Chereads / The Suicide Diaries / Chapter 12 - Ikalabing Dalawang Pahina

Chapter 12 - Ikalabing Dalawang Pahina

It was too late.

Daizo and Ishida was found dead at the school's laboratory the early morning.

According to the students, walang nakakita kung sino ang pumatay sa dalawa. And now, Kihara believed that she saw the prediction again.

Naisip niyang puntahan si Fujikawa sa kanilang mansyon ng maabutan niyang bukas ang pintuan nito.

"Fujikawa?" Pananawag ni Kihara sa kaklase. Tahimik at magulo ang bahay. May mga basag na vase na makikita bago pumasok sa kanilang mansyon.

Mayroon ding basag na salamin na malapit sa dining room, at ang sahig na para bang nabuhusan ng isang beverage.

Hindi ito pinakialaman ni Kihara at hinanap na lang niya si Fujikawa. Naririnig niya ang ingay na nanggagaling sa kusina kaya dito na siya dumiretso.

Nakita niya si Fujikawa na nanghuhukay sa mga drawer at may dala itong tote bag.

"Fujikawaโ€”"

Hindi pa natapos magsalita si Kihara pero halatang nagulat na si Fujikawa.

"K-kihara, bat ka nandito?" Malaki-laki ang mata niya ng nakatingin siya kay Kihara at mukhang umiyak pa ito dahil sa eyeliner niya na sumama sa kanyang mga luha.

"Ano'ng nangyari dito?" Tanong ni Kihara sa kanya.

"Uhm..." Napalingon si Fujikawa sa paligid.

"I'm... I'm gonna return to Thailand s-sabi ni mama," Sabi ni Fujikawa at ngumiti pa ito kahit halata naman sa mukha niya na may nangyari maliban sa sinabi nito.

Napansin ni Kihara ang mantsa ng dugo na nasa kanyang stripe longsleeve kaya tinanong niya si Fujikawa kung ano ba ito.

"Ano 'yan?" She asked.

Napatingin naman dito si Fujikawa at halatang nanlaki ang mga mata niya ng mapansin niya rin ito. She tried to remove the stain by trying to dust it off.

"Oh, eto, ano, it's a sauce... Yeah," Nerbyusong sabi niya.

"I had a pizza last night kaya... Ayon, namantsahan ako," Palusot naman ni Fujikawa.

Sa una, hindi siya nagsalita tungkol sa katotohanan pero alam ni Kihara na siya ang may kagagawan sa nangyari kina Daizo at Ishida.

"You're not like that, Fujikawa..." Said Kihara.

"Stop lying and just tell me what happened..." Dagdag ni Kihara.

Nakita kung paano nabago ang expresyon ni Fujikawa. She shook her head,

"N-no, wala akong ginawa, wala! Stop it!" Napasigaw si Fujikawa dito.

"Umalis ka! Umalis ka kung ayaw mong masaktan!" Naluluha na ang mga mata ni Fujikawa.

"Fujiโ€”"

"UMALIS KA!" mas lalong lumakas ang sigaw niya.

Walang nagawa si Kihara kundi ang umalis rin. Naiyak na tuluyan si Fujikawa. Napaupo siya sa sahig at pinagsisihan ang lahat ng ginawa niya.

๐’ฏ๐’ฝโ„ฏ ๐’ฎ๐“Š๐’พ๐’ธ๐’พ๐’นโ„ฏ ๐’Ÿ๐’พ๐’ถ๐“‡๐’พโ„ฏ๐“ˆ

10:00 pm sa gabi nang mabalitaan ng paaralan ang pagkamatay ni Fujikawa. Ayon sa pulis, pinasukan daw ang kanyang mansyon at pinatay ang biktima bago magnakaw ang suspek.

Nalungkot ang buong paaralan sa narinig na sunod-sunod na pagkamatay ng kanilang mga estudyante. Nagkulong naman si Kihara sa kanyang kuwarto. Nakatitig ito sa pader habang naluluha. Napapaisip uli siya,

"Ano ba'ng nangyayari?"

"Bakit nagkakaganito?"

"Kasalanan ko ba ang lahat?"

"Bakit hindi ko naisip na sabihin sa kanila na mawawala rin sila sa mundo?"

Maraming tanong ang nasasaisipan ni Kihara. Kasabay nito ang hindi pagtigil ng pagpatak ng kanyang luha.

Habang umiiyak siya, napansin na naman niya ang anino ng isang lalaking namumuo sa tabi ng kanyang pintuan.

"Tama na..." Bulong niya sa sarili.

"Ayoko na..." Mas lalong naiyak siya nang makita ito.

"Tama na, Ryu, please tigilan mo na ako," Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang tuhod.

"Hindi ako titigil."

Isang boses ng lalaki ang narinig niya. Medyo malapit eto sa kanyang tainga kaya tinakpan niya ito.

"Kung mahal mo talaga ako, maghahanap ka ng hustisya sa pagkamatay ko pero hindi mo ginawa. Instead, you ran away," Dagdag ng boses na ito.

"Tama na... Please," Pagmamakaawa ni Kihara.

"Tigilan mo na ako, wala akong magagawa para sa'yo," Dagdag niya.

The voice laughed as if it was hurt from what Kihara said.

"Mas lalo mo akong binigyan ng rason para hindi ka tigilan," Sabi nito.

The door slowly opened by itself. Nang napansin ito ni Kihara ay napatigil siya sa kaiiyak. The voice whom she was talking with is gone.

Kihara started to look around. What opened the door? A wind?

"Sino ba 'yan?" Galit na tanong niya sa ere.

A cold wind passed by. Nanlamig bigla ang buong katawan ni Kihara.

"Ano ba! Puro ka na lang pananakot! Sumagot ka!" Tila parang galit siya sa anumang bagay na dumidistorbo sakanya.

Tumayo siya sa kanyang kama. Ramdam pa rin niya na kinakabahan siya. Pero ayaw niyang manalo ang takot sa kaniya. Naisip niyang hindi naman gaano kalakas ang hangin para makabukas ng pinto pero sino nga ba ang bumukas nito?

Lumabas na siya sa kanyang kwarto upang tingnan kung sino ba ang nasa labas. Kaso wala naman. Kaya inisip na lang niya uli na nanaginip siya.

Nakahawak siya sa pader kung saan itinatakib ang pinto.

Nang bigla na lang nagsara mag-isa ang pinto kaya naipit ang kamay ni Kihara.

Hindi siya napasigaw sa sakit pero nagulat siya rito. Pahigpit ng pahigpit ang pilitang pagsara ng pinto.

"Putangina! Tangina mo kung sino ka man!"

Di napigilan ni Kihara ang sakit na nararamdaman kaya napasigaw siya. Pinilit niyang itulak ang pinto at tanggalin ang kanyang kamay pero parang may kumokontrol sa pintuan na iyon.

Itinulak at itinulak niya ito kahit naluluha na siya sa sakit. Hinila niya ng napakalakas ang kanyang kamay nang bigla na lang siya mapatapon sa opposite side ng pader.

She was fainting so hard. Her heartbeat rate was on its highest level.

Ngunit mas lumala ang nararamdaman niyang takot at galit nang e

makita niya ang naipit niyang kanang kamay.

Duguan, at nahiwalay sa kaniyang katawan. Linalabasan pa ito ng dugo.

๐’ฏ๐’ฝโ„ฏ ๐’ฎ๐“Š๐’พ๐’ธ๐’พ๐’นโ„ฏ ๐’Ÿ๐’พ๐’ถ๐“‡๐’พโ„ฏ๐“ˆ

"Ma'am Julie! tulong! Alam kong nandito pa kayo sa loob! Please!" She hardly hits Ms. Jullie's office door while tearing up.

"Ma'am Jullie! Please! Papasokin niyo ako! I need your help!" She repeated.

Gumawa at gumawa ng ingay sa labas ng kanyang opisina para makuha lamang ang atensiyon nito.

"Ma'am!"

"I don't want to die in here!"

"Please!"

"Help!"

"Hoy!"

Napahinto siya sa pagkakatok nang may nagflash sa kanya. Isang lalaking nakasuot ng damit na pang guwardya ang nagflashlight sa kanya.

"Ang ingay ingay mo sa oras na ito! Ano'ng kailangan mo at bat naririyan ka?" Tanong ng manong Guard kay Kihara.

"Gusto ko lang naman makausap si Ma'am Jullie. Kailangan ko siyang kausapin. Parang-awa mo na, please, tulongan niyo ako," Naluluha na ang dalaga sa kanyang mga sinasabi.

The guard frowned at her. He even gave her a death look from he head to toe. Naisip ni Kihara na baka hindi siya pinapaniwalaan ng guwardya kaya naisip niyang ipakita ang kanyang kanang kamay.

"At eto rin," Ipinakita ni Kihara ang kanyang kanang kamay,

"Tingnan niyo, hindi ba kayo naaawa sa akin? Aksidenteng natanggal ang kamay ko! Please naman! Paniwalaan niyo ako!" Sigaw nito.

Tiningnan ng guwardya ang kamay ni Kihara.

Imbes na maawa ito ay natawa na lang ang guwardya.

"Miss, nababaliw ka ata," Anito.

"Anong walang kang kamay? E ayan nga 'yong kamay mo," Itinuro pa ito ng manong guwardya.

"Tsaka ano'ng ginagawa mo sa opisina ni Madame Jullie? Bata, matagal nang patay iyon. Kung ano-ano pinagsasabi mo!" Inis na Paliwanag ng guwardya dahil ang akala nito'y linoloko lamang siya ni Kihara.

"Ano?" Gulat na tanong ni Kihara.

"P-patay? Imposible!" Anang Kihara.

"Kelan siya namatay? At paano?"

Napabuntog hininga na lang ang manong guwardya sa mga sagot at tanong ni Kihara.

"Alam mo, kung balak mo akong prangkahin, umalis ka na lang dito bago kita kaladkarin paalis diyan!" Warning naman ng guwardya.

Hindi alam ni Kihara pero nawalaan siya ng lakas sa mga nangyayari. Totoo nga bang patay si Ma'am Jullie? Kung Oo, sino naman ang kausap niya sa araw na iyon?