Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Suicide Diaries

🇵🇭Shinukira
13
Completed
--
NOT RATINGS
50.3k
Views
Synopsis
Internet. Tambayan ng karamihan. Kung ano-anong website na pinapasukan. Minsan kapag nakakatakot pa pakinggan na website, ito pa ang gusto nilang binubuksan. Isa na rito ang sikat na website; Ang Diffweb. Ito ay isang site kung saan ka pwedeng magrole-play ng iba't ibang role gamit ang VR box equipment na meron ang bawat user. Maraming gumagamit nito lalo na't kakaibang experience ang ibinibigay sa manlalaro. Ngunit nagbago ang lahat nang mapunta sa maling desisyon ang pag-iibigan ng dalawang manlalaro— sina Kihara at Ryu.
VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Pahina

Ala-una sa umaga at mukhang gising pa si Kihara habang siya'y nakaupo sa kanyang kama. Imbes na matulog ito ay nagcecellphone na lang siya. Mukhang busy pa ito dahil sa katawag niya. Naka sando lamang ito ng puti at naka jogging pants ng itim.

   Habang kinakausap niya si Riko, ang kanyang kinikilalang Internet bestfriend ay lumabas siya sa kanyang kuwarto upang uminom ng tubig.

   "Gagi, Di gano'n 'yon, I mean 'di ako sure kung may gusto ba ako sa kaniya or wala," anang Kihara sa kausap. Kumuha siya ng baso at linapag ito sa table. Pagkatapos ay binuksan nito ang refrigerator sabay kuha sa pitcher na may lamang tubig.

   "Weh? Meron 'yan e. Ayaw mo lang talaga aminin sa akin. Nahihiya ka pa. Hahaha!"

   "I'm not. Pero seryoso, I'm still trying to figure out what do I really feel toward him." Binuhos ni Kihara ang tubig sa pitcher at ibinaba ito. Inabot niya ang baso atsaka uminom. Sumunod ang pagtawa ni Riko na nanggagaling sa telepono.

   "Umamin kana kasi. Ilang months na kayo naging chatmate eh," sabi ni Riko kay Kihara. Napangisi na lang si Kihara sa narinig. Isinauli niya ang pitcher sa ref at pumasok na uli ito sa kanyang kuwarto.

"Hello?" Kuryusong pagbati uli ni Riko. "Nasaan 'yong kausap ko?" Anito.

"Hoy! Baka natutulog ka na diyan!"

  "I'm not," Kihara responded.

"Pumasok lang ako sa kuwarto ko." She sat down on her bed again.

"Aah, Okay, okay." Anang Riko.

"So ano? Inaantok ka ba?" tanong ni Riko kay Kihara.

"Yea. Inaantok nga," answers her as she fixes her blanket.

"Gano'n ba? Gusto mo matulog?" Tanong uli nito.

"Probably. May pasok pa ako bukas e." Nahiga na si Kihara sa kanyang kama habang nakalapag ang kanyang telepono sa tainga niya.

"Aw, sige sige. Tawagan na lang kita bukas ha? Feeling ko nagising rin si mama e,"

"Aw, tulog ka na, dali," si Kihara.

"Patayin mo na 'yong tawag. Baka makita ka niya diyan tsaka baka kunin niya 'yong cellphone mo." Dagdag niya.

"Geh, geh, geh," pagsasang-ayon ng kanyang kausap.

"Bye!" Pabulong na sagot ni Riko.

"Okay." At na-end call na ito.

   Pagkatapos ma-end call ang tawag nila ay binaba ni Kihara ang kaniyang telepono sa tabi niyang drawer. Hinila niya ang tali ng kanyang lamp para patayin ang ilaw at natulog na ito.

Kinabukasan, ang ingay ng kanyang telepono ang gumising sa kanya. Walang ganang umupo sa kama si Kihara sabay kinukusot ang kanyang mata.

Kinuha niya ang telepono niya na kanina pa nagri-ring at tiningnan ito. Nakita niya na galing kay Riko ang mga mensaheng kanyang naresib.

"Kihara"

"Si Riko ito"

"Gusto mo bang magkita tayo"

"Saan mo gusto"

"Tagal na kitang di nakakausap"

"Miss na kita"

"Gusto kitang makita"

'Gusto kitang makasama"

"Habang buhay"

It was 1 hour ago nang maresib niya ang mga mensaheng galing kay Riko. Nagtaka si Kihara at napangisi na lang ito.

"Tsk, Seriously? Nagawa pa akong pagtrip-an ng babaeng 'yon ha," sabi niya sa kanyang sarili.

Naisip niyang tawagan na lang si Riko upang masigurado kung ano ba talaga ang balak niya. Di  nagtagal ay biglang nag-ring ang telepono ni Kihara at nagulat ito.

5 am pa nga naman at masyadong maaga para kay Kihara ang tawagan siya ni Riko.

   "Hello?" Sinagot ni Kihara ang telepono.

"Ang aga aga ah, Bat ka napatawag?" Tanong nito. Naghintay siya ng sagot ngunit hindi nagsasalita si Riko.

"Riko? May problema ba?" Tanong uli nito.

Ngunit wala pa ring sagot si Riko sa mga tanong ni Kihara. "Nakakapagtaka," anang Kihara sa kaniyang sarili.

Tiningnan muna ni Kihara ang telepono niya dahil akala niya'y napatay ang tawag nito. Kaso hindi rin naman. Tinabi niya ulit ito sa kanyang tainga kaso wala pa rin siyang naririnig.

"Riko? Okay ka lang?" Pag-alala niya sa kaibigan.

"Riko? bat di ka nagsasalita—"

"P*tang*na mo."

Isang boses na medyo may pagkalalaki ang sumagot sa kaniya. Nagulat si Kihara. She doesn't even know who that person is.

"What? What the hell, Riko? Bat mo ako minumura?"

"P*tang*na mo, trayador," deretsong sagot ng kanyang kausap sa telepono. Biglang nanginig ang kamay ni Kihara sa kanyang naririnig lalo na't may biglang nagflash-back sa kaniyang isipan.

"My god! Sino ba 'to? Ano'ng ginawa ko sa'yo?" Napilitan siyang kausapin ito at di ipahalata na siya'y nanginginig.

"Sa tingin mo ba makakalimutan ko ang ginawa mo?" Sabi ng kanyang kausap.

"Hinding hindi kita makakalimutan, Kihara." Boses ng lalaki ang sumasagot sa kanya.

Walang anuma'y ibinaba ni Kihara ang telepono niya. Hindi niya alam ang susunod niyang gagawin.

Nararamdaman niya ang bilis na tibok ng kanyang puso. Napalunok na rin siya. Naisip na lang ni Kihara ang tumayo at maghanda para sa eskuwela. Pumunta siya sa kanilang banyo at naghilamos na ito.

Habang naghihilamos siya, napahinto siya sa ginagawa. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo na nakayuko sabay tingin sa harapan niyang may salamin.

Bumalik uli ang mga ala-ala na nangyari sa kanila ni Ryu. Ang mga ala-alang gusto niyang kalimutan. Unti-unting nabubuo ang luha sa kanyang mata at pumatak ito sa kanyang pisngi. Biglang nabuo ang mukha ni Ryu sa salamin kahit alam niya na sariling imahinasyon niya lamang ito. Hindi niya mapigilan ang umiyak kaya napatumba siya sa sahig.