Chereads / BETWEEN WORLDS / Chapter 15 - PRESENT WORLD: Secrets 1

Chapter 15 - PRESENT WORLD: Secrets 1

"Aikka, please open the door!"

"Couldn't you just stop? Gusto kong pagmasdan ang ulan ng tahimik" Drayce said habang bitbit ang soda in can.

Binuksan niya ito at umupo na sa sofa.

"You lied to her so what do you expect? Saka ginamit mo pa ang pangalan ko and pretended to be me" he said without looking at him. Then he drank the soda and leaned on the sofa.

Hindi na lang umimik pa ang binata sa mga sinabi ni Drayce.

"Tsk tsk...poor you. But let me just remind you Drake, you will never have a chance to be like me...coz its me, and I'm not a loser like you" sabi ng twin brother niya.

"Tss. I don't want to be like you either." Drake said on his mind.

After that moment, Drayce stood up at umakyat na sa kanyang kwarto.

(Drake sighed.)

This time, nakaramdam siya ng inis for being an idiot. Dahil feeling niya na sa buong buhay niya, wala na siyang nagawang tama.

Ginulu-gulo niya ang kanyang buhok at naupo na lang sa sulok. Hindi niya na rin alam kung ano ba ang dapat niyang gawin sa mga sandaling iyon.

Inaamin din naman niya sa kanyang sarili na nagsinungaling siya kay Avyanna kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng dalaga ngayon.

"I'm sorry I lied. It's my fault" he said.

Narinig ito ng dalaga since nakasandal lang siya sa likod ng pinto. But she didn't say a word.

Iniisip niya kasing nasayang ang kanyang effort at panahon dahil sa ginawa ng binata.

And now, she's thinking of another alternative para maipagpatuloy niya ang mission. Binigyan lang kasi siya ng isang buwan ng Propesor para mapagtagumpayan ang kanyang mission sa kasalukuyan. At may tatlong linggo na lang siya para magawa iyon.

Lumapit siya sa kung saan nakatago ang Dark Iron.

Pinagmasdan niya ito ng maigi.

"I only have three weeks bago ulit magbukas ang portal and there's no other way para mapabilis ko ang aking ipinunta dito. They leave me no choice" bulong niya sa sarili.

Iisa na lang ang naisip niyang paraan sa ngayon, iyon ay ang paslangin si Drayce.

(sound of thunder and lightning)

---------

Umupo si Drayce sa kanyang swiveling chair. Inayos niya ang mga papers na nagkalat sa table niya. Matapos nun, kumuha siya ng mababasang libro sa kanyang library at pumunta na sa bed. He tried to read some pages sa pagbabakasakaling baka makatulog siya but until now, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Tiningnan niya ang kanyang relo.

(Almost 11:00 na nang gabi.)

Naisipan niyang bumaba na lang para magtimpla ng gatas.

Napakatahimik na sa baba, tumigil na rin kasi ang malakas na ulan.

(until he suddenly heard some footsteps)

Napalingon siya sa kanyang likuran dahil dito. Pinagmasdan niya ang medyo madilim na paligid since hindi niya binuksan ang lahat ng ilaw sa baba, ngunit wala namang ibang tao.

Nagpatuloy na lang siya sa kanyang pagtitimpla.

Lingid sa kaalaman ng binata, nagtatago lang ang dalaga sa sulok, malapit sa kinaroroonan niya. Dala niya ang isang syringe na naglalaman ng chemical components na pinaghalu-halo niya galing sa mga hazardous chemicals ng mansion. And anytime she can kill him sa isang inject lang nito sa katawan ni Drayce.

But this time, nagdadalawang isip ang dalaga na ituloy ang masamang binabalak niya.

Wala naman talagang kasalanan si Drayce sa mga pangyayari sa mundo nila. It is Lorcan who really caused trouble. Masyado kasi itong naging makasarili and because of it, maraming buhay ang nawala. Nagkandagulu-gulo rin ang buong Sky City at higit sa lahat, nasira ang kanilang dignidad bilang mga dalubhasa sa larangan ng siyensya.

That's why, her conscience tells her that she's a chemist and not a murderer but...may something pa rin na nag-uurge sa kanya na gawin ang bagay na iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng binata sa kanya.

Nagulat naman siya dahil napansin siya ng binata. Agad naman niyang itinago sa kanyang bulsa ang hawak na syringe.

"A_ah, kukuha lang sana ako ng maiinom" she said.

"then why are you hiding?" pagtatakang reaction nito.

Hindi agad nakaimik ang dalaga dahil hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya dito. Bigla rin siyang pinagpawisan dahil sa kaba.

"okay, alam ko na... you're still afraid of me"

"N_no, I'm not" mariing sinabi ng dalaga.

Napangiti naman ang binata dahil dito.

"really? well, its fine. But it doesn't mean that I would allow you to like me"

Napakunot naman ang noo ng dalaga dahil dito. Hindi niya rin kasi maintindihan ang point ni Drayce.

"Don't give me an expression like that. Alam ko namang ako talaga ang gusto mo di ba at hindi si DRAKE?" he said habang papalapit na siya sa dalaga.

Hindi naman makapagreact si Avyanna dahil dito, medyo hindi pa rin kasi nag-aabsorb sa kanya ang consequence ng mga pangyayari kanina. And things are being complicated this time kasi the reality is, 'yung taong nagustuhan niya ay hindi pala ang totoong Drayce. It would be easier kasi sana kung nakisama ang tadhana sa kanya pero hindi, tila nakatakda pa ring mangyayari ang mga bagay na nakatadhanang mangyari sa kasalukuyan.

"Well, you don't need to tell me about it kasi hindi rin naman kasi kita magugustuhan eh" bulong ng binata sa dalaga bago siya bumalik sa kanyang pwesto kanina.

Napaisip na lang ang dalaga sa mga sandaling iyon.

"di lang talaga masama ang ugali nito, ubod pa ng yabang!"

Buti na lang at nakakapagpigil pa siya ngayon kasi kung hindi, baka naitusok na niya ang syringe sa katawan ng binata't nakahandusay na ito sa sahig ngayon.

Huminga na lang siya ng malalim at nagsimula nang maglakad.

"Teka lang" Drayce said habang nakatingin sa may bandage na daliri niya.

"ano na naman ba ang sasabihin mo?" inis na tanong ng dalaga waiting for his another insult.

But instead of answering her, hinawakan niya ang kamay nito at dahan-dahang inayos ang pagkakapulupot ng bandage sa daliri nito.

Natigilan saglit si Avyanna.

Nagtaka lang kasi siya kay Drayce this time. Matapos siya nitong inisin kanina? now, he's showing some care to her.

Natanong tuloy ng dalaga sa sarili niya na dahil ba ito sa mga nalaman ng binata?

Hinayaan na lang ni Avyanna ang binata sa kanyang ginagawa. Inisip na lang niyang may soft spot rin naman ang sir masungit na nakilala niya.

"you may go" he said nang maiayos na ito.

Nanatili na lang siyang tahimik at bumalik na sa kanyang kwarto.

-----------

Umaga na.

Napakaagang nagising ni Drake kaya siya na ang naghanda ng almusal nila.

"kain ka na Avyanna" sabi ng binata ng makalabas na ang dalaga sa kanyang kwarto. Alam niya kasing maaga rin itong magigising para magprepare ng breakfast nila.

"yaya...iyon po ang itawag niyo sa akin Master" formal na pakikipag-usap ng dalaga sa kanya.

Tapos dumiretso na ito sa main door ng mansion.

"teka, saan ka pupunta?" tanong naman ng binata sa kanya nang hindi nito pansinin ang pagkain na kanyang hinanda.

"magdidilig po ako ng mga halaman Master"

"magdidilig? eh kakaulan lang ng malakas kagabi ah" he said.

Nang marealized ng dalaga na may point ang binata, umubu-ubo siya at nagkunwaring masakit ang ulo.

"pasensya na po Master, medyo nahihilo po kasi ako ngayon eh lalo na sa nangyari kahapon" pagpaparinig niya sa binata.

Agad naman itong naintindihan ni Drake.

"Kaya nga I'm sorry okay? Sana mapatawad mo na ako dahil sa pagsisinungaling ko sa iyo. And..... I prepared some delicious foods as a peace offering for you kaya please? forgive me na" he said acting like a kid na nagsosorry.

"Awh, he's so cute!" hindi mapigilang sabihin ng dalaga sa kanyang isipan habang pinagmamasdan si Drake.

"so ano? uy...papatawarin na niya ako" nakangiting sabi ng binata sa kanya.

"hmm..hindi pa rin!"

Wala lang, trip lang ng dalaga ang magpakipot ngayon, medyo nabobored na rin kasi siya sa mansion eh.

"grabe ka naman, ayaw mo bang kainin 'tong bacon and pancakes na niluto ko, may black pudding pa. I swear, masarap ito"

Tiningnan naman ng dalaga ang mga ihinanda ng binata sa lamesa. Medyo nasunog kasi ang bacon kaya halatang hindi talaga marunong magluto ang binata.

"Ah, bacon ba iyon? akala ko kasi uling" then patago siyang ngumiti bago iwan ang binata.

"hey! grabe ka sa akin huh, hindi kaya iyon uling" he explained habang sinusundan pa rin siya.

Actually, papunta na ang dalaga sa c.r nila sa baba para maglinis na. Naging busy na siya sa pagsusuot ng hand gloves at paghahanda ng pangkuskos na gagamitin niya sa paglilinis kaya hindi na niya nabigyang pansin ang mga sinasabi ng binata.

"Avyanna"

Dahil gusto ni Drake na makuha ang buong atensyon ng dalaga, he cornered her with his both hands kaya napasandal ito sa wall ng c.r.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga dahil sa sudden happening na iyon.

"T_teka" napalunok siya dahil nakatingin na ang binata sa mapupulang labi niya.

At dahil advance mag-isip ang dalaga, she slowly closed her eyes. Iniexpect na niyang ilang saglit na lang at lalapat na ang labi ng binata sa labi niya tulad ng mga napapanood niya sa palabas ngayon.

Nararamdaman na rin niya ang mainit na hininga ng binata dahil masyado nang magkalapit ang kanilang mukha sa isa't-isa.

She also started counting 1 to 10.

Pero natapos ang 10 counts na iyon na wala pa ring nangyayari sa pagitan nilang dalawa kaya ibinuka niya agad ang kanyang mga mata.

"bakit ka nakapikit? are you praying or something?" pagtatakang tanong ng binata sa kanya.

Then she realized na advanced lang talaga siyang mag-isip kaya dahil sa embarrassment niya sa binata, agad siyang kumawala sa pagkacorner nito sa kanya at pinunasan ang kanyang pawis.

"Pambihira, nakaganti rin ang isang ito ah" bulong niya sa sarili.

"hey, bakit ka nga nakapikit?" nakangiting tanong ni Drake sa kanya.

"w_wala" she just said.

"anong wala, nakapikit ka kanina eh, may sasabihin pa sana ako sa iyo kaso 'yun nga" Drake teasing her.

"ba_bakit, masama bang magdasal bago kumain? este.... e_h di ba niyaya mo akong magbreakfast? tara na... kumain na tayo" then agad na niyang hinubad ang kanyang hand gloves at pumunta na sa dining area.

Natuwa naman ang binata dahil dito.

"so does it mean na pinapatawad mo na ako?"

"Hay naku, ang kulit mo naman, sige na nga.....pinapatawad na kita" her acting na parang napipilitan pero actually, okay na naman sa kanya ang lahat eh. She realized din naman kasi na kung may secret man ang binatang naitago, may mas bigger secret naman ang dalaga na hindi nila dapat malaman.

Because of it, napayakap si Drake sa kanya. Sakto namang kababa lang ni Drayce galing ng kwarto.

He just stared at them.

Agad namang bumuwag ang binata sa pagkakayakap nito kay Avyanna. And they acted awkwardly in front of Drayce.

"K_kumain ka na po sir" sabi naman ng dalaga trying to break her awkward feeling.

"No, I won't eat in this mansion...baka kasi mamatay ako ng maaga due to food poisoning"

"Hindi naman po ako ang nagluto nito sir"

Nang sabihin ito ng dalaga, napatingin si Drayce sa kakambal niya.

"Ngayon lang ako nakakita ng amo na ipinagluluto ang kanyang yaya, sounds interesting" then umalis na siya.

"Huwag mo nang pansinin ang isang iyon, lagi talaga iyong may sanib" pabirong sabi ng binata.

"Hay, siguro dapat na nga akong masanay sa ugali na meroon si Drayce" she said tapos tinikman na niya ang niluto ng binata.

"Well, speaking of my twin brother, gusto ko palang malaman ang reason kung bakit mo siya hinahanap noong time na napunta ka dito sa mansion?"

"Hmm....dahil he's hot. I told you, he's more handsome and hotter than you" agad na naisip na sabihing dahilan ng dalaga.

"Hey, we're twins! Ilang ulit ko ba iyong sasabihin sa iyo?"

She just smiled kasi naasar niya rin ang binata matapos siya nitong asarin kanina sa banyo.

-----------

Kakapasok lang ni Drayce sa office niya nang biglang may kumatok sa pinto nito.

"come in!" he said habang inaayos ang mga gamit niya sa lamesa.

"good morning Mr. President, may bad news ako for you" nakangiting sabi ni Mr. Villacosta.

Napalingon siya nang marinig ang boses ng binata.

"Well.....dahil sa pagkikita niyo ni Mr. Wang kahapon, nagback out siya sa investment niya sa company natin"

"what?!!! hey, may kinalaman ka ba dito?" agad niyang lapit sa binata.

"kinalaman? paano naman iyon mangyayari Mr. President, saka ikaw lang naman ang kausap ni Mr. Wang kahapon di ba? tsk.tsk.tsk.... ang taas pa naman ng tingin ko sa iyo... pero dahil sa nangyari ngayon? nakakadisappoint. Sa lahat pa ng magbaback out, si Mr. Wang pa talaga huh?" he said para inisin pa si Drayce.

Dahil dito, agad niyang kwinelyuhan ang binata.

"Kapag nalaman kong may kinalaman ka sa biglaang pagback out ni Mr. Wang, hindi ako magdadalawang-isip na patalsikin ka dito sa kumpanya" iritang sabi niya sa binata.

Ngunit imbis na matakot ito sa naging reaksyon ni Drayce sa kanya, ngumiti lang ito at dahan-dahang inalis ang nakahawak nitong kamay sa kwelyo niya.

"calm down Mr. President, hindi pa naman ito ang katapusan ng career mo eh...huwag kang oa" tapos pinagpag niya ang kanyang suot at tumalikod na.

"by the way, pinapatawag ka ni Chairman sa office niya" he said before leaving.

"bwiset!"

He has no choice kundi harapin na naman ang kanyang daddy na expected niyang galit na galit na naman ngayon.

"Drayce"

Isang nakabusangot na mukha ang bumungad sa kanya pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng office nito.

"Dad, I can handle this...just set me a meeting with him and everything's gonna be fine"

Huminga ng malalim ang matanda. He is trying also to calm down.

"He is our major investor so make sure na maayos mo ito. I'll be setting a meeting with him tomorrow and fix this mess"

Dahil sa sinabi ng Chairman, he just bowed and lumabas na nang office. At least for now, he has a chance to know what really happened, kung bakit biglang nagback out si

Mr. Wang despite the fact na naging masaya naman ang pag-uusap nila during the meeting.