Chapter 9 - Kabanata 8

"Belle! Tagal pa yan?" I heard the voice of my brother outside of my room.

"Teka lang aba! Patapos na!" Agad kong isinukbit sa balikat ko ang bag. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. When I got satisfied at myself, binuksan ko na ang pintuan ng kwarto at agad na nagmadali pababa ng hagdan.

"Napakabagal mo talaga kahit kailan! Sa susunod ay mag shuttle ka nalang palabas ng subdivision ha?" Iritadong sambit ni Kuya Sky. I mocked him as I sat in his passenger seat.

"Bakit kasi ayaw pa ako bilhan ng sariling kotse? Edi sana hindi na ako nakikisabay sayo araw araw."

"Ni hindi mo nga alam kung paano isuksok ng tama ang susi, i-maneho pa kaya?"

Nginiwian ko nalang siya. He start turning the engine on, pinainit muna nito ang makina bago pinaandar palabas ng bahay. Today is the first day of our school, at dahil nga first day naman pwedeng malate ng isang oras dahil may opening speech pa iyong head ng school namin mamaya sa may court.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko ng maramdaman itong magvibrate.

From: Yumi

san ka na?

To: Yumi

omw na, nalate ako nagising HAHAHAH

anjan na kayo?

From: Yumi

luh 'te oo kanina pa! napakabagal mo talaga kumilos

nasa may bench kami, yung sa garden tapat ng office

At dahil nga malapit lang naman ang school wala pang kalahating oras ay nakarating na kami. Iniwan ko na si Kuya sa may parking dahil pupuntahan raw siya ng mga kaibigan niya roon. Nag madali tuloy akong umalis sa pagiisip na baka maabutan ako ni Ashton roon.

Hindi na kami nakapagusap muli matapos noong birthday ni Kuya. I feel like na-ghost niya ako. How sad.

"Hello!" Ngiting ngiti ako sa mag pinsan nang makita ko silang nakaupo sa may bench. "Aga softdrinks, Yumi, ah?"

"Stay hydrated!" She laughed. She gestured me her canned drink, umiling agad ako. Ayoko nga at mamaya sumakit ang tiyan ko 'no! Delikado 'yon.

"Patingin ng schedule mo, Belle." Inilabas ko ang cellphone ko at ibinigay kay Aster. Pinicture-an ko nalang iyong schedule ko dahil panigurado kapag nakakita ako ng mga kakilala ay tatanungin nila ang schedule ko. Nakakatamad pa naman kuhain iyon sa loob ng bag!

"Philosophy and Gen Math lang tayo di magka-block mates! Nice!" Ngiting ngiti si Aster ng ibalik nito sa akin ang cellphone ko.

"Luh, sana all magkaklase?" Yumi pouted at us.

"Kaklase mo naman ata si Mavi 'di ba?" Tanong ko.

"Ay nako! Isa pa 'yon. Badtrip ako don, kaya wag niyo binabanggit iyong tukmol na yun!" Aniya at tinapon ang lata ng inumin niya sa malayong basurahan sa gilid.

"Ay, LQ?" Asar ko.

"Mama mo LQ." Inirapan ako nito. Umiling lang ako at bahagyang natawa sa itsura niya.

"Ohh, speaking of Mavi-" Aster stopped talking when Yumi immediately stood up. Gulat na napaangat ang tingin ko sakaniya.

"Nag-bell na! Hindi niyo ba narinig? Tara na, baka mahuli pa tayo sa klase." Aniya at agad na kinuha ang bag. Tinalikuran kami nito.

Nagkatinginan kami ni Aster. Tila iisa ang tumatakbo sa isipan. Ngumisi ako. "Tingin mo?"

Aster laughed. "Tingin ko."

"Andito ba si Mavi?" Inilibot ko ang tingin sa buong garden. Sinulyapan ko rin ang gate sa likod namin dahil baka roon nakita ni Aster, dahil siya ang nakaharap kanina sa may gate.

"Wala! Babanggitin ko lang naman sana iyong tungkol sa bagong magazine cover noong lalaking iyon!" Nilingon niya ang pinsan niya na malayo na sa amin at dire-diretso lang ang lakad. "Pero ang loko tumayo agad. Tsk, I really smell something fishy!"

"Hayaan na natin aamin din naman 'yon." Naglakad na kami ni Aster papunta sa building namin. Ang malas talaga dahil iyong room ng unang subject namin tuwing umaga ay nasa pinaktuktok at pinakadulong bahagi ng 5th floor!

"Seryoso ba? Kahit ata di na ako mag gym e." Sabay na napatitig kami ni Aster sa building na nasa harap. Walang elevator nor escalator itong VNU! Tanging mga hagdanlang ang mayroon.

Nasapo ko ang aking noo. "Iyong kakapasok mo pa lang pero amoy uwian ka na agad?"

We stayed there for a moment. Maraming mga estudyante ang nahinto rin at tinitigan ang building ng Business Management, bakas sa mga mukha nito na dismayado sila. Bakit? Nalaman niyo ba kung saan ang unang room namin tuwing umaga ha? Sa tuktok! Dulong bahagi!

"Belle!" Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko. Napangiti agad ako ng makita sila Samantha!

"Hey!" Nagbeso ito sa 'kin. I kissed Kelly's cheeks too. "Oh, Hi, Aster!"

Gulat akong nabaling ang atensyon sa dalawa. "Oh, you know each other?"

"Of course! Ilang beses na kaming nagkikita sa mga party na kinakatamaran mong puntahan!" She rolled her eyes at me. "You're friends with Belle pala!"

"What's your first subject?" Kelly asked us.

"Introduction to marketing... how 'bout you two?"

"Oh my! What a nice day, huh? We're same! Magkakasama ba tayo?" Samantha giggled.

Napangiwi kaming dalawa ni Aster. "Are you serious? 'What a nice day'? Really, Sam? Do you know where the hell is our room!"

"Oh, where?" She innocently asked us.

"It's on the freaking fifth floor! Dulong bahagi!" Sabay na sambit namin ni Aster.

I laughed when I saw how their faced turned in to seriousness.

"Are you serious, Belle?" Kelly asked.

"Oh I wish we're just joking!" Natatawa akong umiling at binalingan ang building sa harap.

"Tara na!" Aya ko sakanila paakyat. Pawis na pawis kami nang makarating sa floor namin.

"Magco-complained talaga ako sa CHED! Irereklamo ko itong VNU! Walang escalator or elevator man lang. Ang mahal mahal ng tuiton tas hagdan lang meron?" Sambit ni Kelly habang pinapaypayan ang sarili.

Natawa ako habang pinagmamasdan silang tatlo. Nagpahinga muna kami saglit roon, bago muling naglakad papunta sa room.

"Tabi tayo, Belle." Aster said when we entered our room. "Hello!"

"Doon tayo banda sa dulo. Boring pa nasa unahan e," Ani Kelly. Sumunod lang ako sa kanila.

Nang makaupo kami sa malayong likuran, bandang gilid ng bintana, ay agad kong inilibot ang tingin. Nagbabaka sakaling may makitang kakilala.

Aster is busy chatting with her friends. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya, there I just realized na most of our blockmates ay kilala niya!

"'Di ba sumasakit panga mo?" Natatawang tanong ko kay Aster ng lubayan na siya ng mga ka-blockmates namin. Pangalawang bell na kasi at paniguradong parating na ang prof namin.

"Hindi naman, sanay na." Aniya at tumawa. Natigil din kami sa paguusap ng biglang pumasok ang prof namin.

Wala kami masyadong ginawa. Nag explain lang siya about what she'll expect about hrr class and of course her rules! We also did some introduce yourself. And after that, she start her discussion.

"Nakakabored naman..." Dinig kong bulong ni Kelly sa unahan ko.

"'Di mo lang kasi bet yung kurso mo kaya ka naboboring-an." Sambit ko. Nilingon ako ni Kelly at inirapan.

Isang oras ang tinagal ng discussion. Kaya naman pagkalabas ng prof namin ay agad akong tumayo dahil sa sakit ng pwet ko!

"Ano sunod niyong klase?" Tanong ni Samantha habang nagliligpit ng gamit.

"Gen math..." Mahinang napamura si Kelly habang nakatitig sa papel niya.

"Weh? Kawawa ka naman!" Asar ko at nagsimula na ring magligpit ng gamit.

"Wow ha? Bakit? Ano bang sunod mong klase ha?" Aniya at tila naghahamon. Nginisian ko siya at tinigil ang pagliligpit. Inilabas ko ang cellphone ko para ipakita ang schedule ko, pero agad akong napamura sa isipan ko ng makita ang susunod na subject.

"Ano? Patingin!" Agad nitong hinablot ang cellphone ko. Aagawin ko sana, ngunit naitinaas niya agad. "Gen math! Kawawa ka naman."

Malakas na tumawa si Kelly sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kawawa naman kayo agad? Okay lang yan, umpisa palang so lie low palang mga prof jan." Ani Samantha. Isunukbit ko na sa balikat ko ang bag. Nilingon ko si Kelly at pinagtaasan ng kilay.

"Ano na? Tara na aba! Hahanapin pa natin sunod nating classroom, hoy." Sambit ko at agad na tinahak ang daan palabas ng room. "Magkita na lang tayo mamaya sa cafeteria?"

"Saan na cafeteria? Sa taas o dito lang malapit?" Tanong ni Aster.

Nginisian ko siya. "Wow! Alam agad ah!"

"Baliw. Nadaanan natin pareho yung dalawang cafeteria kanina." Aniya at inirapan ako.

Tinawanan ko lang siya. "Kayo ba saan? Sa cafeteria 1 nalang tayo, sasabay ata sa atin si Yumi."

"Okay. See you later then?" Kelly and I bid our goodbyes. Naglakad na kami pababa sa third floor.

"Alam mo, nababadtrip talaga ako! Pinaglalaruan ata ako noong nagayos ng schedule ko e," Reklamo ni Kelly kaya tinawanan ko siya. "After this class balik ako sa fifth floor para sa sunod ko na klase!"

"Awww, it's okay. Maybe after a month? Hindi ka na magrereklamo sa pagod kasi parang wala na lang." Pagaalu ko.

"Aba'y talaga hindi na! Magshi-shift na talaga ako. Bahala na kung magalit si Papa." Aniya. Inilingan ko nalang siya dahil sabihin niya man iyon ng buong puso't kaluluwa alam kong hindi niya rin magagawa yun.

Walang ibang nangyari noong nagsimula ang klase namin. Puros pagpapaliwanag lang tungkol sa inaasahan at patakaran ng magiging prof namin this semester ang nanagyari. At ang nakakainis pa don ay tumatagal iyon ng isang oras ng purong ganon lang.

"Grabe! I'm freaking so hungry!" Salubong sa amin ni Samantha. Mas nauna kami ni Kelly ng limang minuto kesa sa kanila.

"Asan na ang pinsan mo?" I asked Aster. May kasama iba rin silang kasama ng maupo sa table namin.

"Hi! Nagkita na ba tayo?" Tumaas ang isang kilay ko sa lalaking kumausap sa akin.

"I'm not sure."

"Papunta palang si Yumi..." Dinig kong sagot ni Aster.

"Oh no! You're Belle, right? Sa ice skating!" Nagangat ako ng tingin sa lalaki.

"Uhm, pardon? I don't understand you." Sagot ko. Tinitigan ko ng maiigi ang mukha ng lalaki.

"Oh? You know him, Belle? By the way, this is Lucas..." Natutop ko ang bibig ko ng marinig ang pangalan ng lalaki. Pinakilala pa ni Aster ang nga kaibigan nitong kasama niya na umupo sa table.

"Oh!" Nahihiyang natawa ako. "Yung nagbigay ng hot pack sa akin?"

Lucas nodded at me. Umupo ito sa tabi ko.

"Finally! You remembered me!" Aniya. Natawa ako ng bahagya.

"I'm sorry about what happened that day. And thank you ulit sa pagbibigay mo ng hit pack." Nahihiyang ngumiti ako sakaniya.

"That's okay, I understand why your boyfriend acts like that. Kahit ako—"

"No! No!" Pigil ko agad sa kaniya. "He's not my boyfriend! He's just my brothers best friend kaya ganoon."

"Oh is that it?" He looked at ne amazed. i just nodded at him. "Then we can be friends?"

"Uhm, of course!"

Nahinto kami sa paguusap ng sipain ni Kelly ang paa ko sa ilalin ng lamesa. "Kuya mo!"

Nalingon ko ang nginunguso niya sa akin. And there I saw my brother, walking toward our table. Pahinto hinto pa sila dahil sa daming bumabating mga babae at mga kakilala.

"Yo, lil sis." Inirapan ko siya ng mapunta siya sa harap ko. Agad kong sinuyod ang taong nasa likuran niya at agad na nakahinga ng maluwag ng makitang wala roon si Ashton.

"Looking for someone?" Liningon rin nito ang likuran niya. "Ah! Wala pa. Pinatawag sa office."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Pinagsasabi mo?"

"Oh! Thought you were looking for Ash! Sinasabi ko lang kung nasaan siya."

Ngumuwi ako sa kaniya. "Ano bang kailangan mo ha? Bilis bilisan mo na't lumayas ka na sa harapan ko."

"Tss. Sasabay ka ba sa 'kin mamaya?"

"Of course! Wala akong kotse. Ayoko rin magcommute."

"Oww. Pupunta ako ng tanay—"

"Aba edi ihatid mo muna ako sa bahay!"

"Kila Yumi ka kaya muna sumabay?" Aniya kaya pinagsamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba? Importante ba yang tanay mo?"

"Oo! Ihahatid ko kasi si Jewel—"

"Hay nako! Bahala ka sa buhay mo. Lumayas ka na nga. Bilisan mo." Tinulak ko pa siya para tuluyan ng umalis sa harapan ko. Nginitian niya lang ako at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Bwisit na sinipa ko ang binti niya.

"Sorry!" Aniya at natatawang umalis at pumunta na sa lamesang napili ng mga kaibigan niya.

"Hindi ka maihahatid ng kapatid mo?" Nilingon ko si Lucas ng magsalita ito. "I can drive you home."

"Huh? No I'm fine. Kila Yumi nalang ako sasabay siguro mamaya."

"Ganoon ba? Just let me know kung wala kang masasabayan mamaya." He smiled at me. "Can I get your number?"

Ngumuso ako. Kinuha ko naman ang cellphone ko at ibinigay sa kaniya. Dinial niya roon ang numero niya para tawagan ang kaniya.

"Thank you." Ibinalik nito ang cellphone ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at hinarap na ang mga kaibigan ko.

"Where's Kelly, Sam?" Tanong ko ng makitang wala na sa harap si Kelly.

"Nag restroom." Tumango lang ako at binalingan si Aster na busy sa pakikipagdaldalan sa mga kaibigan.

"Huy! Asteria, where the hell is your cousin? Matatapos na ang lunch break natin ah?"

"'Di ko nga alam e. Hindi siya nagrereply. Baka di pa tapos ang klase?" Kumunot ang noo ko at sinuyod ang buong cafeteria. Nagbabaka sakali na makita roon si Yumi ngunit iba ang natanaw ko.

Ash is seriously walking inside the cafeteria. Hindi siya humihinto sa paglalakad kahit na maraming tumatawag sa kaniya. Narinig ko pa ang mga babaeng nasa katabi naming table na walangyang pinagchichismisan ang lalaking naglalakad sa gitna ng cafeteria.

"I heard that he just transferred here! He's from the US daw." Takang nilingon ko ang mga babae sa gilid namin. Curious about sa nalalaman nila, pero ng makita nila akong nakatingin ay agad na humina ang mga boses nila. Ngumiwi ako. Makikichismis lang ako hoy! Ang dadamot niyo.

"Hello! Grabe, umpisa palang may pa overtime na agad." Nalipat ang tingin ko sa kay Yumi na kararating lang.

"Tagal mo naman. Patapos na lunch." Si Sam.

"Sorry ha? 'Di ko naman alam na magkakasama pala kayong apat!" Nilibot ni Yumi ang tingin niya sa lamesa namin. "Dami ata?"

"Pinsan mo, tatakbo ata 'tong SSG e." Asar ko.

"I'm sorry, okay?" Si Aster at umirap sa akin.

We didn't last long in cafeteria. When we heard the bell agad na kaming tumayo at lumabas ng cafeteria. Nilingon ko pa nga ang lamesa nila Kuya pero wala na sila roon. Nauna na siguro?

The next subjects were still the same. Kaya naman buryong buryo ako buong klase!

"Aster..." Tawag ko ng may maalala.

"Hmm?" Isinukbit niya ang kaniyang bag sa kaniyang balikat bago ako hinarap ng maayos.

"Sabay ako sa inyo ni Yumi. Wala si Kuya e." Ngumiti ako sa kaniya.

"Huh? Pupunta kami sa BGC. Family dinner, Belle." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"'Di nga? I mean diretso na kayo doon? O uuwi muna kayo?" Tanong ko. Still wishing that uuwi muna sila bago sila pumunta sa kung saan man.

"Diretso na. Anjan na yung driver nila Yumi sa may gate. Why?"

"Oh shit. Seryoso?"

"Oo nga. Bakit ba?"

"Fuck. Wala si Kuya! Akala ko makakasabay ako sa inyo." Nasapo ko ang aking noo. "'Di nga seryoso ba?"

Tumawa ito sa akin. "Oo nga! Mag-shuttle ka nalang!"

"Ano pa nga ba?! Bwisit na oh!" Iritang kinuha ko ang telepono ko para tawagan ang malandi kong kapatid.

[Hello?] Sagot niya matapos ang dalawang ring.

"Wala akong sasabayan pauwi! Thanks to you at magsh-shuttle ako." Inirapan ko siya kahit na hindi niya ako nakikita.

[Wait nga— bro, puta. Teka lang.] Ngumiwi ako ng marinig ang malakas na tugtugan sa background. Tatanungin ko na sana siya ng biglang mamatay ang tawag.

"Look at this man! Argh!" Napapadyak ako sa kinatatayuan ko.

"Hey! We're going home na. How about you? Where's your brother?" Samantha came to me. She kissed my cheeks.

"Wala. Nasa tanay, iniwan ako." Busangot ang mukha kong sinagot siya.

"Eh? How 'bout we drop you nalang in front of your village gate? Is that okay?"

"Wag na. Sayang kayo sa gas, hahatid niyo ako tas babalik ulit kayo dito. Mag-tricycle nalang ako." Ngumiti ako sa kanila. "Ano na? Tara na! Padilim na din oh."

"Are you sure you can go home?" Samantha look so concerned at me.

"Come on. Stop it, Sam. 'Di ako sanay, sige ka iisipan kong plastic ka." Tinawanan ko siya.

"Alam mo ikaw kahit kailan ka talaga. Concern lang ako 'no!" Sumimangot siya.

Tinawanan ko lang siya. Naglakad na kami papunta sa may gate. So, like what Aster told me. Nasa labas na nga ang sasakyan nila, nasa loob narin si Yumi dahil mas malapit lang ang building nito sa may gate.

"Bye girls! Ingat!" Kaway ko habang pinagmamasdan silang pumapasok sa kaniya kaniyang sasakyan.

"Ingat ka din!" Anila at agad na pinaandar ang mga sasakyan.

Napanguso ako. "Pag ako nakabili din ng sasakyan."

Natigil ako sa paglalakad sa tabi ng highway ng may tumabi sa aking itim na fortuner. Nag angat ako ng tingin at ganoon nalamang ang pagkagulat ko ng makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan!

Damn, Ash is looking at me intently. His right hand is holding the steering wheel, while his other hand is on the side of his head! I bit my lower lip as I stared at him.

"What?" Tanong ko ng makabawi.

"Sakay." Aniya at tinuro ang kabilang pinto.

"Huh?" Ngumuso ito sa akin. Napaatras pa ako ng binuksan nito ang pinto at lumapit sa akin. "B-bakit?"

"Why are you trembling so bad, baby? I just want to drop you off..." He whispered. Tumaas lahat ng balahibo ko ng hawakan niya ng marahan ang siko ko at igiya ako sa kabilang pinto.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas ay tingin ko lalabas na ito. Fuck. Ano ba ito?