Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 25 - PRESENT WORLD: Colorful Moment

Chapter 25 - PRESENT WORLD: Colorful Moment

Naisipang dumaan ni Ms. Zamonte sa Couple's Park. Medyo nakainom na rin siya kaya't napagtripan niyang isumpa ang lahat ng mga magjowa na makakasalubong niya sa lugar na iyon.

Pagewang-gewang na siya sa kanyang paglalakad kaya pinagtitinginan na rin siya ng mga tao.

"Bakit ka nakatingin? Dahil ba wala akong jowa? Huh? Huh? hik.." sabi niya sa mga taong nakikita niya.

"Maghihiwalay rin kayo!! tandaan niyo iyan. Kayong mga may jowa, sinusumpa kong hindi kayo....hik..hindi kayo magkakaroon ng happy ending!! mga bwiset kayo" mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Hindi pa rin kasi siya makaget over sa nangyayari sa buhay niya.

At dahil sa pinagsasabi niya, pinagtawanan lang siya ng mga magjowang sinasabihan niya.

"Bitter lang gurl" narinig pa niyang sinabi nung isang babaeng nakapulupot pa ang kamay sa bewang ng lalaki niyang kasama.

"Sinong bitter huh? Gusto mong burahin ko yang make up mo? Hindi ka maganda!!"

"At least ako may jowa..eh ikaw? hmp!" pagtataray naman nung babae.

"Mahal, huwag mo na kasing patulan. Alam mo naman ang mga oldies" sabi naman nung lalaki.

"Aba, bastos to ah" dali niyang pinulot ang kanyang sapatos at pinagbabato sila, agad naman itong nagsialisan.

"Mga bwiset kayo! Hindi kayo tatagal ng 1 year!!!...hik" sabi na lang niya nang maiwan na siyang mag-isa sa gitna.

Iiyak na ulit sana siya dahil sa kalungkutan nang makita niya ang mukha ng boss niya sa park.

"Hay! lasing na nga siguro ako kasi pati mukha ni sir eh nakikita ko na." sabi niya kaya pinulot na lang niya ang kanyang mga hinagis na sapatos kanina.

-------

"Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ni Drayce kay Avyanna habang nilalakad nila ang grassy area ng Couple's Park.

"Di ba I told you sir na ngayong araw na ito, ako muna si Miss Mikaela? Just imagine na ako...siya..."

"Tss. Ang layo kaya.." saad nang binata habang pinagmamasdan ang mga magjowang magkaholding hands pa habang naglalakad.

"Aray naman. Pero okay lang, alam ko nama pong matagal mo na siyang gusto eh kaya wala ka nang ibang nakikita kundi siya lang, kahit na nasa harap mo na ang pinakamagandang babae sa company" pabirong sabi nito sa binata.

"Weird"

Napangiti naman si Avyanna sa sinabi nito.

"But honestly sir.... I'm starting to admire you, I mean, pagdating po sa work...sobra ang dedication na ipinapakita niyo. And about that love thing? I know..medyo corny po ito sa pandinig niyo pero, grabe! sobra po pala talaga kayo magmahal noh? I mean, you never had a girlfriend right?" tanong ng dalaga sa binata as if super close lang sila.

Nang marealize naman ng dalaga na she went overboard, kasi sumagi rin sa isipan niya ang isa sa rules ng binata na bawal magtanong ng personal matters about him...agad niyang tinakpan ang kanyang bibig at humingi ng pasensya kay Drayce.

But Drayce didn't mind those rules anymore.

"I.... never had a girlfriend"

Nagulat naman si Avyanna sa pagsagot nito sa kanyang mga tanong kaya napahinto siya saglit sa paglalakad.

"You heard me right?" he said while still walking.

Agad rin namang sumunod ang dalaga kay Drayce nang mapansin nyang tumitingin na ito ng mga bracelets. May mga nagtitinda din kasi ng mga couple items sa park kaya medyo crowded ang lugar.

"200 pesos lang po iyan. Iyan po ang laging binibili nang mga magsyota dito" sabi ng matandang lalaki na nagtitinda nito.

"Ano po ba iyan?" tanong naman ng dalaga to know kung ano ang meaning ng dalawang design ng bracelet.

"May susi at kandado na bracelet. Ibig sabihin lang po nyan na dapat lagi kayong magkasama para mabuksan ang kandado ng isa. Di ba magjowa naman kayo, bilhin nyo na iyan at murang-mura lang."

Napaisip naman ang binata habang pinagmamasdan ang bracelets na iyon.

Naalala niya kasi yung bracelet na binigay ni Drake kay Mikaela na suot ng dalaga nang mahospital siya.

"Ah..Manong, pasensya na po pero h_hindi po kami mag-j_"

"I'll buy these" agad namang sabi ng binata matapos iabot ang bayad sa matanda.

Napatingin na lang ang dalaga kay Drayce.

"Just keep the change" then he started to walk.

Pinagmamasdan niya pa rin ang bracelets na binili niya. He never had a chance na mabigyan ng ganoong bagay si Mikaela. Maybe because natatakot rin siyang hindi niya ito tanggapin tulad ng pagreject niya sa nararamdaman nito for her.

"Aha! Ibibigay niyo po iyan kay Mikaela noh?" nakangiti namang sabi ni Avyanna sa kanya.

"Yes, I intend to give her a bracelet" he said.

Matapos niyang sabihin iyon, inangat niya dahan-dahan ang kamay ni Avyanna at isinuot ang bracelet nito sa kanya.

"P_pero..."

"Since its locked, I am the only one who can open it" he said then isinuot na rin niya ang bracelet na may susi nito.

-------

Hindi pa rin makapaniwala si Ms. Zamonte sa mga nasaksihan.

"Sila na ba nang secretary niya? Halata naman di ba? hik... di kaya namamalik-mata lang ako?" pinikit-pikit pa niya ang kanyang mga mata ngunit ang boss niya pa rin at secretary nito ang kanyang nakikita.

Mas lalo rin siyang nagulat nang makita niyang hinawakan ng binata ang kamay ng secretary niya.

"Hindi na nga ito business related, sila na nga talaga!! omg! Isang malaking chismis ito sa company kaya kailangan ko ng proof!!" agad-agad niyang kinuha ang kanyang cellphone.

"Ms. Zamonte?"

Napapitlag siya kaya nabitawan niya ang hawak na phone. Tiningnan naman niya ng masama ang panira ng diskarteng lalaking iyon.

Nakakurbata ito suot ang ID ng company na pinagtatrabahuan rin niya. May dala rin itong paper bag na naglalaman ng pagkain.

"Mr. Cruz, i_ikaw pala" saad ni Ms. Zamonte ng mamukhaan ang cute and chubby na kaworkmate niya.

"A_anong ginagawa mo dyan?" curious namang tanong nito ng madatnan siyang nakatago sa bench ng park.

Nag-isip naman ng maidadahilan si Ms. Zamonte para hindi siya pagdudahan nitong may minamanmanan siya that time.

"Ah..eh, hehe..nage-exercise lang" tapos tumayo-upo siya ng ilang beses doing sit ups daw para mapaniwala si Mr. Cruz.

"Wow, sobra naman ata ang dedication mo sa pagpapayat ah"

"Yes, of course, siyempre health is wealth" sabi niya habang nakatingin pa rin siya sa dalawa na papaalis na.

"Kung ganon pala...kapag inalok kita ng pagkain, di mo ito tatanggapin?" sabi nito habang tinitingnan ang dala-dala.

"Wag ka nang mag-alok, okay na ako" aligaga na siyang sumunod sa dalawa kahit halos magkadapa-dapa na siya sa pagmamadali.

"Ah..teka lang muna, yung cellphone mo!"

Hindi na ito narinig pa ni Ms. Zamonte kaya tinago na lang ito ni Mr. Cruz sa kanyang bulsa.

------

" Di ba you told me na you'll pretend to be Mikaela this time?" Drayce asked Avyanna.

"Uh...y_yes sir" medyo kabadong sabi ng dalaga. She didn't expect rin naman kasi na papatulan ng binata ang alok niya. Alam niya kasing hindi sila close and mailap sa mga babae ang kanyang boss.

But then, Drayce accepted her offer and this time, wala na naman itong atrasan.

"So....."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng hawakan ng binata ang kamay nito.

"This is what couples really do"

This time , naglalakad na sila habang nakaholding hands.

Para tuloy sasabog ang dibdib ng dalaga. Hindi niya maexplain ang nararamdaman niya ngayon.

"Naiihi ako" nasabi niya nang mahina kaya napatingin si Drayce sa kanya.

"Ah...sabi ko po..hihi..."

Dahil doon, ibinaling lang ulit ng binata ang kanyang paningin sa daan.

Pero gayunpaman, hindi na mapakali si Avyanna that time.

"Avyanna...ano ba itong pinasok mo?" bulong niya sa sarili.

"You're cold.."

Binitawan ng binata ang kamay ng dalaga kaya medyo nakahinga na siya ng maluwag.

"Isuot mo ito para hindi ka malamigan" saad naman nito matapos hubarin ang kanyang suit jacket at dahan-dahang inilagay ito sa kanyang balikat.

"S_salamat sir"

"You're welcome" malambing nitong sabi.

Hinawakan ulit ng binata ang kamay nito at nagpatuloy sila sa paglalakad.

That time, parang nakaramdam ng tuwa ang dalaga. Masaya siya kasi hindi rin naman niya naexperience ang ganoong bagay since sa mundo nila, masyado siyang nagfocus sa pagpapakadalubhasa and wala siyang time pagdating sa mga ganyang bagay. Iyun rin ang reason kung bakit naging uso sa kanila ang arranged marriage.

"I'm thankful that you brought me here." biglang sabi ni Drayce sa kanya.

"May I know the reason why?" natanong naman ng dalaga.

"Matagal ko na rin kasing balak na dalhin dito si Mikaela. But I never had a chance since hindi naging kami"

"Umaasa pa rin po ba kayong..... maging kayo pa rin sa huli?"

(a moment of silence)

"I'm sorry sir, I shouldn't ask about it"

"I'm not sure about it anymore"

"Sumusuko na po ba kayo?"

"Hindi. Nagpaparaya lang."

Sa mga sinabi ng binata, ramdam ng dalaga ang kalungkutan nito. Yung pakiramdam na nagmahal ka...naghintay ka...umasa ka...pero in the end, iba pa rin pala ang pipiliin niya?

"You know what sir. Only time will tell. Hindi pa naman huli ang lahat eh" comfort niya sa binata.

Bigla rin kasing sumagi sa isipan niya na itinadhanang maging sila ni Mikaela. Kaya if bibigyan niya ng pag-asa ang binata patungkol dito, maybe it would be a great help.

"Pero what if, it is a sign na hindi pala talaga kami para sa isa't-isa?" Drayce asked her.

"Pero paano naman po if kayo talaga pero sinusubok lang ang iyong pasensya?"

"Does it mean ba na you believe in destiny?"

"I do."

"Ako hindi."

Napatingin naman ang dalaga sa kanya.

"Binigyan tayong mga tao ng choice kaya ang ibig sabihin noon, its up to us kung anong landas ang ating tatahakin"

"So, you mean..pwede pang magbago ang nakatadhana?"

"Yes, if you choose to"

Nang sabihin iyon ng binata, napaisip bigla ang dalaga. Nagkaroon tuloy ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

While walking quietly sa grassy area ng park, nagsimula na ring magbukasan ang mga dancing lights since palubog na rin ang araw.

"I never seen this in our world" nasabi ng dalaga without knowing na naririnig na pala siya ni Drayce.

"What do you mean?"

"Ah...nothing sir"

"Wait...." huminto sila saglit sa paglalakad.

Nasa tapat na kasi sila ng fountain kung saan maraming couples ang masayang pinagmamasdan ang napakagandang lights na tila nagsasayawan kasabay ang pag-agos ng tubig mula sa fountain.

"Akin na ang phone mo" saad naman ng binata kay Avyanna.

"W_why?"

"Kukunan kita ng picture"

Dahil dito, ibinigay naman ng dalaga ang cellphone niya sa binata.

"Okay..1..2..3 smile" ani ni Drayce bago siya kunan ng photo.

Tiningnan naman ng dalaga ang kuha ng binata.

"Wow, parang colorful rainbow ang tubig dahil sa lights. Maganda siya" masayang sabi ng dalaga while looking at her picture.

"Tama.... maganda ka." nasabi naman ng binata.

"Ano po iyon sir?" tanong naman ng dalaga since hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito.

"Ah..nothing. Aren't you hungry? I'll buy some foods na muna, sasama ka ba?"

She nodded since gutom na rin siya.

---------

"Nakaholding hands sila mga tipaklong ng damuhan! Kaya pala naghire siya ng secretary...para lang may makalandian siya kahit nasa work. Sinasabi ko na nga ba... babaero talaga ang Drayce Sebastian na iyan!" pagsasalita ni Ms. Zamonte sa gilid ng daan habang nakatago sa malaking puno.

"May baliw ata dito" sabi nung lalaking iihi sana sa may puno.

"Hoy, hindi ka ba marunong magbasa? bawal umihi dito..got it?"

"Got it mo mukha mo!"

"Gusto mong masapak ng baliw?" inis na sabi nito sa lalaki kaya agad na rin itong umalis.

"Ay naku! kaya pala ang panghi dito! langya!"

Lumapit siya ng konti sa kinaroroonan ng dalawa.

Hanggang sa nasaksihan niyang kinuha ng binata ang phone ni Avyanna para kunan siya ng litrato.

"Aba, inutusan pa talaga ng babaeng iyon ang amo niya huh? Swerte mo girl..ang swerte mo talaga"

Napapunas siya ng kanyang luha dahil, wala, trip lang niyang umiyak dulot ng kalasingan niya. Habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha, may napansin din siyang magjowa na tila pamilyar ang mukha ng lalaki.

Dali niya itong tinitigan.

Matangkad ito, maputi at medyo may pagkahawig sa boss niya.

"Teka... is that....is that Sir Drake Sebastian? Ano namang ginagawa niya sa park na ito?"

Then, napansin niyang may kasama itong babae.

"In fairness, maganda siya huh. Nag-usap usap ba silang magkakaroon ng double date sa lugar na ito?"

----------

Pinaupo muna ni Drayce si Avyanna sa bench since kanina pa sila palakad-lakad. Nasa tapat lang naman kasi yung food stand kaya she just need to wait until maluto na yung food.

Pinagmasdan lang ng dalaga si Drayce habang mahinahong nakapila sa food stand.

Napangiti naman siya dahil dito.

"He's cute." nasabi naman ng dalaga ng tingnan siya ni Drayce at sinenyasang mahaba ang pila.

Nakikita niya tuloy sa binata ang pagiging boyfriend material nito.

Because of it, naisipang kunan ni Avyanna si Drayce ng photo sa phone niya even if nakaside view lang ito.

"Perfect" sabi nito. Then naisipan niyang kunan din ang ibang part ng park para maging memorable ito sa kanya.

While taking pictures, nahagip nito ang larawan ng Master niya at ni Mikaela na naglalakad habang nag-uusap.

"T_teka, anong ginagawa nila dito? Naku po, hindi ito pwede! Hindi pwedeng makita ni Mikaela na magkasama kami ni sir. And lalong hindi rin pwedeng makita ni sir na magkasama sila Mikaela at ang twin brother niya!!!"

Because of it, agad na nilapitan ni Avyanna si Drayce. Nakipagsiksikan siya sa mga nakapila at daling hinila ang binata papalayo sa lugar na iyon.

"Ano bang problem?" nagtatakang tanong ni Drayce.

"Ah..nothing" she said while looking at him.

Sa di naman inaasahan, namukhaan ni Avyanna si Ms. Zamonte na naglalakad at tila may hinahanap kaya para hindi sila makita nito, agad niyang niyakap ang binata para makablend in sila sa mga couples na nagyayakapan rin sa lugar na iyon.

Then, sakto namang nagkaroon ng fireworks that time.

(background music: romantic)