa lang ay gising na kami. Kasama namin si Nico.
I also personally think na magandang ideya ang pagj-jogging sa umaga kaya naman sumama na rin ako.
"Yayain kaya natin si Ben?" Nico asked.
"Ben? 'Yun ba yung bata kahapon?" Tanong naman ni Haiah.
Medyo napatawa si Nico.
"Si Ben, bata? Hahaha! Ka-edad ko lang 'yun. Hindi na bata 'yon. Baby face lang." Sabi niya.
And, yeah. He's somehow right. Hindi na bata si Ben.
Eh sa tingin ko bata siya, pake nya ba.
"Wag na. Baka tulog pa 'yon." Sabi ko sa kanila.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng bahay nina Ben at sarado pa ang ilaw nila. Obviously, tulog pa siya. Mamaya pa gising niyan, mga 8. Or 9. O baka 12. Haha.
"So, kaedaran lang pala natin siya? Maybe 2 or 3 years lang tanda natin sa kanya, right?" Sabi sa akin ni Haiah. I just nodded.
"Pero siguro kung nasabihan natin siya kahapon sasama sya." Sabi ni Nico.
"Sorry na, last minute nag-aya. Next time na lang natin siya isama, hehe!" Haiah said.
Nag-umpisa na kaming mag-jogging.
Magandang mag-jogging dito sa probinsya. At kung hindi pa pumunta dito si Haiah, hindi ko pa siguro mararanasan ang mag-jogging dito. Tamad kasi akong gumising ng maaga.
And I must say, it's not that bad. Bukod sa napakaganda ng ambiance, ang lamig pa at ang fresh ng hangin kaya hindi nakakapagod. Samahan mo pa ng magandang tanawin. Sobrang tahimik. Halos tanging mga tunog lamang ng rubber shoes at hininga namin ang maririnig.
"Ang ganda naman dito. Parang fictional." Sabi ni Haiah.
I smiled, "That's why I don't think I made the wrong choice." Sabi ko.
"So, hindi maling choice na iwan mo ako sa Manila?" Tanong ni Haiah.
"N-no Haiah. Napag-usapan na naman natin 'to, diba?"
She genuinely smiled, "Yes, I know. I'm just kidding. Ikaw naman, hehe!" Sabi niya.
At nagpatuloy na kami sa pagj-jogging.
After almost 3 hours ng paglalakbay namin through jogging ay bumalik na rin kami sa bahay.
Muling napadako ang tingin ko sa bahay nina Ben. Tulog pa rin sya dahil sarado pa ang pinto at ilaw nila though maliwanag na.
I sigh. Tama lang 'yan, Ben. Matulog ka na lang buong araw.
Mas maganda 'yan para hindi masira ang araw ko ngayon.
~*~
Alas onse ng umaga at hindi pa rin nagbubukas ng pinto si Ben. I was wondering kung tulog pa rin ba siya hanggang ngayon. Kung nakapag-almusal na ba siya, kung ano na bang ginagawa niya.
Wala eh, hindi ko mapigilang ma-curious.
"Kuya, kung tinutulungan mo kaya si ate Haiah na maglaba. Kalalake mong tao 'di mo tinutulungan girlfriend mo." Sabi sa akin ni Nico.
I made a face, "Fine, fine." Sabi ko at tumayo na ako.
~*~
Lunch time, sabay sabay kaming kumakain nina Nico at Haiah. Nasa gitna kami ng pag-uusap habang kumakain, sinubukan kong sumilip sa bintana at tiningnan ko ang bahay nina Ben. Still, hindi pa rin siya nagbubukas ng pinto.
Nagdilang-anghel nga siguro ako dahil mukhang wala siyang balak gumising ngayon. O gising na siya, ayaw lang niyang lumabas? I don't know.
Right, Jay. Hindi ka na niya guguluhin.
Masaya dapat ako, hindi ba?
I sigh.
By 5pm, habang kinukuha ko ang mga sinampay namin sa labas ay muli akong napatingin sa bakuran nina Ben. Hindi pa rin siya nagbubukas ng pinto, maging ng bintana. O siguro nagbukas na siya, hindi ko lang nakita.
Sa hindi ko malamang kadahilanan, may namuong frustration sa loob-loob ko. Hindi ko alam kung saan galing. Bigla na lang akong nakaramdam ng inis.
Hayaan nyo muna akong lokohin ang sarili ko ngayon.
~*~
"Baka naman gusto lang niyang mapag-isa? Or may pinuntahan?" Sabi ni tita Isabela.
Sinabi ni Nico sa kanila na napapansin naming parang hindi lumalabas ng bahay si Ben. Sa totoo lang, hindi ko na rin maiwasang hindi mag-alala. Malay mo naman kasi may nangyari na talaga sa kanya o ano.
"Hindi po tita eh, palagi hong pumupunta 'yun dito. Oo sarado ang bahay nila kapag wala siya doon. Pero madalas na bukas 'yun kapag nandun siya." Sabi naman ni Nico.
Hindi ako nagsasalita. Tahimik lang ako. Hinahayaan ko lang silang magusap-usap dahil ang dami na namang bumabagabag sa isip ko.
Una. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ba, ito ang gusto ko? Ang hindi magulo? Ang hindi siya makita? Pero bakit ko nararamdaman 'to? Pakiramdam ko frustrated na frustated ako bukod pa sa fact na nag-aalala ako sa kanya.
Just...why the hell this feeling?
"Pupuntahan ko siya," mahinang sabi ko sa kanila.
"I'll check on him. Titingnan ko kung nandun siya o may pinuntahan lang." Sabi ko.
"No, kuya. Ako na. Asikasuhan mo na lang si ate Haiah ng natutulugan. Ako na pupunta kay Ben," sabi naman ni Nico.
"Sa kwarto ko na siya matutulog." I said.
"Pero kuya,"
"Tama Nico, ikaw na lang ang pumunta. Kumustahin mo lang siya." Sabi naman sa kanya ni tito Tako. Hindi na ako nagsalita pa at muli akong napaupo.
Fine. Ang kailangan ko ngayon ay ang kumalma. Masyado akong nadadala ng mga iniisip ko. I am just worried. 'Yun lang.
Kaya naman, naghintay lang ako rito sa sala. Naghintay lang ako ng naghintay hanggang sa makatulog na sina tito. Pati si Haiah ay nakatulog na rin.
Ako, nandito pa rin at naghihintay kay Nico.
Gustung-gusto ko na ring pumunta sa kanila kaya lang walang kagana-gana ang katawan ko. Kung nagtagal siya doon, marahil ay nasa mabuting kalagayan si Ben. Maghihintay na lang ako ng balita mula kay Nico.
I waited for 5 hours.
Allright. I'm just worried.
Tahimik nang dumating si Nico. Tulala siya at mukhang wala sa sarili. Parang pagod na pagod ang itsura niya. Dito nagsimulang magkadugtung-dugtong ang mga gusto kong itanong sa kanya.
Umupo si Nico sa harapan ko at hinintay ko na lamang siyang magsalita. At nang mapakiramdaman ko na wala siyang balak magsalita ay ako na ang naglakas-loob na magtanong.
"Kumusta siya?" I asked.
Hindi siya sumagot. Instead, he gave me a handkerchief.
A blood-stained handkerchief.
---