Chapter 11 - Kabanata 10

"Tara na?" Nakangiti kong hinarap si Ash sa gilid ko. He tilted his head a little and wrap his hands around my waist. Siniksik nito ang kaniyang mukha sa may pagitan ng leeg at balikat ko.

Napaigtad ako sa ginawa niya. "Hmmm... I want to stay like this with you..."

I chuckled and slightly slapped his arms. "Come on. May pasok pa bukas."

Hindi siya gumalaw bagkus ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahapit sa baywang ko. Tumawa tuloy ako at hinayaan nalang siya. Tumagal pa siguro kami ng isa't kalahating oras roon na ganoon ang posisyon. Ni hindi ko nga napansin na ganoon na pala kami katagal na nakatayo at nakatanaw sa kanina pang lumubog na araw.

"Thank you..." Liningon ko si Ash na nasa driver seat. His brows furrowed at me.

"For what?"

"Sa paghatid malamang." I chuckled and unbuckled my seatbelt. "See you tomorrow, then?" Ngumiti ako.

"Okay. I'll chat you when I got home, okay?" Aniya at ngumiti sa akin. Ngumuso ako at tumango sa kaniya. Isang beses ko pa siyang nilingon bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Inantay ko pang mawala sa paningin ko ang kotse ni Ash bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Napahawak ako sa dibdib ko ng makitang titig na titig sa akin si Kuya John pagkapasok ko ng bahay.

"Sa pagkakaalam ko hanggang alas singko lang kayo? Saan ka galing? Pasado alas otso na..." Aniya sa isang mahinahong boses ngunit bakas ang pagiging seryoso roon. Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung anong idadahilan ko.

Wala namang masama kung sasbihin kong kasam ko si Ash 'di ba? Kasi yun naman ang totoo. Pero paano kung iba ang isipin ni Kuya?

"I'm asking you, Isabelle. Where did you go?" I looked back at him.

I cleared my throat first before I answered him. "Sa may thunder bird-"

"Anong ginawa mo roon?"

"Nanood sunset!" Sumimangot ako sa kaniya.

"Sinong kasama mo?" Seryoso ang tingin nito sa akin. Tila'y inaantay na may banggitin akong pangalan at pag nagkamali ako ay bubulyawan niya ako.

Sasagutin ko na sana siya ng may biglang pasuray suray na naglakad papasok ng bahay. Halos matawa tawa ako sa itsura ni Kuya Sky! Damn he's so wasted. Sinulyapan ko ang umaalalay sa kaniya, If I'm not mistaken it was Derrick, iyong kasama naming nag ice skating

"What happened?" Kuya John helped Derrick. Ibinagsak nila sa sofa si Sky kaya umusog ako kaunti.

"Nasobrahan sa inom e," Sagot ni Derrick ng maihiga nila si Sky sa sofa. "Nagbreak sila ni Jewel...."

Nilingon ko si Sky, tulog na tulog na ito at alam kong hindi na talaga siya magigising. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang labi niyang may sugat.

"Nagbreak? Kasasabi niya lang kanina na pupunta siya ng Tanay kasi ihahatid niya nga raw si Jewel." Nilingon ko ang dalawa.

"Yeah, right. Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinabi ni Kiko, nakita raw kasi nitong si Sky na may kahalikang iba si Jewel. Napaaway, tas ayan putok labi sa suntok nung lalaki." Paliwanag ni Derrick.

Tumawag ako ng isang kasambahay at inutusan silang kunin iyong first aid kit sa may kusina. Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit ng pangtulog. Hinayaan kong si Kuya John ang makipagusap roon kay Derrick.

While I'm busy doing my skin care inside the bathroom. I heard my phone rang. So kahit may sabon sabon pa ang mukha ko ay agad akong lumabas ng banyo at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sambit ko. Inilapag ko ang cellphone ko sa countertop at ini-loudspeaker iyon.

[Hey...] Ash husky voice enveloped the whole bathroom.

Halos mainom ko ang tubig ng bilisan kong maghilamos.

"Oh my God. Hello?" I bit my lower lip as I stared at myself in the mirror. Hoping that I'm just dreaming.

[Hello...] I heard his chuckled.

"How the hell did you get my number?" I asked him.

Narinig ko pa ang pagsara ng kung ano. I think his door car. [Sky gave your number to me.]

Napairap ako ng maalala na inutusan nga pala siya ng kapatid ko. "So? Nakauwi ka na ba?"

[Yeah. I just got home. Is your brother okay? Kiko called me, napaaway daw siya.]

"Oo! Nakarating na hinatid nung si Derrick." Sambit ko. Tumagal pa ng ilang segundo ay hindi ako nakarinig ng sagot galing sa kaniya. Tiningnan ko pa nga kung nasa linya pa ba siya, pero naroon pa naman. "Hello? Are you still there?"

[Yeah.] I heard how he took a deep breath. Napangisi ako habang pinupunasan ang basa kong mukha.

"Why aren't you talking?" Lumabas na ako ng banyo at lumapit vanity table ko para magsuklay ng buhok.

[Do you know him?] He asked. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Who?"

[Derrick, of course.] Masungit niyang sambit.

Tinawanan ko siya ng may mapagtanto. "Of course I know him, kasama natin siya nung nag MOA, 'di ba?"

[Do you two talk?]

"Are you jealous?" Ngumisi ako at tumigil sa pagsusuklay para pagtuunan ng pansin ang susunod niyang sasabihin.

[Of course not. Why would I'd be jealous?]

"Yeah, right. Bakit ka nga ba magseselos. 'Di ba?" Humalakhak ako.

[Why are you laughing?] His voice became so serious. So I bit my lower lip just to stop my self from laughing. [Sir, tinatawag ka po ni Ma'am Amanda sa may office daw 'ho.]

"You should go. Mamaya nalang, pupuntahan ko rin ang kapatid ko..."

[Okay... Text me when your done, okay? So I'll call you before you sleep.] Napangisi ako sa sinabi niya.

"Okay po..." Nangingiti kong pinatay ang tawag. Isang beses ko pang sinuklay ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

Saktong paglabas ko ng kwarto ay may dumaan na kasambahay kaya tinawag ko ito. "'Te, nasa baba parin ba si Kuya Sky? O andoon na sa kwarto niya?"

"Nasa baba pa po. Gising na si Sky..." Aniya. Ngumiti lang ako sa kaniya at sabay na kaming bumaba.

Nasa hagdan palang kami ay rinig na rinig ko na ang boses ni Kuya John. Pinarangalan malamang ang kapatid namin sa may dining.

"Ano ba kasing nangyari ha? Bakit ka nakipag away?" Dinig kong tanong ni Kuya John pagkapasok ko ng dining.

"Wala nga. Hayaan mo na," Napasinghap ako at dahan dahang umupo sa harap ni Sky. Inaabangan ang susunod paliwanag niya. "Tsaka bakit ba ako lang ang tinatanong mo? Hindi ba't isa rin 'tong ginabi sa uwi?"

Nanlaki ang mata ko ng nagangat ako ng tingin sa kapatid ko. "Ano?! Bakit nanaman ako nadamay jan!" Sinamaan ko ng tingin si Sky, pero umiling lang siya sa akin at uminom ng kape sa basong nasa harapan niya.

"We'll just keep it a secret. Once na malaman 'to nila Dad, tatlo tayong lagot..." Ani Kuya John. Patagong napangiti ako, dahil sa kanilang apat na mga Kuya ko, siya itong strikto pero kung alam niyang madadawit siya mas pipiliin niyang manahimik.

"Kumain na kayo jan. May pasok pa kayong dalawa bukas, pero mas inuna niyo pang maglakwatsa." Umirap ako at nagsandok nalang ng kanin at ulam sa plato.

"Kasama mo si Ash?" Sky whispered at me as Kuya John leaves the dining room.

"Siya naghatid sa akin." Simpleng sagot ko. "Nagbreak kayo noong si Jewel? Sabi sayo 'di kayo magtatagal e."

"Tch. Wag mo na nga ipaalala." He rolled his eyes at me. "Naiinis ako kapag naaalala ko."

I laughed at him. "Anyare ba? Kwento!"

"Makikichismis ka lang e," Pinanigkitan niya ako ng mata.

"Icocomfort kita tungaw. Kwento mo nangyari." Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. "Ano? Bahala ka jan. Lalaitin ko sana iyong si Jewel para naman ma-cheer up ka diba?"

"Kapatid ba talaga kita?" He looked at me amused.

Tumawa ako at pumangalumbaba sa mesa. "Ano nga?" He just shook his head at me hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Kaklase mo iyon 'di ba? So anong mukhang ihaharap niya sa iyo bukas? Unang araw ng pasukan ay issue agad." Nasapo ko ang aking noo. "Gusto mo abangan natin sa gate?"

"Tumigil ka nga. Para kang sira." Aniya natatawa sa mga pinagsasasabi ko.

"Ano?! Igaganti na nga kita, e!" Sambit ko at humalakhak. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero natatawa rin.

"Bahala ka sa buhay mo. Aakyat na ako. Sasabay ka ba sakin bukas? Kung oo, agahan mo magising ha?" Aniya at umalis na ng kusina bitbit iyong basong may laman na kape.

Binilisan ko na rin ang pagkain dahil alas nuebe na. Kailangan kong matulog ng maaga ng ganoon ay hindi ako mahuli sa pagaayos bukas.

Kumaripas ako ng takbo paakyat. Wala kasi akong nadatnang tao sa sala. Ang buong akala ko ay naroon pa rin si Kuya John, pero tingin ko ay nasa library na siya.

Like what Ashton told me, I texted him right after I finish eating my foods.

To: Ashton

Done. Matutulog na ako :)

Pumasok muna ako sa banyo para magtoothbrush. Pagkalabas ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa may side table. May message galing sa kay Ash. Napangisi ako.

From: Ashton

Tatawag ako.

Wala pang ilang minuto ay agad na tumunog ang cellphone ko. Para akong bulateng inasinan ng makita kung sino ang tumatawag. Kinalma ko muna ang sarili ko. I let a deep breathe before answering the call.

"Hello?" Kagat labi kong sambit. Niyakap ko ang unan na nasa may gilid ko.

[Hey,] His voice were bit husky. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Inantay ko lang ang susunod niya pang babanggitin. [Good night.]

"You'll also sleep na?" Nangingiti kong tanong habang umaayos sa pagkakahiga.

[Yup. I'll see you in school tomorrow, then?] Narinig ko pa ang paggalaw nito sa kabilang linya. Tila umayos sa pagkakaupo o higa.

"Yeah. Good night na."

[Matulog ka na. Please don't dream of me, I just want you to sleep well and tight...] Napangisi ako sa sinabi niya.

"I like it." Sambit ko. "You, too. Sleep well. See you tomorrow."

I didn't end the call. Hinayaan ko siyang siya ang pumatay sa tawag. [I know you won't end this call, so ako na. Good night, Belle.]

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko kahit na tinapos na niya ang tawag. I feel like this is just a dream. Pero tulad ng sinabi niya kanina na matulog na ako at wag ng magisip pa ng kung anu-ano, ay yun nga ang ginawa ko. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng walang ibang inisip at walang napanaginipan ng kahit ano. May mahika ba ang mga salita nya?

"Aga mo naman." Napaangat ang tingin ko sa may hagdan ng marinig ko ang boses ni Kuya Sky.

"Mabagal ka lang talaga." Nginisian ko siya at muling itinuon ang pansin sa may TV. Maaga pa naman, hindi pa nga nagpapakita ang haring araw. Kaya ayos lang na tapusin ko muna itong palabas ngayon sa TV.

"Nag umagahan ka na ba? Kakain muna ako." Aniya at dumiretso sa dining. Hindi ko siya pinansin at pinagtuunan ang pansin. Busy ako sa panonood sa kay Kuya Kim na nageexplore na kung saang lupalop nanaman ng Pilipinas.

"Aga natin ah!" Aster sat beside me. Nasa may garden ulit kami, tapat ng office. "Andito na daw si Yumi? Wala sa kanila kanina dinaanan ko."

Kumagat muna ako sa tinapay na hawak ko bago sagutin si Aster. "'Di ko nakita. Baka di papasok?"

"Baliw. Pangalawang araw pa lang ah?" Aniya at kumuha ng kapiranggot sa pagkain ko. Nginiwian ko siya pero binigyan ko pa rin naman.

"Text mo nalang, Aster. Tara na, baka malate tayo sa first subject." Aya ko sakaniya at tumayo na.

Aster did what I suggest. Tinext niya ang pinsan niya na pumasok na kami sa first subject namin. Dahil kung iintayin pa namin itong si Yumi ay baka mauna pa sa amin ang prof namin.

Pasado alas dose na kami pinalabas ng classroom. Pangalawang araw pa lang pero ang school works ay hindi na agad nagpapaawat. Parang 'di ko yata kakayanin kung mag second sem pa ah?

"You guys look stressed! Come on, cheer fucking up!" Yumi laughed at us. Tumungo ako sa lamesa, ni pagkalam ng sikmura ko ay hindi ko na napansin dahil sa mga nagdaang klase.

"Ay! Hope all!" Dinig kong tili ni Sam at Yumi sa harapan ko. Iritang nag angat ako ng tingin sa kanila.

"Hope all may jowa!" Yumi laughed at me. Kumunot ang noo ko sa kaniya at binalingan ang nasa gilid ko.

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita si Ashton na nakatayo at may bitbit ng tray. I cleared my throat. "B-bakit?"

Tsaka ko lang naisip na baka uupo siya sa tabi ko! Fuck, Belle. Umusog ako palapit sa kay Aster para makaupo siya sa tabi ko. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga kaibigan ko, ramdam ko din ang titig ng mga ito. Tila sinusubaybayan ang mga magiging galaw namin. Napanguso ako.

"Why are you here?" I asked him. Pinagmasdan ko siyang nilalapag sa harap ko ang isang platong may laman na carbonara. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay.

"You didn't answer my call." Aniya at tinitigan ako sa mata. "Kumain ka na."

I bit the inside of my cheeks. Pailalim kong sinulyapan sila Yumi na nasa harap ko. Kitang kita ko kung paano umikot ang mga mata ng kaibigan ko sa akin. I stifle a laugh. Ash look at me. Ngumiti lang ako sa kaniya at inilapit sa akin ang carbonara na binili niya.

"Grabe! Ito siguro yung sinasabi ni Ma'am Anoran? Kailangan masanay sa mga cheesy moments." Yumi said. Nang lingunin ko ito ay nakapangalumbaba na siya habang may sipsip na shake. "I really can't see myself, flirting with someone."

Napangisi ako at matamang tinitigan siya. "Are you really sure, huh?"

Mahinang natawa sina Kelly at inantay ang sagot ni Yumi.

"Hell, yeah! You know? Hindi ko kayang ipagpalit iyong mga baby ko." She giggled. Napailing nalang ako.

"Iyong mga koryano ba, Yumi?" Natatawang tanong ni Kelly. Yumi nodded at her. "Iyong mga koryanong hindi ka naman kilala, at paniguradong hindi ka naman magugustuhan?"

"Foul! Foul! Masyado ka, Kelly!" Yumi rolled her eyes at Kelly. Humalakhak ako. I looked at Ash when I notice that he's staring at me.

"Hmm?" Bakas pa rin ang tuwa sa boses.

"You're pretty when you laugh," Ash whispered at my ears. "But I hope some guys won't see it."

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. I can almost hear my heart beats so fast, I can also feel something inside my stomach. Tila nagdiriwang dahil sa mga katagang sinambit ng lalaking nasa tabi.

"Will you please stop?" I might fall deeper and deeper to you.

"Will you please stop being so pretty first?" I freaking swear to heavenly father that this! This guy right beside me is really, really, driving me crazy.

I heard a loud growl from my friends. I can feel that they probably heard what did Ashton whispered to me. Napailing nalang ako at hindi makapaniwalang tinitigan ang lalaking nasa tabi ko ngayon. He's smiling at me like he won something from the lottery. Hindi ko kinakaya ang mga banat nito. Gosh.