Happy reading😘
Matthew's POV.
Maaga palang ay gising na ako. Habang maaga pa ay nag order na ako ng Breakfast namin at naka ligo narin ako ay bumalik ako sa kama at tinitigan sya habang natutulog. Gusto kong makita sya tuwing gigingsinng ako sa umaga at gusto kong lagi sya nakikita.
Gagawin kong perpekto ang pamilyabg bubuohin namin, kahit alam kong walang perpekto gagawa ako ng paraan basta maging saya lang sya sa piling ko.
Hindi ko hahayaang maysumira sa pamilyang pinapangarap ko para samin. Nakita kong nagmulat na sya ng kanyang mata at tumitig ito sakin na parang kinakabisado ang bawat anggulo ng aking mukha.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan sya sa kanyang labi. "Good mornibg honey." sabi ko sakanya. Niyap ko sya ng napaka higpit at hinalik halikan ang kanyang balikat.
"Gutom kana ba honey?" tanong ko sa kanya at tumango naman ito. Ipinaupo ko sya dahil parang walang naman itong balak na bumangon.
Kinuha ko ang tray na may pagkain at ipinasandal ko sya sa aking dib-dib at sinuboan sya.
Natawa ako ng nahihiya nyang ibinuka ang kanyang bibig. Nang matapos ko sya pakainin ay bigla nalang sya bumalik sa pagka higa at ipinikit ang kanyang mga mata.
"honey, di' kapa ba maliligo?" tanong ko sa kanya. "inaantok pa ako." sabi nya sakin kaya napa bungisngis nalang ako.
"sige, matulog ka nalang muna." sabi ko at hinalikan sya sa kanyang pisngi.
Heaven's POV.
Nahahalata ko nang napapadalas ang paghalik ng mokong na'to ah. Naramdaman kong umalis sya ng kama at di nagtagal ay bumukas ang pinto at lumabas sya.
'San naman kaya ang punta nun?' tanong ko sa sarili ko. "Hayst.." tumayo ako at pumunta sa varenda.
Natatanaw ko mula rito ang mga turestang nagtatampisaw at ang iba ay sumasakay sa bangka at mag a-island.
Maynakita akong isang pamilyar na bulto at maykausap itong babaeng naka two-piece.
Tumaas ang aking kilay ng makita ko ang kabuoan ng taong iyun at naka ngiti pa ito habang kinakausap nya ang babae.
"ano ba yan!? Sabi nya mahal nya ako pero may kasamang babae?!" galit na sabi ko at pumunta sa may pinto at ni-lock yun.
Bahala ka jan hindi ka pweding pumasok! Jan ka lang sa labas magsama kayo ng babae mo.
Bumalik ako sa kama at natulog uli. Hindi ka pweding pumasok mokong! Jan ka magsama kayo ng babae mo! Hindi naman maganda mukhang aso!