Nagkaroon ng pagsabog sa loob ng Tinagbauan. Dahil dito, nagtamo ng mga galos sa kamay at pisngi ang dalawa
"Dorcy, listen..kukunin ko ang atensyon niya kaya kapag nagkaroon ka ng pagkakataon, tumakas ka na" bulong ng binata habang nagmamanman sa paligid ng pinagtataguan nila.
"No...I won't leave you here L" riin naman ng dalaga sa kanya.
"Dorcy, pakiusap lang_"
Hindi na napagpatuloy ng binata ang kanyang pagsasalita dahil nasa malapit na si Gusion.
"Alam kong andito ka lang Sir Leivan, huwag niyo na akong pahirapan pa"
Nang marinig nang dalaga ang pagbanggit sa natatanging pangalan ng binata, bahagya siyang lumayo dito.
"L_Leivan?"
"T_teka, mamaya na ako magpapaliwanag.." bulong ni L sa kanya.
"No...t_taga Eksosia ka, kaya ibig sabihin... p_wede mo akong isumbong sa Federal Investigation Unit kailan mo man gustuhin"
"w_why would I, just trust me this time okay?"
She didn't answer him. Hindi niya kasi aakalaing ang kasama niya sa mga sandaling iyon at ang taong tumulong sa kanya, ay ang nag-iisa palang anak ng Pinuno ng kanilang bansa.
"L_Leivan Chaxzer II, tama ba?" natanong ulit ng dalaga sa binata habang abala na ito sa pagsilip sa papalapit na si Gusion.
(Chaxzer- read as tseyzer)
Ngunit, ilang saglit lang ay biglang tumilapon sa pader si L.
Bumungad naman kay Dorcy si Gusion at kinaladkad siya hawak ang kanyang buhok sa harapan ng nanghihinang binata. Halos mawalan na rin ng malay si L sa mga sandaling iyon dahil sa pagtalsik niya kanina.
"Please, huwag mo siyang sasaktan" pagmamakaawa ng binata.
Ngunit hindi ito pinakinggan ni Gusion. Sa halip, itinutok nito sa ulo ng dalaga ang LK7.
"any last words?" sabi nito.
Nagsimula nang manginig ang buong katawan ng dalaga dahil sa takot. Iniisip niyang ito na pala ang magiging huling araw niya.
"Gusion, please...." ani ni L.
"Please? Sana natutunan niyo iyang pakinggan nung ako ang nagmamakaawa sa inyong huwag akong patalsikin sa aking trabaho!"
Nagkaroon ng saglit na katahimikan.
"ano, tama ako di ba?!!" dagdag na sabi nito.
"actually...." tapos pinunasan ng dalaga ang kakapiranggot niyang luha.
Inayus-ayos rin niya ang kanyang nasabunutang buhok.
"Crush talaga kita Gusion. Nasa iyo ang hinahanap kong...tall, dark and yummy.....este..sexy na lalaki."
Dahil sa sinabi nito, napatingin si L sa kanya, naenganyo namang makinig si Gusion sa mga sinasabi nito.
"And iyon ang hindi ko nahanap sa lugar na pinanggalingan ko"
Sa mga sandaling iyon, napapaisip na si Gusion dahil sa mga sinabi nito.
"So, tatanungin kita bago mo ako paslangin...."
Nacurious ito sa kung ano ang itatanong ni Dorcy sa kanya. Naghintay siya ng halos dalawang minuto para masabi ng dalaga ang kanyang mga katanungan sa kanya. At umasa siyang sa wakas ay may babaeng magkakagusto sa assassin na tulad niya..but..
"Uy...nageexpect, asa ka!" tapos binato ng dalaga sa mukha si Gusion kaya naagaw nito ang hawak na armas ng binata.
Itinutok ni Dorcy sa binata ang LK7 habang dahan-dahan siyang lumapit kay L na sinusubukan na ring tumayo.
"Heh! Matapos mo akong kaladkarin? I won't forgive you kahit crush kita, kaya huwag ka nang magtangkang pumalag pa kasi hindi ako magdadalawang isip na gamitin ito laban sa iyo" ani ni Dorcy kay Gusion.
"Napaniwala mo ako doon ah" sambit nito.
"Sinabi ko lang naman ang totoo sa'yo pero dahil tinangka mo kaming patayin, I changed my mind" ani ni Dorcy.
"tss. Sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero siguraduhin niyo lang na hindi ko kayo mahahabol."
Dahil doon, agad silang lumakad papalayo sa binata.
Doon sila dumaan sa kabilang side ng Tinagbauan, kung saan matatagpuan ang napakalaking shopping mall ng Ner. Pumasok sila sa entrance nito after dumaan sa modernized Backscatter Xrays. Buti na lang nang dahil sa shielded bag nila, hindi nadetect ng BX ang mga weapons na kanilang dala.
Nang makapasok na sila sa loob, medyo nagulat sila dahil sa sobrang crowded ng lugar.
"what's going on here?"
Then, doon lang narealized ng dalaga na dahil pala ito sa mga bagong open na techno stores within the mall. Napansin rin ng dalaga na nagkakagulo ang mga tao sa harap ng Millenium Orbiter store kung saan mabibili ang mga upgraded watches made from titan bones and from intergalactic stones.
"I just thought na taga Sky City lang ang nakakaafford sa mga luxurious watches na iyon" nasabi ng dalaga kay L na kanina pa tahimik.
"Ayos ka lang ba? gusto mo bang dalhin kita sa clinic? may clinic naman siguro dito di ba?"
Hindi pa rin umimik ang binata sa kanya.
"Teka lang, ayaw mo ba talaga akong kausapin? Ganyan ba talaga kayo sa Eksosia? Sa bagay...you have the reason not to talk to me kasi I don't belong to upper class 1" she murmured.
Dahil sa sinabi nito, napahinto sa paglalakad ang binata. Huminto din ang dalaga at pinagmasdan si L.
"Iyan ang rason ko kung bakit ayaw kong malaman ng iba ang tunay kong pagkatao...kasi bukod sa pagkawala ninyo ng tiwala sa tulad ko ay lagi ninyo akong sinusumbatan patungkol sa pagkakapangkat ko sa upper class 1" saad ng binata.
"eh, mahirap din naman kasing magtiwala talaga sa mga katulad nyo" agad namang sabi ni Dorcy.
"Why? kaya mo ba ako gustong layuan kanina?"
"Vere! since ang mga kagaya ninyong anonymous ang identity, you can do whatever you wanted to without being known to the public wether its good or bad"
(Vere- Latin word meaning tama)
"Iyan ang pagkakamali n'yo, kasi mas pinangungunahan kayo ng panghuhusga. It doesn't mean naman kasi na because our family has a power na magmandate sa ating bansa, eh we can do whatever we wanted to do. Compared to you, mas limitado pa ang mga dapat naming ikilos since taga Eksosia kami"
Natahimik bigla si Dorcy sa sinabi nito.
Nagpatuloy na lang sila sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating sila sa train station.
Naisipan na ng dalagang kausapin muli ang binata dahil wala rin namang patutunguhan ang pagtatalo nila sa mga sandaling iyon.
Saka, kailangan nila ang isa't-isa at iyon lang naman ang pinakaimportanteng bagay para kay Dorcy.
"by the way, ayos ka lang ba? gusto mo dumaan muna tayo sa medical clinic?"
"ayos lang ako, thanks to this trench coat" he just said.
"Fine.....naiintindihan na kita, so, explain to me na lang kung bakit ka napadpad dito sa Ner, I guess its the right time para magkwento ka" biglang sabi ni Dorcy.
"well, it all started when I hear my dad talking to someone"
Tama.
Nagsimula nga ang lahat nung marinig niyang may kausap ang kanyang ama sa malawak na living room ng Pantheon of Eksosus.
(Eksosus ang usually tawag sa mga taga Eksosia o upper class 1)
Nabanggit nito ang patungkol sa mangyayaring engrandeng kasal na gaganapin sa susunod na taon. At ang babaeng papakasalan niya ay ang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama.
At dahil tutol ang binata sa naging desisyon ng kanyang ama, napilitan siyang humingi ng tulong sa kaibigan niyang si Xie na taga Xophus para makatakas sa Laudecius at makapunta sa Ner.
"Xie? hindi ba ako mali ng pagkakarinig?" gulat na tanong ni Dorcy.
"oo, bakit? kilalala mo ba ang tinutukoy ko?"
"may kaibigan kasi akong Xie rin ang pangalan. And until now, hindi ko alam kung nasaan na siya"
"hmm.. marami namang may Xie na pangalan unlike me na nag-iisa lang" sabi ng binata.
Napakibit-balikat na lang ang dalaga dahil sa sinabi nito.
Ilang saglit pa, may huminto nang tren sa kanilang harapan kaya sumakay na sila.
Pinaalalahanan ulit ng binata ang dalaga na huwag tatawa sa kanyang makikita kapag nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
Palubog na rin ang araw ng mga sandaling iyon kaya minabuti muna nilang maupo sa ikalawang partition ng train. Para lang silang nasa isang maliit na silid kung saan pwede silang humiga at magpahinga na may privacy.
"Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin" sabi ng dalaga ng makapagrelax na sila sa loob.
"It's nothing Dorcy, ako rin nga ang dapat magpasalamat sa iyo kanina, kasi kung hindi dahil sa'yo..baka napatay na ako ni Gusion"
"Ano ka ba, ayaw ko ring mamatay kanina noh kaya nag-isip na lang ako ng kung anu-anong paraan para mapigilan ang assassin na iyon"
"And it worked! You did it really good" nakangiting sabi ng binata.
He's happy din kasi seeing her na okay lang.
"Magaling ako sa mga ganyan eh! by the way, can I call you Leivan or just L?" bigla namang natanong ng dalaga.
"I prefer L" tipid niyang sagot.
"okay, mas prefer ko rin ang dati kong tawag sa iyo" ani naman ng dalaga.
"hmm... how about you, paano ka napunta sa Ner? And sino ba talaga ang gusto mong hanapin?" curious namang tanong ng binata sa kanya.
"Well, gusto ko talagang mahanap si Goshen"
"Goshen? was he your boyfriend?"
"No! of course not, he's my friend..isa siya sa mga top engineers ng LSI and alam kong siya lang ang makakatulong sa akin para makausap ko ang bestfriend ko" sabi ng dalaga.
"bakit, nasaan ba siya't kailangan mo pa ang tulong ng isang dalubhasang engineer?"
Napasandal sa malambot na sofa-like upuan ang dalaga.
"she's in a place where our holo-phone can't reach her, of course dahil limited lang ang satellites natin for communication signals and...basta!"
Napakunot-noo naman ang binata sa sinabi ng dalaga. He's about to ask her more pero nakaidlip na ito sa sobrang pagod.
Napangiti na lang siya ng bahagya habang pinagmamasdan ang nakapikit na dalaga.
-----------------
(Another scene)
Sa Amagriba.
Ito ang palasyo ng Pinuno ng bansa. Dito nakatira ang pamilya Chaxzer.
Nagpupulong sa mga sandaling iyon ang Pantheon of Eksosus sa malaking salas ng palasyo.
(Ang Pantheon of Eksosus ay ang grupo ng mga Nobles o iyong mga taong malalaki ang ranggo sa pulitika. Kasama na dito ang Ministro ng Pinuno, Lakan Panlalawigan, mga Pinuno ng mga Siyudad at Pinuno ng mga ahensya.)
Pinag-uusapan nila ang patungkol sa patuloy na paghahanap sa mga naging sangkot sa pagsabog ng Chrysanthum Project Lab at ang paghahanap na rin sa nag-iisang anak ng Pinuno.
"May nakapagsabi sa akin na habang naglibut-libot ang aking mga tauhan doon sa siyudad na aking nasasakupan, may nakakita daw sa'yong anak, Leivan" sabi ng lalaking nakasuot ng hat at may maraming ginto at pilak na palamuti sa kanyang leeg at mga kamay.
Siya si Seri Vulkan, ang Pinuno ng Ner. Nasa 50 anyos na siya, medyo mapayat, may bigote at maputla ang kulay ng balat. At dahil maputi at hindi kayumanggi ang kanyang balat, bumagay naman ang bughaw na kanyang kasuotan with long sleeves na kumikinang-kinang pa dahil sa little shiny beads na nakadesinyo dito habang nakared skinny pants naman siya sa pambaba at suot ang gold colored shoes niya. Siya ang tipo ng Pinunong maluho sa pananamit na kung tutuusin eh panlima lamang ang ranggo niya sa mga mayayamang Pinuno ng Siyudad na kasama rin nila ngayon.
"nakakasiguro ka ba sa sinasabi mo Seri Vulkan? kasi sa pagkakaalam ko, nandito lang sa Sky City ang anak ni Pinunong Lecieo" sabi naman ni Seri Tadeo.
Si Seri Tadeo ang pinakamayaman na Pinuno ng Siyudad, isa rin siya sa may pinakamalaking kontribusyon sa CPL. May malaki siyang lupain sa Eksosia at siya ang Pinuno ng Siyudad ng Sky City.
(Pangalawa na rin dito ay si Seri Masha ng Ur, pangatlo ay si Seri Dylan ng Agabus at pang-apat si Seri Fezhur ng Chrysenthia.)
"Gusto mo bang ipahiwatig na nagsisinungaling ako?" tugon naman ni Seri Vulkan sa saad ni Seri Tadeo.
"Hay naku, talagang dito pa kayo magtatalo? Hindi niyo ba alam kung gaano kalaki ang problemang kinakaharap ng Laudecius ngayon?" awat ni Seri Masha sa dalawa.
"Tama si Seri Masha, hindi ito ang panahon para magtalo kayo. Magpapadala ako ng tauhan sa Ner para ikumpirma ang sinabi mo Seri Vulkan. Para na rin masiguro ko ang kaligtasan ng aking anak"
"Kung ganon, hindi mo na masyadong poproblemahin pa si Leivan, Pinuno. Itong gulo na lang na naidulot ng mga taga LSI ang dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon Pinuno"
Dahil sa topic na iyon, biglang naging seryoso na ang usapan ng lahat.
"May ipapakita akong video mula sa Drone ng kampo namin Pinuno" ani naman ni Vector (pinakahead ng mga Ahensya ng Maharlika).
Automatic namang nagplay ang holographic video sa ere. Habang pinapanood nila ang mga pangyayari sa CPL, may biglang napansin ang Pinuno ng bansa.
"Pause it."
Nagtaka sila sa naging reaction nito kaya nang ipause ang video at izoom-in ang nakunang pangyayari, may napansin silang isang kaduda-dudang lalaki na papasok sa loob.
"Kailangan ko ng ibang anggulo. May mga kuha rin bang videos sa loob ng CPL?" tanong ng pinuno.
"Meroon po" ani naman ng Ministro nito.
Agad naman nitong ipli-nay ang naturang video sa loob naman ng CPL kung saan mismo nagmula ang pagsabog. Nagulat sila sapagkat tila walang kahirap-hirap na nakapasok ang lalaki sa loob knowing na mahigpit ang security ng lugar.
"how did he get in?" gulat na reaksyon ni Seri Tadeo sa mga nakita.
Nagplay pa sila ng another angle sa labas ng CPL.
Mas lalo silang nagulat dahil tila multo itong naglaho sa harap ng main entrance ng lugar at sumulpot bigla sa loob ng laboratory.
"Mas lalo niyong paigtingin ang paghahanap sa mga involve sa proyektong iyan. Alam kong isa sa kanila ang may pasimuno ng lahat. And Minister Jang, hanapin mo ang
Dark Iron sa lalong madaling panahon. Hindi ito pwedeng mapasakamay ng kung sino man."
"Masusunod po Pinuno!"