Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 22 - FUTURE WORLD: Glitches

Chapter 22 - FUTURE WORLD: Glitches

Matapos ang ilang oras, nakababa na sila L at Dorcy sa tren. Bumungad sa kanila ang isang napakalaking lagusan papunta sa masukal na kagubatan.

"Its still exisiting? I mean the forest?" sabi ng dalaga while full of amazement.

"Nothing is impossible sa panahon natin Dorcy, halika na't baka maiwan pa tayo ng ating sasakyan"

"You mean, this place is still part of the city?"

"Yup, and we're about to leave this place kapag nakasakay na tayo sa floating ship"

"okay.."

Then, binaybay nila ang daan na punung-puno pa rin ng mga napakalalaking puno sa gilid nito. Ito ang mga punong nagexist pa sa sinaunang panahon na nagawa nilang ibalik through science.

Hanggang sa makarating na sila sa isang napakalawak na lugar kung saan maraming mga sasakyan ang nagdadaanan. Ito na mismo ang boundary ng Ner at Ur.

(Ang Siyudad ng Ur ang pinamamahalaan ni Seri Masha. Ito ang lugar ng mga napapagitnaan ng middle at upper class. Dito kasi located ang mga buildings ng mga "talents" o mga actors and actresses.)

Iniangat ng bahagya ni L ang kanyang kamay kaya agad na may humintong floating ship sa harapan nila.

Namangha ang dalaga sa kanyang mga nakita dahil first time niyang makakakasakay sa ganoong klaseng transpo.

"Tara" ani ng binata sa dalaga.

Dahan-dahang hinawakan ni L ang kamay ng dalaga para pumasok na sa loob.

"Let's go!!" excited namang sabi ni Dorcy.

Napakaraming tao sa sasakyang iyon since kaya nitong mag-occupy ng 30,000 passengers sa isang byahe lang. Ang napakalaking barko na ito ay gawa sa composite armor kaya hindi ito basta-basta nasisira kahit ano mang kidlat o armas ang tumama dito.

Tama... kahit ano mang armas lalo na't dadaan sila sa red zone ng Ur, kung saan maraming mga militante ang nakatambang sa kanila. Ito lang kasi ang natatanging ruta papunta sa patutunguhan ng dalawa at walang kaalam-alam ang dalaga patungkol dito.

"Umupo ka muna dyan at bibili lang ako ng pagkain natin" sabi ni L sa dalaga.

Tumango naman ito at naupo muna saglit. Napabuntong hininga siya ng maipikit niya saglit ang kanyang mga mata.

"Miss....wala ka bang kasama?"

Nagulat si Dorcy sapagkat bumungad sa kanya ang lalaking mataba na may bigote. Mahaba din ang kulot nitong buhok at may pilak ang kanyang mga ngipin. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya kaya agad siyang napapitlag.

"Gusto mong samahan ka namin?" tanong naman ng isang lalaking kalbo at malaki ang pangangatawan.

May mga kasama pa itong nakapalibot sa dalaga. Dahil doon, nakaramdam ng takot si Dorcy sapagkat hindi niya alam kung ano ang kailangan ng mga lalaking iyon sa kanya at kung paano siya tatantanan ng mga ito.

"Mas mabuti sigurong sa amin ka na lang sumama, hahaha" sobrang tuwa namang sabi nung mataba.

"M_may kasama po ako kaya hi_hindi po ako sasama sa inyo" mangiyak-ngiyak na saad ni Dorcy.

"Kung ganon, nasaan siya?" inilibut naman ng lalaki ang kanyang paningin.

"Basta po, may kasama ako" sabi naman ng dalaga.

"Hahaha! niloloko mo ba kami? Ayaw mo lang ata sa amin eh!" sabi naman nung kalbo.

"Kapag sinabi ko bang ayoko sa inyo, tatantanan niyo na ako?!" irita nang sabi ng dalaga.

Nakatingin lang ang mga tao sa kanila ngunit wala ni isa ang kayang mangahas na kalabanin ang grupo ng mga kalalakihang iyon.

"Hoy! anong ginagawa niyo sa kanya?" agad namang lumapit si L habang dala ang pagkain na binili niya.

"Owh....ikaw pala ang sinasabi ng magandang binibini na ito na kasama niya." sabi nung mataba.

"Sinaktan ka ba nila?" alala namang tanong ni L sa dalaga.

"H_hindi pero kailangan na nating umalis dito" bulong naman ng dalaga sa kanya.

"Tama ka, halika na" agad niyang kinuha ang mga gamit nila't lumayo na sa pwestong iyon, ngunit sinusundan pa rin sila ng mga lalaking iyon.

"They're still following us, what will we do?" kabadong sabi ni Dorcy.

Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa hinigit ng kalbo si L sa braso nito. Hinawakan naman ng mataba at isa pang lalaki si Dorcy.

"Ano ba?!! bitiwan niyo ako!!! Kailan niyo ba kami papatahimikin mga asungot!!" inis na inis na sabi ng dalaga.

"Asungot??? Haha! Miss, baka gusto mong matikman ang asungot na sinasabi mo?"

Dahil dito, hindi na nakapagpigil pa si L at agad na dinukot mula sa kanyang bag ang LK7. Napasigaw ang mga tao dahil sa armas na hawak nito.

"Just let her go." kalmado namang sabi ng binata sa mataba.

Agad namang binitawan ng dalawa ang dalaga't umatras na dahan-dahan papalayo sa kanila.

Nagtago naman sa likod ng binata si Dorcy habang pinagmamasdan ang mga lalaking patuloy pa rin ang pag-atras papalayo sa kinatatayuan nila.

"Pasalamat ka dahil may armas ka." sabi nang kalbo bago umalis kasama ang kagrupo niya.

Napabuntong-hininga silang dalawa dahil dito.

"Doon tayo sa taas dahil mas safe doon" sambit nang binata.

"Sigurado ka ba? sa pagkakaalam ko...mas mahal ang bayad kapag doon tayo magi-istay"

"Huwag kang mag-alala. Ang mas importante ay ang kaligtasan natin"

Hindi na umimik ang dalaga sapagkat mas better nga kung mas safe ang lugar na pagpapahingahan nila.

Umakyat na sila sa taas ng barko. Doon kasi usually nakabook ang mga VIPs ng lugar. May special room kasi sila na pwedeng tuluyan. Yung tipong feel at home lang kahit bumabyahe.

"Ilang oras pa ba ang byahe natin papunta sa sinasabi mo? Di mo naman ako ininform na napakalayo pala ng pupuntahan natin. Ito ba ang problema na sinasabi mo?"

"Hmm.. pwede na rin...and mga anim na oras pa ang byahe before tayo totally makarating doon kaya we need to take a nap first" saad nang binata.

Natigil saglit ang convo nila dahil may nagsalita na sa harapan nila.

"Hello ma'am and sir, welcome to Maobra Floating Ship, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nung robo receptionist sa kanila.

"Ah... One room occupant please" sabi naman ni L.

"okay! ID please." tapos inilahad nito ang kanyang kamay na may auto scanner.

Agad namang kinuha ni L ang kanyang ID na nagpapakilalang siya si Leivan Chaxzer.

"Teka....seryoso ka ba?" sabi ni Dorcy sapagkat she's worried na malaman ng iba ang tunay na identity niya.

"Oo" tapos iniabot na niya ang kanyang ID sa receptionist.

"Leivan Chaxzer II, Upper class 1. Dito po tayo"

"Let's go?" nakangiti namang sabi ni L sa dalaga.

"Sigurado ka ba dito? Paano kung may_"

"Calm down.... They have signed an agreement to keep the VIP's identity anonymously kaya tara na, no need to worry okay? "

She nodded. She trusts him kaya hindi na siya dapat pang mag-alala.

( Sinundan na nila ang robo receptionist.)

(VIP room)

Maaliwalas sa loob dahil sa dami ng lights ng kwarto. May red carpet din sa floor, malawak ang room na ibinigay sa kanila dahil ito ang pinakamagandang room ng floating ship reserved only para sa mga upper class 1 na katulad ni L.

"just wow!" react ng dalaga.

"Anything you need, just call this number" tapos iniabot ng robot ang calling card sa binata.

"thanks"

"My pleasure." nagbow ang robot at umalis na.

Sinara na ni L ang pinto at nagsimula nang ilapag sa sofa ang kanilang mga gamit. May mga maliliit na robots naman ang nag-ayos ng mga ito para ilagay sa designated places nito.

"I'm gonna take a shower lang. Kumain ka na" sabi ng binata bago pumasok sa shower room.

This time, medyo gumaan na ang pakiramdam ng dalaga. She can take a rest na peacefully kaya kinain na niya ang biniling foods ng binata para makatulog na rin siya after it.

Ngunit habang kumakain, may napansin siyang tila small black hole sa bandang dulo ng room.

At first, akala niya isang simpleng butas lang iyon ngunit nang lapitan niya, bigla itong lumaki at nagsimula nang higupin ang mga paintings sa loob ng kwarto.

"Hindi....impossible..." nasambit nito nang makalayo siya sa blackhole na iyon.

Tumagal muna nang ilang minuto ito bago nawala.

"Something is up. Something is not right."

Dahil dito, naisipan niyang tawagan si Professor Shechem. Wala naman siyang kaalam-alam na nadampot na pala ang propesor ng mga LSI unit.

----------------------

(LSI territory)

"May tawag po mula sa holophone ng Professor" sabi naman ni Leander kay Lorcan matapos makapasok nito sa Vulizzo.

"Akin na" mahinang sabi ng matanda.

Iniabot naman ng binata ang holophone kay Lorcan.

"Hello...Professor Shechem, nasaan na po kayo?" sambit ng dalaga nang hindi nito makita ang video holograph ng Propessor.

Sinenyasan ni Lorcan ang Technologists niya para ihack ang phone na iyon at makita ng dalaga ang propesor sa holophone.

"Ah....kumusta na po kayo?.... anyway, something is happening here. May glitches akong nakikita at hindi ito maganda. Kaya I think na kailangan nang makabalik ni Avyanna dito sa lalong madaling panahon, kasi kung hindi.....baka ano pang mangyari sa kanya dun sa nakaraan"

Dahil sa mga narinig, napakamao ang matanda sa galit.

"Ibig mong sabihin, nasa kaibigan mo ang Dark Iron?" sabi nang matanda dito revealing his true face.

"S_sino ka? Nasaan si Professor Shechem?"

"Nasa Oubliette, pero maya-maya....magiging abo na siya kaya huwag ka nang mag-alala pa"

"P_Pinunong L_Lorcan?"

"Oo, tama ka Dorcy. Ako nga."

"Paanong_"

"Ginamit niyo na pala ang Dark Iron para makabalik sa nakaraan huh. Kung ganoon, huwag kang mag-alala..kami na ang magdadala sa kaibigan mo dito."

"No..please, huwag niyong sasaktan si Avyanna"

Ngumiti lang ang matanda.

"Salamat sa mga impormasyong binigay mo, mas mapapadali na lang ang paghahanap namin sa mga traydor na katulad nyo."

"T_teka lang"

Ngunit ibinaba na ng matanda ang phone.

Agad namang lumapit si Leander para kunin ito.

"Maghanda ka ng mga tauhan, susundan natin ang kaibigan niya sa nakaraan"

"A_no pong ibig niyong sabihin?"

"Narinig mo ako di ba? Hindi pwedeng magtagal sa nakaraan ang totoong Dark Iron kaya kailangan ko ng prototype nito para mabuksan ang portal na dinaanan niya"

Nagkaroon ng konting katahimikan.

"Pasensya na po Pinuno pero naguguluhan lang po ako kasi nabanggit niyo po ang prototype. Ibig niyo po bang ipahiwatig na kailangan pa rin natin ang Dark Iron kahit na pwede naman po palang gumawa ng kagaya nito?"

"Makapangyarihan ang Dark Iron, higit pa ang kaya nitong gawin kesa sa iniisip niyo kaya kailangan ko iyong mabawi sa lalong madaling panahon"

"Masusunod po Pinuno"

Agad namang sumaludo si Leander at lumabas na sa Vulizzo. Kailangan niya pa kasing bumuo nang mga dalubhasa sa bagay na iyon. Kailangan nilang makagawa ng protoype sa lalong madaling panahon.

---------------

Matapos magshower ng binata at makapagbihis, nagulat siya sa nadatnan niya paglabas.

"Dorcy?!" nagpanic siya bigla sapagkat hindi niya mahanap sa loob ang dalaga. Inaakala niyang baka may dumukot na dito kaya inilibot niya ang kanyang paningin, hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata si Dorcy na nakatayo sa labas at pinagmamasdan ang mga estrukturang nadadaanan nila.

Nilapitan niya ito at kinausap.

"May problema ba? Ayos ka lang?"

"Honestly, I'm not."

"May..masakit ba sa iyo?"

"I'm just worried na baka mapano si Avyanna."

Nang marinig ng binata ang pangalan ng dalaga, natigilan siya saglit.

"Avyanna? Siya ba ang tinutukoy mong bestfriend mo?"

"Yes and alam na ni Lorcan ang tungkol doon, alam na ni Lorcan na nasa kanya ang Dark Iron" sabi nito habang umiiyak na.

"P_paano?"

"It's all my fault! it's all my fault" paulit-ulit na sabi ng dalaga blaming herself kaya niyakap na lang siya ni L.

"Don't worry, I won't let it to happen"