"Belle...." I opened my eyes and I saw Adi.
"Are you okay?" His voice shaken.
Nakatitig lang ako sakaniya. "A-auntie..."
"Shhh. Wag kang maingay," He placed his index finger in his lips. "Tatakas tayo."
"How?" I innocently asked him. I don't know what time and day it is.
"She's not around," Tinulungan niya akong itayo. Sumilip pa siya sa maliit na butas.
Tinitigan ko siya, but I can't see his face properly. It's too dark here. There's no way we can get out of here, walang mga bintana. Tinulungan niya 'kong maglakad. Palapit palang kami sa may pintuan ng biglang bumukas ito.
Naramdaman ko ang panginginig sa kamay ni Adi habang nakatingin sa harapan namin.
"Come on, hindi na kayo hahanapin ng magulang niyo," She laughed.
She's crazy. Dahan dahan akong tinago ni Adi sa likuran niya.
Nakangisi lang ang babae. Kinuha nito ang isang cable sa may gilid ng pintuan. She grabbed Adi's left arm. Nakatulala lang ako at hindi malaman ang gagawin.
Tinali niya ang cable wire sa palapulsuhan ni Adi, maging ang mga paa nito ay tinali na din.
Adi motioning something. He pointed the door at me. I looked at him.
'Run' he mouthed.
Tatakbo na sana ako ng bigla 'kong maramdaman ang kamay na humawak sa buhok ko.
"Ah!" Napasinghap ako at agad napamulat. Tulala at malalim ang paghinga.
"Belle! Belle!" Inalog alog ako ni Mommy.
My kuya's are also inside my room. Nagaaalala ang mga mata nitong nakatingin sakin.
Umiiyak akong napayakap kay Mommy. Akala ko hindi ko na ulit mapapanaginipan yung pangyayaring 'yon. Pero nagkamali ata ako. Habang buhay na ata itong nakatanim sa utak ko.
"Shh," Inalo alo ako ni Mommy. "It's okay. You're safe." She hugged me tight.
Nang kumalma ako, agad niya akong inabutan ng tubig para painomin. I smiled at her. Pagod akong sumandal sa headboard ng kama ko. Tulala parin at iniisip ang kaninang panaginip.
"Do you want to see your doctor, anak?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.
Pagod akong ngumiti sa kaniya. Alam niyang ayaw ko pumunta ng psychiatrist dahil ayokong isipin ng iba na kaya ako pumupunta roon ay dahil nababaliw na ako.
"I told you, Belle, you need to see the doctor." Napabuntong hininga si kuya Seve sa tabi ko.
"I told you, ayo—"
"Ano? E, gabi gabi nalang 'tong nangyayari ah!" Huminga ng malalim si kuya. "Hindi natin alam na baka bigla ka nalang atakihin sa puso habang tulog ka dahil sa napapanaginipan mo!"
"Stop it, Sev." I heard my Dad's voice. Napailing nalang ako. "Labas mo muna, John."
"Mommy..." Tinawag ko si mommy para may kakampi ako, pero umiling lang siya sakin.
"Tama ang kuya mo, hindi natin alam kung hanggang saan at kailan yan magpapatuloy..." She held my hand and smiled at me. "Please, anak?"
Napailing nalang ako ng tumulo ang luha sa mata ni Mommy.
Wala akong nagawa. Ayoko man, pero alam ko rin naman sa sarili ko na para sakin 'to. Sinunod ko ang sinabi ni Mommy.
Kinabukasan, maaga akong gumising. Dahil umaga ang piniling schedule ni mommy para sa psychiatrist na kikitain ko. Sinabi niya rin na sasamahan niya ako pero tumanggi agad ako. Kaya ko naman na magisa.
Nakasakay ako sa backseat ng kotse. Ihahatid muna ako nila Mommy sa ospital bago sila dumeretso sa kompanya.
"Are you sure you can go by yourself?" Liningon ako ni mommy mula sa passenger seat.
I smiled at her. "Yup," Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito.
From: Yumi
Asan ka? Are you awake na ba
Agad akong nagtipa ng sasabihin ko.
To: Yumi
Oo. Papunta ako ospital
Bakit
From: Yumi
Mamaya ha, tuloy ba?
Ano gagawin mo sa ospital?
To: Yumi
Check up
"We're here na, anak," Tinago ko na ang cellphone ko at agad lumabas ng sasakyan. Dad stayed at the parking lot, si Mommy lang ang sasama sa akin paloob.
"Take care," Dad kissed my forehead. I just smiled at him and waved my hands.
"Call me when you're done." Bilin ni Mommy ng makarating kami sa tapat ng opisina ng doctor ko.
I smiled. "Opo, take care, my." I kissed her cheeks.
Kumatok muna ako sa wooden door ng office bago pumasok.
"So, you're, Isabelle Vasquez?" Nakangiting tanong ng Doctor sa akin habang nakatingin sa chart.
"Opo. Belle nalang po." Nahihiyang sagot ko.
Iminuwestra nito ang sofa sa harap ng table niya. Umupo naman ako roon.
Ingat na ingat siyang nagtanong. Iniisip ang mga salita.
"Ilang years na?" She asked.
"More than 10 years? I guess." Nakatingin lang ako sa tasa ng kapeng hawak ko.
"At palaging ganoon?" Umayos siya ng upo. "Palaging ang scenaryo ng panaginip ay yung nangyari sa loob? Paulit ulit?"
I nodded. Paulit ulit ang panaginip ko, hihinto sa hinatak ang buhok ko at babalik muli. It was actually weird. Tuwing iniisip ko naman kung may maalala pa ba ako sa nakaraan ay naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
"I guess you need to face it, but slowly." I looked at her. "Though, your parents said that it may cause heart attack to you kung patuloy itong mangyari."
"What do you mean, doc?" Lito kong tanong.
"Based on your chart, you have a stress cardiomyopathy," Umangat ang tingin nito sa akin. "Alam kong alam mo na ang ibig sabihin noon, Belle." Napangiti nalang ako.
Wala sa lahi namin ang may sakit sa puso. Kaya naman ingat na ingat sa akin ang buo kong pamilya. The doctor said that it can be treated, pero sa sitwasyon ko mukhang habang buhay ko ng dadalhin ang sakit ko na ito.
Lutang ako habang nakaupo rito sa foodcourt sa mall. Tulala, iniisip iyong sinabi ng doctor ko.
Unti untiin?
Matagal ng tumatakbo sa isip ko na bumalik sa probinsya namin. Pero palagi rin akong sinasabihan nila mommy na hindi pwede.
Last time, noong pumunta kami sa death anniversary ng tito ko roon sa probinsya ay inatake ako sa puso at hindi makahinga ng biglang mamatay ang ilaw sa buong lugar. Mag-isa lang ako sa kwarto noong mga oras na 'yon.
"Huy!" Napaangat ang tingin ko sa tumapik sakin. "Kanina ka pa?"
Agad akong umiling kahit na isang oras na ako ditong nakaupo.
"Asan na si Aster?" Tanong ko kay Yumi. Ngumiti lang ito at winagayway ang cellphone sa mukha ko.
"Papunta palang daw." Ngayon ko lang napansin na umorder na pala ito bago umupo sa harapan ko.
"Bat di nalang kayo nagsabay?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala sila kanina paggising ko. Sabi ni mommy pumunta raw sila sa townhouse para maghanap hanap ng bahay." Tumango tango nalang ako sa paliwanag ni Yumi.
"Ginawa mo sa ospital?" Binaba nito ang cellphone niya at seryosong tumingin sakin. "Don't tell me nanaginip ka nanaman?"
Tumango ako. Sa tagal na naming magkaibigan ni Yumi ay alam niya na rin pati ang nakaraan ko.
"Okay ka na? Try to inhale... exhale..." Natawa ako sa itsura niya. Para siyang therapist ampotek.
"Tumigil ka nga! Di naman ako inatake." Tinawanan ko siya. "Asan na ba si Aster? Apakatagal?!"
"Teka! Anjan na daw." Tumayo ito at iginala ang mga mata. "Ayun!" Tinaas nito ang kamay at may kinawayan.
There I saw Aster, napatayo ako at sinalubong agad siya ng yakap.
"I miss you!" I hugged her tight.
"I miss you too! Grabe! Ganda!" Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. "Nagdalaga!"
Umirap ako. "Ewan ko sayo." Bumeso din siya kay Yumi bago kami umalis ng food court at naghanap ng makakainan.
In the end sa samgyup restaurant kami kumain. Puro kami kwentuhan about sa nangyari sa'min nung junior high. Inasar asar pa namin si Yumi tungkol don sa theater play nila. Siya yung gumanap na baliw don. Bagay sakaniya infairness.
Pagkatapos namin kumain ay naglibot libot kami sa mall. Nanood din kami ng sine at naglaro sa timezone.
"Basketball tayo," agad kaming lumapit roon. Nagpustahan pa kung sino ang may pinakaunti ang na shoot kakanta sa may stage sa unahan.
At dahil hindi ako marunong magbasketball, minalas ako, ako ang pinakanta nila sa unahan.
"Ehem, ehem."
"Go Belle! Woooo!" Si Yumi tumatawa habang pumapalakpak saakin. Dinilaan ko siya bago humarap sa tv screen sa harapan ko.
"Every fight needs mending, every start has an end... Like the sunrise and the sunset, that's just how it is..."
Buti nalang alam ko ang tono ng kantang pinili nila Yumi kung hindi baka napahiya na ako roon.
"Gad! Ayoko na!" Tumakbo ako palapit kay Aster at humawak sa braso nito. Hiyang hiya sa ginawa.
"Ganda boses, pucha." Si Yumi umiiling iling pa. "Sana all."
"Hello, ano daw po name niyo sabi nung kaibigan ko?" Gulat akong napalingon sa lalaking lumapit sa amin. Kumamot pa ito sa ulo niya bago lumingon sa mga kaibigan niya.
"Beast, beast ang pangalan niya." Si Aster ang sumagot tsaka niya kami hinila palabas ng timezone.
Alas singko ng makauwi kami para mag swimming naman. Napagdesisyunan nilang sa bahay gawin. Doon na din sila matutulog.
"Ang lamig lamig nag two piece!" Asar ni Aster sa pinsan niya.
"Hiyang hiya ako ha? Parang ikaw di naka two piece jan sa ilalim ng dress mo ha!" Tinaas pa ni Yumi ang palda ng dress ni Aster. Napatili tuloy siya.
"Bastos! Bastos!" Tumatawang tumakbo si Aster palayo kay Yumi.
"Tara na nga!" Inaya ko sila para bumaba na. "Nga pala, andito ulit mga kaibigan ni kuya Dax ha?"
"Friends ng kuya mo?" Parang nagliwanag ang mundo ni Yumi sa narinig niya.
"Nasa sala sila! Di sila sa garden." Umirap ako. Nadaanan pa namin yung mga barkada ni kuya sa sala, nagkwekwentuhan.
Nginitian lang namin ito at dumiretso na sa backyard kung nasaan ang pool.
"Pogi nung isa, 'no?" Dinig kong sambit ni Yumi kay Aster.
"Yung naka white ba?"
I'm wearing a two piece floral swim suit, tube ang top nito at high waist naman ang pang ibaba. Aster refused to use her swim suit, reason niya masyado daw malamig.
Nakalublob na kami sa pool at nagwiwisikan ng tubig nung dumating yung pina order namin na pizza.
"Hmm, sarap!" Si Yumi sumasayaw sayaw pa siya habang kumakagat sa hawak niya.
Kumagat ako sa hawak ko na pizza habang nagiiscroll sa cellphone ko.
6:39 pm
Ashton Dione:
Hello
How are you?
I've been very busy this fast few days
:Belle Vasquez
I'm fine i guess?
Ashtone Dione:
Ginagawa mo?
:Belle Vasquez
Swimming
I'm with my friends.
Ashtone Dione:
Oh, I see.
Maya nalang ulit
Nakangisi ako ng ibaba ang cellphone ko sa may lamesa. Napansin kong may nakatingin saakin kaya napabaling ako sa gilid ko.
"Pucha, ngumiti. Nakita mo?" Nginiwian ko si Yumi.
"May nabasa akong nakakatawa tanga." Napailing ako. Inubos ko muna ang kinakain ko bago ako tumalon ulit sa pool.
"Yung kwinento ko sayo! Feeling ko siya yon." Dinig ko pang kwento ni Yumi sa pinsan niya.
"Issue ka pa nga, Naomi." Umiling iling ako.
"Humaharot ka na ha!"
"Tanga ka, may nabasa nga akong nakakatawa!" Hinampas ko ang tubig sa pwesto nila.
"Asus! Okay lang yan, Belle, lahat tayo dadaan jan." Si Aster naman.
"Alam niyo? Magpinsan talaga kayo." Nakangiwi akong nakatingin sakanila. Iniisip kung bakit ko ba sinama ang dalawang 'to.
"Alam namin. Magkapatid nanay namin, e." Natatawang sagot ni Aster.