Matthew's POV.
Sinundan ko si heaven at hinayaan ko nalang syang hindi ako pansinin. Sana lang hindi na sya galit sakin mamaya.
Alam kong nasaktan ko sya pero hindi kona sya hahayaang masaktan uli dahil sakin.
Nang matapos syang maligo ay
nahiga na sya sa kama. Niyakap ko sya mula sa likodan nya. "Hmmm. Ang bango naman ng misis ko." sabi ko sakanya at isiniksik ang aking mukha sa kanyang leeg.
"honey." tawag ko sa kanya. "honey galit ka ba sakin?" tanong ko sa kanya habang naka siksik parin sa kanyang leeg.
"alam mo bang hindi ko alam kong saan kita hahanapin? Halos gawin ko nang umaga ang gabi para lang mahanap kita. Halos mabalyiw na ako dahil kulang sa tulog kulang sa kain. Halos araw araw na akong pinagsasabihan ni storm na kailangan kong ayusin ang sarili ko para pagnakita kita hindi ako mukhang patay. " sabi ko sa kanya diko namalayang may mga luha na palang kumawala sa aking mga mata.
Pinunasan ko ito at bahagyang natawa. Naalala ko lahat ng pinag daanan ko nung hindi ko sya makita. Para akong katawan na nakakagalaw pero parang walang buhay.
Saka ko lang nakita yung halaga nya nung nawala sya sakin, hindi ko alam kong saan ako pupulotin kong hindi ko pa sya nakita.
Kong may ipapangako lang ako yun ay ang hinding hindi ko sya iiwan at ipagpapalit sa iba.
Nagulat ako ng umupo sya sa aking harap habang ako' y naka higa. Kaya umupo narin ako.
Heaven's POV.
Nung sinabi nya yun ay naramdaman kong may basa sa aking leeg naramdaman kong pinunasan nya iyun taka naman akong tumingin sa kanya.
Nagulat ako ng makitang umiyak sya. Kaya umupo ako sa harap nya habang sya ay naka higa parin.
Pinunasan ko ang kanyang pisngi tinitigan ko sya dahil hindi ko alam kong hanggang kailan sya ganito saakin. "wag nang kang iiyak uli ah?" naka ngiting sabi ko sa kanya. Himinga muna sya ng malalim at marahang tumango.
Tinanggal kona ang pagkaka hawak sa kanyang mga pisngi at hinawakan ko ang dalawang nyang kamay. "hindi ko alam kong hanggang kailan ka magiging mabait saakin. Hindi ko alam kong kailan ko uli mararamdamang nanjan ka lang sa tabi ko. dahil alam kong darating ang araw na babalik ka nanaman sa magiging walang pakialam sakin." naluluhang sabi ko sa kanya dahil hindi ko mapigilang sabihin yung nararamdaman ko. Iniisip ko palang na hindi ako magkaka anak at magkakaroon ng masayang pamilya ay nalulungkot na ako.
"hindi na kita iiwan aalagaan kita at mamahalin kita ng buong puso, I love you heaven. Mahal namahal kita sana tanggapin mo ako uli, sana patawarin mo yung mga kasalanang nagawa ko sayo." sabi nya na nakapag pagulat sakin.
Gulat akong tumingin sa kanyang mga mata nakikita ko roon ang sensiridad.