(Breaktime)
Nakaupo si Avyanna that time habang busy sa pag-iinput nang mga schedule ni Drayce.
Nagulat na lang siya kasi may nilagay na cappuccino coffee ang binata sa table niya. He did it without looking at her.
Inisip na lang nang dalaga na baka nakonsensiya rin ang binata matapos siyang utusan nito para sumaka't panaog dala ang mabibigat na folders and documents nang company kanina.
"Thank you sir" she said.
Hindi naman umimik ang binata at ininom na lang ang dala rin niyang coffee.
Actually, lumabas pa siya nang building para mabili lang ang coffee na iyon. Its his way na rin para makabawi sa dalaga dahil sa nangyari noong nakaraang araw.
Kahit naman kasi may pagkamasungit siya, hindi naman siya yung tipo nang guy na katulad sa daddy niya.
(While having their breaktime, someone knocked and entered their office.)
"Hi!!" nakangiting sabi ni Drake sa kanila while bringing some foods.
"Hi po Master" masaya namang response ng dalaga.
"What are you doing here?" Drayce asked.
"Wala, I'm just here to visit, bakit bawal ba?"
Then, inilapag nito ang dalang foods in paper bags at nagnumero kwatrong upo na sa chesterfield kaharap si Drayce.
"So how's your day Avyanna? Hindi ka ba pinahirapan ng kapatid ko dito?" worried na tanong ni Drake sa dalaga.
"H_hindi naman po"
"Really? Is it true my twin brother?" then he looked at Drayce.
But hindi siya pinansin nito't tila wala lang narinig.
"Okay, I think its true, so kumusta naman ang performance ni Avyanna as your secretary Drayce?"
(still no response from him)
Wala lang talagang gana ang kakambal niyang makipag-usap sa kanya. Kaya nag-isip ang binata nang mas magandang topic para pansinin siya nito.
"Naalala ko pala, nagkaroon pala kami nang pag-uusap ni Gian..... and I'm here to tell you that he's planning to take you down with your position as President of our company."
Dahil dito, napatingin si Drayce sa kanya and smirked.
"I'm serious Drayce"
"And do you think na matatakot ako sa kanya? Tss. He has no power to do it"
Tumayo naman si Drake at nilapitan ito.
"But he already convinced our dad.... and they're planning to assign me as the President instead"
Nanlaki ang mata ng binata dahil sa narinig.
Hindi kasi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng kakambal niya.
Mukhang tinotoo na nga ng daddy niya ang banta nito noong nakaraang araw.
"Why are you saying this to me? Are you planning something?"
"Instead of thanking me for informing you, pinagbibintangan mo pa akong may masama akong balak against you? Kailan mo ba talaga maappreciate ang mga ginagawa ko huh?"
(ilang segundo pa bago ulit nagsalita si Drayce)
"Not until you change yourself.."
"Is that what you wanted from me simula pa noong mga bata tayo, kaya mo ako hindi itinuturing na kapatid?"
Dahil sa convo na iyon, tahimik lang na nakikinig sa gilid ang dalaga habang nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan ng magkapatid. Ayaw na niyang makisali sa bangayan ng magkapatid kasi natatakot siyang baka siya na naman ang pagbuntungan ng galit ni Drayce.
"Am I right?" Drake said while waiting his answer.
He just looked at his twin brother.
He's been thinking rin kasi na mawawalan na nang saysay ang mga hardworks na ginawa niya for the company. And he's sure na maapektuhan ang company kapag si Drake na ang pumalit sa kanyang position knowing his inexperienced and childish character.
"They can't just replace me and you know that" he answered out of his twin brother's question, then Drayce stood up.
"Alam ko! and wala rin akong balak na tanggapin ang alok ng kaibigan ko dahil KAPATID kita and at least I'm treating you like one, hindi katulad mo"
"Stop that nonsense Drake, I know you.... so stop making yourself as if your better than me." then he walked out.
Drake just smirked. Masyado talagang mapride ang kapatid nya and he's thinking na he has nothing to do with it anymore.
"Ang taas talaga nang tingin niya sa kanyang sarili" he said.
Dahil sa mga narinig nang dalaga, she decided to follow Drayce. Hindi rin kasi niya maintindihan kung bakit ganon na lang ang treatment niya sa kapatid.
She wanted to talk to him and wala siyang pakialam kung sungitan man siya nito dahil iniisip niyang sumusobra na ang pag-uugali nito.
"Wait! sir.... can I talk to you?" sabi nang dalaga nang madatnan ang binata na nakatayo sa harapan ng elevator.
Nang hindi pa rin ito bumubukas, Drayce decided to take the stairs para puntahan ang Chairman's office.
"Sir" sunod naman ng dalaga sa kanya.
"Ano bang kailangan mo?!" he said habang nakaekis na naman ang kilay nito.
"You don't need to shout sir, gusto lang po kitang makausap nang masinsinan. Kasi.....honestly, masyado na po kayong nadadala ng emotions niyo, not knowing na nakakasakit na po kayo ng tao"
Napatigil si Drayce at hinarap nito ang dalaga.
"Hindi niyo naman po kasi kailangang sumigaw every time na naiinis kayo or nagagalit, tulad po nang kanina....Drake is just trying to help you kaya its not his fault para pagbuntungan niyo nang galit. Kung sa akin niyo po iyon ginawa, okay lang po iyon eh, kasi sino ba naman po ako di ba? But to your brother? I can't understand kung bakit ganyan po kayo"
Drayce go near her kaya napasandal ang dalaga sa wall.
"Do you know why I hate my twin brother so much? It's because he's the favorite and wala na siyang ibang ginawa kundi ang magself pity kahit ako na ang nagdurusa sa kamay ng magaling naming daddy. He's irresponsible and childish..... And now? After nang ilang taon kong pagpapakahirap sa company na ito, basta-basta na lang babawiin ng matandang iyon sa akin ang lahat, nang dahil lang sa hindi ko masunod ang gusto niyang magpakasal ako sa babaeng hindi ko naman gusto? Tss. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganon ang treatment ko sa kanya."
Then he left.
And after hearing those words, napagtanto ng dalaga na baka masyado na ngang nabibigatan ang binata sa mga kinakaharap niyang problems.
And iyon ang explanation na kailangan niya to understand him more.
---------------
(Chairman's office)
"Is it true?!"
Agad na napatingin ang matanda kay Drayce nang bigla-bigla na lang itong pumasok sa office niya.
"Ang alin?" Chairman asked pretending not to know.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa dad...I can't believe na mauuto ka nang Villacosta na iyon!"
The Chairman just smiled and nagpatuloy sa pagbabasa ng hawak niyang newspaper.
"Hindi ako ang dapat palitan dad, kundi ang sipsip na Director na iyon kaya kung ano man ang binabalak niyo, stop it! cut those crap!"
(a moment of silence)
"are you done? para ka naman kasing aso na tahol ng tahol dyan" sabi nang matanda habang nakangiti.
"Bakit mo ba ako pinapahirapan huh? Hanggang kailan mo ba ako balak na itali dad sa mga kamay mo dad? " he said desperately.
"Walang nagpapahirap sa iyo Mr. President, it's your decision, it's your choice so don't blame others because of your incompetence, just admit it"
"And you think na ang Drake na iyon ang makakatulong sa company natin in times like this?"
"Well, sino pa ba? I'm giving him a chance" then he smiled.
Then, doon lang narealize ni Drayce ang patungkol sa plano nilang iyon.
"Balak mo bang si Drake ang ipakasal sa anak ni Mr. Wang?"
Dahil dito, ibinaling ng matanda ang kanyang buong atensyon kay Drayce.
"Di ba sinuway mo ako ng dahil kay Miss Yu? Aren't you happy na ang kapatid mo ang sasalo sa responsibility na iyon? Well, Its time na rin para maging responsable ang kapatid mo"
"You're crazy dad!! You're crazy and you're selfish!!"
Bigla namang hinampas ng matanda ang table dahil sa galit nang sabihin iyon ni Drayce.
"Sumusobra ka na!!! Wala kang respeto!!"
Kaya nilapitan ng mga bodyguards ang binata para palabasin na ito. Nagpupumiglas naman siya sa mga oras na iyon. He's been thinking na siya ang mas may karapatang magalit sa matanda dahil sa decision niyang patalsikin siya sa kanyang pwesto. Dugo at pawis ang ibinuhos niya para makuha ang approval ng Chairman. Even his own happiness, isinantabi niya just to obey what his dad wants him to do. And ngayong nagdesisyon siya na para sa kanyang sarili, just to be happy for once, nagawa pa ring ipagkait nito ang kahilingan niya.
Kaya sobra talaga ang sama ng kanyang loob sa daddy niya ngayon. Gayun paman, wala rin naman siyang magawa dahil pinagtulungan na siyang mapalabas sa office nito.
"Huwag ka na lang magtaka kung sa isang iglap, mawawalan ka na lang ng anak. And kapag nangyari iyon, gusto kong pagsisihan mo iyon habang buhay" he said bago umalis sa tapat ng pintong iyon.
----------------
Time: 3:00 p.m
Sobrang tahimik sa loob ng office lalo na't ramdam nila ang awkwardness sa isa't-isa after ng mga pangyayari kanina.
And nang mainip na si Drayce, tumayo siya bigla.
"Let's go" ani ng binata kay Avyanna habang dala na niya ang kanyang briefcase.
"U_uuwi na po ba tayo? Maaga pa po ah"
"It's urgent so bilisan mo na dyan"
Wala nang nagawa ang dalaga kundi isave na lang ang mga tinype niya at agad na ayusin ang kanyang mga gamit.
"May emergency meeting po ba kayo sir? kasi wala naman po kayong sched this afternoon eh"
"I know"
Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod na rin si Avyanna.
(Ting!)
Huminto sa parking area ng building ang elevator na sinakyan nila pababa.
Hinanap ng binata ang pwesto ng Porsche niyang sasakyan. At nang makita ito, pinagbuksan niya ang dalaga ng pinto.
"Sakay" him in a cold tone of voice.
"Saan ba talaga pupunta ang isang ito? Impossible namang sa mansion kasi pinagtataxi niya lang ako pauwi" she said sa sarili.
Nang makasakay na ang dalaga, he started to drive. Almost an hour din bago huminto ang sasakyan nito sa isang malaking mobile phone store.
Bumaba na ang binata sa car kaya sumunod na rin ang dalaga dito.
"Good afternoon ma'am and sir!!" masayang bati ng mga sales in charge doon nang makapasok sila.
"Good afternoon po" response naman ng dalaga sa dalawang babae.
"How can we help you po?" ask nung girl sa kanya.
"Ah..eh" napatingin na lang ang dalaga kay Drayce because she doesn't know what to answer either.
"I want a new released model of phone" he said.
"This way po ma'am and sir, dito po ang mga bagong labas na model ng phones , I'm sure magugustuhan niyo po ang mga new features nito"
Tahimik lang na sumunod ang binata sa dalawang babae na tila nagpapacute rin sa kanya.
"Hay, masyado naman silang halata" nasabi nang dalaga sa isipan niya nang mapansin iyon.
"Ano po bang brand ng phone ang gusto niyong bilhin sir?"
Instead of answering the girl, ibinaling ng binata ang kanyang attention kay Avyanna na ikinagulat naman nito.
"Ah...h_hindi po ako bibili ng phone sir."
"Di ba you don't have one? Pumili ka na"
"O_okay po"
She tried to find something na magkakasya sa dalang cash niya pero kahit sa mga last year pang model na phone, her money is not enough.
"P_pasensya na po sir pero..." then lumapit siya sa binata at bumulong sa tenga nito.
"Kapos po ako sa budget eh kaya pwede po bang umutang na lang po muna sa iyo ng pambayad?"
Dahil sa narinig, halos matawa ang binata dahil dito. Hindi rin naman kasi niya balak pagbayarin ang dalaga eh. Nakalimutan lang niyang sabihin iyon kay Avyanna.
"Okay"
"Yes!! eto po sa akin miss! yung may tatlong camera para makakuha ako ng oraía fotografía (nice picture)" masayang sabi ng dalaga.
Hindi tuloy namalayan ni Drayce na napapangiti na siya habang pinagmamasdan ang reaction ng dalaga.
"okay, ibabalot na po namin ito, punta na lang po kayo sa counter"
"Thank you sir at pinahiram niyo ako ng money"
Agad namang sumimangot ang binata nang tumingin ang dalaga sa kanya.
And he just nodded to her as a response.
Masayang bitbit ni Avyanna ang bagong cellphone niya kasi naisip niyang kapag nadala niya ito sa kanilang mundo, malaki ang value nito since gawa ito sa ibang materials na purong nagmula sa Earth's crust.
Until, napansin ng dalaga ang seryoso na namang mukha ng binata.
"Ah sir.. iniisip nyo pa rin po ba ang patungkol sa sinabi ni Master? About sa pagpapalit ng position ng company?"
Hindi umimik ang binata.
"Do you want me to help you para makalimutan mo iyon sir?" Avyanna then asked him again.
"What do you mean?"
Then she held his hand na ikinagulat naman ng binata.