Chereads / My Fake Husband ✔ / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

Heaven's POV.

Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga sinasabi ni matthew. Mahal? Mahal nya ako? Gulong gulo ako.

Naka na talaga akong tumitig sa kanya. "honey sumagot ka naman." nagulat ako nang magsalita sya. Shit natulala ako dun ah.

"honey kausapin mo naman ako oh?" naka pout nyang sabi sakin. "u-wi n-nna t-ta-tayo." utal kong sabi sa kanya dahil wala akong ibang maisip na sagot.

Sumama naman ang kanyang tingin sakin. "ayaw." parang bata nyang sabi sakin. "ba-hal-a

la k-ka ja-n." utal paring tugon ko sa kanya.

Pilit kong hinahalokay ang aking isip para makapag salita at maka isip ako ng sagot sa kanya.

Pero kahit anong hukay ko sa isip ko ay wala talaga kong mahagilap na sagot.

Patayo na sana ako ng "ahh!" tili ko ng bigla nya akong hilahin at napa upo ako sa kanyang hita! Niyakap nya ako sa baywang at inilagay nya ang kanyang baba sa aking leeg.

Dahil sa kanyang ginawa ay nagka buhol-buhol na ang aking paghinga at nagsusuntukan na ang aking puso at atay sa subrang kilig.

"dito ka lang sa akin, saka na tayo umuwi. Di'to na muna tayong dalawa." sabi nya at tumatama ang kanyang hininga sa aking leeg na nakapag padagdag pa ng aking hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Pakiramdam na ayaw ko ng matapos.

Hindi na ako nagpumuglas at ninamnam nalang ang sarap ng pakiramdam na nasa bisig nya ako ngayun at yakap-yakap.

"i love you heaven, my honey, my wife, my life and my everything." sabi nya sakin at napangiti naman ako.

Masarap marinig at yakapin ka ng lalaking mahal mo. "hmm." sabi ko at huminga ng malalim. "i love you too." sabi ko sa kanya at humarap.

Hinalikan ko sya sa kanyang labi at halata ang pagka gulat sa kanyang mukha. Napangiti naman ako.

Hanggang sa putulin ko iyun at nandun parin ang pagka gulat sa kanyang mukha kaya hinalikan ko uli sya sa kanyang labi at naramdaman ko ang isa niyang kamay na gumapang papunta sa aking batok at pinalalim ang aming halikan.

Gumapang ang kanyang halik sa aking leeg at nagsimula ng lumikot ang kanyang kamay. Ihiniga nya ako sa kama at pinaibabawan.

"hmm." hindi ko alam kong bakit yun lumabas sa aking bibig at nararamdaman ko ang aking katawan na umiinit.

Hindi pamilyar sakin ang pakiramdam na ito. Bago ito para sakin.

Nang hahawakan nya na sana ang aking dib-dib ay hindi nya tinuloy at isinubsub ang kanyang mukha sa aking dib-dib.

"hindi ko kayang gawin to." sabi nya na nakapag-pa tigil sakin. Anong hindi nya kayang gawin sakin to? Hindi nya ba kayang gawin sakin yung ginagawa nya sa mga babae nya?

Hindi nya ba gusto ang amoy ko? Baka gusto nya ng babaeng magaling at kayang ibigay yung pangangailangan nya at hindi ko yun kayang ibigay dahil wala naman akong alam sa bagay na yun.

Nanlumo ako sa sinabi nya at sa mga naisip ko. Pano kong ganun nga? "hindi ko kayang gawin to sayo dito sa hotel na' to." sabi nya at napa taas naman ang kilay ko dahil dun.

"at saan mo naman balak gawin ang bagay nayun sakin? Sa bahay mong puro alala ng ibat-ibang babae? Hah?" tanong ko sa kanya.

"honey sorry na nga dahil dun." sabi nya sakin at hinalikan ako sa labi pero saglit lang.

"honey, alam mo bang nung umalis ka ipinalinis kona yung totoo kong bahay? Ipinalipat ko narin dun yung mga gamit at damit mo dahil gusto kong ikaw ang makasama ko sa bahay nayun. At pupunuin natin yun ng masasayang alala nating dalawa at ng magiging anak natin." naka ngiti nyang sabi sakin. Halatang masayang masaya sya habang binibigkas ang mga iyun.

Niyakap ko nalang sya dahil hindi ko alam kong pano ako magri-react sa mga sinabi nya at pilit kong pinipigilan ang aking paghikbi.

Matthew's POV.

Napangiti nalang ako ng makatulog sya sa aking mga braso. Dahan-dahan ko syang ipinahiga sa kama. Tinitignan ko lang sya at napapangiti ako kapag may pagkakataon na humihilik sya.

Hindi ko alam kong pano kopa kinakaya yung sayang nasa dib-dib ko halos nagrarambol na yung mga bituka ko sa subrang saya.

"good night honey." bulong ko sa kanya at humiga na sa kanyang likudan. Mas gusto ko ang ganung posisyon para nayayakap ko sya at gustong-gusto ko ang kanyang amoy.

Napakasarap nyang amoyin.