Chapter 5 - Kabanata 4

"Belle! Omo! Omo!" Henry seems happy to see me inside his clothing store.

"Hi! We're here for the final fitting sa dress?" I smiled at him. Iminuwestra niya sa amin ang isang couch, bago niya inutusan ang mga kasama, he even excused him self nang may dumating na bagong customer.

I'm with Yumi and Aster, again, hindi pa din daw kasi nila nasusukat ang dress na pinagawa nila, kaya nagsabay-sabay na kaming tatlo.

"20 palang ang kuya mo, diba?" Yumi asked, hindi ako tinapunan ng tingin nito. Busy siya sa pagtingin tingin sa magazine na hawak niya.

"Uh, yeah," I looked down to my phone. It's already 1 PM hindi pa kami nagl-lunch.

"Ang bongga naman masyado ng 20th birthday niya, thought, 21 pa ang dapat ganito?" Si Aster.

"I dunno. Sila mommy naman ang gagastos, not me, so," I just shrugged my shoulder.

Dumating na sa harapan namin ang tatlong dress. Kinuha ko ang akin, it's champagne gold v neck long sleeve slit dress. Sumasayad ang dulo nito sa sahig.

Yumi's dress is sleeveless plunging v neck beaded champagne dress. While Aster's dress is A-line off shoulder long sleeves dusty rose pink dress. Pare-parehas ang haba ng mga dress namin.

I chuckled. "Looks like we're attending a prom."

"True!" Kinuha na ni Aster ang dress niya at nauna ng pumasok ng fitting room. Pumasok na rin ako sa kabila at nagsukat.

Wala naman ng problema sa amin ni Aster, si Yumi lang ang nagpa-bago. Masyado raw maluwag ang strap nito, baka raw mahubuan siya.

"Feeling ko ang taba ko nung unang sukat nito," Natawa nalang kami ni Aster sa sinabi niya.

"Lunch muna tayo bago tayo mag kanya kanya." Aya ko. Dumeretso kami sa isang fast food chain. Marami raming tao kaya naghanap nalang kami ng iba kaso parehas lang ang lahat. Huminto kami sa Syudad.

"Wala akong cash," Nakangiwi si Aster habang nakatingin sa wallet niya. "Paano tayo magspli-split ng bills nito?"

"Ako nalang muna, bayaran mo nalang ako pagka-withdraw mo." Si Yumi. Tumango nalang kmi, bago naghanap ng upuan.

Buffet restaurant siya kaya tuwang tuwa si Yumi. "Tiba tiba nanaman tayo, fren!"

"Ingay mo. Kahiya ka!" Naiiling na sabi ni Aster habang naghahanap ng kakainin niya.

Nakabalik na kaming dalawa ni Aster sa lamesa namin pero si Yumi wala pa.

"Pinsan mo masyadong natutuwa sa pagkain, baka di na magkasya sa kaniya yung dress. Pina-adjust pa naman niya!" Umiling ako ng makita si Yumi, nasa dessert area na siya.

"Yaan mo, siya naman ang magsusuot."

"Ako pinaguusapan niyo 'no? Ang pla-plastic niyo! Mga backstabber!" Tinuro niya pa kaming dalawa bago siya umupo sa tabi ni Aster.

"Ang takaw mo kasi masyado hoy! Kalma ka lang," Natatawa na ako dahil ang dami niyang nilagay sa plato niya.

"Share tayo jan, duh. Para di na kayo mahirapan tumayo para lumapit pa sa table diba?" Nakangisi siya.

"Ewan ko sayo kumain ka nalang jan."

Alas kwatro na ng magpasiya kaming maghiwa-hiwalay. Si Yumi pupunta sa birthday party ng kaibigan niya, si Aster naman may kikitain daw sa loob ng mall.

"Baka naman jowa mo kikitain mo ha?" Asar ko. Magkasama kaming dalawa na naglalakad papunta sa kabilang building ng mall. Doon rin kasi ang daan niya habang ako sa food court lang dahil andito daw sila Kelly, gusto daw ako makita.

"Gaga. Wala akong jowa 'no." Umiling iling pa 'to. "Bawal daw muna jowa sabi ni mommy." Tumango tango siya.

"Sinong niloloko mo, Aster?" Natatawa akong lumingon sa kaniya.

"Sarili ko. Char!" Tumawa siya bago tumigil sa paglalakad. "Bye na, see you around!" Humalik muna siya sakin sa pisngi bago dumeretso papunta sa escalator.

Napailing nalang ako habang hinahanap sila Kelly.

"Hoy! Kelly!" Tawag ko rito ng namataan ko itong nakatulala sa kawalan.

"Belle! Upo ka dito." Tinuro niya ang upuang nasa harapan niya. "Samantha is here. Kasama ko."

Tumango lang ako at kumuha ng fries sa harap niya. "Asan siya?"

Hindi niya pa nasasagot ang tanong ko ay may biglang yumakap sa akin galing sa likod.

"Hi Belly! I missed you!" Bumitaw ito at umikot para umupo sa tabi ni Kelly.

"Sam! I missed you too!" Nangingiti kong sabi. "Are you staying here for good?"

Ngumuso ito. "Well, yes."

"So it means dito ka na rin magaaral?" Tumango ito.

"Oh! Anong course nga pala ang kinukuha mo?"

"Business Management," aniya. "Business Management ka rin hindi ba?"

"Yup! How 'bout you, Kells?" Tumingin saakin si Kelly at umayos ng upo.

"Yeah, same. Gusto ko sanang mag Political Sci, kaso kailangang may mag manage sa business ni papa. So..." Nagkibit balikat ito bago sumipsip sa shake na nasa harap niya.

"Bakit hindi si Ate Kath ang magmanage ng business niyo? Tutal ay siya naman itong panganay?" Tumango naman si Sam bilang pagsang ayon sa sinabi ko.

"You know Papa, spoiled niya si Ate kaya kung anong ginusto ni ate ay susundin niya."

"Ikaw ang bunso, ah? Bakit hindi ikaw ang—"

"Ewan ko. Siguro dahil anak ako sa ibang lalaki ni mommy kaya ganun nalang ang trato ni papa." Sagot nito habang pinaglalaruan ang straw ng shake niya.

Nanliit ang mata ni Sam bago niya binalingan ang kaniyang pinsan. "Teka nga! Hindi bat si tito Lorenzo at tita Carol ang nagpapaaral sa iyo? At tsaka, tito Lorenzo gave you his name! Kaya bakit kailangan pang masunod ni tito Manuel?"

"Iba na ngayon. That was years ago, Sam. And now, gusto ni papa na siya na ang magpaaral saakin. Ewan ko ba bakit hinayaan ni Mommy."

"Alam ba ito ni Shawn? For sure magagalit yun! Ang malamang binibilhan ka ng gamit ni Tito Manuel ay nagagalit na siya ito pa kayang pagaaralin ka?"

"Bakit naman magagalit si Shawn? Hindi ba dapat magpasalamat nalang siya kasi nabawasan ang gastusin ng parents niya?" Kunot noong tanong ko.

"Alam mo namang galit na galit si Shawn sa pamilya ni Papa, Belle. Dahil sa pagmamaltrato saakin ng mga pinsan ko."

"Hindi ka naman titira doon ah? Pagaaralin ka lang! Laki ng problema ng kapatid mo." Umirap ako at kumain ulit ng fries.

Humalakhak si Sam bago may tinuro sa likuran ko. "Naka busangot na ang kapatid mo roon, Kells!"

Liningon ko ang tinuturo ni Sam at tama nga siya nakabusangot ang mukha ni Shawn at parang pasan niya ang daigdig.

"Why are you here, Shawny?" Nagtaas ng kilay si Kelly sa kapatid niya.

"Pinapasundo ka ni Daddy, nasa bahay si tito Manuel." Seryoso nitong sabi bago ako binalingan ng tingin at pinagtaasan ng kilay. "Why are you here?"

"Bawal ba?" Kunot noo kong sinabi. Imbes na sagutin ako ay umirap lang ito at dere-deretso lumabas ng food court.

"Problema nun?" Bulong ko.

"Di pa ata nakaka-move on sayo, Belle!" Humalakhak si Sam. Ngumisi lang si Kelly sa akin.

"Tigilan mo nga ako! Antagal na nun." Napangiwi ako.

"Matagal na pala ang five months sayo?" Humalakhak lang ito kaya mas lalo lang akong napikon.

"Sama kayo sa bahay," tumayo na ito at kinuha ang purse niya. "Please?"

Tumango ako bago tumayo at sumunod kay Kelly. Ganon rin ang ginawa ni Sam. Pag dating namin sa sasakyan ni Shawn ay pinagbuksan kami ni Kelly ng pinto ng back seat. Sinarado niya ito at sumakay sa front seat katabi ni Shawn.

"Anong ginagawa ni papa sa bahay, Shawny?" Tanong ni Kelly sa kapatid niya.

"I don't know. He's with Kathleen." Sumulyap ito sa rearview mirror kaya nagkatinginan kami. Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin.

Siniko ako ni Sam at bumulong, "I think in love pa 'yan sa iyo. Swear."

"Shut up, Sam, nakakahiya ka." Tumingin ulit ako sa harapan at nakita kong nakatingin ulit siya saakin sa rearview mirror.

"Eyes on the road, Shawn. Baka mabangga tayo." Seryosong sabi ni Kelly. Tinitigan ko lang si Shawn. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha.

Nagulat nalang kami ng bigla siyang magpreno, sa sobrang lakas nun ay halos mangudngod kami sa unahan mabuti nalang at may seatbelt.

"What the fuck?! Problema mo?" Gulat na sigaw ni Kelly sa kapatid niya.

"Tangina mo, Shawn! Umayos ka nga ng pagdra-drive!" Sinamaan siya ng tingin ni Samantha. I even glared at him when he looked at me in rearview mirror.

"Palit kayo ni Belle ng upuan, Kells." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Shawn. Nagmura pa ng isang beses si Kelly bago lumabas at iminuwestra sa akin ang upuan sa harapan.

"I knew it. I knew it." Humalakhak na sabi ni Sam pagupo ko sa tabi ni Shawn.

"What is your problem?" Mahina pero madiin kong tanong sakaniya pagkatapos kong magsuot ng seatbelt.

"Stop staring at me, Belle. I can't drive properly." Mariing sabi nito bago muling pinaandar ang sasakyan.

"What the fuck, are you nuts?" Pinanliitan ko ito ng mata.

Humalakhak naman sa likuran si Sam dahilan para mapatingin ako sakaniya. Pinagtaasan ko ito ng kilay pero sumipol lang ito at nangingiti.

"You're crazy, Samantha." Naiiling na sabi ko rito bago tumingin ulit sa harapan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami agad sa subdivision nila Kelly. Nagpapark na si Shawn sa garahe nila ng biglang nagsalita ang walang hiyang si Samantha.

"Hanggang alas sais lang ako, ah? May pupuntahan ako." Sabi nito habang bumababa ng sasakyan.

"Where are you going? Nagpaalam ka na ba kay tita? I'm sure hahanapin ka nun." Ani Kelly pagkababa ng sasakyan.

Ganun din ang ginawa namin ni Shawn. Sinulyapan ko ito at nakita ko siyang dere-deretsong pumasok sa loob ng kanilang mansyon. Umiling nalang ako.

Mag-ex kami ni Shawn. He's my first boyfriend, so my heart hurts when we broke up. He's my first love yet he's my first heart break too. But then, that was five months ago. Let's all move on. Naka-move on na ako, and I hope Shawn too.

"Belle!" Sinalubong ako ni Tita Carol ng isang napakahigpit na yakap.

"Hi tita!" Nakangiti kong bati rito. Umupo kaming lahat sa sala nila. Nakita ko rin sa gilid ng aking mata na naguusap na ang papa ni Kelly at siya.

"Nakita mo na si Shawn? He's here. Kasabay niya si Samantha sa paguwi rito." Luminga ito at may tinawag na isang kasambahay. May binulong pa ito bago tumango ang kasambahay nila at umalis.

"Uh, yes po, tita... We met na po kanina sa mall. Siya rin po ang naghatid sa amin dito" Ngumiti ako at tiningnan si Sam na nakaupo at nanonood ng tv.

Tumango naman siya bago binaling ang tingin kay Samantha na ngayon ay kumakain na ng cake na pinahanda ni tita. "Where did you go last night? Your mom called me! Akala niya raw magkasama kayo ni Kelly!"

"I'm with my friends, tita. They called me nung nabalitaan nila na nakauwi na ako." Ngumiti ito. "I even saw Winter in Marikina nga po, e,"

"Oh? Kasama niya ba si Yna?" Umiling agad si Samantha. "Then sino ang kasama niya?" Kinuha ni tita ang juice at sumimsim roon.

"Sina Vince po..." Tumango lang si tita bago muling binaling saakin ang tingin.

"Wait here okay? Kakausapin ko lang si Manuel. Pababa na si Shawn." Ngumiti lang ako rito at agad tinahak ang dining room nila kung nasan si tito Lorenzo, tito Manuel at Kelly na naguusap.

"You know," tumayo si Sam at agad tumabi sa akin.

"Gusto ka pa rin ni Tita, kaya hanggang ngayon nanghihinayang pa rin yan sa pagbre-break niyo ni Shawny..." Tumango tango ito. "Siguro pag nagkabalikan kayo? Magaayos na agad yan ng papeles para sa kasal niyo. Para wala ng kawala!" Humalakhak ito dahilan para kurutin ko ang tagiliran.

"Move on! Tapos na yon, past is past." Umirap ako sa kaniya bago binaling ang tingin sa dining.

"Hi!" Ate Kathleen greeted us. She kissed our cheeks bago siya dumeretso palabas ng mansion, kasama na rin niya si tito Manuel.

"Summer Isabelle Vasquez Garcia!" Lalo itong humagalpak sa tawa. Kukurutin ko na sana siya kaso narinig ko ang mga yapak sa staircase ng bahay. Nilingon ko iyon at nakita ko si Shawn, naka sweatpants at plain white t shirt nalang ito, basa pa ang buhok kaya halatang kakaligo niya lang.

"Si Mommy?" Tanong nito kay Sam. Hindi man lang tumingin sa akin.

"Nasa dining." bakas parin sa boses ni Sam ang tawa kaya pinandilatan ko siya ng mata. Kumunot lang ang noo ni Shawn bago nagpasyang pumunta ng dining.

"Shawny is still in love with Belly." Nagtaas baba ito ng kilay habang sinusundot ang tagiliran ko.

"God! Tumigil ka nga." Hinampas ko ang mga kamay nito. She just laughed at me.

"Samantha! Belle! Come here. Kumain na muna kayo bago kayo umalis." Tawag ni Tita. Tumayo kami ni Sam bago naglakad papunta sa dining. Nakangisi pa itong bumaling sa akin bago ako inunahang umupo sa tabi ni Kelly.

Umirap ako sakaniya. "Mature mo ha." Bulong ko bago lumapit sa upuang katabi ni Shawn.

"Bagay na bagay talaga kayo ni Shawn, kaya nakakapang hinayang na naghiwalay kayo," biglang sambit ni tito habang tinitingnan kaming dalawa. "Ilang taon nga rin pala kayo?"

"Mag two years din po." Nahihiyang ngumiti ako kay tito.

"Ang tagal rin pala." Napailing si tito. "Why did you two broke up, again?"

"Uh," hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nalimutan ko na rin.

"Let's just eat." Si Shawn ng mapansing natahimik ako.

Nagulat ako ng biglang nilagyan ni Shawn ang platong nasa harapan ko. "Hey, I have hands naman, I can do it."

"Yeah. I know. Just... just let me do it." Tiningnan ako nito at ngumisi. "Please?" Umirap nalang ako. Narinig ko pa ang paghalakhak ni Samantha.

"Aww... so sweet. I hope my future boyfriend is like Shawn." humalakhak si Sam. "Iyong gagawin lahat makausap—"

"Ingay mo, Samantha." Mariin na sambit ni Shawn.

"Okay, okay!" Tumawa ito.

"Kumain na nga tayo." Natatawang sabi ni tita.

Habang kumakain kami ay puro pangangamusta ang ginawa ni tito at tita sa parents ko.

"Kamusta ang business ng parents mo, Belle? Ang alam ko nagbabalak sila gumawa ng bagong subdivision sa Cavite?" Tanong ni tita.

"Uh, maayos naman po. I don't know po kung sa Cavite siya, what I heard po kasi, sa Bulacan po ang subdivision na itatayo while sa Cavite naman po ay isang hotel? I'm not sure, tita." Naguguluhang sagot ko. Hindi ko naman alam ang mga plano nila mommy dahil si kuya John nga ang palagi nilang kausap about doon.

"If I'm not mistaken, business management ang kinukuha niyong tatlo?" Tito Lorenzo looked at us. Sabay na tumango kami ni Sam.

"Mabuti kung ganoon at mahahawakan niyo ang negosyo ng pamilya niyo." Liningon ko si Kelly. Hindi kasi siya tumango o sumagot.

Magsasalita sana ako para tanungin siya ngunit naunahan na ako ni Shawn. "Are you sure about taking the business instead of what you really want, Kelly?"

Liningon muna nito ang mommy niya bago tumikhim. "Itutuloy ko pero hindi para ako ang maghandle ng business ni papa," tumango si Shawn.

"Ikaw? Anong plano mo sa buhay Shawn? Ga-graduate ka na ah?" Tanong ni Sam. "Maghahanap ka na ba ng mapapangasawa?" Humagikhik ito bago mapangasar na bumaling sa akin.

"Hindi ko alam, baka hindi pumayag." Nakangising sagot nito bago muling kumain. Tumikhim nalang ako at inubos ang pagkaing nasa harapan ko.