Chapter 15
Heaven's POV.
Pagkasabi ko nun ay hinalikan nya ako sa pisngi at mas-hinigpitan niya ang pagkakayakap nya sakin.
Pumikit nalang ako at ihinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Ninamnam ko ang malamig na simoy ng hangin. Gusto kong magka anak at magkaroon ng masayang pamilya kasama sya kaso alam kong ngayun lang sya ganto sakin dahil kapag naka uwi na kami sa maynila ay babalik nanaman sya sa pagiging babaero.
Nararamdaman kong nanunubig na ang aking mata kaya nagmulat ako at himinga ng malalim para pigilan ang nagbabadyang pagtulo nito.
"alam mo bang gusto ko naring maka-anak." nararamdaman kong naka ngiti sya habang sinasabi nya iyun.
Umiling naman ako bilang sagot. "at gusto ko kapag nagka-anak ako kamukha mo silang lahat." naka tingin sya sa mga batang kasama ang kanilang mga magulang na naglalaro sa dagat habang sinasabi yun.
Taka naman akong tingin sa kanya. "ano?!" naiinis na tanong ko sa kanya. "ang sabi ko 'gusto ko kapag nagka-anak ako kamukha mo silang lahat.'" pag-uulit nya. Malakas ko naman syang hinampas sa kanyang braso. Taka syang tumingin sakin dahil dun.
Matthew's POV.
Malakas akong hinampas ni heaven sa braso at napaka sakit nun. Taka akong tumingin sa kanya.
"Bakit ka nanghahampas?" takang tanong ko sa kanya. "alam mo ba ang pinagsasabi mo?" galit na tanong nya. "Oo naman." sabi ko sa kanya.
"Pano kong magalit yung nanay ng mga anak mo dahil ako ang kamukha at hindi sya aber!" naka taas ang kilay na sabi nya sakin kaya. "Bwhahahahah" malakas na tawa ko dahil hindi nya na gets.
"bwhahahaha!!" tawa ako ng tawa dahil sa sagot nya. "ano ba! Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" galit na talaga nyang sigaw sakin.
"k-kas-si bwahahaha!" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil di talaga ako maka get-over.
Napaka raming tao na ang timitingin sakin dahil sa lakas ng tawa ko pero wala akong paki dahil natatawa talaga ako sa sagot nya.
Napapahawak nalang ako sa tyan ko dahil subrang sakit nun dahil sa katatawa.