Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 16 - PRESENT WORLD: Secrets 2

Chapter 16 - PRESENT WORLD: Secrets 2

Wednesday.

Maagang pumunta si Drayce sa office mismo ni Mr. Wang.

He was busy talking to his secretary by the time that he entered into his office.

"I'll gonna go sir" marespetong sabi nung secretary nito nang makita siyang nakatayo sa may pinto. Agad na rin itong umalis after ng mga sandaling iyon.

"Mr. Sebastian, have a seat" nakangiting sabi ni Mr. Wang sa kanya habang hawak ang cup of tea na kanina pa niya iniinom.

Naupo naman ang binata sa isang wooden colored Chesterfield sofa.

"I'm glad that you're here. Alam mo bang may ipapakilala ako sa iyo ngayon?" nakangiting saad ng matanda sa kanya.

"what do you mean Mr. Wang?"

Napalingon na lang ang binata ng bumukas ulit ang pinto.

"Daddy, I'm here!"

Isang babaeng medyo mapayat at may katatamtamang tangkad ang bumungad sa mga mata ng binata. She has this short wavy hair, oval shaped na face, mga singkit na mata, matangos na ilong at mapupulang labi. She's has this typical Chinese beauty. Kahit may lahi itong Pilipino, mas namumukod tangi pa rin ang dugong tsinita niya.

"Mr. Sebastian, this is my only daughter, Fean Wang. Fean, he is Drayce Sebastian...ang President ng D and D Steel Company." introduced ni Mr. Wang sa kanya.

"hi Mr. Sebastian" nakangiting bati nito sa binata.

Ngunit, hindi nagustuhan ni Drayce ang mga nangyayari ngayon.

"Mr. Wang, I'm here to talk about business_"

"sshhh... I know..I know. Have a tea first" then sinenyasan niya ang kanyang secretary sa labas to get some cup of tea.

Drayce sighed.

He didn't expect it to turn out this way.

"I've heard so much about you Mr. Sebastian and I think it will be better if we can get along too, right?" sabi ng dalaga matapos itong tumabi sa kanya at nilaru-laro ang kanyang necktie.

Agad namang lumayo si Drayce sa kanya. How can someone do that to him? Mas nailang tuloy siya sa mga sandaling iyon.

Napatawa naman ang matanda sa naging reaction ng binata sa first move ng anak niya.

"What they are saying was really true, you're not really into women" sabi ng matanda sa kanya.

"What! are you gay?" react naman ng dalaga sa mga narinig.

This time, nagpipigil na ang binata dahil sa mga narinig. She insulted him kaya medyo naiinis na siya sa dalaga.

"I'll gonna go. Let's just meet again Mr. Wang" sinabi na lang ni Drayce.

Hindi talaga siya comfortable sa mga sandaling iyon. Ang gusto lang naman niyang pag-usapan ay ang about sa biglaang pag-atras ni Mr. Wang sa investment niya sa company nila. Pero naging iba na ang motibong ipinapakita ng matanda sa kanya. Its not about business anymore, its about his daughter na.

Tumayo na si Drayce at inayos ang kanyang suot. Papaalis na sana siya ng magsalita ulit si Mr. Wang.

"I know that your company needs my investment...then.....if you really wanted to help your company, you'll accept my business proposal to you"

He didn't say a word.

Pero deep inside, alam niyang hindi matutuwa ang Chairman once na nalaman niya ang patungkol sa rejection na ginawa niya sa offer ng matanda.

Umalis na siya't lumabas na sa matayog na building ng Jardine Company.

"Bwiset!!!" inis na nasambit niya nang makapasok na siya sa kanyang kotse. He loosened his necktie para makapagrelax at kumalma. He need some air to freshen up.

Umaasa rin siyang there could be another way para makaattract ng ibang investors without relying with Mr. Wang and his daughter.

-------

(President's office)

Hinalungkat niya ang mga papers sa cabinet niya. Andoon kasi ang mga lists ng mga previous investors sa company nila.

"What are you doing?" nagulat siya ng magsalita si Drake sa tabi niya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" iritang sabi niya sa kakambal.

"Well, I already knocked but you didn't heard it kasi you're too busy with that thing"

"What do you need?" tanong niya para lubayan na siya ng kapatid.

"Actually, about ito noong nakaraang araw.." tapos umupo ito sa may vacant seat in front of him para makausap ng maayos si Drayce.

"Are you trying to explain everything to me?"

"Gusto ko lang naman na malaman mong hindi ko niyaya si Mikaela that time. Siya ang nagyaya sa akin kaya hindi na ako nakatanggi pa" Drake said trying to explain.

"Hey....wala akong pake kung niyaya ka ni Mikaela. So, kung wala ka nang ibang sasabihin, you may go" he said tapos nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.

"I've already told you. We're just friends and I don't like her"

Napatingin ang binata sa kanya.

"Why are you saying this to me?" iritang tanong niya.

Iniisip niya kasing sinasayang lang ni Drake ang oras niya. Marami pa siyang dapat ayusin this time lalo na't maapektuhan nito ng lubusan ang business ng daddy nila kapag hindi siya agad nakagawa ng paraan.

"Because I know that you really liked her." Drake said being concerned lang naman din with his twin brother's feelings.

"So what if I like her? Ah....alam ko naman ang real reason why all of a sudden, you're acting like that.... it's just because natatakot ka lang na agawin ko si Avyanna sa iyo. Your dear Yaya Avyanna...tss." he said sarcastically.

Kaya napaisip na lang din ang binata na kahit kailan talaga, hindi na magbabago ang ugali ni Drayce.

"I'm just concerned to you Drayce. Kaya kung hindi mo kayang maappreciate iyon, please, huwag ka na lang manlait ng iba." then he left. There's no reason para makipagtalo pa siya sa kapatid.

Drayce just smirked.

He leaned on his chair at kinuha ang kanyang phone.

Mas makakabuti nang lubayan muna siya ng kanyang kakambal. He needs to prioritize his problem first. And also, kailangan niyang malaman ang totoong reason kung bakit biglang binawi ni Mr. Wang ang investment nito sa company nila.

So, tinawagan niya si Ms. Hillary Zamonte.

(Si Hillary Zamonte ang nerdy hacker na matagal ng may gusto kay Drayce. Isa siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa binata. She's smart and pwede siyang mag-apply sa mga intelligence agency but pinili niya pa ring magtrabaho para sa binata.)

"h_hello D_Drayce, napatawag ka" utal pang sabi nito.

"may ipapagawa ako sa iyo, I need you to review some CCTV footage sa Garden Palace. I'll text you the date and time mamaya"

"o_okay, sige..."

"good"

"ahm...w_wait"

Ngunit ibinaba na ng binata ang phone at agad nang pumunta sa Chairman's office.

"Tinanggap mo ang offer sa iyo ni Mr. Wang?" tanong ng Chairman habang pinipirmahan ang mga papers na nakalatag sa office table niya.

"no" tipid na sagot niya dito.

Dahil dito, napatigil sa kanyang ginagawa ang matanda.

"Why?"

"You already know the reason dad" sabi ng binata.

"Alam mo namang malaki ang mawawala sa atin kapag hindi tumuloy ang Jardine Group sa investments nila"

"We don't need them for our company. I can make a way para makahanap tayo ng bagong investors"

Dahil sa sinabi ng binata, nahampas ng matanda ang table niya.

"Nahihibang ka na ba Drayce?! Ano namang pumasok sa kukote mo't your making me so disappointed?!!!"

"Dad, I would never marry that girl. I don't even know her"

"Walang akong pakealam kung hindi mo gusto ang anak niya, the important thing is makuha mo ang loob ni Mr. Wang!!!"

Napakamao ang binata sa mga narinig. Puro business na lang ang nasa utak ng daddy nila and he's so tired of trying to understand him.

"You never treated me as a son. Your just using me para sa company mo.... your just using me para sa sarili mo!!!" inis na sigaw niya sa matanda.

"Cut that crap Drayce!!!!! Hindi kita pinalaki para maging mahina!!! How can you run my company kung ganyan ka? Itatapon mo na lang ba ang lahat ng pinaghirapan mo dahil lang sa babae? Shame on you!!!!"

"Dad, mahal ko si Mikaela and hindi ko kayang pakasalan ang stranger na babaeng iyon!!!" then he walks out.

Napasapok sa noo ang matanda dahil sa mga pangyayari. Hindi niya kasi akalaing magagawa iyon ni Drayce sa kanya.

----------------

(Sa mansion ng mga Sebastian)

9:00 na ng gabi. Naghuhugas na ng pinggan si Avyanna that time. Natapos na rin kasi silang kumain ni Drake. Nasa kwarto na ang binata dahil maaga pa itong papasok bukas.

(someone opened the back door)

Napapitlag naman ang dalaga sa biglaang pagbungad ni Drayce mula dito.

"s_sir, bakit po kayo dyan dumaan?"

Then he smiled.

Nagtaka naman ang dalaga dahil first time niya itong nakita na ngumiti sa kanya.

"cook me some food" nakangiti pa ring sabi nito.

Nang maamoy ng dalaga ang alak sa hininga ng binata, doon lang niya napagtantong lasing pala siya.

"o_okay, maupo muna kayo sa sofa at tatapusin ko lang po ito saglit" she said while guiding him papunta sa living room.

"hey, huwag mong lalagyan ng poison ang food ko huh? I'm so hungry....and I don't want to die yet" then he smiled ulit ng parang ewan.

Hindi na kumibo pa ang dalaga dahil hindi niya gusto ang amoy ng binata sa mga sandaling iyon.

Bumalik na siya sa kusina at agad nang tinapos ang kanyang paghuhugas. Nagluto na rin siya ng makakain ng binata.

Balak sana niyang lagyan ito ng gamot na pampatulog so that she can accomplish her mission na but dahil sa sinabi ng binata, napagdesisyunan niyang pagbigyan na muna ito.

Nagluto siya ng masarap na pagkain at inilatag na ito sa lamesa.

"sir, nakahanda na po ang pagkain!" sabi niya.

Pero no one answered kaya nilapitan niya ang binata sa may sofa. Nakapikit na ang mga mata nito.

He also unbuttoned his long sleeves kaya doon napansin ng dalaga ang birthmark nito.

"He's really Drayce Sebastian." mahinang sambit niya habang pinagmamasdan ito ng nakaupo.

Sa mga sandaling iyon naman, may napansing kakaiba ang dalaga sa birthmark nito. It doesn't actually looked like the same sa hologram na ipinakita ni Professor Shechem sa kanya.

"Gotcha!" then iminulat na ng binata ang kanyang mga mata.

Agad namang napatayo ang dalaga dahil dito.

"May pagnanasa ka talaga sa akin noh?" then inayos na niya ang kanyang suot.

"yah! did you do it on purpose?" hindi makapaniwalang reaction ng dalaga.

"hmm..parang ganoon na nga" then he stood up.

"b_bakit? anong dahilan mo?"

"well....I just wanted to know the feeling that somebody is looking at me because that person cares for me" tapos pumunta na siya sa dining area and umupo na siya sa upuan.

"lasing nga talaga siya, ibang-iba kasi ang ugali niya kapag hindi siya nakainom unlike now, he's telling what he really feels" sabi naman ng dalaga sa isipan niya matapos niya itong sundan.

"come...join me." he said.

"ah, I'm already full. Kakain ko lang"

"eh di kumain ka ulit. To make sure na wala itong lason" pangungulit nito.

To prove him wrong, napilitan na lang ang dalaga na sabayan ang binata sa pagkain. Kumuha na rin siya ng plato at kutsara. Then umupo siya sa kabilang side ng table kaya napansin ito ni Drayce.

"Dito ka" he said habang pinapagpag ang upuan sa tabi niya.

"Ah...okay na po ako dito sir" sabi ng dalaga.

Naweweirdohan na kasi siya sa mga ikinikilos ng binata ngayon.

"Fine" tapos dinala ng binata ang own plate niya't lumipat sa tabi ng dalaga.

He initiated din na lagyan ng kanin and ulam ang plate ni Avyanna.

"Kumain ka na" he said after patting her head.

Napaisip tuloy ulit ang dalaga sa mga sandaling iyon.

"Ano ba iyan, bakit parang mas okay sa kanya ang maging lasing kesa ang hindi? Tss. Weird talaga" bulong niya.

"Did you say something?"

"Ah...nothing sir" then she tried to smile and sumubo na rin ng food.

"By the way, I had a secret...." bigla namang sabi ng binata sa kanya.

"Ano pong secret iyon?" medyo nacurious namang tanong ng dalaga sa kanya.

"Actually, hindi pa....pala ako nakapagpasalamat sa iyo noong nakaraang araw. And I'm sorry for being stupid." he said.

That time, narealize ng dalaga na mabait naman pala si Drayce. Siguro, there's a reason lang talaga kung bakit lagi niyang ibinubunton sa iba ang galit niya.

And she finds it interesting and.....cute.

(mas weird pala si Avyanna noh? bwahaha)