Tiningnan ng binata sa mga mata ang dalaga.
"that's my secret" he said at nagpatuloy na ito sa pagkain.
But hindi pa rin naging kontento si Avyanna sa sagot nito. Alam niyang something is still bothering him.
"alam kong may gusto kang sabihin sa akin...may bumabagabag ba sa isipan mo ngayon sir?"
Napahinto saglit ang binata sa pagkain.
"well... if I'm gonna ask you, who would you rather choose, iyong taong mahal mo o 'yung taong di mo mahal?"
Napailing ang dalaga sa tanong ng binata.
"the answer is obvious, of course....I would choose the person I love"
Napangiti naman ang binata sa sagot ng dalaga.
"yeah, the answer is easy right? but ...why I'm having a hard time today?" mahinang tanong niya sa sarili na narinig naman ng dalaga.
"is there something going on about...your personal life? P_pero, you're not obliged to share naman about it if its too personal"
Uminom muna ng tubig ang binata bago ulit magsalita.
"The thing is, I really love Mikaela" he said habang nakatingin sa kung saan.
Napaisip naman ang dalaga na di na niya kailangan pa itong ipagsigawan since halata namang gusto niya si Mikaela.
"then, what's wrong about it?"
"well, this is my other secret kaya don't ever tell this to Drake..."
"o_okay?"
He sighed.
"My dad wanted me to marry another girl."
Tiningnan ng dalaga ang malungkot na expression ng mukha nito. Now, she can understand why he's acting weird this time.
"Simula pa nung una...gusto ko na talaga si Mikaela. I don't care if its one sided love...I don't care even if they call me stupid. What matters most for me is my heart...as long as its still beating for her, I won't marry that stranger"
Ang saklap.
Nagkaroon tuloy ng kaonting habag ang dalaga kay Drayce.
Hindi rin pala kasi naging madali ang lovestory nila Drayce and Mikaela. Since galing siya sa hinaharap at alam na niya ang nakatakdang makatuluyan ng binata, doon lang niya narealize na...grabe pala talaga magmahal ang isang Drayce Sebastian.
And the worst case is, siya pa ang ipinadala ng mundo nila para sirain ang challenging yet beautiful lovestory ng dalawa.
" Malay mo, kayo pala talaga ang itinadhana sa huli" nasabi ng dalaga.
Di nya alam pero this time, habang nakikita niyang malungkot ang binata, gusto niya itong icomfort sa abot ng kanyang makakaya.
"have you ever tried it?" biglang tanong naman ni Drayce sa kanya.
"ang alin?"
"ang magtake ng risks para sa isang tao?"
"I do...but not for just one person only." agad namang sagot ng dalaga.
She's thinking about sa ginawa niya just to accomplish her mission para sa mundo nila.
"How about this?"
Unexpectedly, bigla na lang siyang niyakap ng mahigpit ng binata.
Her mind got blank for a minute.
At tila tumigil ang mundo niya sa mga sandaling iyon.
"D_Drayce" ilang minuto din bago nya nabanggit ang pangalan ng binata.
Then Drayce smiled.
"Nasubukan mo na bang kabahan dahil lang sa isang tao? or should I say, sa isang lalaki?" he asked while looking at her eyes.
Now, biglang bumilis na ang tibok ng kanyang puso.
Nagmistula tuloy'ng pipi ang dalaga. Hindi niya magawang sagutin ang binata hinggil sa bagay na iyon.
Bahagyang lumayo ang dalaga kay Drayce. Ayaw niya kasing makahalata ito.
"is it Drake? am I right?"
She didn't answer. Kasi ngayon, nawala na ang kasiguraduhan sa isipan niya patungkol sa nararamdaman niya sa kakambal nito.
"I just thought na ako ang gusto mo" he said.
Now, she's blushing.
Hearing that word from him made her feel more awkward.
"Well, if you really liked my brother, hindi ako hahadlang. You can do whatever you want. And please, help him to be matured enough."
Then, tumayo na ang binata. Halos ma-out of balance pa ito dahil sa kalasingan pero buti na lang at agad siyang naalalayan ng dalaga.
"are you going upstairs na ba?" she asked.
He just nodded at nagpatuloy na sa paglakad.
Tinulungan siya ng dalaga na makaakyat sa taas until makarating na sila sa pinto ng kwarto ng binata.
"thank you, I somehow feel at ease now." he said before na pumasok sa kanyang bedroom.
Avyanna sighed.
Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman niya sa mga sandaling iyon.
"Bakit ka ba ganyan, mas lalo mo tuloy akong pinapahirapan sa mission ko." bulong niya sa sarili.
This time, naisipan na niyang pumasok sa kanyang kwarto. Naupo siya saglit at nag-isip.
"teka" nasambit niya.
Napansin niya kasing umuusok na ang kanyang bag na pinaglagayan ng Dark Iron.
Agad niya itong kinuha at hinawakan ngunit napaso siya dahil dito.
"ouch!" she said habang tinitingnan pa rin ang tila nasusunog na bag. Agad siyang bumalik sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Binuhusan niya ito kaya mas lalo itong nag-usok. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang bag to see kung ano ba talaga ang nangyayari dito.
Nanlaki ang mga mata niya dahil nagbabaga na pala ito , no wonder why na may umuusok.
Then she noticed na tila natutunaw ang outer layer nito.
"is this a sign na nalalabi na lang ang mga araw ng pagstay ko dito?" she asked herself.
Ilang saglit pa, nakarinig siya ng kalabog sa may living room ng mansion. Dali niyang kinuha ang kanyang LX6 at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto.
"what the_"
Napalingon si Avyanna sa direction kung saan nakatayo si Drake. Gulat na gulat ito sa kanyang nakikita.
"i_is that a portal?" tinuro nito ang tila black hole na nakaangat ng bahagya sa ere at tila hinihigop ang chandelier sa itaas.
"how is this happening?" pagtatakang sabi ni Avyanna. Sinubukan niyang lumapit dito.
"w_wait! huwag kang lumapit Avyanna" bulalas naman ng binata sa kanya.
"don't worry, I'm fine.. I think na may glitches lang na nangyayari this time"
"glitches?" dali namang lumapit ang binata sa kanya.
But unti-unti na ring lumiliit ang portal sa harapan nila.
"something is going on in our world" she said.
Agad namang napatingin ang binata sa kanya dahil sa kanyang mga sinabi.
"i_ibig sabihin ba niyan na alien ka talaga?" halos di makapaniwalang tanong nito sa dalaga.
But instead of answering him, agad siyang bumalik sa kanyang kwarto. Sumunod naman ang binata sa kanya.
"Avyanna, can you please answer me, alien ka ba talaga?" pangungulit niya dito.
Tiningnan lang siya ng dalaga tapos ibinaling niya ulit ang kanyang paningin sa Dark Iron.
"Di ba iyan ang Dark Iron na sinasabi mo? the reason kung bakit ka napadpad dito?"
She didn't answer him.
"Iyan ba ang susi ng portal?" he asked.
"ssshhh...let me think first okay? I'm thinking for some possible reasons kung bakit nangyari iyon."
"o_okay? is there something I can do to help you?"
"just keep quiet"
Dahil dito, itinikom na ng binata ang kanyang bibig.
Avyanna sighed ng magkaroon ng katahimikan.
"I need to open my phone"
Agad niyang kinuha ang phone sa kanyang bag but natunaw na rin ito dahil sa nangyari kanina.
Lumapit naman siya sa kanyang cabinet at kumuha ng piece of cloth. Binitbit niya ang tunaw na phone sa living room at kumuha ng tools para mabuksan ito. Pinagmasdan lang siya ng binata hanggang sa makuha nito ang microchip ng phone.
"di ba gusto mong makatulong?"
Drake nodded.
"Dalhin mo ako sa electrical shop bukas. I need to buy some alternatives para maayos ko ito"
"really, you can do that on your own?" mangha namang tanong ng binata sa kanya.
"actually, may nagturo nito sa akin"
She said not mentioning any name. Pero halata sa mga mata ng dalaga na bahagyang nalungkot siya ng sabihin ang bagay na iyon.
Drake got awared but hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon pang tanungin siya since bumalik na ito sa kanyang kwarto.
"great! don't worry..sasamahan kita bukas" he just said.
--------
(Another day)
(phone is ringing)
Drayce answered it while driving.
"I got the video. Puntahan mo na lang ako sa shop namin"
"Got it" he said at binilisan na ang kanyang pagpapatakbo ng sasakyan.
When he reached his destination, agad na siyang bumaba at pumasok sa shop na sinasabi ng dalaga.
(metal clanking)
Pinagmasdan ng binata ang loob ng electrical shop. May iba't-ibang tools siyang nakikita na nakabalandra sa wooden shelf. May mga spare parts din ng mga equipments na nakabitin sa gilid ng mga haligi nito. It's like an old warehouse na ginawa lang shop kaya medyo madilim at mainit sa loob.
"y_you're here"
Bumungad sa kanya ang isang maliit na dalagang nakaeyeglasses. Maiksi at curly ang kanyang buhok. Maputi siya since malimit lang siyang lumabas and she's thin but cute naman. She's a typical girl with a pure Filipina beauty.
"yes" he said to Hillary.
"H_halika, doon tayo sa loob" medyo tarantang sabi niya.
"hindi pa ba tayo nasa loob?" Drayce asked.
"a_ah I mean, sa bahay namin. Medyo mainit kasi dito kaya doon na lang tayo sa bahay mag-usap"
"wala naman tayong dapat pag-usapan eh. Ang kailangan ko lang ay ang video. Akin na" he said.
"P_pasensya na, di ko... kasi dala eh. K_kung okay lang sa iyo, kukunin ko muna" nahihiya niyang sabi.
Hindi na kumibo pa ang binata kaya nagmadali nang pumasok ang dalaga sa bahay nila since magkadikit lang ang shop nila dito.
Habang naghihintay, naglibut-libot muna ang binata sa shop.
Until...
Biglang bumukas ang pinto at may dalawang customer ang pumasok.
Out of his curiosity, tiningnan niya kung sino ang mga ito.
"H_hey, anong ginagawa mo dito?"
Nagulat din siya ng makita ang twin brother niya sa loob. Agad naman siyang napalingon sa kasama nito, si Avyanna.
"eto na 'yung sinasabi ko sa_" natigilan naman si Hillary ng makita si Drake, since kamukha nito ang ultimate crush niyang si Drayce.
"ako dapat ang magtanong niyan eh" he just said.
Wala namang imik si Avyanna sa gilid since hindi pa rin siya makaget over sa mga happenings kagabi. Nakatingin lang siya sa kung saan, trying to avoid having an eye contact with him.
A moment of silence.
"ah....may kailangan ba kayo sa shop namin?" Hillary said trying to break the silence sa loob.
"yes, kaya kami andito. How about you Drayce? Supposedly, nasa company ka ngayon..... may I know the reason why are you here?"
"uh....much better if hayaan mo na lang siya, hindi naman kasi siya ang pakay natin dito di ba? Saka sabi mong tutulungan mo ako kaya, umpisahan na natin ang paghahanap ng mga kailangan ko, medyo mahirap kasing hanapin ang mga iyon eh" sabi naman ni Avyanna.
Malakas kasi ang kutob niyang about ito sa mga sinabi ng binata sa kanya kagabi and she doesn't want his twin brother to know about it kaya minabuti niyang ilihis na lang ang attention ng kakambal nito sa kanya.
Hinila na niya ang binata sa may tools section at nagsimula nang mamili ng mga gagamitin niya.
"I didn't expect him to come here. Girlfriend niya ba iyon?" tanong ni Hillary kay Drayce.
"maybe, I wanted to hear your discussion about this video." he answered na malayo sa katanungan ng dalaga.
Bagama't ganun pa man, natuwa ito dahil pumayag si Drayce na pumasok sa bahay nila. Naghanda talaga kasi siya ng mga pagkain dahil expected niyang darating ang binata. Gusto niya rin kasing matikman ng binata ang masasarap na luto niya.
"tara, doon tayo sa bahay" excited na sabi ng dalaga sa kanya.
Sumunod si Drayce dito. Napansin naman ni Avyanna ang binata na papasok na sa bahay ng dalaga.
"do they know each other?" she asked out of her curiosity.
"she was his classmate noong highschool pa lamang kami" sabi naman ng binata habang tinitingnan rin ang kapatid na sumusunod kay Hillary.
"are they somehow...friends?"
"hmm...di ko alam sa kakambal ko, wala naman kasi siyang kaibigan na babae eh. Alam mo na, masyado siyang nagfocus kay Mikaela kaya hindi siya nakikipagsocialize sa iba" Drake said.
"grabe naman. No wonder why masungit siya. Hindi siya sanay na may ibang tao siyang nakakahalubilo" bulong ng dalaga sa sarili.
"alam mo, maghanap na lang tayo okay? may pupuntahan pa kasi tayo after this" Drake said.
"where are we going?"
"basta" then he winked.
Nang sabihin iyon ng binata, nagpatuloy na sila sa paghahanap ng mga gagamitin ng dalaga to reconstruct her phone.
After ng ilang minuto, nabulabog na lang sila ng may biglang umalingawngaw na putok ng baril sa labas ng electrical shop.
"what's happening?" kabadong tanong dalaga kay Drake.
"di ko rin alam, halika..dito tayo" bulong ng binata habang hinihila niya ito sa bandang sulok.
Nagpatuloy ang mga ingay na iyon hanggang sa may pumasok sa loob ng shop.
Sinenyasan ng binata ang dalaga na huwag mag-ingay. Bakas naman sa mukha ng dalaga ang takot habang naguguluhan naman ang binata. Wala kasi silang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.
"asaan na siya?" tanong nung lalaking may dalang baril.
"libutin natin ang buong lugar ng mahanap natin ang kutong lupa na iyon" sabi naman nung kasama niya.
Marami silang nakablack tuxedo at may dalang armas. Wala silang mga takip sa mukha ngunit lahat sila ay nakacap rin ng itim. May logo ang cap nila sa gitna ng espada at nakatuntong sa hawakan nito ang agila.
"si Hillary ba ang hanap nila?" mahinang sabi ni Drake.
Nagsimula nang maglibut-libot sa buong paligid ang mga lalaki kaya umatras pa ang dalawa ng bahagya upang matakpan sila ng malaking shelf ng electrical materials.
"paano sila Drayce doon? wala ata silang alam sa mga nangyayari" pag-aalala namang sabi ng dalaga kay Drake.
"teka lang, nag-iisip pa ako ng magandang gawin" sabi naman ng binata.
(Hanggang sa nakarinig sila ng isang lagapak ng lalaking bigla na lang humandusay sa sahig habang nakukuryente)
"sinabi ko nang huwag kayong pupunta dito eh!"
Nagulat sila dahil may dala ng taser gun si Hillary.
"paanong hindi kami pupunta eh isang milyon na ang nakapatong sa ulo mo?" sabi nung lalaking may malaking armas na nakatutok sa dalaga.
"tandaan mo, mas malaki ang nakapatong sa ulo ng boss mo. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin para hindi mapahamak ang kuya ko" sabi naman ng dalaga.
"hey, what's going on here?" walang kaalam-alam namang insert ni Drayce.
Dahil dito, nakatutok na sa kanya ang lahat ng mga armas kaya itinaas na lang niya ang kanyang dalawang kamay.
"aish...stupid" nasambit naman ni Drake habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.
Dahil doon, bigla siyang nakaisip ng paraan to get their attention.
"Dito ka lang. I'll try to get their attention, di ba dala mo naman ang tweezer mo?"
(He's referring to LX6)
"Y_yes, andito sa sling bag ko" sabi naman ng dalaga.
"Good. Kapag nakuha ko na ang attention nila, it's your turn to use it"
Tapos, kinuha niya ang isang bulb at binalutan ito ng itim na vellum paper sa gilid. Kumuha din siya ng pin at nagmadali nang lumabas sa pinagtataguan nila.
Bigla namang nataranta ang dalaga dahil literal na pambunot ng kili-kili ang nasa sling bag niya.
"ang bobo ko talaga!" she murmured nang marealize niyang LX6 weapon pala ang tinutukoy ng binata.
"Dito guys!!" pambubulabog naman ni Drake sa mainit na face off nila sa gitna.
Napalingon naman ang lahat sa kanya. Ipinakita naman ni Drake ang hawak nito na mukhang bomb pati na ang pin. Medyo nabahala naman ang lahat sa pag-aakalang totoo iyong bomba.
"Mukhang ang saya ng laro niyo dyan ah. Hep Hep Hooray!! Haha" sabi niya habang nakatingin sa kanyang kakambal na nakaangat pa rin ang mga kamay sa ere.
"m_magkamukha sila!" react naman nung lalaking may baril kanina.
"siyempre..we're twins." he said while smiling.
"teka, parang nakita ko na sila" sabi naman nung isang katabi ng lalaki.
"tama ka...may kahawig siya eh. Sino ba ang kahawig niya?"
"tss. Magkukwentuhan na lang ba kayo dyan? Nangangawit na ang kamay ko dito" insert na naman ni Drayce.
Dahil dito, nasira na naman ang plano ng kanyang kakambal to buy some time para makakilos si Avyanna.
"gusto mo bang unahin kita huh? Panira ka eh!" sabi nung lalaking may baril.
"aish! bwiset naman, kung wala ka na lang magandang sasabihin Drayce, please lang? itikom mo na lang ang bibig mo" inis na sabi ni Drake sa kapatid.
"wala kang pakealam kung magsalita ako ng magsalita. Inuubos lang ng mga pangit na ito ang oras ko." sabi naman ni Drayce.
"hoy! excuse me...sila lang ang pangit kaya huwag mong lalahatin!!"
"wag kang makisali sa usapan namin dahil hindi kita kausap" sabi ni Drayce.
Sa mga sandaling iyon, agad nang kumilos si Avyanna. Humanap siya ng source of water at hose. Iyon na lang ang naisipan niyang gawin that moment, ang basain sila at gamitan ng taser gun.
"aba! inuubos nito ang pasensya ko huh" agad namang itinutok ng lalaki ang baril sa ulo ng binata.
"h_huwag mo iyang ipuputok. Ako naman ang pakay niyo di ba? Sasama na ako ng kusa sa inyo" sabi naman ni Hillary.
"hindi pwede" sabi ni Avyanna dala na ang hose.
Agad namang nagets ni Hillary ang balak gawin ni Avyanna kaya bahagyang umatras siya para hindi mabasa.
"maligo muna kayo everyone" then binuksan na niya ang pihitan sa hose kaya nabasa ng tubig ang mga lalaki. After nun, pinihit na rin ni Hillary ang trigger ng taser gun kaya nakuryente ang mga ito.
Unfortunately, nasama si Drayce sa pagkakakuryente dahil nabasa din siya sa ginawa ni Avyanna.
"Drayce!!" bulalas ni Drake sa kakambal niya nang mawalan ito ng malay.