Chapter 7 - Kabanata 6

Nakasunod lang ako sa likuran niya palabas ng event. Napahinto pa ako saglit ng makita ko si Kuya Seve.

"Kuya," Tawag ko rito. Gulat pa ito ng hinarap ako. "Oh... Hi Ate Izza."

"Belle..." Umayos ito ng tayo at hinarap ako. Lumagpas ang tingin nito sa likuran ko. "Why are you with him?"

"Uh? Ihahatid niya ko sa room—"

"Go. Umakyat ka na." Napanguso ako.

"Kayo? Di pa kayo matutulog? Though, maaga pa naman. Kauumpisa palang ng after party." Malumanay ko silang tiningnan. Hindi makatingin sa akin si Ate Izza, bakit? Do I look mess?

"Okay, see you later. Enjoy the party!" Sambit ko ng hinila na ako ni Ash papasok ng elevator.

"Hey! Wag mo nga akong hila hilahin!" Umirap ako at umayos ng tayo.

Itong lalaking ito! Ngayon nga lang kami nagkita tapos kung makahila siya sa akin ng wagas ay akala mo matagal na kaming magkakilala!

"Sinong kasama mo sa room?" Aniya. Napaangat ako ng tingin, naninigkit.

"Why? Do you want to sleep in my room?" Walang pagaalinlangan kong sinabi.

Mabilis itong umiling. "No! I'm just asking, Belle."

"Oh! Sila Aster and Yumi," napahinto ako sa pagsasalita ng maramdaman kong parang umiikot ang sikmura ko. "I feel like—"

Napatakip ako sa bunganga ko ng muntik ako magsuka. Shit! Shit!

"Hold on, malapit na." Nakahawak sa balikat ko si Ash ng hinila niya ako palabas ng elevator. Inunahan ko na siya ng makarating kami sa tapat ng room.

"Fuck! Ayoko na..." Maluha luha ako habang nakasubsob sa inidoro. Hindi matigil ang pagsuka ko. "Mommy, help..."

Pagkalabas ko ng cr ay agad akong inabutan ng bottled water ni Ash. Mapanuri ako nitong sinundan ng tingin paupo sa sofa.

Pumikit ako pagkatapos kong pangalahatian ang tubig na ibinigay niya.

"You're mess."

"'Di ko naman alam na ganito mangyayari sa akin." Dumilat ako ng maramdaman ko ang presensya nito sa gilid ko.

"Hindi ka dapat umiinom ng mga ganoon kalalakas na alcohol. Hindi mo kaya." Naiiling itong kinuha ang bote ng mineral at sinara.

"Sorry, daddy." I giggled.

Tumayo na ako at pumunta sa paper bag na pinadala ko sa driver namin kanina. Kinuha ko iyon at dumiretso na papunta sa cr.

"Please lock the door, pag aalis ka na. Shower lang ako."

"I'll wait you." Aniya.

Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob. Parang nahimasmasan ako ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig na umaagos sa paibaba ng katawan ko.

I did my skin care routine inside the bathroom. Lumabas ako nang naka velvet dolphin shorts at white plain shirt.

"Di ka pa ba pupunta sa room mo?" Nakaupo ako sa kama habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

Napalingon siya sa akin. Agad niyang pinatay ang tv at tumayo na.

"I'm leaving. Inantay lang kita..."

Nagkibit balikat ako at umayos na ng higa. Tinabunan ko ng comforter katawan ko habang matamang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.

"Sleep. I'll lock the door. May keys naman siguro sila Aster, 'di ba?" Tumango ako. He smiled at me before walking towards the door.

Isang sulyap muli sa akin at saka niya isinarado ang pinto. I left here alone. Inaantok na ako pero hindi parin magawang pumikit ng mga mata ko.

Tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto.

"Ashtone Dione..." He looks so familiar to me. Nagkita na ba kami?

Pumikit nalang ako ng marinig ang hagikhikan ng magpinsan papasok sa loob ng kwarto.

"Sshh... Tulog na si Belle." Aster giggled. Napabuntong hininga nalang ako at nagpaubaya nalang sa pagod.

"You out early last night?" Si Aster. "Wala pa tayong sampung minuto sa dance floor iniwan mo na agad ako!"

"Aba, sana all napunta sa dance floor." Nakanguso si Yumi habang tulala sa pinggan niya.

"Yeah. Inantok kasi ako." Pagdadahilan ko. Ayoko namang sabihin sakanila na kasama ko si Ash! Baka asarin lang ako nitong dalawang 'to.

"Hey, remember? I told you sa saturday mamili tayo ng school supplies? Ngayon nalang kaya? Wala naman na kayong gagawin diba?" Yumi looked at us.

"Wala naman ako," Nagkibit balikat ako. "Wait. Alam mo ba?"

Umayos ng upo ang dalawa at mataman akong tinitigan.

"What is it?" Kuryosong tanong ni Aster.

Ngumisi ako. "Feeling ko may something kay Ate Izza at kay Kuya Seve."

Umirap sa akin si Yumi. "Tanga mo. Ngayon mo lang napansin?!"

"Ate Izza? Kuya Seve? Wait mga kapatid niyo?" Takang tanong ni Aster.

Tumango ako sakaniya. "Anong ngayon lang, boba, kahapon ko lang naman sila nakita!"

"Girl! Since high school or college? May something na yung dalawa! Maharot sila girl." Tumango tango si Yumi habang tinutusok ang manok na nasa plato niya.

"Weh? Grabe! Sila ba?" Tanong ni Aster.

"'Di ko alam. Pero feeling ko may something! Tae, Yumi, magiging sister in law kita?!" Humalakhak ako.

"Ewan ko sayo!" Umirap ito sa akin. "Alam niyo ba, ako rin may nakita kahapon!"

"Ano?" Sabay na tanong namin ni Aster.

"Iyong si Ashton pati si Belle?! Kilala niyo ba 'yon?" Tumawa ito. Banas na tinitigan ko si Yumi.

"Saya ka?"

"Saya talaga! Kita ko oh, hinila palabas ng venue! I wonder where did they go?" Ngumisi ito sa akin. Hahampasin ko na sana siya nang bigla siyang tumayo at tumatawang lumapit sa may sink.

"Siguro si Ash din yung dahilan kaya ka nawala sa dance floor agad?" Nagtaas baba ito ng kilay sa akin.

Ngumiwi ako. "Dami alam!" Mabilis na tinapos ko ang kinakain.

Hindi ako tinantanan nang mag pinsan sa hapag. Kung di lang ako pumasok ng banyo para mag-ayos ay di sila titigil kakaasar sa akin.

I did my things inside the bathroom. I just wear a white designer shirt and black tattered high waisted pants. I partnered it with my white sneakers.

Gustuhin ko mang mag short dahil sa init ay wala akong magawa dahil ito lang naman ang dinala sa akin ng driver namin.

Pagkalabas ko ng banyo bumungad agad sa akin si Aster na nakahalukipkip at may tuwalya sa balikat.

"Alis dali!" Hinatak niya ako palabas ng banyo at agad na sinarado ang pintuan.

"Tae ka, Aster! Inabangan amwola!" Kinalabog ni Yumi ang pintuan ng banyo. Napailing nalang ako nang mapagtantanong nagpapaunahan ang magpinsan.

Narinig ko ang tawa ni Aster sa loob. "Wag ka na maligo! Sanay ka naman 'di ba?!"

"Ulol! Bilisan mo!" Padabog na umupo si Yumi sa sofa at binuksan ang tv sa harap.

Binato ko siya ng unan. "Cellphone mo nagriring!" Hinagis ko sa kaniya ang cellphone niya na agad naman niyang sinalo.

Sinamaan pa ako nito ng tingin.

"Hello?" Pinagpatuloy ko ang pagaayos ng buhok ko. I let my hair down, hinati ko sa gitna ang buhok ko at naglagay ng hair clips magkabilaan.

"Nasa hotel pa kami, Ate... I don't know... Baka mamaya pa..." Binalingan ako ng tingin ni Yumi kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "May dala kang kotse?"

"Wala. Kay Kuya Dax ako sumabay, bakit?"

"Iniwan ako ni Ate. Wala akong sasabayan pabalik ng Rizal."

Tumawa ako. "Maiwan ka nalang rito!"

"Gago!" Tinalikuran ako nito at muling nakipagusap sa kapatid.

Aster went out of the bathroom wearing a simple black floral mesh square neck dress.

Umupo ito sa kama at sinuot ang white stilletos nito. "Hoy! Naomi, ano? Tapos na kami lahat lahat ikaw hindi pa rin! Iwanan ka na ba namin?"

"Teka kasi!" Aniya at ibinaba ang cellphone. Nagtawanan kami ni Aster ng muntik pang madulas si Yumi sa may hamba ng pintuan papasok nang banyo.

"Tanga." Iiling iling na sabi ni Aster.

Tumayo ako nang marinig ang pagkatok sa pintuan. Baka ito na yung driver namin.

"Ku—" Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang nasa labas.

Ash is wearing a white designer shirt, a pair of black tattered jeans, and his white addidas shoes.

Napataas ako ng kilay sa kaniya.

"Pinapadaanan kayo ng kuya mo." Aniya.

"Bakit daw?"

"He's asking if you guys are staying for a couple of hours? Or not? Pupunta kami ng MOA." Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Sino yan, Belle?" Narinig ko ang tunog ng stilletos sa may likuran ko. "Oh! Ash, pasok ka!"

"'Di okay lang, pinapadaanan lang kayo." Ngumiti ito kay Aster pero agad ring binalik sa akin ang tingin.

'Bakit' I mouthed him.

"May pupuntahan ba kayo?" Sumulyap ito sa kay Aster.

"Uh? Ewan ko, nagaantayan lang naman kami. Why?"

"Do you guys want to join us? Pupunta kaming MOA."

"MOA? Sige ba! Hindi ba't balak niyo mamili rin ng gamit? Doon nalang, sama na tayo sa kanila!" Ngising ngisi si Aster sa akin bago kumaripas ng lakad para katukin si Yumi.

"So? I'll wait you in the lobby then?" Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"O-okay..." He just nodded and left.

Napahinga ako ng malalim ng maisara ko na ang pintuan.

"Oh? Asan na si Ash?" Tanong ni Aster habang inililigpit ang gamit nito.

"Aantayin niya nalang daw tayo sa lobby." Simpleng saad ko at nagligpit na rin ng gamit.

Hiyang hiya si Aster nang makababa kami ng lobby. Mahigit isang oras kasing naghintay sila Kuya sa amin dahil ang tagal ni Yumi maligo!

"Nakakainis ka! Apakabagal mo kumilos!" Kinurot nito ang tagiliran ni Yumi.

"Aray, pota ka. Malay ko ba! Apaka tagal rin naman nitong si Belle maligo 'no!"

"Aba! Ba't daw kaya ako nadadamay diyan!" Lumapit ako kay Kuya Sky at niyakap ito. "Belated happy birthday, bro!"

"Tss. Magkasama na tayo kahapon sa party hindi mo man lang ako naisipan lapitan?!" Nagkunwari pa itong nasasaktan.

Umirap ako sa kaniya at ngumiwi. "Arte po. At least nga binati ka ng napakaganda mong kapatid!"

Sabay na umubo si Aster at Yumi, pinandilatan ko sila ng mata pero tumawa lang ang mga ito.

"Ha? Ano daw? May narinig ba kayo?" Tanong niya sa mga kaibigan niya. Hinampas ko ang braso nito at umambang sasapakin na siya pero nakatakbo siya agad palabas ng hotel.

Natigil ang asaran namin ng huminto sa harap namin ang dalawang itim na kotse. Isa ay ang kotse namin, at ang isa naman ay sa kaibigan ata ni Kuya Sky.

"So..." Lumingon sa amin si Kuya Sky at nagbilang. "We're exact ten, hati nalang tayo sa tag lilima—"

"Wow gumagaling mag bilang ha!" Asar ko. Inirapan lang ako nito at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag.

Umamba na akong sasakay sa shot gun seat namin ng pinigilan ako ni Kuya.

"Nah-uh! Doon ka kay Ash, si Jewel diyan." Nagtaas baba ito ng kilay sa akin bago tinawag iyong 'Jewel'

"Jowa mo?"

"Hindi... pa." Nangingisi itong nakatingin sa akin. I made a disgusted face to him.

"Girl, ang malas mo kapag naging kayo nitong tukmol kong kapatid." Bulong ko sa babae nang makalapit na ito sa amin.

Tumawa lang iyong Jewel at pumasok na sa loob.

"Hoy! Bilisan mo!" Ulo ni Aster ang nasulyapan ko sa may bintana ng kotse sa harap.

Dahan dahan akong lumapit at bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat ng sinamaan niya ako nang tingin.

"Boba ka girl. Sa harap ka! Bilisan mo kanina pa tayo nagpapaantay sa kanila." Aangal pa sana ako ng sinarado na nito ang bintana. Wala akong choice kundi ang buksan nalang ang pinto ng shot gun seat.

Tamad na nabaling ang tingin ni Ash sa akin. His left hand is already on the steering wheel. Nahihiya akong nagmadali sumakay.

Kalma ka lang, Belle. Para kang gago e. Huminga ako ng malalim bago isinuot ang seatbelt.

Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko nang marinig iyong tumunog. It's a message from Samantha.

From: Sam

Yo, belly! May dinner mamaya sa bahay nila Kelly. 8PM punta ka huh?

To: Sam

Try! Wala pa ako sa Rizal :))

"Sino yan?" Dinig kong tanong ni Ash sa tabi ko. Agad kong itinago ito.

"Friend." Ngumuso lang ito sa sagot ko.

"Nagsusulat ka pa rin ba?" Narinig kong tanong ni Aster sa katabi niyang si Yumi.

"Oo. Bakit?"

"Walalang. Di na kasi kita nakikitang nagsusulat. Puro ka kdrama girl." Nilingon ko ang dalawa. Nakapikit si Yumi sa gitna katabi naman nito ang isang lalaki na pakiramdam ko'y kaibigan rin ni Kuya. Napansin ata nung lalaki ang titig ko sa kaniya kaya ngumiti ito sa akin.

"I'm Kiko," aniya at naglahad ng kamay.

Inabot ko iyon, "Belle."

"Kiko, patugtog ka nga."

"Teka, bro." Binitawan nito ang kamay ko at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa.

Pinagmasdan ko nalang ang mga sasakyan sa labas. Medyo traffic kaya pasado ala una na ata kami nakarating sa mall.

"Kain muna tayo bago tayo mag skating, o skating muna bago kain?" Salubong ni Kuya Sky sa amin ng nakita namin sila sa may mga lamesa sa labas ng mall.

"Skating?"

"Kain muna, past lunch na e. Alas otso last na kain ko." Sambit ng isa sa mga kaibigan ni Kuya.

"Okay! Where do you guys want to eat?"

"Tara kaya sa loob para doon maghanap diba?" Nakahalukipkip ako sa tabi ni Yumi ng sinambit ko iyon.

"Oh, kalma. Gagalit e." Humalakhak ito at tumayo na sa upuan. "Tara na sa loob." Hindi ko alam kung kami ba ang sinasabihan niya o si Jewel dahil doon lang naman siya nakatingin.

Nang tumayo ang mga kaibigan ni Kuya at sumunod sa kaniya, inisip ko nalang na kami nga.

"Sama sama na ba tayo o gusto niyo hiwa-hiwalay?" Nakangisi si Kuya habang pinapasadahan niya kami ng tingin.

"Magkita-kita nalang tayo sa may skating siguro aroud 3 or 4?" Aniya habang nakatingin sa relo na nasa palapulsuhan niya.

"Agik! Gusto mo lang masolo si Jewel kaya ka ganyan!" Asar ni Kiko.

"Oy, ano ba kayo... Nakakahiya." Napangiwi ako ng makitang pumula ang mga pisngi ni Jewel. Inilagay pa nito ang takas na buhok sa likod ng kaniyang tenga.

Halos masuka ako sa harap harapang paglalandi ng kapatid ko.

"Tara na! Tara na! Magchat kayo kapag nasa may skating na kayo ha?" Aniya ng isang kaibigan ni Kuya at hinila ang dalawa pa nitong kabarkada.

Kuya Sky, Jewel, Kiko, Yumi, Aster, Ash at ako! Kami nalang ang natira sa may gitna at labas ng mall.

"Uh, so?" Nahihiyang ngumiti sa akin si Jewel nang nag-angat ako sa kaniya ng tingin.

"Tara na," pinadausdos ni Kuya Sky ang kamay nito sa bewang ni Jewel at umalis na. Tanaw na tanaw ko pa ang paglapit nito sa tenga ng kasama.

Nanginig ako sa pandidiri. Jusko! Ang harot ng kapatid ko.

"Kayo? Saan tayo?" Si Kiko.

"Saan ba? Nagugutom na din ako e," sambit ko habang tinitingnan sila. Tumigil ang paningin ko kay Ash nang makita itong titig na titig sa akin.

"Sa akin muna si Belle." Nanlaki ang mga mata ko at di agad nakapag react. Narinig ko ang pagpayag ng mga walang hiya kong kaibigan at umalis na sa harap namin.

"H-hoy! Bakit?"

"Anong bakit? Ayaw mo ba ako kasama?" Ngumuso ito. Nilingon ko sila Yumi, tatawagin ko pa sana sila pero useless na ito dahil masyado na silang malayo.

"H-hindi! I mean, bakit kailangan pa natin dalawa lang? Gets mo? Pwede naman tayong sumama sa kanila, a?" When I looked at him, the side of his lips rose. Bakas rin ang pagkatuwa sa mga mata nito.

"I want us alone. Is it wrong?" Ngumuso ito para pigilan ang pagngiti lalo. Umirap ako sa kaniya at pinaningkitan ng mga mata.

"Ewan ko sa 'yo! Tara na nga!" Agad akong tumalikod sa kaniya at nagmartsa na papasok.

"Hey, wait." I heard his chuckled. Umirap ako at mas lalong binilisan ang paglalakad.