Agad na pinuntahan ni Drake si Mikaela sa hospital room nito. Mula ground floor hanggang pataas, sobra ang hingal ng binata dahil sa pagtakbo. Nag-alala din kasi siya para sa dalaga.
"Mikaela" sambit ni Drake ng madatnan itong nakahiga sa hospital bed at nakatingin lang sa glass window.
"Drake!" masayang sabi nito nang makita ang binata.
Lumapit si Drake kay Mikaela at hinimas ang noo nito.
"Sobrang init mo pa, kumain ka na ba? I brought you some foods" he said then ipinakita niya ang mga dala sa dalaga.
"Actually, wala talaga akong ganang kumain, that's why I'm here in the hospital" sabi niya
Umupo si Drake sa bed side nito at tiningnan siya.
"Umuwi ka lang dito sa Pilipinas, nagpasaway ka na. Di ba I told you to take care of yourself?" he said.
She just smiled.
She's happy na Drake is still concern for her. Wala pa ring nagbabago sa binata pagdating sa pag-aalala sa kanya.
"Hey, it's not funny okay? Kailangan mo nang magpalakas para makalabas ka na dito" he said.
"That's why I called you."
Then ipinakita niya ang suot niyang bracelet na gawa pa sa leather.
Because of it....
Bigla tuloy'ng nagbalik ang ala-ala ng binata sa nakaraan.
~~(flashback)~~
New World Academy
That time, katatapos lang ng discussion sa subject nilang Math.
At ang unang taong agad na nahagilap ng kanyang mga mata ay si Mikaela.
Ang napakagandang dalaga na matahimik lang nakatingin sa malaking bintana ng school nila. She's wearing her earbuds that time at mukhang masaya nitong pinakikinggan ang tugtog ng musika mula sa kanyang phone.
Kaya pinagmasdan lang ito ng binata hanggang sa di inaasahang magkatagpo ang mga mata nila.
Napailing ang binata at agad nang tumayo papalabas ng classroom.
"Drake!"
Napahinto ito sa paglalakad dahil alam niya kung kaninong boses iyon.
"H_hindi ka na ba papasok? may last subject pa tayo"
"Meet me at the rooftop mamaya" sabi ng binata bago ulit nagpatuloy sa paglalakad.
Iyon na kasi ang mga panahong tila naguguluhan pa ang binata sa kanyang tunay na nararamdaman para sa dalaga.
Plano lang naman talagang gamitin ni Drake si Mikaela para inisin ang kakambal niya. He knew from the start that Drayce really liked her. And umuubra naman ang lahat ng mga maisipan niyang gawin para magselos ito.
Ngunit habang tumatagal na magkasama sila ng dalaga....
Unti-unting siyang nakaramdam ng pagkagusto dito. Hindi rin naman kasi mahirap magustuhan ang katulad niya.
She's beautiful, intelligent, and famous lalo na't magaling siyang taekwondo player.
She is almost perfect na kahit sinong lalaki ay pag-aagawan siya.
So, he decided na magtapat ng nararamdaman sa dalaga.
Ayaw niyang maunahan ng iba at gusto rin niyang ipafeel sa twin brother n'ya ang pakiramdam na hindi mapili.
Sa rooftop.
Nakaupo lang siya sa corner ng building habang hinihintay ang dalaga na puntahan siya.
"Drake..."
Nang marinig niya ang boses ni Mikaela, agad siyang tumayo at nilapitan ito.
"I'm glad you're here."
"Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito? And who's with you?"
"Ako lang. May gusto lang sana akong sabihin sa'yo" then he held her hand tapos hinawi niya ang buhok ng dalaga na bahagyang tumatabon sa maanyag na mukha nito.
"Okay....a_ano iyon?"
"Well, we've been friends right? but...but I want it to be more than that Mikaela"
"What do you mean?"
"Gusto kita" he said.
Noong mga panahong iyon, he's expecting her to say that she likes him also kasi ramdam niya iyon. Nararamdaman niyang gusto rin siya ng dalaga.
Ang kaso....
"I'm sorry Drake... let's just be friends for now."
"W_why?" natanong niya out of his disappointment.
"Ayokong masira ang pagkakaibigan nating tatlo" she said without looking at him.
(a moment of silence)
"But.."
"We're too young for this Drake, I wanted to prioritize my studies first. I hope you understand."
Aalis na sana ang dalaga when he held her hand.
"Wait Mikaela.... if you're ready, you can just tell me. I'm willing to wait naman. But if you can't, just wear this so I would know." then ibinigay niya ang leather bracelet sa dalaga.
~~(end of flashback)~~
"I ....I ... I need you Drake" she said.
Then he gently pat her head. He decided na tumayo and kumuha sana ng maiinom ang dalaga when Mikaela stopped him and said something to him.
"I love you"
Nagulat ang binata sa sinabi ni Mikaela kaya natigilan siya saglit.
Sakto rin naman ang biglaang pagpasok ni Drayce nang sabihin iyon ng dalaga.
This time, para bang tinusok ulit ang puso ng binata dahil sa mga narinig.
Sobra rin ang pagkagulat ni Mikaela nang makita si Drayce sa loob.
No one expected it to turn out that way. Kaya nagkaroon ng katahimikan sa loob. Naghihintay sila kung sino ang unang mangangahas na magsalita after nung kanina.
"I'm sorry Mikaela but.... I don't like you anymore"
Nang marinig iyon ng dalaga... napabuntong-hininga muna siya bago ulit magsalita.
"But it doesn't mean that you hate me right?" tanong niya trying to comfort herself.
"Why would I, remember? I'm your friend.....I will always be" he said sincerely.
"Well, I'm happy hearing it. As my friend, can you buy me water? Nauhaw kasi ako bigla" she said.
She's actually trying not to cry. Ayaw niyang makita ni Drake iyon because in the first place, narealize na niyang some opportunities may come and will definitely go. And sinayang niya ang pagkakataong maging masaya noon.
"Okay, I'll buy outside" he said tapos he started to walk while his eyes was fixed on his brother.
He is also giving him a chance na makapag-usap sila ni Mikaela so agad na siyang lumabas to give them time.
"Do you still like me after knowing that I got rejected by your twin brother?" Mikaela asked while trying to smile.
Nanatiling tahimik ang binata while looking at her.
"You must be happy dahil parehas na tayo. This time, I wanted to be honest with you Drayce.... simula noong highschool pa lang tayo, gusto ko na si Drake. Hindi ko lang siya sinago_"
"I know, matagal ko nang alam na hindi ako ang gusto mo."
Napatingin ang dalaga sa kanya. Hindi niya aakalaing matagal na palang alam ni Drayce ang tungkol sa bagay na iyon.
"I'm just stupid for still liking you." sabi ng binata sa kanya.
This time, nakaramdam ng guilt ang dalaga dahil sa sinabi ni Drayce. Dahil matagal na pala niyang nasasaktan ang binata everytime na ipinapakita niya ang kanyang care sa twin brother nito.
"I'm sorry Drayce for being stupid also. I'm stupid kasi.... umasa akong katulad pa rin ng dati ang lahat. But the fact that Drake don't like me anymore_"
"Does it mean na I still have a chance with you?" tanong ng binata because he's still hoping na someday, Mikaela would give him a chance.
"I'll try my best para maibalik ko ang pagkagusto niya sa akin. He once liked me so hindi imposibleng magustuhan niya ulit ako" desididong sabi ng dalaga sa kanya.
Dahil doon, napakamao na lang ang binata. Hindi niya kasi kayang tanggapin na pagdating talaga sa pagmamahal, he cannot win against his twin brother.
"I know Drayce na maraming babae ang nagkakandarapa sa iyo, maybe it's time to open your heart with someone.... who can love you back."
"Sabihin mo iyan sa akin kapag natutunan mo na akong mahalin" then he walked out.
Hindi na niya kaya pang makita ang dalaga dahil mas nasasaktan siya. Mas nahihirapan siyang sabihin sa sarili niya na everything's gonna be fine. Mas nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanang hindi siya ang mahal ng taong mahal niya.