"Saan tayo?" Nilingon ko ang katabi ko.
"Ikaw saan ba?" Napasimangot ako. Tanong ko, sagot ko? Ganoon ba iyon ha?
"Dito na nga lang tayo!" Huminto ako sa tapat ng isang restaurant. Wala masiyadong tao roon.
Tahimik na sumunod sa akin papasok si Ash.
"Table for two po, Ma'am?" Anang isang babae pagkapasok namin. Tumango lang ako rito. Iginiya niya kami sa may bintana, tanaw ang sea side.
"What's yours?" Ash asked. Seryoso akong nakatitig sa menu habang siya naman ay nakatingin sa akin.
"Hmmm... Prime beef rib eye," nag-angat ako ng tingin sa kay Ash. Tumango lang ito.
"2 orders of prime beef rib eye," Lumingon ulit ito sa akin. "Iyon lang sa iyo?"
"Yeah." Tumango ito at muling binalingan ang waiter.
Agad namang umalis ang waiter leavingnus alone. Iginala ko nalang ang tingin ko sa loob ng restaurant, wala masyadong tao kaya naman nagkaroon ng privacy ang bawat isa.
Nang wala na akong ibang makitang interesante ay binalingan ko nalang ang wine glass sa tabi ko.
"Aren't we going to talk?" Nag angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko.
Nakapatong na ang mga braso nito sa lamesa habang tinitingnan ako.
"Ano namang paguusapan natin ha?"
"Hmmm, anything? Your day?" Umirap ako sa sinabi nito.
"My day? Wala pa ngang nangyayari sa araw ko."
Sumandal ito sa inuupuan niya at matama akong tiningnan. "What course are you taking then?"
"Business Management. You?"
"I'm taking Engineering." Napanguso ako.
"Year?"
"Second year," aniya at sumimsim sa kaniyang wine.
"Naalala ko, nagtransfer ka ng venue right?"
"Venue?" Takang tanong niya.
"Venue! I mean, VNU! Our school." Paliwanag ko.
"Yeah, nag transfer ako."
"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong.
"May namiss lang." Ngumiwi ako sa kaniya.
"Ang landi mo pa nga." Mahinang humalakhak ito at bahagyang pinaglaruan ang hawak na kopita.
"Why don't you ask who it is?" His lips form a smile and the way he looked at me I know that he is enjoying this!
"Wag na, wala naman akong pake."
"Ouch!" He dramatically held his chest. "Ang sakit, Belle! Wala kang pake sa akin?"
"Wala akong sinabing, wala akong pake sa iyo-"
"So my pake ka nga sa akin?"
"Ano ba?! Ang gulo mo pa nga!" Bwisit na binalingan ko ng tingin ang dagat na nasa gilid ko.
"Hey," bakas sa boses nito ang pagkatuwa. "Are you mad?"
Nanlilisik ang mga mata ko ng nilingon ko siya. "Para ka kasing tanga, ang gulo mo kausap men!"
Humalakhak ito. Natigil lang ang pagtawa nito nang dumating na ang pagkain namin. Tinigil din naman nito ang pagaasar sa akin bilang paggalang na rin sa pagkain na nasa harap.
"Saan mo gustong pumunta?" Aniya habang nasa kalagitnaan ng pagkain.
"Hindi ko alam, gusto ko sana sa sea shore." Sagot ko at sumimsim ng tubig sa baso ko.
"Then let's go there,"
"Wag na. Tsaka, diba? Maga-ice skating tayo nang alas tres? Tama?" Nag-angat ito ng tingin sa akin.
"It's too early, knowing Sky? Male-late iyon. Enjoying the moment with Jewel."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan noong babae ni Kuya.
"Do you know her?" Bakas ang pagiging kuryoso sa boses ko kaya mabilis na umangat ang tingin nito sa akin.
"Uhm, yeah? Kablockmate siya ng kuya mo. Hindi mo ba siya kilala?"
"Hindi. Kanina ko nga lang din nakilala iyong babae," Sagot ko. "Hindi rin naman siya pumupunta sa bahay namin."
Tumango ito sa akin, tila tinatapos na ang usapan namin tungkol sa kay 'Jewel'. Pero ang pagiging kuryoso ko ay hindi natigil.
"Saan sila nagkakilala?"
"As far as I remember, sa club or party?"
"Club? Party? Ilang taon na ba iyong babae?" Naningkit ang mga mata ko habang naghihiwa ng laman sa plato ko.
"19? Ata. Hindi ko alam, Belle." Aniya sa tono ng walang pake.
Ngumuso ako at matama siyang tiningnan. "Last. Ilang buwan na sila?"
Ash chuckled at my question. Binitiwan ko tuloy ang kubyertos ko at nag pangalumbaba.
"Bakit ka tumatawa?"
"Don't you know your Kuya's personality, Belle?" Kahit gulo ang utak ay umiling ako sa kaniya. "Bago niya lang iyang 'Jewel' na yan. Isa o dalawang linggo palang sila magkakilala."
"Oh ano meron sa personality ng kapatid ko kung ganoon?"
"What I mean is, that girl won't last for a month! I bet 100 bucks, he'll dump that girl after taking it to be-"
"Stop. Ayoko na, kadiri!" Humagalpak ito sa tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Grabe! Kadiri, kapatid ko ba talaga siya?"
"Are you serious, Belle? Stop acting like you're an innocent when it comes to this!" Aniya habang natatawa.
"What the hell, Ash? 'Di ko maisip na ganun ugali ng kapatid ko 'no! Ang dugyot dugyot noon sa bahay, kaya hindi ko maisip na ang baboy niya pala talaga."
"You've got to be kidding me. You're surrounded by men, Belle! It's weird that you're not aware by their actions."
Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Ewan ko sayo! Most of the men I knew naman, hindi ganiyan 'no! 'Di bale kasi, gawain mo rin e. Kaya alam na alam mo."
"What did you said?" His voice became serious. I just smirked at him and continued eating.
Hindi na siya muling kumain. Ang mga mata nito ay direktong nakatitig sa akin. Nagpunas ako ng labi bago nagangat ng tingin sa kaniya.
"Ano? Tapos ka na ba? Let's go?" Aya ko. Kinuha ko na ang sling bag ko sa gilid at isinukbit sa balikat.
"Anong sinabi mo kanina?" Pinaningkitan ko siya ng mata at tumawa ng bahagya.
"Are you serious? Wala nga! Tara na!" Tumayo na ako habang siya ay nakaupo at nakatitig sa akin. "Ano? Iiwan kita."
Bahagya itong umiling at tumayo na rin. Napangisi ako, habang tinitingnan ang seryoso siyang mukha.
"Apaka mo. Binalik ko lang naman sa 'yo ang sinabi mo sa kapatid ko ah!" Sambit ko ng hindi ko na makayanan ang pagiging seryoso nito.
"Bakit? Nakita mo na ba akong naging ganoon ha?" Aniya. Natigil kami sa paglalakad, hinarap niya ako at seryosong ibinaling ang tingin sa akin.
"Bahala ka nga riyan! Alam na alam mo kasi—"
"Of course I'll know! I'm your Kuya's damn bestfriend!" Napanganga ako sa sinabi niya. Tila nasaktan ko talaga ang ego niya.
"I'm sorry okay?" Natatawa kong sinabi.
"You're not even sincere."
Nalaglag ang panga ko. "Sorry na nga sabi e!"
"May tumatawa bang nagsosorry ha?"
Ngumuso ako. Inirapan ko siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Tinitingnan ko ang bawat stall ng mall, baka sakaling may pwedeng mapasukan na interesante.
"Ash—" Nahinto ako sa paglalakad at nilingon ang kasama ko sa likuran.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang wala sa likuran ko si Ash!
"Holy cow..." Inilibot ko ang tingin ko. Tae. Iniwan ba 'ko non? Nabwisit ba sa akin iyon?
Napakagat labi ako habang dina-dial ang numero ni Aster.
[The number you have dialed—]
"Hala!" Nanatili akong nakatayo sa gitna ng mall. Hindi alam kung saan ako pupunta. Dinial ko rin ang number ni Kuya, pero ang lintek hindi rin ito sinasagot!
"Mommy..." Naiiyak kong sambit nang sagutin ni Mommy ang tawag ko.
[Belle, why? Where are you? Nasa mall—]
"Mommy! Naliligaw ako!" Nanginig na ang boses ko. Nagiinit na din ang gilid ng mga mata ko.
Taeng, Ashton talaga yan! Babalatan ko iyan ng buhay kapag nagpakita ko siya!
[W-what? Naliligaw? Where's your brother?!] My Mommy panicked and so I am! Para na akong tanga sa gitna ng mall, inilibot ko pang muli ang paningin ko. Nagbabaka sakali na may makita akong kakilala ko man lang.
But fucking hell!
[Tell me exactly where you are...]
I tell her where the hell am I.
"Kuya Sky's not answering me!" Ngumuso ako. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko.
"Belle..." Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa harapan ko.
My mouth formed an 'o' as I stared at the man in front of me! He's holding a chocolate ice cream in his both hands, while smiling at me!
My blood boiled at him. Nanglilisik ang mga mata ko. "Mommy! Nevermind!" I ended the call.
Pagkalagay ko ng cellphone sa bag ko ay agad ko siyang sinipa sa binti niya.
"Bwisit ka, Ashton!" Patuloy ko siyang sinisipa. Hindi naman siya makailag dahil sa hawak hawak niya sa dalawa niyang kamay ang ice cream.
"Ouch! Stop! Okay! I'm sorry— Belle, aray!" Nanglilisik ang mga mata kong tinitigan siya. Huminga ako ng malalim bago umayos ng tayo.
Nakakabwisit! Nanggigigil ako!
"Hey..." He tried to reached for me but I stopped him.
"Where the hell did you go?!" Sambit ko ng makabawi sa panggigigil sa kaniya.
"I called you so many damn times! But you didn't looked back." He looked at me gently. "Hindi mo ba ako natanaw? Andon lang ako oh."
Itinuro nito ang isang stall ng ice cream sa malayong gilid ko. "Anjan lang ako. Tanaw kita,"
Suminghot ako at umirap sa kaniya. Sa di kalayuan ay may bench, lumapit ako roon at umupo.
"Hey... Are you mad? I'm sorry, for leaving you." Aniya at umupo sa tabi ko.
Nang liningon ko siya ay marahan niyang tinapat sa akin ang isang malapit ng matunaw na ice cream. I sighed.
"Akala ko naliligaw na ako..."
"Naliligaw? Hindi mo ba kabisado ang daan?"
"Of course not! Hindi ako maghi-hysterical kung alam ko diba?!" Agad na uminit ang ulo ko.
"Okay! Chill! I'm sorry, okay? Hindi na mauulit—"
"Fuck! Of course hindi na mauulit! Hindi na ako sasama ulit sayo. Nangiiwan ka!" He keep on saying sorry to me, pero hindi ko na siya muling pinansin.
Bahala ka sa buhay mo! Akala ko nagalit na siya sa akin kaya niya ako iniwan. Grrr.
"Uy!" Siniko ako ni Aster. Nakasandig ako sa harang ng ice skating. Inaantay nalang matapos ang iba magsuot ng sapatos oara makapasok na kami.
"Ano?" Walang gana kong sambit.
"Kanina ka pa tinintingnan ni Ash." Aniya. Pasimple naman akong sumilay sa banda nito at nakita ko ngang nakatitig ito sa akin. Kiko is talking to him but his full attention is on me.
I rolled my eyes at him.
"Nag away ba kayo?" Kulit niya pa.
"Hindi. Bakit naman kami magaaway?"
"Nang dumating kayo rito ay hindi kayo nagpapansinan! May nangyari ba?"
"Wala nga sabi. Ang kulit mo, Asteria, ha?" Pinagkunutan ako nito ng noo. Hindi niya pa ako lulubayan kung di niya lang narinig na pwede na kaming pumasok.
"Hoy! Nag away daw kayo nung Ashton mo?" Si Yumi naman. Patalikod pa itong naglalakad at seryosong nakikichismis sa akin.
"Anong nag away? Kanino mo nakuha yan? Kay Aster?" Tanong ko.
"Malamang! Nag away kayo? Bakit? 'Di pa nga kayo tapos LQ agad? Tsk."
"Boba. Anong LQ ka jan. Manahimik ka nga. Naiinis lang ako sa kaniya!" Suko ko.
Agad na lumapit sa gilid ko si Aster. We stopped in the middle, sabay na pinagtaasan ako ng kilay ng mag pinsan. Urging me to talk more
"Ugh! Nagka-asaran lang kami kanina sa restaurant! Tas nung nakalabas na kami akala ko iniwan na niya ako kasi nabadtrip siya sa akin. Turns out, bumili lang pala siya ng ice cream." Paliwanag ko.
"That's it?" Aster is now smiling at me like an idiot.
I rolled my eyes at them. "Of course! Kaya ako nagtataka sa inyo, kasi bakit niyo iniisip na nag away kami?"
Yumi just shrugged her shoulder and turned her back to us. Kunot noo ko siyang pinagmasdan.
"Rinig ko, umiyak ka daw." Chismis pa ni Yumi.
"Anong umiyak! Sinong umiyak ha?"
"Ikaw malamang! Narinig ko, sabi ni Ash kay Sky. Umiyak ka daw." Yumi laughed at me. "Apaka iyakin naman nitong baby na 'to. Achu chu."
Inambahan ko siya ng sapak pero ang loka ay agad na nagslide paikot. "Alam mo? Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga kayo."
"Ay. Same thoughts, sis." Aster laughed too. Umiling nalang ako sa kaniya.
Nagpustahan pa sila kung sino ang unang makakarating hanggang sa kabilang dulo. Si Kuya Sky ang magpapapremyo. Ewan kung totoong may cash prize.
"Pag yan tokis! Sasaktan talaga kita!" Anang isang kaibigan nila Kuya.
"Bilis na! Alam kong kailangan mo ng pera, Derrick! Kaya bilisan mo ha?" Asar ni Kuya Sky. Derrick just raised his middle finger and positioned himself.
"Okay! Ready! Get set!" Mahinang tumawa pa ito ng makitang nanginginig ang mga paa ng mga pumatol sa laro niya. "Go!"
Ang mag pinsan ay sumali dahil ayaw daw nilang matawag na KJ. Pinipilit pa nila ako na sumali pero umayaw ako dahil masyado ng masakit ang mga paa ko. Gusto ko munang ipahinga.
Nasa labas na ako at nakaupo sa isang upuan. Dahan dahan kong tinanggal ang sapatos ko, agad na bumungad sa akin ang namumula kong paa.
"Is your feet okay?" Napaangat ang tingin ko sa isang lalaking lumapit sa akin. Kalalabas niya lang rin.
"Uh, yeah. I'm okay." I smiled at him. Marahan kong pinisil ang ilalim ng paa ko dahil hindi ko maramdaman ito dahil sa pananakit.
"Here," iniabot niya sa akin ang isang hot pack. Nahihiya pa ako na tinanggap iyon sa kaniya.
"Salamat."
"What's your name?" Napanguso ako pinipigilan ang pagtawa. Biglang ganoon?
"I'm Belle, you? What's your name?"
"I'm Lucas. Pleased to meet you." I just smiled at him.
"Belle..." Nabaling ang tingin ko sa gilid ko at nakitang palabas roon si Ash. Seryoso ang titig nito sa kasama ko.
"Oh? You're boyfriend?" Gulat na nabaling ang tingin ko sa kay Lucas.
"What? N-no—"
"Got a problem with that bro?" Sigang sambit ni Ash sa kay Lucas. Napanganga ako.
Aba't ang kapal naman pala ng mukha nito?!
"Ohh. Sorry. Binigyan ko lang siya—"
"Why don't you leave now then? Binigay mo na at natanggap naman na niya siguro diba? Leave now then. Why are you still here and chatting with—"
"Hey! Stop it, Ash. Nakakahiya ka." I apologetically smiled at Lucas.
"Okay. I gotta go, Belle. Pleased to meet you." He smiled at me once and then turned to Ash. Ngumisi lang ito at bahagyang nailing bago tumalikod at umalis sa harap namin.
"Problema mo?" Kunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang lalaki sa harap. Hindi ako nito sinagot, lumapit lang siya sa tabi ko at naupo. Tinanggal din nito ang sapatos niya.
"Problema mo, Ash?"
"What? Wala!" Iritado niyang sambit.
"Bakit parang galit ka?"
"Hindi ako galit." Aniya, pero hindi parin ako binabalingan ng tingin.
"You're mad at me."
"I said, I'm not, Belle."
"Then look at me!" Hamon ko sa kaniya. Napasinghap ako ng magtama ang paningin naming dalawa.
As I stared at his brown eyes, I remember something. Something that's very familiar to me. Seriousness is invaded in his eyes.
Napalunok ako at nagiwas ng tingin. "See? I'm not mad, Belle."
"Y-yeah."
"Sino iyong lalaking kausap mo kanina?" Aniya. Tila hindi maka move on sa kausap ko kanina.
"Lucas. I don't know who he is. Nag magandang loob lang siya, binigyan niya ako nito." Pinakita ko sa kaniya ang isang blue na hot pack. Medyo mainit init pa iyon. "Try it. Baka masakit na rin ang mga paa mo."
"You talked with someone that you didn't even know?" Galit ang tono nito.
"He talked me first, Ash! Syempre ang bastos diba kung 'di ko kakausapin pabalik?"
"Tss." Umiling iling ito. Tila disappointed sa ginawa ko.
"Bakit ba? Ano bang problema mo? Are you mad? Are you jealous?" Natutop ko ang aking labi ng hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"So what if I am? Do you have a problem with that, huh?" He looked at me.
My heart beats fast. Wala ng ibang pumapasok sa isipan ko dahil sa sinabi niya.
What. The. Hell?