Chereads / My Fake Husband ✔ / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Matthew's POV

Hindi ko alam kong pano ko sya patatahanin. Halos isiksik nya ang sarili nya na akin.

Niyakap ko lang sya ng niyakap at hinihimas ang kanyang likod.

"Wife are you ok?" Tanong ko sa kanya at ang tanging sagot na aking nakokoha ay pag iling ng kanyang ulo.

Inihiga ko sya sa kama at dali dali naman syang lumapit muli sakin at yumakap. May kong anong masaya sakin dahil ayaw nyang umalis ako.

Inihiga ko uli sya at tinabihan niyakap ko sya ng napaka higpit. Hinapit kopa lalo ang kanyang baywang para magdikit ang aming katawan.

"Matt hinanap mo ba ako?" Biglang tanong nya sakin. Napangiti naman ako at ipinahid ko muna ang mga luhang nasa kanyang pisngi.

"Oo naman, hinanap kita kaso masyadong malayo ang narating mo." Sabi ko sakanya at pinahiga ko ang kanyang ulo sa aking dibdib.

"Wife sorry sa nagawa ko sayo" maramdamin ani ko. "Alam dahil dun ay umalis ka. Halos wala na akong maayos na tulog. Kong hindi pa ako iinom ng pampatulog ay hindi talaga ako makakatulog. Lagi kang nasa panaginip ko' t may kasama kang lalaki. Halos paulit ulit na yun ang aking panaginip at nagigising nalang ako bigla at maaalala kita." Sabi ko at himinga ng malalim. "Halos hindi na ako nakaka pasok sa trabaho at Hindi narin nakakakain ng maayus kakahanap sayo. Miss na miss na talaga kita kaya nung may naka kita sayo'ng papunta dito ay nag madali talaga ako kaso hindi ko alam kong san dito kaya natagalan. Pero ayus na rin dahil nakita na kita at magagawa ko na' to. "

Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at sinakop na masuyong halik ang kanyang labi. Nung una ay parang nagulat sya at hindi maka galaw pero di nag tagal ay tinugon nya rin ng napaka tamis na halik.

Heaven's POV

"'Wife sorry sa nagawa ko sayo" sabi sakin ni matt "Alam dahil dun ay umalis ka. Halos wala na akong maayos na tulog. Kong hindi pa ako iinom ng pampatulog ay hindi talaga ako makakatulog. Lagi kang nasa panaginip ko' t may kasama kang lalaki. Halos paulit ulit na yun ang aking panaginip at nagigising nalang ako bigla at maaalala kita." Sabi nya at huminga ng malalim at tinitigan ako. "Halos hindi na ako nakaka pasok sa trabaho at Hindi narin nakakakain ng maayulos kakahanap sayo. Miss na miss na talaga kita kaya nung may naka kita sayo'ng papunta dito ay nag madali talaga ako kaso hindi ko alam kong san dito kaya natagalan. Pero ayus na rin dahil nakita na kita at magagawa ko na' to.'"

Nagulohan ang sa huli nyang sinabi at nagulat ako ng ilapit nya ang kanyang mukha sakin at halo-halong emosyon ang aking nararamdaman.

Nung maka bawi ako sa pagka bigla ay tinugon ko ang kanyang halik at inilagay ko ang aking dalawang braso sa kanyang leeg at hinapit nya lalo ang aking baywang.

Mas lalo nyang pinalalim ang aming halik. Nahihiya ako dahil hindi ako marunong humalik dahil wala naman akong naging nobyo.