Chapter 12 - Kabanata 11

"Kayo na ba ni Ash?" Aster whispered at me. Last subject na ito kaya kating kati na akong tumayo at umuwi sa bahay.

"Hindi." Simpleng saad ko. Dahil iyon naman talaga ang totoo 'no.

"Seryoso ka? I mean," Umayos ito at humarap sa akin. Agad ko siyang pinandilatan dahil baka mahuli kami ng Prof namin. "Nanliligaw?"

Hndi ako sumagot. Umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.

"Uh-huh! Sabi na. Nanliligaw!" Napalakas nitong sabi kaya halos lahat ng malapit sa amin ay napalingon. Kinurot ko ang tagiliran ni Aster dahil sa ang ingay niya.

"Ang ingay mo! Pag tayo napalabas." Humalakhak lang ito sa akin at mapang asar na tinitigan ako.

"Maya ka sa 'kin." Aniya at ngingisi ngising binaling muli ang tingin sa Prof na nasa harap namin.

"Uwi na ba kayo ka agad?" Sam asked us. Tinigil ko ang pagliligpit ng gamit at matamang tumingin sa kaniya.

"Oo sana. Pero, bakit?" Tanong ko.

"Kain sana tayo. There's a new milk tea shop around terminal lang. Are you guys free?" She smiled at us.

Ngumuso ako. "G. Libre mo ba?" Asar ko.

Nginiwian ako nito. "Ang kuripot mo. Wag ka nalang nga sumama."

"Hey! I'm just kidding. Sige na," Sambit ko. Natatawa.

"Hoy, Summer Isabelle Vasquez." Pabiro akong hinampas ni Aster ng bag niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa may matigas na bagay ang tumama sa akin.

"Ano?!"

"Kailan pa nag umpisa?" Nangingisi niyang bulong. Narinig ata ng magpinsan kaya nabaling rin ang tingin nito sa amin.

"Umpisa ang alin?" Kelly curiously asked Aster. Malokong nagtaas baba ng kilay si Aster sa dalawa at nginuso ako. "Alin, Belle?"

Napabuntong hininga ako. Alam kong kahit na anong gawin ko. Hindi na ako titigilan ng tatlong 'to. Buti nga't wala si Yumi, dahil baka isa rin iyon!

"Iyong panliligaw ni Ash!" Hindi na napigilan ni Aster. Narinig ko ang pag singhap ni Samantha sa may gilid ko. Nagmadali itong lumapit sa harapan ko at niyugyog ako.

"Ash? Ashton? Wait. Paano na si Shawn?" Napangiwi ako ng marinig ang pangalan ng pinsan nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Past is past. Move on, Sam..." Sambit ko at pinagpatuloy muli ang pagliligpit.

"So nangliligaw na si Ash?" Tanong ni Kelly paglabas namin ng room. Umirap ako bago tumango sa kaniya. "'Di nga?!"

"Alam mo ikaw? Magtatanong ka tas di ka naman pala maniniwala."

Humalakhak si Aster sa gilid ko. "Ang swerte mo kay Ash, ang malas niya sa 'yo" Pangaasar pa nito.

Hindi ako makapaniwalang inilingan ang mga kaibigan ko. Sila palang 'to ha? Paano pa kaya kung kasama na si Yumi. Ewan ko nalang talaga.

"Nasa loob na raw ng milktea shop si Yumi." Sambit ni Aster habang naghihintay kami sa may garden.

"Akala ko ba nagpapaantay siya dito ha?" Si Sam.

"Ewan ko. Tara na!" Hinawakan ni Aster ang braso ko bago ako hinila palabas ng school.

Tahimik lang akong sumunod sa kanila. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko naman alam kung ano at sino yung pinaguusapan nila.

"Guwapo nga! Para kang sira, Aster." Dinig kong sambit ni Sam. Parang nagpantig ang tenga ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Sinong guwapo?" Nangingisi kong tanong. Nginiwian ako ni Sam at tinulak ang mukha ko.

"Uhm, excuse me? May jowa na." Humalakhak siya sa 'kin.

"Uhm, excuse me rin? Nanliligaw, 'di ko jowa."

"Oh edi ikaw na masaya love life. Happy na?" Seryosong sambit ni Kelly. Tinawanan ko ito at inangkla ang braso sa braso niya.

Sam and Aster continued their topic. Hindi ko alam kung sino ba yung tinutukoy nila dahil hindi naman nila sinasabi.

Bumitaw ako sa pagkakangkla kay Kelly ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa. There's a new one text message.

From: Yumi

San na kayo?

To: Yumi

Malapit na

From: Yumi

Andito sila Ash

Natigil ako sa paglalakad at pinaningkitan nang tingin ang screen ng cellphone.

To: Yumi

Okay

Kunot ang noo ko ng pumasok sa loob ng milktea shop. Agad kong inilibot ang paningin ko, hindi para hanapin ang pwesto ni Yumi. Right behind Yumi's chair, is Ash's friends table! That's why he didn't text me huh? Kasama niya pla ang mga kaibigan niya.

Nagiwas ako ng tingin at kunwaring hindi siya nakita. Dire-diretso lang ang lakad ko palapit sa lamesa ni Yumi.

"Anjan sila Ash," Nangingising bungad ni Yumi sa akin. Nginiwian ko siya bago umupo sa katabi nitong upuan. "Kaso kasama nila iyong si Addi."

Natigil ako at bahagyang napalingon sa kay Yumi. "Adi?"

"Addison. Double D, girl. Sorry." She smiled at me. Napailing nalang ako at kinuha ko yung menu na nasa table.

"Who's gonna order?" Sam asked. May hawak na itong papel at ballpen. "Ako na maglilist ng mga orders. Tapos kayo na mag-abot sa counter. Ayos ba?"

"Utak mo ha." Natatawang sambit ni Aster.

"Dark Choco Nutella, large, extra pearls and Nutella." Sambit ko bago ipinasa kay Aster ang menu na hawak.

"Same with Belle." Ani Yumi. Busy ito sa hawak na ipad.

Naramdaman kong may sumipa sa ilalim ng lamesa kaya nabaling ang tingin ko sa dalawang nasa harap ko. "Sino 'yon?"

Inilapit ni Kelly ang mukha niya sa akin. "Nakatingin si Ash sa banda natin." Aniya nangingisi.

Pasimpleng lumingon ako sa likuran namin ni Yumi. The moment that I look back is the time I saw Ash stood up and walked towards the counter. When he reached the counter I saw how the woman beside him caressed his arms. Napangiwi ako sa nasaksihan.

"Is that Addison? The one you're talking a while ago?" Bulong ko sa kay Yumi. Hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

"Huh? Asan?" Aniya at sinundan nang tingin ang tinitingnan ko. "Ah! Oo, hindi mo ba 'yan kilala? As far as I know, his family and Addi's family were business partners. Ganoon rin ata sa inyo."

"Weh? I don't know that much when it comes to business. You know." Sambit ko at umayos na ng upo.

Nilabas ko yung phone ko para magsearch about doon sa kay 'Addi'. Palihim ko 'yon ginawa, dahil kung mahuli ako nitong mga 'to pustuhan ay mangaasar nanaman. I searched for her facebook account. Well, maraming lumabas, marami siyang poser. Ganda 'e.

Nakanguso ako habang tinitingnan ang profile niya. Feel ko siya naman ito dahil marami iyong followers e. I also saw Ash on her friends list. Natigil ako sa pag-scroll ng may lumabas na notif. One new message and it's from Yumi!

From: Yumi

Facebook: Addison Villafuerte (the one who have so many followers)

Twitter: @addzvillafuerte

IG: @addzvillafuerte

GMAIL: _addzvillafuerte@gmail.com

"Thank me later." Hindi makapaniwalang nilingon ko si Yumi sa gilid ko. Yumi winked at me.

"Hindi ko naman siya hinahanap." I cleared my throat. Umayos ako sa pagkakaupo at itinago nalang ang cellphone.

"Talaga ba? Sige, kunwari naniniwala ako." Aniya natatawa. Sasakmalin ko na sana siya ng marinig ang pagkatok ng kung sino sa lamesa.

"Ikaw na mag-order, Belle." Si Sam. She pushed the paper until it reached me. "Nakasulat na lahat jan. Just hand it in the counter. Then wait-"

"I know how to order, Sam. No need to explain it to me." Nakasimangot ako sa kaniya at tumayo na para lumapit sa may counter. Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na nasa counter nga rin pala si Ash!

Tsaka ano naman 'di ba? He's my suitor. So bakit ako maiilang 'di ba? Right, Belle?

Huminga ako ng malalim. Ni hindi ko tinapunan ng tingin ang dalawang nasa gilid. Mabilisang iniabot ko ang papel sa babaeng nasa counter.

"Is this all, ma'am?" The lady smiled at me.

'Di ba halata? Binigay ko na nga yung papel e. Ngumiti ako sa kaniya at marahang tumango.

Iniabot nito sa akin ang isang maliit na buzzer. I just smiled at her at agad ring umalis roon. Ramdam ko rin ang paninitig ni Ash sa akin.

Ano ba? If you wanted to talk to me then make a move. 'Di yung puro ka titig. Umirap ako sa hangin. Saktong pagkaupo ko sa upuan ko ay siya namang balik nina Ash sa mesa nila.

"No offense. May gusto yang si Addison sa kay Ash." Bungad ni Kelly. Pinagmasdan nito ang ekspresyon ko. I remained serious as I looked at her.

"Okay." Huminga ako ng malalim.

"Are you serious? Yan lang reaksyon mo ha?" Kelly asked me like she was so disappointed at me.

I pouted my lips and crossed my arms. "Ano naman? I mean, sa akin naman may gusto si Ash." Laglag ang mga panga ng kaibigan ko ng tinitigan nila ako.

"Ah wagi!" Sam laughed at me.

"Damn the confidence, Isabelle." Natatawang sambit ni Aster sa akin.

"Uh-huh! I knew it!" Kinikilig na humarap sa akin si Yumi. Pinandilatan ko sila dahil baka marinig nila Ash. For pete's sake, nasa likuran lang namin sila. Napailing nalang ako sa kanilang apat.

Natigil lang sila ng maramdaman naming magvibrate ang lamesa. Tumayo ako para kuhanin ang inorder namin.

"Thank you!" The lady smiled at me. I smiled a ther too. Kukunin ko na sana ang tray para makabalik na agad sa table namin ng may biglang humablot non.

"Ako na." Ash looked so tall when he's beside me. Pinabayaan ko siya sa gusto niya. "Anong oras kayo uuwi?"

Napanguso ako sa tanong niya. "Kararating lang namin. For sure maya maya pa. Bakit?"

"I'll drive you home." Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Wag na. Ihatid mo nalang yung si Addison." Natutop ko ang labi ko.

"What?" His voice sounded so amused. I almost rolled my eyes at him.

"Wala!" Iritang sambit ko. Narinig ko pa ang munting pagtawa nito.

Laglag ang mga panga ng kaibigan ko ng sinuyod nila ang taong nasa likuran ko. Umupo ako sa pwesto ko habang inilalapag ni Ash ang tray na may laman na orders namin.

"Ang pogi naman pala ng nagse-serve dito!" Yumi giggled and slightly slapped my arm. Nginiwian ko siya.

"I'll wait you." Ash whispered at me. Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko siyang bumalik sa lamesa nila. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga kaibigan ko.

"Nakita niyo na yung bagong magazine cover ni Mavi?" Biglang tanong ni Aster nakatingin sa kay Yumi. Tumaas ang kilay ko ng marinig ang pag-ubo ng katabi.

"Oo! Damn. He's so hot in there. I feel like this year he'll debut." Sam giggled as she sipped on her milk tea.

"Kita mo na yun, Yums?" Nangingising tanong ni Aster.

Yumi cleared her throat first. "O-Of course."

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Alam kong may napapansin na rin itong si Aster. At hindi ko maipagkakaila na parehas kami ng nasa isipan ngayon.

Tinigilan rin nila si Yumi. Nalipat na ang usapan sa lalaking kanina pa pinagchichismisan nina Sam at Aster.

"Just fucking search it, Asteria." Pinal na sambit ni Kelly.

"Wala nga akong mahanap! His family's name were too common. Ang daming lumalabas." Aster rolled her eyes. Pinagmasdan ko lang silang dalawa na nagtatalo.

"Then search their business or just ask your parents about that guy." Ani Sam. Kumunot ang noo ko sa kanila.

"Sino ba yan?" Tanong ko.

"Do you know anyone that the surname is Nouri?" Napanguso ako sa sinabi ni Sam.

"Wala." Simpleng saad ko. "You don't know his name?"

Ngumiwi sa akin si Aster. "Hindi naman sinabi nila mommy."

"Then ask your parents."

"Ayoko. No thanks nalang mamaya isipin nila excited ako masyado." Aniya at sumimsim sa milk tea na hawak.

"Ewan ko sa 'yo. Dami mong problema pero ayaw mo bawasan." Nasapo ni Kelly ang noo niya. Humalakhak ako.

"Gusto mo ba? Hindi naman ako magdadamot e." Aster chuckled at Kelly.

"Wag na. Magpadamihan pa tayo e. Gusto mo ba?" Napailing nalang ako sa asaran ng dalawa.

We took some photos inside the milk tea shop. Pang IG daw nila. Nang maubos ang mga inumin ay nagpasya na rin kaming umuwi na. Like what Ashton said, he really waits for me. Pinagtulakan pa ako ng mga kaibigan ko ng makita nilang lumabas si Ash sa kotse nito.

"Ingat! Pakidiretso si Belle sa bahay nila ha? Baka kami sisihin ng mga kapatid pag hindi umuwi yan!" Natatawang asar ni Yumi.

I raised my middle finger at them. "Bwisit ka talaga. Ingat din kayo!"

Pinagbuksan ako ng pinto ni Ash. I glanced at him before I entered his car. Agad na sumalubong sa akin ang bango ng kotse niya. Parang may natapong pang lalaking pabango sa loob ng sasakyan niya.

"Nagspray ka ba ng cologne?" I curiously asked him. Sumulyap siya sa akin bago isinuot ang seatbelt.

"Why? Ang tapang ba masyado?" Aniya. Napangiti ako at bahagyang umiling. Ayokong isipin na sinadya niyang magspray ng pabango sa loob ng kotse niya. Pero parang ang feeling ko naman na ata non.

He started his car engine. "Are you free this saturday?" Tanong niya habang iniikot ang manubela.

Napanguso akong lumingon sa kaniya. "Hmm, oo, yata. Bakit?"

"Susunduin kita sa inyo." He simply said. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil ayoko ring ispoil ang sarili ko. Malay ko ba kung may pakulo siya diba?

Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Sa sobrang tahimik ay pakiramdam ko mabibingi na ako.

"Can I connect my phone?" Sambit ko ng hindi ko na talaga makayanan ang katahimikan.

Tumango lang siya at may kung anong pinindot. Nilabas ko rin ang cellphone ko para makaconnect na sa kotse niya.

"What kind of songs do you like?" Tanong ko habang nagscro-scroll sa spotify ko.

"Anything, Belle. Ikaw na ang bahala." Sambit niya. Tumango nalang ako at pinindot ang isang paborito kong kanta.

When the music starts I heard Ash chukled. Kumunot ang noo kong lumingon sa kaniya. "Why?"

"Broken ka ba?" Natatawa niyang sambit.

Umirap ako sa kaniya. "Ang sabi mo kahit ano! Tapos magrereklamo ka ngayon?" Inis na kinuha ko ang cellphone ko na nasa dash board. Natatawang hinawakan nito ang palapulsuhan ko, pinipigilan ako sa pagkuha ng cellphone.

"Hindi. Wag mo na ilipat. Nagtatanong lang naman ako 'e." Bakas parin ang pagtawa sa boses nito.

"Then why the hell are you laughing?" Ngumuso ako at binawi ang palapulsuhan ko sa kaniya.

"Kung hindi man tayo..." Kanta niya habang tumatawa. Iritang hinampas ko na ang braso nito.

"Ano ba?! Ililipat ko na nga!" Mabilis na kinuha ko ang cellphone ko at nilipat ang kanta. The car filled the strums of the guitar. Nakanguso akong inilapag sa dash board ang cellphone.

"Bakit mo nilipat? Napapakanta na nga ako 'e." Natatawa parin niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Itigil mo nalang ang sasakyan. Wag mo nalang ako ihatid." Pinal kong sambit. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ng bigla nitong kinuha ang kamay. He intertwined our hands.

"I'm sorry. Hindi na ako mangaasar ulit." Aniya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. I squirmed at my seat. Parang nakikisabay ang tugtugin sa loob ng kotse sa nangyayari ngayon.

"Oh, and I've got all that I need..." Ash glanced at me. "Right here in the passenger seat."

Bumilis ang pintig ng puso ko ng marinig siyang sinasabayan ang kanta. Doon lang pumasok sa isip ko, kelan ba nagsimula lahat ng 'to? Why do I feel so nostalgic as I stared at him. Ash glanced at me. Inilapit nito ang kamay ko sa mukha niya. He gently kissed it. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa ginawa niya.

"I love you," His voice were bit husky when he whispered those words at me.