Tulala pa ako sa harap ng vanity table ko habang ang artist na pinadala ni mommy ay inaayusan na ang mukha at buhok ko.
Nakapikit ako ng maramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Belle, here's your dress. Akala ko ba royal blue ang pinili mo?" Si kuya Dax. "Blue pa naman ang pinili ko para match tayo!"
Dumilat ako at ngumiti sa make up artist. "Ang pangit naman kasi! I don't like blue, kuya."
"Nye nye nye. I don't like blue kuya." He mocked me. "Nakakainis ka. Pa-gold gold ka pa."
"Hey! It's champagne gold, duh!" Umirap ako bago umayos ng upo para maituloy na ng make up artist ang ginagawa niya.
"Parehas lang naman yun, tss." Narinig ko ang yapak nito palabas ng kwarto. "I'll wait you downstairs, sakin ka na sumabay."
Isa't kalahating oras ang nilaan ng artist sa pag aayos sa akin. High ponytail ang ginawa sa buhok ko, habang kulot ang ibabang parte nito. My make up is just light, she just highlight my cheekbones, hindi naman na daw kailangan ng sobrang kapal dahil natural beauty na daw.
Natawa ako. "Binobola mo po ako! Don't worry, I'll give you some tips!" I winked at her.
Tumayo na ako at kinuha ang purse ko sa may kama bago dumeretso pababa. Naabutan ko pa si kuya Dax na nakaupo sa sofa habang nakadekwatro na nanonood ng tv.
"Finally! You're done!" Tumayo na siya at pinatay ang tv. "Let's go?"
"Where's kuya Seve and Kuya John?" I asked him ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat.
"Nauna na. May susunduin daw." Napatango nalang ako, may date sila huh?
"Ikaw? Wala ka bang susunduin?" Napangisi ako ng maalala yung kahalikan niya noong nakaraang araw. Hindi niya ba ininvite yon?
"I didn't invite her." Sagot niya na parang kilala na niya ang tinutukoy ko.
"What? I didn't even say a name! Nor a gender! Defensive ka." Asar ko.
"I know what you're trying to point here, I saw you sa sala nung araw na yon." He rolled his eyes before turning on the engine.
"Wow ha. You saw us na pala, pero nagtuloy tuloy ka lang. Geez." Nagkunwaring nandidiri pa ako.
"Us?" Gulat siyang napabaling ng tingin sa akin.
"Yah! Us, I mean, I'm with ate. You know the helper, yung bago—"
"She saw me?" Napakunot noo ako sa tono ng tanong niya.
"What? Uhm, yes. Kasi, I'm with her nga diba?" I rolled my eyes. Tiningnan ko ang messenger ko ng tumunog ito.
6:45 pm
Ashton Dione:
Hi
Ingat ka.
:Belle Vasquez
Uhm you too, kahit na sa bahay ka lang naman lol
Ashton Dione:
Nasa party ako hahaha
:Belle Vasquez
Oh really? Then take care
I bit my lower lip. Bakit ba ako nangingiti? Wala namang dapat ikangiti, right? Napailing nalang ako bago binalik ang phone sa loob ng purse ko.
"I'm already hungry. Can you please make it faster? We're already late." Napalingon ako sa bintana. Traffic.
"Ang tagal mo kasing ayusan, kung maaga ka lang sana nagising edi sana maaga din tayo naka alis ng bahay, diba?" Umirap siya sakin bago pinaandar ulit ang sasakyan.
"Di ko namalayan oras okay? Sorry na! Tsaka, It's only not my fault 'no, ang tagal din naman dumating nung magaayos sa akin." Nagpatugtog nalang ako sa stereo ni kuya para di naman kami mabored dahil sa traffic.
"Why you're so late?" Si Aster. Nakaupo na sila sa table at may pagkain na rin sa harapan.
"Kapatid mo may birthday tapos late ka?" Tunog disappointed si Yumi. Umiling iling pa ito habang nakatingin sa akin.
"Tagal ako ayusan ng artist! Nalate din ako ng gising kasi hindi ako ginising nila mommy." Umirap ako bago umupo sa tabi ni Aster. "Penge, gutom na 'ko."
"Lapit sa table, girl! Wag tamad." Tumawa si Aster pero nilapit niya parin sa akin ang plato niya.
"Alam mo ba?" Lumingon sa akin si Yumi.
"Hindi pa."
"May pinakilala sa amin si tita, yung mommy mo! Tapos, familiar siya, girl," Nakakunot noo pa siya habang inaalala ang itsura nung lalaki. "Matangkad, maputi, gwapo?"
"Ah oo! Ano nga ulit pangalan non?" Nakisali na rin si Aster sa pagiisip ng itsura o pangalan nung lalaking pinakilala sa kanila kanina.
"Bakit? Type mo, Yumi?" Nakangisi akong nakatingin sa kaniya.
"Hindi! Tangek. Familiar kasi sya, feeling ko kilala mo din siya e!" Nagtataka na ako at nacu-curious kung sino ba ang tinutukoy nila.
"Baka naman dati lang nating kaklase," napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong may tumawag sa akin. "Mommy!"
"Late na kayo ng kuya mo, ah? Nakatulog ka daw?" Lumapit siya sa amin. Binati niya rin sila Yumi at Aster.
"Uh, yes, sorry, my. Nakakaantok kasi, tsaka late din naman na dumating yung artist, so..." I smiled at her.
"It's okay!" She held my hands. "Hiramin ko muna ha?" Paalam niya kila Aster bago ako hinila papunta sa kabilang table kung saan naroon si Daddy kausap ang mga business partners niya.
"Elizabeth!" Isang kasing edaran na babae ni Mommy ang tumayo para makipagbeso. "Is this, Belle? Omo. Ang laki mo na!"
"Uhm, hi po." I awkwardly smiled at her. Iniisip ko pa kung saan ko siya nakita.
"I'm Amanda Funtabella, just call me Tita Amy..." She smiled at me. "Guess you forgot my name!" She laughed, so I just laughed too. Ano bang nakakatawa?
"Belle, she's my bestfriend! You've met her years ago." Mommy smiled at me.
"Oh, hehe. Uhm, sorry po. I forgot na." Napahawak ako sa batok ko.
"You should meet my son! Wait," luminga linga ito.
"Mom..."
Sabay na napalingon kami ni Tita Amy sa lalaking lumapit sakaniya. Nakablack coat ito at bukas ang tatlong butones ng dress shirt niya. His hair was pushed back with wax but some strands of his hair were falling in his forehead. I bit my lower lip as I stared at his dark brown eyes, down to his perfect pointed nose, to his lips and to his jaw! He was so attractive that I almost lose my posture.
Napailing ako. "Belle, this is Ash," Nakatulala lang ako sa lalaking nasa harapan ko. Gulat. "Ash, this is belle."
"Ash... Ashton Dione," He offered me his hand. Napatingin ako roon. Nagisip pa sandali bago ko tinanggap at nakipagkamay.
"Belle," agad akong bumitaw. The side of his lips rose as he looked at me with amused in his eyes.
Fudge. How the hell did his Mom and my Mom know each other?! Alam ko namang maliit lang ang mundo when it comes to business. Pero!
"Finally we've met..." Mahina lang ang pagkakasabi niya roon kaya ako lang ang nakarinig.
I excused myself. Dali dali akong pumasok ng restroom. Nasapo ko ang aking noo, ngayon lang nagsink in iyong pangyayari!
"Holy cow, Isabelle! Nagkita kayo!" Tumili tili ako roon. "Wait, bakit ka kinikilig?!" Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang paginit nito.
Tumawa ako ng marealize na nababaliw na ako. "Gosh. You're crazy, Isabelle!" I pointed my self at the mirror.
Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig kong may nagflush sa isa sa mga cubicle.
"You're right, you are freaking crazy."
Nakahinga ako nang maluwag ng makitang si Aster ang lumabas sa cubicle.
Ngumisi lang ako sakaniya at nilabas ang compact powder ko para magretouch. My cheeks is a bit red as I stared at it. Nailing nalang ako.
"Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Aster.
"Oo naman," nakangisi ako ng ibalik ko ang compact powder ko sa purse. "Guess what?"
"What?"
"You know Ashton Dione? Yung kwinento sayo ni Yumi?" Nakangiti ako sakaniya.
"Oo? Bakit?"
"God, Aster!" Inalog alog ko siya. "Andito! Kakilala ni Mommy, oh my gosh. I don't know what to do!"
"Wait— oh my god! Are you serious? Nagkita na kayo?" Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Oo! His mom introduced me to him! Omg. I guess this is it!" Hinampas hampas ko siya sa sobrang kilig.
"This is it? What?" Hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Jo-jowain ko na!" Humalakhak ako.
"Anak ka ng— ang harot mo talaga!"
"Well," I flipped my hair and winked at her.
Nakangisi ako ng lumabas kami pero agad din naglaho ng makita si Ashton na nakahalukipkip sa labas ng restroom. Napanganga ako ng marealize ang isang bagay.
"Do you think he heard us?" Bulong ko kay Aster na nahinto rin sa paglalakad.
"Siguro, ang lakas ng boses mo e." Ngumiti si Aster kay Ashton ng makalapit kami.
"Hi! You're Aster, right?" My brows furrowed. How did he know Aster's name? Nagkita na ba sila?
"Did you guys meet already?" Nagtataka kong tanong kay Aster.
"No! Wait..." Nagisip siya at nanlalaki ang matang tumingin kay Ashton ulit. "Oh! Ikaw yung pinakilala ni Tita Eli! Oh my, I didn't know! Kaya pala familiar ka..."
Napataas ang isang kilay ko. "Yung sinasabi ni Yumi kanina?"
"Oo! Grabe, ikaw pala yung palaging ka chat nitong si—" siniko ko siya para matigil na sa kakadaldal.
"Ow! Okay! I guess I should go first? Hahanapin ko muna si Yumi." Awkward siyang ngumiti sa amin. Nagulat ako ng kinalas nito ang kamay kong nasa braso niya. "You two should talked! See you around!"
"Ya! Aster!" Tawag ko pero hindi na niya ako nilingon. Dire-diretso ang lakad nito at humalo na sa mga tao.
I left alone with Ashton! Kung kanina sa restroom ay sobrang ingay ko, ngayon ay sobrang tahimik ko! Hindi ko alam ang gagawin ko o sasabihin ko. I did not expect him to meet here! Here in my brother's birthday event!
"Why are you here?" Hindi ko siya tiningnan ng tanungin ko iyon.
"To party?" Bakas sa tono ng boses niya ang tuwa. Napairap ako.
"Why did you not tell me that the party you are talking about, a while ago, is my Kuya Sky's birthday party, huh?"
"I didn't even know na may kapatid na babae si Sky. Akala ko siya na ang bunso." Napaangat na ang tingin ko sakaniya. Is he joking? Malamang ay nasabi na iyon sa kaniya ng Mommy niya 'no!
"You're kidding me." Umiling ako at naglakad na papunta sa table kung nasaan ang mga pagkain.
Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin sa likuran habang namimili ako ng pagkaing gusto ko. Nahirapan pa ako sa pagkuha dahil sa purse ko. Nagulat ako ng bigla iyong hablutin, muntikan pang matapon ang pagkaing nasa plato ko!
"Sorry, I just want to help you." His lips rose up again. As if his looking at something funny.
"Whatever." I rolled my eyes. Nagpatuloy ako sa pagpili ng pagkain, in the end, california maki and some chicken quesadillas ang kinuha ko. Umupo agad ako sa table namin nina Yumi, hindi na ako nagtaka ng umupo si Ash sa tabi ko.
"Ang sungit mo sa personal 'no? Pero sa facebook parang ang bait bait mo." Nakapahalumbaba itong nakatingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin, pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Binaba ko ang kinakain ko at matamang tiningnan siya.
"Will you please stop looking at me? Naco-conscious tuloy ako!" I bit my lower lip. The way he stared at me feeling ko nakikita niya na ang kaluluwa ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong kumirot ito. Napainom ako ng tubig.
"You look so beautiful in person..." Nasamid ako bigla sa sinabi niya. What the hell?
"Hey? Are you okay?" Nataranta niya akong tiningnan.
"T-tissue..." Nauubo kong sabi. Nagmadali naman siyang kumuha at iniabot sa akin. Pinukpok ko pa ang dibdib ko dahil feeling ko nalunod ako sa tubig na ininom ko.
"Okay ka na?" Nagaalala niyang tanong habang hinahagod ang likuran ko.
Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kaniya. "Y-yeah..."
"Hi!" Sabay na napalingon kami kila Yumi na ngiting ngiti habang nakatingin sa amin.
"Hey," Ash greeted them back. Nakakalokong ngiti ang nasa mukha nina Yumi at Aster. Umiling nalang ako.
"Guess you two are having fun, huh?" Bumaba ang tingin ni Aster sa kamay ni Ash na nasa likuran ko, nakapatong nalang ito sa likuran ng upuan ko pero nararamdaman ko parin ang init ng palad nito.
Umirap ako. "Saan kayo galing?" Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang silang dalawa ay umuupo sa kanang bahagi ko.
Tinusok ni Yumi ang tagiliran ko kaya napaigtad ako.
"Ikaw ha! Lumalandi ka," bulong niya bago lumingon kay Ash pabalik sa akin.
"Saan kayo galing?" Ulit ko dahil parang hindi man lang nila narinig ang tanong ko.
"I greeted your kuya. Hinahanap ka niya, hindi pa ba kayo nagkikita?" Si Aster na ang sumagot.
"Not yet," umayos ako ng upo ng may narealize ako. "By the way, this is Yumi and Aster, magpinsan sila."
"Yeah, I know them, Belle. Nagkita na kami kanina." Seryosong sabi ni Ashton.
My mouth formed an 'o'. Okay! Edi sila na naunang makita ka.
"Siya yung sinasabi ko sayo kanina! I told you familiar siya sayo." Kumindat pa 'to sa akin.
Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ng emcee. Tinatawag sila Mommy and Daddy para sa speech or should I say birthday greetings nila for Kuya Sky.
Napangiwi ako. Grabe! Kala mo debut nitong lalaking 'to.
"Magpapasukan na, nakabili ka na ba ng mga gamit?" Bulong ni Yumi sa gilid ko. Agad akong umiling. "Mall tayo sa sabado? G ba?"
"Ge lang." Sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa harapan.
Natapos ng magspeech yung parents ko, sumunod ang mga kaibigan nito. Pagkatapos ay pinalabas naman sa projector yung videos ni Kuya nung bata pa siya. Tawa kami ng tawa ng lumabas yung video niya na naka dress siya at may hairband na mickey mouse. Nakanguso ito sa camera at umiiyak halatang ayaw sa pinaggagagawa nina Mommy.
Napalingon ako sa katabi ko. His side view is more breathtaking! Ang matatangos nitong ilong, grabe. Napansin ko rin ang isang dimple nito ng tumawa ito.
"Stop staring at me, naco-conscious ako, Belle." He looked at me. Nakangisi na siya sa akin.
Umirap ako. Bago iniwas ang tingin at binalik nalang sa stage.
The photographers called us, para sa family picture. Nahihiya pa ako dahil ang daming nanonood sa amin.
"1...2...3." Nakangiti kaming lahat sa camera. Nung una ay si Kuya Sky ang nakaupo sa gitna, pero kalaunan ay pinagtulakan ako ng mga kuya ko paupo sa gitna. Sinamaan ko sila ng tingin.
On our last picture, Kuya Dax ruffled my hair while kuya Sky pinched my cheeks. Nakasimangot ako pagkatapos ng picture. Bwisit sa pinaggagagawa ng mga kapatid ko. Pagkatapos ng family, ay mga kaibigan naman ni Kuya. Lumapit na rin doon si Ashton.
"Kaibigan ng kuya mo si Ash?" Salubong agad ni Yumi pagkabalik ko sa table namin.
Inaayos ko pa ang buhok ko pagkaupo ko. "Malay ko. Oo? Siguro? I'm not sure, Yums."
It's already 12 midnight. Nagsi-uwian na rin ang ibang mga matatanda, ang iba naman ay sa hotel na nagstay. Habang mga teens or mas bata ay nandito parin para sa after party.
Humalik ako sa pisngi ni Daddy ng lumapit sila sa table namin nila Yumi. They greeted my Dad too.
"We're going on our hotel room na, Belle." Si Mommy. "You guys can stay and enjoy the after party!"
"Mamaya maya lang iseserve na ang mga alcohol drinks. Hinay hinay okay?" Pinaalalahan kami ni Daddy. Ilang paalala pa bago niya ako hinalikan sa pisngi at nagpaalam na sa amin.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ng venue ay lumakas na ang tugtugan napalitan na rin ang ilaw. Tila nasa isa na kaming bar ngayon.
Yumi jumped out of excitement. Nakapagpalit na kami ng damit. Naka dress pa rin naman kami pero hanggang tuhod na lang ito. Napapaheadbang na sila Yumi at Aster sa tugtugin.
Tinawag ko ang isang waiter na napadaan sa table namin. Nanghingi kaagad ako ng hard drinks. We ordered some wines too.
Hennessy, Smirnoff, and Jeam Beam ang mga tatak ng nilapag ng waiter. Napanganga ako. Lumapit sa table namin si Kuya Dax.
"Hey! Don't drink too much okay?! Dad will get mad at us!" He shouted at me. Masyado ng malakas ang tugtugan kaya kailangan pasigaw para magkaintindihan.
"Yeah! Yeah!" Tumango ako at tinaboy na siya.
Tumayo si Aster at binuksan ang bote ng Hennessy. Isa isa niyang nilagyan ang mga baso namin.
"Cheers!"
Tuwang tuwa kami dahil ang tagal namin inintay ito! Sa lahat ng birthday party na napuntahan namin, ang kay Kuya Sky ang pinakanagustuhan ko. Because we're now legal age! We can drink and be drunk na!
Tumawa ako ng makitang may lumapit kay Yumi. Mukhang kakilala naman niya kaya sumama siya roon. Naiwan kaming dalawa ni Aster sa lamesa.
"Hey! Are you going to sleep here?!" Sigaw ko dahil masyado siyang malayo sa akin.
"Yeah! Wala namang maghahatid sa akin pauwi! My parents left me here a while ago!" She shouted back. Tumango ako sakanya bago muling uminom nang alak sa baso ko.
"Tara sa dance floor!" Hinila ako patayo ni Aster. Wala akong balak magsayaw doon dahil nakakahiya! It's my first time doing this! Tsaka andito ang mga kuya ko! Baka mag histerya iyon kapag nakita nila akong sumasayaw.
"Come on, Isabelle! Wag kang KJ!" Pinilit niya akong hatakin papunta sa gitna. Nagaalala akong tumingin kay Aster. Mukha na siyang lasing base palang sa ginagawa niya. "Come on! Dance!"
Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako. Tumawa ako sa ginawa niya. Binalewala ko nalang ang nasa isip ko about sa mga kuya ko. So what if I dance right? It's not like I'm making out here!
Pumikit ako at tinaas ang isang kamay habang sumasayaw. I let my body move in the rhythm of the song. Tumatawa kami ni Aster ng maramdaman ko ang mainit na palad sa may bewang ko.
Hinigit ako nito palapit sakaniya dahilan ng pagkahinto ko sa pagsasayaw.
"I didn't wait so many damn years just to see you dancing sexy in the dance floor, Belle." Nagtindigan ang balahibo sa buo kong katawan. Hindi pa ako lasing pero nang marinig ko ang boses niya ay parang lasing na lasing na ako!
"I-I'm not dancing s-sexy..." I bit my lower lip. The people around us is still dancing, hindi kami pinapansin.
"Yes you are, Belle. You should go to your room." Hinarap niya ako sa kaniya. Mapupungay ang mga mata ko ng sinalubong ko ang kanya. "You're drunk."
Agad akong umiling. "I'm not!" Lumayo ako sakaniya para magsayaw sanang muli pero pinigilan niya ako. Matalim ko siyang tiningnan.
"What?! 'Di pa ako lasi-! God!" Nasubsob ako sa dibdib ni Ash ng may nakabunggo sa akin. Nag sorry lang ito tsaka pinagpatuloy ang pagsasayaw.
Badtrip akong umalis sa dance floor at bumalik sa mesa namin. Naabutan kong nakikipag tawanan na si Yumi sa kasama niya sa table namin. She didn't bother looking at me.
Nagsalin ako ng alak sa baso ko at deretsahang ininom iyon.
"You drink all of this?" Gulat si Ash ng nilingon niya ang mga bukas na bote sa table namin.
"Uh? Yup?" Nagsalin ako ng bago sa baso ko pero bago ko pa iyon makuha ay inagaw na ni Ash at ininom ng diretso.
"You're drunk. Let's go. Ihahatid na kita." Binaba niya ang baso bago hinawakan ang palapulsuhan ko at hinatak ako palabas ng kwartong iyon.