Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 21 - PRESENT WORLD: Secretary's Life

Chapter 21 - PRESENT WORLD: Secretary's Life

Kakababa lang ni Avyanna sa taxi since pinagcommute siya ni Drayce. Hindi rin kasi alam ni Drake na simula sa araw na ito ay magtatrabaho na ang dalaga sa puder ng kakambal niya.

Maaga kasing umalis ang magkambal kaya si Avyanna lang ang naiwan sa mansion para isecure ang place bago rin pumasok.

Nasa harapan na siya nung napakatayog na building ng D & D Corp. Bigla tuloy sumagi sa kanyang isipan ang unang experience niya sa pagtapak sa lugar na iyon. That was the time when Drayce got mad dahil sa pagbisita niya in that place, but now...here she is para magtrabaho sa company nila.

"Hay...that brat." nasambit na lang niya since wala na rin naman siyang ibang choice kundi panindigan ang mga sinabi niya sa binata.

Papasok na sana siya ng bigla siyang harangin ng guard.

"good morning po Madame, ano pong pakay ng pagpunta?" masigasig na tanong ng guard sa kanya.

"Ah, I'll be working here" saad niya.

"okie, I.D poh" hingi ng guard sa kanya.

"Company I.D po ba?" tanong ng dalaga.

"Ay, hindi po, school I.D po" pilosopong saad ng guard na sineryoso naman ng dalaga.

"I'm sorry Manong pero wala ako nun eh, I'm not a student anymore that's why I'll work here." sabi ng dalaga sa guard.

"Madame..... ang kailangan ko po ay yung company I.D nyo. Binibigay po iyan kapag natanggap na kayo sa trabaho niyo. Kung wala po kayong mapapakita, pasensya na po pero hindi po kami nagpapapasok ng strangurs dito"

"Eh...ang boss niyo na po mismo ang naghire sa akin eh. Si Mr. Drayce Sebastian"

Dahil sa sinabi ng dalaga, mas lalong nagmukha siyang kaduda-duda sa guard.

"Kung totoo po iyon Madame, pakitawagan na lang po si Sir Drayce Sebastian sa telepono niyo"

She's about to get her phone but then, narealize ng dalaga na wala pala siyang cellphone.

"W_wala po akong cellphone manong guard eh, kung okay lang po, pwedeng kausapin ko na lang po yung receptionist niyo doon"

"Naku Madame, hindi po talaga pwede. Iyon po kasi ang patakaran dito" sabi ng guard.

Dahil doon, sobra na ang pagkainis ng dalaga sa mga sandaling iyon.

"Grabe naman po kayo Manong, you're so inconsiderate naman"

"Sumusunod lang po ako sa mga utos Madame"

"Argh! stop calling me Madame, hindi pa po ako kasal!" ganti niya sa guard then she walked out.

Naiinis siya kasi alam naman pala ng binata na mahigpit sa company nila, hindi man lang siya nagbilin sa guard na may newly hired siyang secretary.

"Grrr!!!! pinapunta lang ba ako ng Drayce na iyon para pagmukhaing tanga?" umuusok na talaga ang ilong niya sa inis.

Halos isumpa na nga niya ang binata sa mga sandaling iyon dahil halos mag-isang oras na siya sa labas na nakatayo. Ang ganda pa naman ng outfit niya para lang maghintay sa wala.

"Humanda ka talaga sa akin mamaya!!! Iinject ko talaga sa leeg mo 'yung Syringe" nasambit niya sa inis.

Dahil dito, napagdesisyunan niyang bumalik na lang sa mansion.

Not until, someone talked behind his back after she started to walk.

"Hey Stupid!"

Napalingon siya dahil dito.

"Can't you just call me para hindi ka naghintay dito ng matagal? Do you know what time is it?" Drayce said.

Because of what Drayce said, napataas ang kilay ng dalaga.

"Bakit, may phone ba ako? di ba wala naman?!" inis niyang sabi.

"Is that how you talk to your boss?"

"This brat. Sarap talagang kurutin.." mahina niyang sabi.

"Are you cursing me?" react naman ng binata.

She sighed.

Ayaw na niyang makipagtalo kasi alam niyang hindi siya mananalo against him. Magsasayang lang siya ng laway kapag ipinagpatuloy niya pa iyon.

So, hindi na lang siya umimik.

"Follow me" he said nang medyo kumalma na ang dalaga. He put his hands on his pocket while walking ahead sa dalaga.

Sumunod na lang siya dito while noticing that all people na makakasalubong nila ay nakatingin sa kanya.

Napaisip tuloy si Avyanna na baka may mali sa kanyang isinuot at hindi angkop sa kasalukuyang panahon. Because of it, agad siyang lumapit kay Drayce at tinanong kung tama ba ang attire niya ngayon.

Nang mapansin naman ng mga babae ang paglapit nito sa President ng company nila, nagkaroon na ng mga bulungan.

"It's fine" tipid na sabi naman ng binata while waiting na magbukas ang pinto ng elevator.

"Promise?" tanong ulit ng dalaga sa kanya.

Hindi na niya ito sinagot at pumasok na sa elevator. Pumasok na rin si Avyanna after makalabas ng tatlong employees from the elevator.

"Who's that girl?" narinig ni Avyanna from those three na nakasalubong nila.

Then, doon lang niya narealize na maybe nagtataka ang mga employees ng company dahil may bagong face silang nakikita.

"You'll be working with me in my office kaya mamaya, we will talk about my rules that you need to follow" sabi ng binata without looking at her.

"O_okay po" mahinang sabi niya.

"Andito na tayo" sabi ng binata nang makarating na sila sa 48th floor ng building.

Kakaonti lang ang tao sa floor na iyon and napansin ng dalaga na puro may edad na ang mga employees doon. Nakikita rin niyang busy sa mga tawag at pagpirma ng mga papel ang lahat kaya medyo naamazed lang siya sa magiging workplace niya.

"Ang mga nakikita mo ay ang mga Senior Managers ng company. They've been loyal to these company for years kaya in terms of experience, magagaling talaga sila." he explained.

Then, napansin niya ang isang babae na nasa 40s na't may dala-dalang napakakapal na mga papers. May mga nagtatakbuhan ding mga employees na hindi alam ng dalaga kung bakit. Maingay din sa place na iyon since almost everyone ay may kausap sa telephone. Ganon lang talaga siguro kapressure ang maging head ng departments nitong company.

Naging kalma lang ang lahat ng makapasok na sila sa office ng binata.

Sobrang tahimik kasi sa napakalawak na office na iyon. Then napansin ng dalaga na may table and swiveling chair sa bandang right sight nitong office.

"Pwede po ba akong maupo doon?" medyo hesitant pa niyang tanong kay Drayce.

"Para kanino pa ba ang upuan na iyan?"

"Tss. Parang nagtatanong lang naman, ang sungit talaga" she murmured.

"Okay, I don't have much time para maexplain sa iyo ang lahat so I'm gonna point out some important rules that you need to follow and the rest, basahin mo na lang" then may iniabot siyang white bondpaper kung saan nakalista ang lahat ng rules ng binata.

"Totoo? lahat ng ito? dapat ko pong sundin?"

"Of course, pero I have this three important things na dapat hindi mo makalimutan."

Naging handa naman ang dalaga para pakinggan ang sasabihin nito.

"First rule, bawal ang maingay dito sa office ko. Knowing you girls na masyadong madada, ayaw kong mapupuno ng laway mo ang buong area kaya kapag hindi kita kinakausap, you're not allowed to talk"

"Grabe ka naman sa madada, saka hindi naman ako naglalaway kapag nagsasalita ah. And excuse me, kahit sino naman noh, hindi talaga maglalakas-loob na mag-ingay sa office na ito. May tigre ba naman sa loob" mahinang sabi niya sa part na iyon.

"Kanina ka pa ah, are you really cursing me?" taas kilay'ng tanong ni Drayce.

"C_cursing? hindi po. Huwag po kayong assuming este...I'm.. just listening to you sir attentively" sabi ng dalaga trying to smile.

(Drayce sighed)

"Okay, Rule no. 2... don't ever touch my things unless I told you, understand?"

"Yes po sir, naiintindihan ko"

"And Rule No. 3, follow the other rules written on that paper."

After he said it, naging busy na siya sa mga papers na dapat niyang ireview and pirmahan habang si Avyanna naman ay mataimtim na binabasa ang nakasaad sa papel ng mga batas ni Drayce Sebastian.

"Hey, kindly get the hard copy of last year's budget for marketing...nasa 27th floor iyon" Drayce suddenly said habang busy na siya sa pagrereview ng mga documents sa table niya.

"okay sir.." agad na siyang tumayo at bumaba na sa 27th floor na tinutukoy ng binata.

"Rule no. 8, he's command is always the priority...." pagrerecite ng dalaga habang bitbit pa rin ang papel.

Nang makarating na siya sa filing room ng company, agad niyang binasa ang mga signage na nakapaskil lang sa dingding and sa mga steel cabinets kaya agad niyang nahanap ang hard copy.

"Eto na po sir" she said nang makabalik na at ipinatong niya ito sa table ng binata.

Paupo na sana siya nang maisipan ni Drayce na ipahanap sa kanya yung old files ng mga pioneers ng company. Iyon ang hindi mahanap-hanap ng binata nung nakaraang araw pa.

"Where will I find it sir?" ask naman ng dalaga. But instead of answering her, sinenyasan lang niya itong lumayo para maghanap.

"Okay...rule no. 5, use my common sense" bulong na lang ng dalaga sa sarili habang naghahalughog na sa mga filing cabinets ng binata.

Halos nakalkal na niya ang lahat ng files pero hindi pa rin niya mahanap ang old lists ng mga pioneering investors na pinapahanap ni Drayce.

"Sir, I think..wala po dito ang pinapahanap niyo" sabi ng dalaga.

"Are you sure?" nakakunot-noong tanong ng binata.

"Yes sir" agad namang sabi ng dalaga.

Nag-isip muna ang binata bago nagsalita ulit.

"Someone just stole it" agad naman siyang tumayo sa kanyang swiveling chair at lumabas ng kanyang office.

Hindi naman alam nang dalaga kung susunod ba siya dito o hindi....

"huwag na lang.." nasambit ng dalaga habang papalapit na sa kanyang upuan to sit.

"Hey! follow me.." irita namang sabi ng binata sa kanya mula sa labas.

"Sabi ko nga, susunod ako" sabi niya habang tarantang sumunod dito.

Nasa elevator na ulit sila this time.

Tahimik.

Hindi na umimik ang dalaga dahil hindi na maipinta ang mukha ni Drayce sa mga sandaling iyon.

Ayaw niyang makatanggap ng sermon galing sa kanya dahil ito ang una niyang araw sa company.

(brrrrrr.....)

Napalingon ng bahagya si Avyanna kay Drayce nang kumalam ang kanyang tiyan.

She even closed her eyes praying na sana hindi nito narinig ang pagreklamo ng kanyang tummy.

"Hindi ka ba kumain?" medyo may tensyon pa rin sa boses ng binata. Halata talagang mainit na naman ang ulo nito.

"A_ah...kumain naman po, kaso..konti lang..hihi.." saad ng dalaga.

"Huwag mo akong ma-hihihi dyan. Andito na tayo" ani naman ng binata.

"Aba'y baliw to ah" bulong naman ng dalaga sa sarili.

Sinundan niya na lang ito at pumasok na rin sa office ng Director of Planning and Development.

Sakto namang andoon rin si Drake at nakikipag-usap sa kaibigan niya.

"Oh... your girlfriend?" react naman ni Mr. Villacosta nang mapansin si Drayce at Avyanna sa loob.

Agad namang napalingon si Drake sa dalawa.

"A_Avyanna?"

"H_hello po" she just said and tried to smile.

"Anong.....ginagawa mo dito? Why you're with my twin brother?"

"She's my secretary fool." sabi ni Drayce sa kapatid.

"Woah...interesting, kailan mo pa naisipang maghire ng secretary? Sa pagkakaalam ko kasi, ayaw mo sa mga babae.." saad ni Mr. Villacosta sa kanya.

Dahil dito, siniko ni Drake ng bahagya ang kaibigan.

"Well, kahapon lang naman" then he sat on a davenport sa gilid niya.

Tahimik lang namang nakikinig ang dalaga sa usapan ng dalawa kasi hindi na maganda ang kutob niya sa mga sandaling iyon.

"Ah...Drayce, why you didn't tell me about hiring her?" sabi naman ni Drake sa kanya.

"Hindi kita kinakausap kaya mamaya ka na magsalita okay? Pwede ka nang lumabas" ani ng binata.

At dahil desidido nga ang kapatid na palabasin siya, he has no choice kundi ang lumabas na sa mga sandaling iyon. Susunod sana si Avyanna kay Drake para sumibat but hinawakan siya nito sa kanyang braso.

Napangiti naman si Mr. Villacosta sa mga nasaksihan.

"Tama nga ako, both of you are in a relationship" he said.

"No way!" react naman ni Avyanna.

"Tss. So, ano ang ipinunta mo dito? Ah... about ba ito sa upcoming corporate meeting next week? Balita ko.....may mapapalitan daw na officer sa hierarchy. Sino kaya iyon?" nakangiting saad nito.

Dahil dito, kwinelyuhan ni Drayce ang binata.

"Stop playing games Gian! Its not fun!!!!" tapos tinulak niya ito.

"S_Sir" nasambit naman ng dalaga nang masaksihan ang nangyari.

"Look... ganyan talaga ang ugali ng isang Sebastian.. With a face like an angel pero a monster inside..hahaha" nababaliw na namang reaction niya.

"Saan mo tinago ang old lists?" gigil na tanong ng binata sa kanya.

"Sir... I'll help you find it so calm down" pagpapakalma naman ng dalaga sa kanya.

"Answer me!!!" di pa rin paawat na sabi nito.

"What's with that old list? I thought it was a trash so I burned it" nakangiting sabi ni Mr. Villacosta.

"You crazy moron!!!" sasaktan na sana ni Drayce si Mr. Villacosta nang biglang pumagitna ang dalaga sa kanila.

Napatigil ang binata dahil dito.

"Please sir, itigil mo na ito. Wala ka nang magagawa doon pero....I still believe na meroon pa pong ibang way para masolve mo ang problem mo. I know you have a problem sir.....but I'm here....for you. I'll help you." mahinahong sabi ng dalaga.

Kumalma naman si Drayce sa mga narinig. He started to walked out kaya natigil na ang tension sa loob.

"What is your name again Miss?" naisipan namang itanong ni Gian sa dalaga.

Hindi lang kasi siya makapaniwala sa mga nakita.

"Avyanna....my name is Avyanna sir" then sumunod na siya sa binata.

"Avyanna huh, interesting" then he smiled.