"Are you still breathing?" I heard Ash chuckled and glanced at me.
Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya. "Why I'm here with you again?"
"Huh? Ayaw mo ba ako kasama?" Aniya at itinigil ang sasakyan sa tabi ng isang tapsilogan hindi ganoon kalayo sa gate ng subdivision namin. "Aren't you hungry?"
Ngumuso ako. "I'm not hungry."
"But I am." Aniya at kinalas ang seatbelt. Napanganga ako habang pinagmamasadan siyang umikot at pumunta sa may pintuan ko banda. "What? You'll wait me there?"
Umirap ako sa kaniya at tinanggal na rin ang seatbelt. "Bwisit ka talaga."
"I'm sorry." Iginiya ako nito paupo sa isang lamesa. Wala roon masyadong tao, kung meron man ay puros estudyante ng venue at naghahapunan.
"I'll take the orders. Just wait for me here, okay?" He said before leaving me in our table.
Ngumuso ako at kinuha ang cellphone ko. May isang text message galing kay Sky.
From: Sky
Ash will pick you up there
Anjan na siya
Belle.
Inirapan ko ang screen bago nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
To: Sky
Pinasundo mo ako kay Ash?
From: Sky
Obviously
Awa ako sayo e
To: Sky
Alam mo? Bwisit ka talaga. Di rin kayo magtatagal niyang jewel mo na yan
From: Sky
Stop being so bitter hahahaha
Ngumiwi ako. Napakalandi nang kapatid ko grabe! Hindi ko na siya nireplyan at naglaro nalang ng kung anong laro sa phone ko.
Sumimangot ako ng matalo ako sa laro at makitang wala parin si Ashton. Inilibot ko ang paningin ko sa loob, huminto ito sa kay Ash na may kausap na isang babae at naka pang tourism na uniform. Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan sila.
Napansin ata nitong may nakatingin sa kanila kaya bumaling si Ash sa banda ko. Napailing nalang ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Bilis nun ha? Iba ata na order niya, kalandian ata?
"I'm sorry, ang tagal magluto-"
"I'm fine. Bakit bumalik ka kaagad? Asan na yung tourism student mo na kausap mo?"
"'Tourism student mo'? Mo? Really, Belle?" Aniya. Pinagmasdan ko siya at napansin ko ang ngiting naglalaro sa may labi niya. Ngumiwi ako sa kaniya at inilingan siya.
"She's just a friend." Hindi ko siya tiningnan. Binuhos ko ang atensyon ko sa pagkaing nasa harapan ko. "I've met her several times sa mga part-"
"I did not ask for your explanation, Ash. 'Di ko rin tinanong kung kaano-ano at saan mo siya nakilala. I don't care, actually. Kahit lumandi ka pa d'yan. Pakealam ko?" Binulong ko ang huli kong sinabi. Salubong ang kilay niya ng lingonin ko siya. "What?"
"Yes. You did not ask for my explanation. Sinasabi ko lang." Aniya at sinimulan ang pagkain.
"Defensive ka naman masiyado. Wala akong pake sa kalandian mo okay?"
"She's not my kalandian..." Ngumuso ito.
I mocked him. "It's okay. Stop playing innocent here. Like what I've told you, I don't ca-"
"I know you really don't care about me. So stop mentioning about that girl and finished your foods. Mamaya isipin ko pang may pake ka talaga sa 'kin." Nakangisi nitong sambit sa akin.
Napanganga ako sa sinabi niya. "You!" Hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko.
"What?" Natatawa niyang sagot bago uminom ng tubig sa basong nasa tabi niya.
"Argh! Really, I hate you." Suko ko.
"Well... I do love you." Halos maubo ako sa sinabi niya. Tinawanan niya lang ako. Gustong gusto ko siyang saktan pero pinigilan ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Hindi kami nagusap hanggang sa matapos ang pagkain.
"Are you done? Ihahatid na kita...." Sambit niya bago tumayo. Nakanguso akong sumunod sa kaniya pabalik ng kotse.
"Bakit ka pumayag sa gusto ng kuya ko huh?" Tanong ko ng di na makatiis dahil ang tahimik niya.
"Pumayag saan?" Aniya habang isinusuot ang seatbelt.
Umirap ako. "He asks you to drive me home, right? Why did you agree with it?"
"I just want it. Why? You don't like being with me?" Sambit niya habang pinapaandar ang makina.
"That's not what I meant."
"I just like being with you..." Napanganga ako at dahan dahang lumingon sa kaniya.
I laughed awkwardly just to lessen the awkwardness enveloping us. "What the hell, Ash? Stop flirting with me! As far as I remember you're flirting with that tourism stu-"
"Oh really, Belle? I thought you don't care about me. Why the hell are you opening up that again? I told you we're just friends..." His voice softens. I almost rolled my eyes at him.
"Come on, baby... You're not believing at me? You can call your bro-" Tinaas ko ang kaliwa kong kamay para patigilan siya sa sinasabi niya. He just laughed at me.
"Ano na? Aren't you gonna drive? Tatambay lang tayo dito sa loob ng kotse mo ha?" Irita kong sambit sa kaniya.
"If that's okay with you, why not?" He bit his lower lip just to stop himself from smiling.
Come on. Stop doing this to me, Ashton.
"May gagawin ka pa ba?" Tanong niya matapos paandarin ang kotse. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.
"Why? Do you want to go somewhere else?" Taka kong tanong.
"Can we?" Sinulyapan niya ako ng isang beses at muling itinoon ang atensyon sa daan.
"Saan?" Hindi niya ako sinagot. Nalaman ko nalang ang direksyon namin ng makitang nilagpasan nito ang gate ng subdivison namin. "Antipolo?"
Gulat ko siyang nilingon. "Seryoso ka ba? Anong gagawin natin sa Antipolo? May pasok pa bukas!"
"Calm down, Belle, we won't go there. I just have something to show you." He chuckled. "We'll be back before 8 or 9."
"Kung 'di sa Antipolo, saan?" Tanong ko ulit. Alam kong hindi magtatagal ng isang oras ang byahe namin dahil hindi siya dumaan sa main road.
"Just wait and see..." Aniya. Napailing nalang ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Dahil puros mga puno na ang nakikita ko ay mas pinili ko nalang pumikit hanggang sa hilahin na ako ng dilim.
"Where do you think you're going, huh?" Pikit mata ako habang hawak ang kamay ni Auntie. My head hurts because of her touch. Tinulak niya ako sa tabi ni 'Adi'.
"I just want to make your parents feel how I felt when I lost my child!" She cried at us. I don't exactly know what's her talking about, I just know that she must've been hurt. Really, really bad.
"It fucking hurts to see you two here, but I just want justice for my child.... I just want..." Tears rolled down to my face. I badly want to know what does she meant by that.
"I know this is bad... But I just want justice... If the law can't give me the right justice, then ako! Ako ang gagawa!" Hinang hina itong napaupo. Napatakip ako sa aking tenga dahil sa sunod sunod niyang pagsigaw. Looks like she wanted to remove all the pain she's feeling right now.
Tears rolled down to my face as I felt something touch me. Agad akong napamulat.
"Are you okay?" Ash's face enveloped my sight. Napansin ko rin na tumigil na ang kotse.
Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko bago ngumiti sa kaniya. "Yup! I'm okay. Where are we?"
Tinitigan niya pa ako. Tila tinatantsa kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. His head tilted a little. "Are you sure? We can just go back. Magpahinga ka nalang."
I smiled just to assured him that I'm really okay. "Ayos lang ako. Sayang ang gas papunta dito kung babalik agad tayo." Sambit ko habang tinatanggal ang seatbelt. I didn't wait for him, agad na akong lumabas ng kotse. A cold wind breeze enveloped my body as I came out of his car.
Nilibot ko ang tingin sa buong lugar. Walang mga poste ng ilaw sa paligid, tanging ilaw galing sa kotse ni Ash at sa isang bahay sa likod lang ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Nilingon ko ang banda niya ng marinig ang pagsara ng pinto ng kotse.
"Bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko.
Nakapamulsa itong naglakad palapit sa akin. "Naisip ko lang. Baka hindi kita madala dito kapag kalagitnaan na ng school year."
"Bakit?" Gulo kong tanong habang nakatitig sa kaniya. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa harapan. Binalingan ko rin ng tingin ang nasa harap namin.
And there I saw the sun is setting down. May mga ibang bahay sa ibaba na bukas na ang mga ilaw. Nilingon ko ulit siya ng may maisip.
"Nakikita mo ba yan?" Sambit ko habang itinuturo ang mga bahay na nasa ibaba namin.
Ngumisi siya at nilingon ako. "Oo. May mata ako, e." I rolled my eyes at him. "Bakit?"
"Hindi atin yan," tumawa ako ng mahina.
"Is that a joke?" Napangiwi ako. Hinampas ko ang balikat niya. Tumawa lang siya sa akin habang sinasangga ang hampas ko.
"It's not a joke, Its a statement by the way."
"Oh, it's that it?" Umayos ito sa pagkakatayo at humarap sa akin. "Alam mo kung ano yung sa akin?"
Kumunot ang noo ko at bahagyang natawa dahil pakiramdam ko may ilalapag din siya. Humarap ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. "Hmmm. What is it?" Nangingisi kong hamon.
"Yung nasa harap ko."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi pa nakakabawi ay hinigit na niya ang baywang ko palapit sa kaniya. "Do you hear that, huh? It's not a joke, its a statement by the way."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Itinulak ko siya paatras pero nahakawan niya ang palapulsuhan ko. He held my chin up so our eyes would meet. I looked at his eyes and saw him looking at my lips.
My heart beats fast. Nakakabingi ang sobrang lakas ng pintig ng puso ko. I bit my lower lip. I don't know what to do.
Ash breathes became so heavy as he looked back at my eyes. "Fuck." Aniya bago inilapat ang labi niya sa labi ko.
His kisses were soft and gentle. Halos mapamura ako habang dinadama ang halik niya. I shut my eyes close. Hindi ako gumanti sa halik niya.
Nang dumilat ako ay agad na bumungad sa akin ang mapupungay na mga mata ni Ash. He licked his lower lip bago ihinilamos ang palad sa kaniyang mukha at bahagyang lumayo sa akin.
I chuckled at him. Agad kong sinikop ang buhok ko sa kaliwang balikat ko dahil tinatangay ito ng hangin. When I looked back at him, I saw how his ears turned red.
"I'm sorry... Hindi ko napigilan. You can slap-"
"Come on, Ash..."
His brows furrowed when he heard of what I said. "What? I kissed you, Belle."
Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kung kanina ay ang tapang tapang ko, parang ngayon ay nawala lahat ng iyon dahil sa bulgar niyang sinabi.
Yeah, right! He kissed me! Belle, he freaking kissed you! You should've been mad at him right now. But why does my heart feel so happy at the thought of he kissed me? I shooked my head a little. Binusog ko nalang ang mata ko sa tanawing nasa harapan. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito sa gilid ko.
I bit the inside of my cheeks just to stop my self from smiling. Ugh! Belle, what's wrong with you, huh?
"Hello?" I glanced at Ash. Nakapamulsa ito habang ang cellphone ay nasa kanang bahagi ng tenga. "Hindi na ako susunod..."
Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya. "I'm busy, Sky."
Napaayos ako sa tayo ng marinig ang pangalan ng kapatid ko. "Kasama ko... Are you fucking serious? May pasok pa bukas!"
Napailing nalang ako ng may marealize. Siguro'y pinapasunod siya sa nay Tanay dahil naroon nga si Kuya. Ngumuso ako habang pinapanood siyang pinapatay ang tawag.
"Bakit?" Tanong ko ng makitang ibinalik na nito ang cellphone sa bulsa.
"Pinapapunta ako ng Tanay." Aniya.
Tumango tango ako sa kaniya. "Then I should go home now? You can drop me on the gate nalang."
"Ayoko. 'Di ako susunod. Ang layo ng Tanay, may pasok pa bukas..." Hinapit nito ang baywang ko palapit sa kaniya.
Natutop ko ang labi ko sa biglaan niyang galaw. "Hey!"
"What? We already kissed, Belle—"
"Oh God, Ashton!" Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Ang walang hiyang 'to!
"Don't you love me? Aren't you falling in love with me, huh?" He whispered on my ear. I can almost feel his nose on the side of my head.
"Can I?" Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kaniya.
"Can you, what?" Tanong ko. Hindi siya matingnan sa mga mata. Marahan nitong hinawakan ang baba ko at iniangat para magkatitigan kami.
"Can I court you, Belle?" He whispered. I almost got a heart attack.
I bit my lower lip as I stared at him. Ayokong magpadalos dalos. We just met last month, kagagaling ko lang sa isang long term relationship at hindi ko alam kung totoo ba itong sinasabi ni Ash ngayon.
If ever I would know that he's just playing with me, then I'll end this stupid connection with him. I sighed.
When I looked back at him I saw how serious his eyes are. Napalunok ako bago dahan dahang tumango sa kaniya.
Argh! Marupok na kung marupok. Bahala na.
The side of his lips rose as he stared at me. Walang ano ano'y hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang aking noo.
I smiled at his sudden move. "Fuck. Tama lang na inantay kita." Aniya. Kahit taka sa sinabi niya ay natawa nalang ako ng mahina at dinaman ang mga halik niya sa noo ko.