Matthew's POV
Nung tinugon nya ang aking halik ay inilagay nya ang kanyang dalawang braso sa aking leeg at pinalalim ko pa ito sa pamamagitan ng lalong paghapit sa kanyang baywang.
Pinutol kuna ang aming halik dahil ayaw kong lumampas ako. Hanggat kayo kong pigilan ay gagawin ko.
Nung pinitol ko ang aming halik ay yumoko sya na parang nahihiya napa bungisngis ako. "Anong tinatawa mo jan?!" Halatang galit at nahihiya nyang sabi.
Natawa ako sa inasta nya. "Bakit ka nahihiya?" panunukso ko sa kanya. "eh kasi" sabi nya, di natuloy ang sasabihin dahil halatang-halata na nahihiya sya. Ang cute nya dahil nahihiya sya dahil hinalikan ko sya.
"Kasi?" tanong ko uli sa kanya. "ei! kasi hindi ako marunong humalik!. Tapos nung hinalikan kita naka ngiti ka feeling ko tinatawanan mo ako dahil dun." sabi nya habang naka tungo kaya hinawakan ko ang kanyang baba at ipinaharap iyun sakin. Nagulat ako ng makita kong nangingilid ang kanyang luha.
Niyakap ko sya dahil hindi ko kayang makitang umiiyak sya dahil sakin. "shhh. Hindi naman kita tinatawanan eh. Natutuwa lang ako na tinugon mo yung halik ko sayo. Alam mo ba kong gano ako kasaya dahil dun?" tanong ko sa kanya at umiling naman ito bilang sagot. Tinanggal kona ang aking pagkaka yakap sakanya at hinawakan ko ang magka bilang pisngi niya at inilapit ko ang aking mukha para makita niyang seryuso ako.
"napaka saya ko! Hindi ko ma-explain kong gano ako kasaya." sabi ko sa kanya at hinalikan ko uli sya sa kanyang labi.
Nasa isang restaurant kami ngayun at kumakain plano na naming umuwi mamayang gabi.
Nagpa-plano na ako para mag propose sa kanya dahil ayaw ko nang mawala uli ang babaeng pinaka mamahal ko.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi tignan ang napaka gandang babae nasa aking harapan.
Napangiti nalang ako ng makitang tuwang-tuwa ito habang kumakain. Naka ngiti na abot sa kanyang mga mata.
Maaga pa naman kaya niyaya ko syang pumunta sa marina. Maganda at malinis maraming tao ang kumakain at nagde-date ngayun.
Matatatanaw mo ang napaka raming batang naglalaro at nagkakasayahan.
"kailan kaya ako magkakaron ng masayang pamilya at anak?" wala sa sarili nyang tanong habang naka tanaw sa mga batang kasama ang kanilang mga magulang habang naglalaro sa dagat.
Napangiti naman ako sa kanyang tanong. "Gusto mona bang magkaroon ng anak?" naka ngiting tanong ko sa kanya habang naka ngiti.
Gulat naman syang bimaling sakin. Pumunta ako sa kanyang likodan at hinakap sya sa ganung posisyon. Pinatong konang aking baba sa kanyang balikat at nakangiting tumingin muli sa mga bata.
Huminga naman sya ng malalim bago bumaling sakin. "Oo naman, sino bang babae ang ayaw magkaroon ng anak at masayang pamilya." sabi nya, nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata.
Maslalo konsyang niyakap at hinalikan ko sya sa kanyang pisngi.