Matapos ang biglaang mga pangyayaring iyon, unti-unti nang iminulat ni Drayce Sebastian ang kanyang mga mata.
At ang unang taong bumungad sa kanya ay ang isang dilag na may gandang kaakit-akit sa kanyang paningin. 'Yung tipong mas lalo itong gumaganda habang tinititigan, mula sa kanyang maamong mga mata hanggang sa mapupula at malambot na labi, para bagang isang perpektong nilikha ng Itaas ang biglang pumukaw sa binata upang magkaroon ng palaisipang kailanma'y di niya inaasahan. Isang damdaming unti-unting umuusbong sa kanyang pagkatao.
"Stay away from me" nasambit nito kay Avyanna ng matauhan.
Pinilit niyang bumangon kahit tila nabugbog ang kanyang katawan dahil sa pangyayari kanina lamang.
"I_I'm sorry dahil sa nangyari kanina, hindi lang kita kasi napans_"
"I don't need to hear you're explanation, nasaan na sila?" he said habang itinatali muli ang kanyang necktie.
Hindi naman maalis sa expression ng dalaga ang bahid ng pag-aalala simula ng mawalan ito ng malay.
"I'm asking you" medyo malumanay nang pagkakasabi nito.
"s_si Drake, nasa labas lang, he's trying to contact an ambulance para sana dalhin ka sa hospital, si Hillary naman...sumama sa police station para magtestify laban sa mga armadong lalaki kanina"
Hindi na umimik pa ang binata dahil sa mga narinig. Matapos niyang ayusin ang kanyang necktie, agad na siyang tumayo para umalis sana... ngunit hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay.
"are you leaving again? s_saan ka pupunta? sigurado ka bang okay ka lang?" worried na tanong nito sa kanya.
Tiningnan ng binata ang nag-aalalang reaction ni Avyanna.
"are you worried to me after ng ginawa mo?" he said in a cold tone of voice.
"oo ...and kasalanan ko....again, sorry hindi ko sinasadya. Kaya don't be mad at me, I promise, I'll do everything in return sa pagkakamaling nagawa ko kanina" mahinang sabi niya.
Seeing her sincerity, Drayce sighed.
"okay fine. Pag-iisipan ko muna kung ano ang magandang ipagawa sa iyo saka sa babaeng iyon in return sa nangyari sa akin ngayon" refer niya kay Hillary.
Matapos niyang sabihin iyon, nagmadali na siyang umalis at nagpunta sa company nila.
---------
Nang malaman ng binatang may kinalaman pala si Mr. Villacosta sa biglaang pagback out ni Mr. Wang sa investments nito, sinugod niya ito sa office niya at sinapok sa mukha.
"what was that for?" nakangiting tanong ni Mr. Villacosta habang himas ang nagdurugong labi.
"di ba sinabi ko na sa iyong kapag nalaman kong ikaw ang dahilan kung bakit nagback out si Mr. Wang, papatalsikin kita dito sa company? Well, you're fired!" nanggigilaiting sabi ni Drayce sa kanya.
Ngumiti lang ulit ang binata dahil sa mga narinig.
"You're really crazy! Anong sinabi mo kay Mr. Wang that time?" he said matapos niya itong kwelyuhan.
"Sinabi ko lang naman na mas makakabuting ipakilala ka niya sa kanyang anak, ano namang masama doon? haha!"
"you fool, make sure na hindi ko na makikita iyang pagmumukha mo dito huh?" tapos binitawan niya ang kwelyo nito.
"nope.....hindi mo ako mapapaalis dito" sabi niyang nakangiti pa rin habang inaayos ang kanyang kwelyo.
"anong sabi mo?!!" mas lalong umusok ang ilong ng binata sa mga narinig.
"wala kang sapat na dahilan at evidence para mapaalis mo ako dito sa company." kalmado niyang sinabi.
"anong wala? may video akong magpapatunay na kinausap mo si Mr. Wang patungkol sa bagay na iyon"
Mr. Villacosta smirked.
"anong masama kung hinikayat ko lang siyang ipagpatuloy ang ibinibigay niyang tiwala sa kumpanya natin?"
"hindi iyan ang sinabi mo Mr. Villacosta. Stop making up stories!!!"
"If you insist on firing me, mas lalong madidisappoint si Chairman sa iyo dahil ipinapasa mo sa iba ang kapalpakan mo. Kaya dapat ako ang magsabi n'yan Mr. President, stop making up stories" kalmado pa ring sabi ng binata sa kanya habang nilalaru-laro ang ballpen na hawak niya.
Dahil sa inis ni Drayce sa kanya, susuntukin niya sana ulit ito sa mukha ngunit nagsalita ulit ang binata.
"subukan mo ulit akong saktan Mr. President, I will sue you for physical injury, remember, I can act too" nang-iinis na sabi nito habang umaarteng inaapi, showing his other side since he's bipolar.
"Hindi ko mapapalampas ang araw na ito Mr. Villacosta, I will make a way para si dad na mismo ang magpatalsik sa'yo dito sa company. Tandaan mo iyan" tapos agad siyang lumabas sa office nito.
"Make it sure Drayce, kasi hindi na rin ako makapaghintay na makita ang pagbagsak mo" Mr. Villacosta said to himself.
----------
(Drayce' office)
Hinawi niya ang malaking kurtina sa kanyang office kaya naging maaliwalas ang madilim niyang kinaroroonan.
Huminga siya ng malalim habang tinatanaw ang mga mga naglalakihan ring estruktura sa labas.
Iniisip niya pa rin kung paano niya malulutas ang kanyang problemang kinakaharap ngayon. Hanggang sa napagisip-isip niyang ipagpatuloy ang kanyang ginawa noong nakaraang araw. Hinanap niya 'yung mga lists ng mga investors ng company nila lalo na 'yung time na nagsisimula pa lang ang D & D Steel Co.
Ngunit, nang halughugin niya ang kanyang buong drawers and cabinets, hindi niya ito mahanap. Nawaglit kasi sa isipan niya kung saan niya ito nailagay.
"Bwiset!!" iritang sabi niya nang di pa rin mahanap ang old lists.
Sakto namang kapapasok lang ng Chairman sa loob ng kanyang office ng sabihin niya ang bagay na iyon.
"sino ang kaaway mo dyan?" saad ng matanda nang makaupo na sa couch.
But instead of answering him, he just continued on what he was doing.
"I told you na maghanap ka na ng secretary mo lalo na sa mga ganitong panahon Drayce."
Tiningnan niya ang matanda dahil dito.
Alam rin kasi niyang may business matters lang itong sasabihin kaya siya dumalaw sa kanyang office. Hinintay niya lang na magsalita ulit ito.
"You know..didiretsahin na kita, 1.5 billion pesos investment...is not a joke Drayce. Alam mo namang we needed that money para sa globalization ng ating company. It is our dream. It is your dream that will come true if you'll marry his daughter_"
"its not my dream, it's your dream dad. Maging totoo ka naman sa sarili mo." he said.
"Drayce, I don't know kung bakit bigla ka na lang naging ganyan but sana, just this once, mapagbigyan mo ako"
"Dad, if you'll insist on that, baka hindi lang ang investment na iyon ang mawala....I can go back to States whenever I wanted to." Drayce said.
Natigilan saglit ang matanda sa mga binitawang salita ng binata.
"Ganyan mo ba talaga kamahal si Miss Yu na nagagawa mo na akong suwayin?" his dad suddenly asked.
"What's wrong in loving someone? Pati ba naman iyon dad, ipagkakait mo sa akin?"
(a moment of silence)
"Alam mo naman na ang kapatid mo ang gusto niya"
Bahagya namang nagulat ang binata sa mga nalalaman ng kanilang ama. He didn't expect na mapapansin ng matanda ang patungkol sa bagay na iyon dahil masyado itong naging busy sa kanyang business.
"Son, inuulit ko, alam kong napalaki kita ng maayos kaya sana huwag mong sayangin ang mga sacrifices mo para sa company na ito. She's just a woman Drayce, huwag sana iyong magsilbing kahinaan mo"
Because of it, mas lalong lumaki ang hatred niya sa matanda.
"Hanggang ngayon dad, hindi mo pa rin maintindihan ang nararamdaman ko..... Masyado ka nang nasisilaw sa kayamanan mo. Kaya please, kung wala ka na lang magandang sasabihin, iwan niyo na ako dito kasi kahit ano pang sabihin mo, I won't marry his daughter."
Nang marealize ng matanda na hindi na niya mababago ang isip ng anak, tumayo na siya.
"Kung ganon, huwag mo sanang pagsisihan ang araw na ito Drayce. You leave me no choice. Nahihibang ka na" then he left.
Now, naiwan nang mag-isa si Drayce. Dahil sa mga nangyari ngayong araw, hindi niya napigilang ihagis ang mga bagay na kanyang mahawakan bilang pagbunton nito sa kanyang galit.
"Argh!!!! I hate this life!"
---------
(Movie theater)
Tahimik lang na nanonood sina Drake at Avyanna habang pinagtutulungan nilang kainin ang popcorn na nasa gitna ng upuan.
(horror scream)
Sobra ang pagkagulat ni Drake nang marinig ang matinis na boses ng babae sa palabas. Halos tumalsik ang popcorn na kinakain nila dahil sa reaction nito.
protagonist line from the movie: Hello, anybody's here?
(a moment of silence)
"no..no..no.." bulong ng binata sa sarili habang takip ang kanyang mga tenga.
(door creaking)
Focus lang na nanonood si Avyanna sa mga pangyayari sa movie.
(loud horrible scream from antagonist)
"Aish!" dali namang tinakpan ng binata ang kanyang mga mata dahil dito.
Napatingin tuloy ang dalaga sa kanya.
"are you okay? Akala ko ba na hindi ka matatakutin?" she said while smiling.
Nakatakip pa rin ang mga mata ng binata kahit medyo kalmado na ang scene sa movie.
"H_hindi ako matatakutin noh. Madali lang akong magulat that's why" palusot na sabi niya.
(suspense music)
Naibaling ulit ang attention ng binata sa pinapanood kaya tinawanan na lang siya ng dalaga dahil sa expression nito.
Hanggang sa matapos na ang pinapanood nila....
"hey! the movie was nice right?" tanong nito sa binata na halatang di pa rin makaget over sa napanood.
"ah...kain na lang tayo sa isang fancy restaurant. Nagutom ako dahil doon eh" Drake said.
"Oh, anong meroon at naisipan mong manlibre? Kuripot ka di ba?" tukso ng dalaga sa kanya.
"Hindi ah. Marunong lang talaga akong magmanage ng pera"
"Totoo?"
"Oo naman" confident na tugon nito sa dalaga.
"Ah....kaya ka pala may bagong luxury car kasi masyado mong ginalingan sa pagMANAGE ng pera" nakangiting sabi nito.
Napatawa na lang ang binata dahil wala na siyang idadahilan pa. Tinatanggap na niya ang kanyang defeat.
Naglalakad lang sila that time sa pathway ng Mall. May mga fountains din silang nadadaanan and even dancing lights. Nagenjoy naman ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga ito during their walk. Not until may nagtext kay Drake.
"Ah..Avyanna, pasensya na if kailangan na nating umuwi"
"bakit, may problema ba?"
Inexplain naman ng binata sa kanya na nagtext si Mikaela sa kanya. Nasa hospital daw ito ngayon dahil mataas ang lagnat niya. Kailangan niya ng kasama dahil nasa out of town ang kanyang family.
"okay lang naman, kailangan ko na rin kasing umpisahan ang pagrereconstruct ko sa aking holo-phone"
Nang napagdesisyunan nilang umuwi, agad na silang sumakay sa sasakyan pabalik sa mansion.
"Siya nga pala, napansin ko lang na parang medyo advanced na ang phone na ginagamit mo, ganyan ba talaga sa alien world? I mean...sa mundo niyo?" he asked while driving.
"Parang ganoon na nga" tipid namang sabi ni Avyanna. Sinusubukan rin kasi niyang huwag magbigay ng maraming impormasyon patungkol sa mundo nila. Nasanay rin kasi siyang gawing confidential ang mga bagay-bagay na kailangang manatiling tago o lihim.
"so it means, nasa robotic era na kayo? Yung katulad sa mga movies na may human cyborg, robo cop, and....autobots tulad nang transformers?"
"autobots? transformers?"
"oo, yung si Optimus Prime... Bumblebee?"
"I don't know about it pero, meroon kami nung first two na sinabi mo but 'yung transformers, wala"
"ay ganon? pero ang astig pa rin ng mundo niyo huh? may human cyborg kayo and even robo cops"
"you're right, thanks to you're brother...kasi kung wala siya, LSI would never exist..however...wala din sanang mawawala" sabi niya sa kanyang sarili.
"You know, I've always dreamed of having that kind of company" open up naman ng binata sa kanya.
"what do you mean?" curious namang tanong ng dalaga.
"Iyong business about robots and advancing our technologies" he said.
Napaisip naman ang dalaga sa sinabi nito. Iyon din kasi ang vision ng twin brother niya sa Future world that's why, LSI was established.
But ang nakakapagtaka lang, bakit walang bakas ni Drake Sebastian sa mundo nila?
If Drayce Sebastian existed in their world at nagkaroon ng anak, ano naman kaya ang naging kapalaran ni Drake?
Since the History of LSI focuses only on Drayce' descendants. Wala silang kaalam-alam na he has a twin brother pala. So, what's the reason kung bakit hindi nito ipinaalam sa public ang patungkol sa bagay na iyon.
Nagkaroon tuloy ng katanungan ang dalaga that moment sa isipan niya.
"hey, are you okay? bigla ka atang natahimik ka" pansin ng binata kay Avyanna.
"ah..wala. Nagugutom lang siguro ako"
"Ah..yes, nagorder na ako ng kakainin mo kaya hindi mo na kailangang magluto pa so you can do what you want to do mamaya"
"s_salamat" she just replied.
Until na nakarating na sila sa mansion.
Bumaba na ang dalaga at nagpaalam na sa kanya since nagmamadali na rin siyang pumunta ng hospital.
Nang makapasok na siya sa mansion, sobra ang pagkagulat niya nang buksan niya ang ilaw sa living room. Andoon kasi si Drayce na nakaupo lang sa couch at halatang malalim rin ang iniisip.
"Pambihira ka naman sir, papatayin mo ata ako sa gulat eh. Bakit ba kasi ang hilig mong hindi magbukas ng ilaw?" mahinang sabi niya.
Dahil dito, nabaling ang attention ng binata sa kanya.
"Mas nauna pa ata akong nakabalik dito kesa sa iyo yaya" sabi ng binata tapos tiningnan niya ang kanyang relo.
"Ah, pasensya na po sir. May pinuntahan lang kami ni Master."
"tss. Master? weird" react naman ng binata.
"G_gusto niyo po bang ipagluto ko na lang kayo ng pagkain?"
"No way. I won't eat those deadly food from you." he said.
Napaisip tuloy ang dalaga na bumabalik na naman ang dati nitong ugali.
"Hay, lasingin kaya kita dyan" bulong niya sa sarili habang papasok na sana sa kanyang room.
"Anyway, di ba you owe me something? Naisip ko na kung ano ang pwede mong gawin to compensate me" seryosong sabi ng binata sa kanya.
"Anything sir, as long as kaya kong gawin. I will do it" without hesitation naman niyang sabi.
"Then...I wanted you to be my secretary"
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.
"S_secretary? Mo?" paninigurado niya sa mga narinig.
"You heard it, I want you to work in our company as my secretary, through that...I can forgive you for what you've done earlier." he said.
"B_but..why secretary sir? Yaya niyo na nga ako dito, pati ba naman sa company niyo, magiging utusan pa rin po ako?" reklamo na ng dalaga.
"so hindi mo tinatanggap ang offer ko?"
"I'm just being practical sir, I'm a human too..napapagod din po ako"
"Whatever, magkano ba ang sweldo mo dito? I can double it" he said.
"no...hindi mababayaran ng pera ang pagod at pagrisk sa health ko kaya no way sir"
"Magluluto ka lang naman ng pagkain pag-uwi mo dito ah, and if you're worried sa paglilinis ng mansion, you can do it every dayoff mo since palagi rin namang walang tao dito. Hanggang Monday to Friday ka lang naman sa company namin" him trying to negotiate with her.
"Bakit ba kasi ako? ang laki-laki ng company niyo, wala man lang bang nag-aapply sa secretarial position na iyan?" medyo inis nang react ng dalaga sa kanya.
"I can triple your salary." he just answered.
Doon na nagsimulang magcompute ang dalaga sa sasahurin niya, she can even buy a car in just six months kung totoo nga ang offer niya.
Umubo-ubo muna ang dalaga bago magsalita ulit.
"ahem. a_are you sure? hindi iyan scam?"
"a deal is a deal, so ano, I'm giving you a favor kaya huwag ka nang maarte. Saka kung tutuusin nga, hindi na ito payback eh."
"well....oo na, eto naman.....I'm accepting your offer na. I will be your secretary as long as hindi mo babawiin iyang offer mo sa akin" she said.
"I'm a man of one's word" then he stood up.
"okay, so when will I start?"
"tomorrow"
"huh? bukas agad? wala pa nga akong magandang susuotin" she murmured.
"stop whining, saka hindi party ang pupuntahan mo kaya hindi kailangan ng magandang kasuotan" tapos agad na siyang umakyat sa kanyang kwarto.
"tss. ayaw niya bang magmukha akong tao pagpasok ko sa company nila. Hmp! Kaloka talaga ang Drayce na iyan."