Tumunog ang bell para sa pang official na recess time ng mga mag-aaral pagkatapos lumabas ang ikalawa nilang subject teacher. Nakaupo si Kihara sa bench na nakalapag sa loob ng maliit na playground ng kanilang paaralan. Marami siyang iniisip. Marami siyang tinatanong sa sarili. Nagpapalamig lamang ito nang maisip niyang mag-online uli sa Diff website. At dito, makikitang tinadtad ni Hirono si Kihara ng spam messages.
"Bat mo ni-seen?"
"How are you doing?"
"May problema ba?"
Nagtagal pa ng ilang minuto bago maisip ni Kihara na replayan ang kanyang mensahe.
"Okay lang ako, Morning din."
Pagkapindot niya sa send, agad itong na-seen ni Hirono at nagreply.
"Nagrecess ka na ba?"
"No need po."
"Why?"
"I'm saving money."
"Ahh,"
Huminga ng malalim si Kihara at tumingin ito sa kalangitan. Tumango uli ito at napansin niyang online si Riko kaya agad niya itong ni-chat.
"RIKO"
"RIKO ARE YOU THERE?"
nagtagal pa ng dalawang minuto bago maseen ni Riko ang mga mensahe ni Kihara.
"Oo naman, Bakit?"
"May problema ba?"
Sa pagkabasa no'n ni Kihara, naramdaman niya na parang sinasabunutan niya ang kanyang sarili.
"W-wala naman pero okay ka lang ba?"
"Okay naman, parang kagabi lang tayo nag-usap? Miss mo na ako agad? Hahahaha!"
Medyo naguguluhan si Kihara sa reply ng kaibigan.
"Eh, sino ba 'yong... Kanina na tumawag tsaka nagtext sa akin?" Aniya.
"Huh? Sino?"
"Iyong lalaki ata yon..."
"What?"
"Tingnan mo nga 'yong phone log mo tsaka 'yong inbox mo baka makita mo,"
Nang marecieve 'yon ni Riko, agad naman siyang pumunta sa phone log niya at chineck ito kung tinawagan ba talaga niya si Kihara. Meron nga, but it was around 1 am when they were talking about Hirono. Sunod naman niyang buksan ang messaging pero wala ring messages na sinend niya kani-kanina. Pagkatapos ay bumalik uli siya sa Diff chat log at nireplyan si Kihara.
"Girl, nanaginip ka lang ata. Eh wala naman akong sinend na messages sa'yo e. Tsaka bagong gising ka no'n noh! Baka nanaginip ka lang talaga."
Ayaw maniwala ni Kihara kaya naisip niya rin na ipakita kay Riko ang mga tinext sa kanya. Ngunit nang buksan niya ang kanyang messaging, nagulat siya ng makita na nabura ang mga ito. Pumunta naman siya sa phone log niya pero wala rin 'yong tawag nila kanina.
"Huh? Wait what? Are you serious?" Sabi nito sa sarili. "Wala akong binura dito. What the actual F*ck..." Di pa rin siya makapaniwala sa nakita. After minutes, she just took breathe at inisip na lang na panaginip 'yon.
Sinabi na lang niya kay Riko na baka totoong nanaginip siya kaya hinayaan na lang nila. Pero kahit gano'y di pa rin mawala sa isipan niya ang boses ng lalaking nakausap niya sa telepono.
๐ฏ๐ฝโฏ ๐ฎ๐๐พ๐ธ๐พ๐นโฏ ๐๐พ๐ถ๐๐พโฏ๐
Alas kuwatro at nagsisiuwian na ang mga ibang estudyante. May iba pang naglalaro at nag-uusap sa hallway, may nasa classroom pa na nagcecellphone, may naglilinis, meron namang nagsusulat sa blackboard ng walang silbe at iba pang gawain na wala namang kuwenta.
Pauwi na sana si Kihara ng hilain ito ng isa sa mga kaklase niyang si Fujikawa. Kilala siya bilang isang party girl. May kulay dilaw na buhok at kasing-tangkad lang ni Kihara.
"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ni Kihara habang hawak-hawak ni Fujikawa ang braso nito.
"Basta!" Excited na sagot ni Fujikawa. "You should be there para kompleto tayo," Dagdag nito.
Hanggang bumaba na sila sa hagdanan galing third floor. Medyo binilisan ni Fujikawa ang pagtakbo kaya naman napa aray si Kihara dahil masakit daw ang paghawak dito ni Fujikawa.
Nang makalabas sila sa campus ay nakita nila ang kulay itim na kotse na naka parking sa gilid ng kalsada. Pumasok sila rito at agad naman naghiyawan ang mga nasa loob ng makita nila si Kihara. Umupo naman si Fujikawa sa front seat.
"Nice job, Fuji! You're the first one to convince Kihara to come with us!" Anang Tetsuo, na nakaupo sa back seat kasama sina Hayano at Kouta. Fuji made a rock'n roll hand sign as she stick out her tongue while looking at Tetsuo through the front seat mirror. Everyone was laughing cheerfully, however, Kihara was clueless. Iniisip kung ano ba ang plano ng mga ito.
"Bat ang saya niyo? Ano gagawin niyo ngayon?" Kuryusong tanong ni Kihara sa mga kaklase. Sinilip naman ni Daizo ang reaksyon ni Kihara sa salamin. Siya ang Driver ng grupo. Nagda-drive ito habang nagsisigarilyo.
"It's just a party, Darling," Sabi ni Daizo at napatingin si Kihara sa salamin. Kinindatan pa ito ni Daizo na naging dahilan kung bakit mas lalong nainis si Kihara.
"Fuji, I told you, ayoko sa mga parties and events. Why force me to come?" galit na tanong ni Kihara kay Fuji. Fuji was just focusing on putting mascara on her eyelashes.
"Sis, minsan lang 'to. Wag ka na magalit sa amin, Sis naman oh,"
Napabuntog hininga na lang si Kihara sabay irap sa kaklase.
After a while, lumingon siya sa katabi. Naririto nakaupo sina Zyron at Ishida. Zyron, isang kilalang basketball player ng school campus, matangkad at may kulay lila na buhok. Ishida naman, isang silent wrecker ng kanilang classroom. May kulay gray itong buhok. Nakasalamin, at complete Uniform kung maka-suot ng uniporme. Zyron was caught looking at her. He immediately avoided as soon as she notices it. Nagpatuloy na rin si Daizo sa Pagda-drive.
Alas-syete sa gabi nang makarating na ang grupo sa isang mala-mansyong bahay na pinapalibutan ng mga christmas party lights. Malakas pa ang pinapatugtog nilang kanta dito. Pagkalabas dito ni Fuji sa sasakyan, agad itong dinalaw ng mga kasamahan niyang nag-iinom.
Bumaba na rin si Kihara sa kotse. Sumunod si Ishida at Zyron. Tiningnan nito ang paligid. Ang mga mura de edad na nagpaparty sa loob ng isang bahay, ang mga nagjajamming sa labas at iba pang gawain ng mga tao sa loob ng mansyon.
"Ikaw si Kihara?" Tanong ng isang lalaking may kulay kahel na buhok. May hawak itong plastic cup na pula na at may lamang juice.
"Yea... ako 'yon," Sagot naman ni Kihara.
"Aha, nice to meet you, baby," Anang Flint sabay abot sa kanyang kamay upang makipag shake hands. "I'm Flint but you can call me Baby,"ย Dagdag pa nito.
Napangisi lang si Kihara sa sinabi nito at hinayaan na lang si Flint. Di nito inabot ang kamay at pumasok na si Kihara sa mansyon. Napatunganga lamang si Flint ng makita ang ugali ng babae.
"Tang*na, di naman maganda," Badtrip na sabi ni Flint at pumasok na rin ito.