Chereads / The Suicide Diaries / Chapter 6 - Ikaanim na Pahina

Chapter 6 - Ikaanim na Pahina

Umagang-umaga pero may gulo na naman na nagaganap sa kanilang paaralan. Walang ganang lumalakad papuntang hallway si Kihara nang mapansin niya ang mga estudyanteng pinapalibutan ang anumang bagay na naging dahilan ng gulo.

Sinubukang sumilip ni Kihara upang tingnan kung ano nga ba ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ito pala ang makikita niya. Isang bangkay ng babae ang nakasabit sa tubong nasa itaas. Mukhang biktima ito ng suicide.

"Hindi ba't iyon si Lea?" Sabi ng isang babae na nakakita nito.

"Oo nga! 'yong nasa party nina Fujikawa last day!" Nabuo na ang di inaakalang chismis sa paaralan.

Maraming nagpipicture ng katawan nito at nagtagal pa ng ilang minuto bago makarating ang mga guwardya at iba pang guro.

Naiwan pa rin ang gulat at di kapanipaniwalang pangyayari sa ibang estudyante. Ang iba'y nahimatay dahil dito. Nagsisiiyakan naman ang mga nakarating na myembroย  ng pamilya ni Lea.

Ngunit si Kihara, hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Naalala niya ang pinapaniwalaan niyang panaginip tungkol sa pagpapatay ni Lea.

Lumakad na lang siya papalayo at sinubukang awatin ang sarili sa gulo na iyon. "Baka ano pang mangyari sa akin..." Sabi nito sa sarili.

๐’ฏ๐’ฝโ„ฏ ๐’ฎ๐“Š๐’พ๐’ธ๐’พ๐’นโ„ฏ ๐’Ÿ๐’พ๐’ถ๐“‡๐’พโ„ฏ๐“ˆ

"Class! Sit down!" Pumasok si Mr. Fhyxzk sa kanyang homeroom classroom kung saan nandito sina Fujikawa, Kihara, Daizo, Zyron at Vino.

Karamihan sa kaklase nilang babae ay nalulungkot sa pagkawala ng kanilang batchmate na si Lea. Isa na rito si Fujikawa. Hindi makapaniwala sa nangyari.

Tumahimik sa pagchichismis ang mga kaklase ni Kihara ng pumasok si Mr. Fhyxzk. Napansin ng guro ang mga lulungkot na mukha ng mga estudyante niya. Huminga siya ng malalim bago ito nagbigay ng payo sa mga mag-aaral.

"Class," Tawag ni Mr. Fhyxzk sa kanyang mga estudyante upang kunin ang kanilang atensiyon.

"Look, alam kong may nadedepress sa inyo," Anito. Napatingin ang mga ibang estudyante sa kanilang guro.

"Class, you can talk to me, okay? Baka pwede ko kayong matulungan."

"It's hard to hide everything by yourself. Minsan kailangan nating ilabas. Minsan kailangan mo ng kausap," Patuloy na sabi ni Mr. Fhyxzk.

"Guys, ayoko na matulad kayo kay Lea. Ayoko na dumating kayo sa punto na gagawin niyo iyon. Graduating na kayo, diba? Masyado kayong bata para gawin iyon... It's not like im telling you na dapat gawin mo iyon pag malaki ka na. I'm telling the all of you na you're still young, you still can fight, you still can survive," Dagdag nito.

Mas lumakas ang pag-iyak ni Fujikawa sa narinig niya. "It's not like that, Sir! Kasi si Lea, masayahin siya! No, she's not depressed! Pero bat niya gagawin iyon? There's no reason for her to do it! She left me curious about her death! This is just unacceptable!" Iyak na sabi ni Fujikawa. She covered herself with her own handkerchief as she cries out loud.

Daizo pats her at the back. Kihara was sitting still, thinking a lot of what's going on.

"Listen, Fujikawa. Hindi lahat ng taong masaya ay masaya. Pwedeng sa labas lang pero sa loob, hindi. Hindi lahat ng taong masayahin ay di nakakaranas ng depresyon. Hindi lahat ng taong ngumingiti, matapang. Minsan, iyon lang ang kanilang opsyon para mamuhay. But they ended up giving up just like what Lea did." Anito.

"Nakakalungkot lang naman. They choose to kill themselves kahit ang totoo nama'y gusto lang nila mamuhay ng mapayapa." Walang sumasagot sa mga sinabi ng guro. Walang imik na nakaupo ang isa't-isa.

"Okay class, let's move-on and start writing now." Walang magawa si Mr.fhyxzk sa mga estudyante kaya nagsimula na lang ito magsulat sa blackboard.

Agad namang nagfollow-up si Kihara sa sinusulat ng guro. Ayaw niya rin ang manatiling mag-isip lamang tungkol dito kaya nagsulat na lang siya.

Isang araw ang nakalipas ng mabalitaan din nila na namatay rin ang isa sa mga batchmate nila. Nasagasaan din ito ng malaking sasakyan habang siya'y tumatawid.

Nauna ang kanyang ulo nang siya'y mapatapon dahil sa sasakyan. Ayon sa mga kaschool mate nila, natanggal daw ang ulo nito at nagkahiwahiwalay ang kanyang mga katawan.

Narinig na naman ni Kihara ang chismis na sinasabing ang babaeng iyon ay isa rin sa mga nasa party noon ni Fujikawa kung saan, nandoon rin si Lea.

Pinaniwalaan ni Kihara na ito ang babaeng pinatay ni Lea sa kanyang isipan o imahinasyon. Medyo nagkagulo na ang isipan niya. Hindi niya alam kung kasalukuyan ba siyang nanaginip o hindi.

Tumayo siya sa kanyang upuan ng bigla niyang maramdaman ang pagkahilo at natumba ito.

Napansin din ito ng kanyang mga kaklase kaya pinatawag nila si Mr. Fhyxzk. Inutusang buhatin ni Zyron si Kihara papuntang clinic para makapag hinga ito. Nang makarating siya sa clinic ay umalis din ito.

"Mukhang nanlalamig na siya," Anang school nurse habang dinadama kung may lagnat ba o sakit si Kihara.

"She's sweating so much," Dagdag nito. Nakatingin lang naman si Mr. Fhyxzk sa kanyang estudyante.

"Okay, aasahan kita Ms. Fiona. Sa ngayon, babalik muna ako sa classroom ko kasi may klase pa kami," Anang Mr. Fhyzxk sa nars. Tumango naman si Ms.Fiona kaya lumabas na si Mr.Fhyzxk.

Pagkatapos ay hinila ng nars ang thermometer at linapag ito sa bibig ng pasyente para tingnan ang temperatura.