"You're putting too much make-up, Belle." Umirap ako at humarap sa kay Yumi na nasa may hamba na ng pintuan ng kwarto ko ngayon.
"Putting too much? You know what? You're eyes were really blurred! Ang nipis nipis nga lang ng make up ko." Sambit ko at muling humarap sa salamin.
Padabog na naglakad si Yumi palapit sa akin. She placed both of her hands in my shoulders, at mariing tumitig sa repleksyon ko sa salamin.
"Manipis? Look at your damn eye shadows! Ano yan? Magbabar ba kayo?" Humalakhak ito at bahagyang binatukan ako.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinasadahan ko nang tingin ang sarili ko sa salamin. My eye shadows were too dark, pero dahil lang naman 'yon sa kulay na pinili ko.
Inis na binalingan ko ng tingin ang orasan. Maga-alas nuebe palang naman af tingin ko'y may oras pa ako mag-ayos. Padabog na kinuha ko ang cleanser at pinahiran ang make up sa mata ko.
"Let me help you with that." Natatawang kinuha ni Yumi ang palette at ang brush ko. Siya na rin mismo ang nagtanggal ng make up ko.
"You still didn't know what appropriate colors you should use when you have a date." Aniya at idinampi ang brush sa palette.
"Sorry ha? Hindi kasi ako marunong mag make up e." Umirap ako.
"Oh, e, bat ka pa magma-make up? You look pretty even when you're bare faced!" Aniya at inutusan niya akong pumikit. Sinunod ko rin naman siya.
"Tigilan mo kakabola sa akin ha." Kinurot ko ang tagiliran nito.
"Aray! Wag ka magulo pag ito lumagpas, bahala ka sa buhay mo." Aniya, natatawa. Tumikhim ako at umayos ng upo.
"Anong pumasok sa isip mo at pumunta ka dito sa bahay ha?" Usisa kong tanong.
"I'm with my Ate. Pinapunta siya dito ng kapatid mo." Humalakhak ako ng marinig ang tabang sa boses niya.
"O, bat parang galit ka? Ayaw mo bang maging Vasquez Ate mo?" Natatawa kong asar. Dumilat ako ng maramdamang tumigil siya sa ginagawa. "Bakit?"
"Wala. Hindi sa ayaw ko sa kapatid mo, I just feel like something. Ah ewan! 'Di ko ma voice out." Aniya at inutusan ulit akong pumikit. Kumunot ang noo ko.
"Ano 'yon? Linoloko ng kapatid ko si Ate Izza?" Tanong ko. Tinitigan ko siya pero umiwas lang siya ng tingin.
"Hindi, basta." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wag mo nalang pansinin, pikit ka na ulit dali. Maga-alas diyes na!"
Isang beses ko pa siyang tinitigan, pero sa huli ay pumikit nalang ulit ako. Kung ano man 'yon, ramdam kong umeechos lang 'tong si Yumi.
Pasado alas diyes nang matapos ako sa pagaayos ng sarili. Naka-ilang beses na rin akong nabalikan ni Yumi sa kwarto kesyo kanina pa daw nagiintay si Ash sa baba.
"Wait lang ito na! Ito na!" Nagmadali 'kong hinablot ang bag ko na nakadisplay sa loob ng walk in closet ko.
"Tagal mo grabe! Nakakahiya ka!" Natatawang sigaw ni Yumi galing sa labas.
"Ito na! Ito na!" Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. I took a deep breathe first before I slowly walked towards the stairs. Sumilip pa ako kung nasaan si Ash, and there I saw him sipping on the glass of water. Sa harap nito ay si Ate Izza at ang kapatid ko syempre, si Kuya Seve.
"Kanina ka pa inaantay, ang tagal mo." Napangiwi ako sa sinabi ng kapatid ko. Humalik muna ako sa pisngi ni Ate Izza bago lumapit sa kay Ash.
Walang pakundangan nitong sinuyod ng tingin ang katawan ko. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.
Why? Do I look too pretty for you huh? Bumaba ang tingin ko sa suot niya, he's just wearing a white designer shirt, a black tattered pants, and pair of white sneakers. Ngumuso ako. I am just wearing a yellow floral square neck dress and pair of white stilletos. I also tied my hair up, pero nagiwan ako ng kaunting tikwas ng buhok sa magkabilaan.
"Saan kayo pupunta, Ashton?" Pahabol na tanong ni Kuya ng makitang tumayo na si Ash.
"Antipolo po. Belle will be back around 8 or 9 po." Ngumiti si Ash. Ngumuso ako at napataas ang kilay sa pagiging magalang nito sa kapatid ko.
"Okay. Drive safely. Magiingat kayo, magingat ka rito sa kay Belle." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kapatid ko.
"Kuya!" Pinandilatan ko ang kapatid ko.
"What?" Aniya, natatawa. Umirap nalang ako at hinatak na si Ash palabas ng bahay. Isang beses pa itong nagpaalam bago nagpatianod sa akin.
Pinatunog nito ang kaniyang sasakyan bago pa man ako makalapit roon. He opened the door for me. Tahimik lang kami hanggang sa makalabas na ng village.
"Patugtog ako ha?" Sambit ko ng di makayanan ang katahimikan. Sumulyap ako sa kaniya, tumango lang siya. Nakita ko pa ang pag igting ng panga nito.
Dahil sa nangyari noon, mas pinili ko nalang magpatugtog ng mga kpop songs. Bahala siya jan kung hindi niya maintindihan.
"What are those? Are they trying to summon a devil?" Tanong niya natatawa. Ngumiwi ako at umirap sa kaniya.
"They are trying to summon you." Asar ko.
"Me?"
"Hindi, ako. 'You' nga 'di ba?" Umirap ako at binaling nalang ang tingin sa kalsada.
Sa main road kami dumaan. Kaya tantsa ko isa't kalahating oras ang magiging byahe namin. Pero kung hindi naman traffic, kaya na siguro ng isang oras?
"Ano bang gagawin natin sa Antipolo?" Tanong ko ng huminto ang sasakyan dahil naabutan ng stop light.
"I don't know. You don't have an extra clothes right?" Kumunot ang noo ko at mapanuring sinulyapan siya. "What? I'm just asking you if you have spare clothes, so we can dip in their pools. Stop thinking about something dirty, Belle."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Agad kong hinampas ang braso siya, he just laughed at me.
"You didn't tell me that I should bring some clothes! Sana'y nagsuot ako ng swim suit sa ilalim nitong dress ko." Bumaba ang tingin ko sa damit ko.
"Let's just buy clothes around there." Aniya at muling pinaandar ang sasakyan. Tumango lang ako at muling sinuyod ng tingin ang kalsada. Maraming mga sasakyan dahil nga't sabado ngayon.
"Ash... I'm hungry, drive thru tayo, please?" I smiled at him. Itinuro ko ang isang fast food chain na madadaanan namin.
"Okay, Ma'am." He chuckled at me. "What's yours?"
Ngumuso ako at tumingin sa menu na nasa gilid.
"Burger with fries and... Coke." Sambit ko. Tumango lang ito sa akin at muling humarap para ulitin ang sinabi ko, umorder rin siya ng kaniya.
"Did you eat breakfast? Mamaya ay sumakit ang tiyan mo." Aniya ng matapos sa pagoorder. Pinaandar niya na rin ang sasakyan.
"Yeah, I ate breakfast. Nagutom lang talaga ako ulit," Ngiting ngiti ako ng iabot nito sa akin ang paper bag na may laman ng inorder namin.
Kinuha ko ang dalawang burger na inorder niya. Ang isa ay kinagatan ko habang ang isa naman ay hawak hawak ko sa kabilang kamay para ipakain sa kay Ash.
"Ah, baby, ah." Asar ko at inilapit sa kaniya ang burger. Natatawang kinagatan niya naman iyon. "Good boy!"
"Stop doing that to me, mukha ba akong aso, Belle?" Aniya at itinigil ang sasakyan. Tumawa lang ako sa kaniya. Inilibot ko ang tingin ko sa labas, napansin kong nasa tapat na kami ng simbahan ngayon.
"Ano gagawin natin dito ha? Wala namang misa ngayon." Tanong ko. Binalot ko ulit ang burger na nakalahati niya lang. Samantalang iyong akin naman ay binitbit ko hanggang sa paglabas ng kotse.
"Ang madasalin mo ano?" Binilisan ko ang pagkain sa hawak ko na burger. May nakita kasi akong isang placard sign na bawal mag bitbit ng pagkain papasok ng simbahan.
"Saglit lang tayo dito..." Ngumiti siya sa akin. He placed his hand on my waist at hinatak na ako papasok ng simbahan.
May iilang tao rin naman sa loob ng simbahan. Halos lahat ay puros matatanda pero may mga bata rin naman na tingin ko'y napadaan lang at naisipan na ring pumasok sa loob ng simbahan.
We sat in the middle of the church, tanging ugong lang ng mga electric fan ang maririnig sa buong simbahan. Tumikhim ako at taimtim na nagdasal.
Pailalim kong sinulyapan ang katabi ko naabutan ko pa itong nakapikit at dinadama talaga ang pagdadasal. Sumulyap ako sa paligid bago kinuha ang cellphone sa loob ng bag. I took some photos of Ash.
Agad kong binalik sa bag ang cellphone ko ng makitang dumilat na si Ash. Ngumiti ako sa kaniya at tumayo na.
"What are you smiling at?" Taka niyang tanong at tumayo na. Ngumiti lang ako at tumayo na rin. Ang buong akala ko ay aalis na kami ng simbahan, pero umikot pa kami at tumigil sa mga nagtitinda ng mga kandila.
Ash bought three colored candles; white, deep blue, and red. Ngumuso ako inabot ang mga kandilang hawak niya.
"Did you know that every color of these candles has its meaning?" Tanong ko at itinaas ang mga kandila sa kaniya.
"Oh, really?" Aniya at manghang tinignan ako. Napangiwi ako at umirap sa kaniya. He just chuckled at me.
Lumapit kami sa mga pinagtitirikan ng kandila. I really don't know what are we doing here at bakit kailangan pa naming magsindi ng kandila. Pero dahil sa bumili naman sya at ayoko namang masayang ang pera niya, tinirikan ko na ang mga kandilang binili niya.
"What did you pray for?" Tanong ko habang tinitingnan ang nauupos nang kandila.
"I prayed for the girl beside me." I bit the inside of my cheek. Palihim pa akong umirap dahil sa sinabi niya.
"Ha? Hakdog ka." Natatawang umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya. "Tara na? Saan na ba tayo?"
"Hmm. Cloud 9. Aren't you hungry? Doon nalang tayo mag lunch," Aniya at inakbayan ako. Tumango lang ako sa kaniya at naglakad na muli papunta sa sasakyan.
"What's yours?" Ngumuso ako at masuring tiningnan ang menu na hawak.
"Kahit ano nalang. Kung ano sa 'yo, ganoon na lang din yung akin." Ngumiti ako at ibinaba ang menu na hawak.
"Nakakaba naman yang 'kahit ano' mo." Aniya at tumawa sa akin. Umirap lang ako sa kaniya. Inilibot ko ang tingin sa loob ng restaurant. May mga tao naman sa loob pero hindi parin mawawala ang distance at privacy ng bawat table.
Pumangalumbaba ako at tinitigan ang lalaking nasa harap. "Ano pumasok sa isip mo't inaya mo ko dito?"
"Wala, bakit kailangan bang may dahilan para makasama ka?" Ngumuso ako at bahagyang napailing sa sinabi niya.
"Saan tayo pagkatapos dito? Should we swim? Paano yan? 'E wala naman tayong damit, may bilihan naman siguro dito 'di ba?" Natigil ako sa pagsasalita ng mapansing walang imik ang kasama ko.
"Hoy!" Agad kong hinablot sa kaniya ang cellphone na hawak niya. "Why are you taking stolen pictures!"
"Oh? Ikaw rin naman kanina ha? Pero 'di ko naman kinuha." Aniya at inagaw sa akin ang cellphone niya.
"Delete it!" Akmang aagawin ko pa sana ulit sa kaniya pero agad niyang tinago sa likuran niya ang cellphone.
"Ayoko nga. Tsaka maayos naman ang pictures mo ah? Maliban nalang yung sa nakanganga ka." Humalakhak ito at iwinagayway sa mukha ko ang litrato kong nakanganga!
"Hoy! Parang gago amp!" Dinampot ko ang tissue sa tabi at binato sa kaniya. He just let out his tongue at me. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"We should roam this place after we eat, hindi naman ganoong mainit 'di ba?" Bakas sa boses nito ang pagkatuwa. Sumimangot ako at umirap sa kaniya.
Hindi ko nalang siya sinagot dahil dumating na ang inorder niyang pagkain. Steak. It's okay, lunch naman na so okay lang kumain ng heavy foods.
"Sarap 'no?" Tanong ko habang nginunguya ang pagkain. Tumango lang ito sa akin. "Alam mo kung ano mas masarap?"
"Ano?" He grinned at me. "Ikaw?"
Tumawa ako at umiling sa kaniya. "Buko, tungak! Bili tayo mamaya. Ikaw ah? May pagnanasa ka talaga sa akin."
"Belle! Faster!" Nalaglag ang panga ko sa narinig na isinigaw ni Ash. "Ang bagal mo!"
"Sorry ha? Sabi ko kasi sayo bumili muna tayo ng buko e! Nakakauhaw maglakad, tapos ikaw pa 'tong nauuna! Ang hahaba kaya ng biyas mo!" Umirap at tumigil sa paglalakd para lumanghap ng sariwang hangin.
Tumawa ito at binalikan ako sa pwesto ko. He intertwined our hands 'saka niya ako hinila palapit sa hanging bridge.
"Teka lang, 'di ba to babagsak?" Tiningnan ko ang ibaba, na sana ay hindi ko nalang pala ginawa. Mga puno at kotse ang bubungad sa akin kung sakali mang malaglag ako. Napalunok ako at agad na iniiwas ang tingin sa ibaba.
"Hey... Look at me." Ash held my chin up. Isang malakas na hangin ang humampas kaya't bahagyang nagalaw ang bridge.
"Ash... Tangina, gumagalaw!" My hands trembled as I held on the railing of this stupid bridge! "Tara na! Tara na! Ayoko na dito."
Ash just laughed at me, bibitawan niya pa sana ang kamay ko pero agad ko iyong hinawakan at ipinulupot sa katawan ko.
"Tara na! Pakiramdam ko babagsak 'to." Hinampas ko ang balikat niya dahil tumawa lang siya sa akin. "Tangina, Ash!"
"Let's go! Let's go!" Aniya, natatawa. Hinawakan niya ang baywang ko at inalalayan ako sa paglalakad.
"Dito ka nga muna..." Tinuro niya ang isang bench na nadaanan namin paglabas namin nang bwisit na hanging bridge na iyon. "I'll buy you drinks, wait for me here."
Tumango lang ako sa kaniya at umupo sa kung saan niya ako pinapaupo kanina. Hindi ko talaga maisip kung bakit ako pumayag na dumaan kami don sa hanging bridge na 'yon, kung pwede namang sa baba nalang kami maglakad.
"Oh," Nag-angat ako ng tingin sa kay Ash na may bitbit ng dalawang buko.
"Thank you!" Ngumiti ako at sumimsim sa bukong binili niya para sa akin.
"Do you want to swim?" Tanong niya. Sumulyap ako sa kaniya saglit at tumango.
"Should we buy some clothes? Saan natin ilalagay yung mga gamit natin?"
"Nag-book ako ng room kahapon. Don't worry." Napanganga ako at manghang tiningnan siya. Hindi halatang pinaghandaan niya 'to ah!
"Maeenjoy ba natin? Hanggang 9 lang pa naman paalam mo sa kapatid ko." Natatawang sambit ko.
"Ako, oo. Maeenjoy ko. Kasama kita e." Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang sinasabi iyon.
Tumikhim ako at tinuon nalang ang pansin sa bukong hawak hawak. Grrr. This guy never really failed me!