"Sis, I really don't know but... Baka nababaliw na ako?" Tanong ni Kihara kay Riko sa telepono.
12:00 pm sa gabi at magkatawag pa ang dalawa.
"I mean... Kung ano-ano daw nakikita ko, kung ano-ano naiisip ko eh, trust me! I'm not even lying..." Dagdag niya.
Napabuntog hininga naman si Riko sabay umupo sa kanyang higaan at kumakain ng chicharon.
"Kihara, impossible naman kasi na may nangyaring patayan doon sa party. Eh kung meron naman talaga, syempre malalaman din nila. Like they said, nananaginip ka lang ata. Forget about it, you shouldn't think about it," Anang Riko sa kaibigan.
Mas lalong napaisip si Kihara. Til she came up with an Idea.
"Oh, what if kausapin ko na lang yong babaeng iyon? And let's ask her kung may nangyari ba sa party kagabi!" Anito. Pero nabawi din agad ni Kihara ang kanyang ideya kasi naalala nitong hindi pala kakilala ang mga babaeng iyon.
Riko released a big sigh. "Kihara, they either won't know it kasi nga panaginip mo lang iyon. Tsaka hindi ba at mas mabuti 'yon kasi panaginip lang?" Sabi naman ni Riko.
Napabuntog hininga rin si Kihara. "Oo nga..." Pagsasang-ayon niya.
"Tsaka kung sa tingin mo may mali sa mental health mo, pwede ka rin naman maghanap ng psychiatrist para masabi mo 'yong nararamdaman mo. Matutulungan ka rin nila." Kinagat ni Riko ang chicharon kaya naman narinig ito sa telepono.
"Nah, gagastos pa ako doon. Hayaan na lang natin 'yon-" Nabigla si Kihara sa narinig niyang Katok sa kanyang pintuan. Nagulat siya kaya lumapit siya upang buksan ang pinto. Bubuksan niya sana nang maisip niya ang oras.
Almost 1 am na sa gabi at may kumakatok pa sa pintuan niya. Di niya naituloy ang nais niyang gawin. Instead, napahinto ito sabay napaisip kung sino nga ba ito. Babalik sana siya nang kumatok uli ang di kakilalang tao sa labas ng kanyang pintuan. Natakot si Kihara kaya napaatras siya.
"Kihara? Kihara? Naririnig mo ba ako?" Pananawag ni Riko kay Kihara galing sa telepono.
Agad namang tinakpan ni Kihara ang speaker nito dahil medyo maingay ito. Pagkatapos ay pinaliit nito ang volume.
"May kumakatok," Takot na bulong ni Kihara sa kausap. "May kumakatok sa pintuan ko," Pag-uulit nito.
"Huh?" Si Riko.
"Buksan mo," Pasimpleng sagot naman ni Riko.
"Baliw ka ba? It's midnight tapos bubuksan mo 'yong kumakatok sa pintuan mo?" Tugon ni Kihara na pabulong.
Bigla namang lumakas ang pagkatok ng nasa labas kasabay din ang pagsubok nitong makapasok sa bahay. Iniikot nito ng mabilis ang doorknob kaya nama'y mas lalong kinabahan si Kihara.
Wala siyang nagawa kundi ang tumayo ulit at subukang lumapit sa pintuan.
"Ano ba'ng gagawin ko? Bubuksan ko ba?" Tanong nito sa sarili. Nang biglang may maresib siyang message sa Diff web. Galing ito kay Hirono at isang unknown user. Una niyang binuksan ang galing sa Unknown user.
"Open the door," Sabi nito sa mensahe. Di alam ni Kihara kung sino ba ito.
"Sino ka?" Reply ni Kihara sa Unknown User. Pagkatapos ay pumunta naman siya sa messaging nila ni Hirono.
"Do not OPEN the door," Anito.
"Wag na wag mo gagawin, Kihara,"
"Stop being stupid,"
"God damn it! Huwag mong replayan!"
Biglang naresib ni Kihara ang isang reply galing sa unknown user.
"Ta-da! Sabi ko na nga ba e. Gising ka pa."
Pagkabasa doon ni Kihara, mas lalong lumakas ang pagkatok na nanggagaling sa pintuan. This time, may kasabay pang tumatawa na nasa labas.
"Let me in... He-he-he-he," Sabi ng isang mala-batang boses ng isang lalaki. Paiba-ibang boses ang gamit ng lalaking ito. Minsa'y pambata, minsan nama'y pang-matanda.
Dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ni Kihara, naisip nitong magtago sa ibaba ng kanyang table kung makapasok man ang lakaking ito.
"Riko, Riko!" Malakas na bulong nito sa katawag. Dito niya napansin na connection failed na pala ito. Sinubukan niyang tawagan ang kasama ngunit unattended na ito.
"Bwiset! ano ba naman 'to!" Pinindot pindot niya ang call button pero 'di pa rin ito nagcoconnect. Naisip niyang e-chat na lang si Hirono na kanina'y kausap niya. Offline na ito.
Tinadtad niya ng maraming messages pero hindi pa rin ito nag-oonline.
Napansin niya rin na para bang tumigil sa pagkakatok ang sinumang nasa labas ng kanyang bahay. Dahan-dahan siyang umalis sa ilalim ng kanyang mesa at umupo ito. Nararamdaman pa rin niya ang takot sa kanyang dibdib.
Laking gulat nito nang mapansin niya na para bang merong nakatayo at nakatingin sa kanya sa bintana na tabi lamang ng kanyang pintuan. Isang pigura ng lalaki ang nakatayo rito. Madilim at medyo makapal ang salamin sa bintana kaya nama'y hindi masyado nahahalata kung sino ba ang taong ito.
Bumalik uli sa isipan niya si Ryu. Naisip niya na parang magkapareho rin ng pigura ang dalawa.
"Ano'ng nangyayari sa akin? Minumulto ba ako ni Ryu?" Tanong nito sa sarili.
"Hindi... Wala akong ginagawa... Wala akong naging kasalanan sa pagkamatay niya... Wala akong alam..." Paniniwala ni Kihara.
"Baka nag-iimagine lang naman ako... Kailangan ko atang matulog..." Dagdag nito.
Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at bumalik ito sa kanyang kwarto. Hinayaan na lang niya ang mga ito at pinikit ang mga mata. Tinakpan niya ng kumot ang sarili sabay nagpatugtog ng kanta para gawing distraksyon sa oras na iyon. Alam niyang lumuluha na ang kaniyang mga mata, ngunit ayaw niyang pansinin ito.