The gang war has been set up. 9:00 pm, required lahat ng members ng Qoued-Uni Devitoria at Octaphegan Heux VLDV para sa laro na ito. Ang sinumang manalo sa war na ito ay makakaresib ng malaking presyo galing sa inner Diff web. Alam ni Kihara na first time niya rito kaya hindi niya alam ang gagawin. Naisip niyang e-message si Zevherion23 para atleast makahingi ng tips.
"Hello, Can you teach me a little? Kahit yong basic lang na gagawin ko."- LeVeAn21
"Of course not!" -Zevherion23
"Huh?" -LeVeAn21
"Oh, sorry, wrong send. Well yes, I can." -Zevherion23
"Ano bang pinagsasabi ko?" Tanong naman ni Hirono sa sarili. "Supposed to be ako dapat ang galit sa sarili ko dahil sa ginawa ko, hays."
"Okay, I'll wait." -LeVeAn21
"Ehem, here it is," -Zevherion23
"Una, you need to equip virtual equipments, you have one, right?" -Zevherion23
"Oo, pero di ko naman nagamit ito kasi di ko alam paano," -LeVeAn21
"Syempre, newbie ka pot—" -Zevherion23
"Huh?" -LeVeAn21
"Nevermind." -Zevherion23
"Bat parang galit kayo sa akin?" -LeVeAn21
"I'm not," -Zevherion23
"Sigurado ka?" -LeVeAn21
"Magpapaturo na lang ako sa iba kung ayaw niyo akong turuan," -LeVeAn21
"Wala akong sinasabi, Ms. Kirei Volcarus," -Zevherion23
"Eh halata naman sa mga chat mo na galit kayo sa akin," -LeVeAn21
"Punyeta." -Zevherion23
"Oh, diba? Wag na nga." -LeVeAn21
LeVeAn21 is now offline.
"Ano ba, Kihara! Worried lang ako sa'yo!" Sigaw naman ni Hirono nang makita niyang nag-out si Kihara.
"Self, you're not crazy. Pinoprotektahan mo lang ang taong mahal mo." He tried to calm his self down.
"Why am I so stupid!" Sigaw naman uli nito.
Di nagtagal ay nakaresib uli ng mensahe si Hirono galing kay Kihara pero doon siya minessage ni Kihara sa isang account niya.
"Hey,"
"Ano gagawin sa war thing sa gang?"
"Parang hindi naman nakaka-excite. Lalo na 'yong isa sa mga founder doon,"
"Gagalit- galit pero wala naman akong ginawa,"
"Tsk Tsk,"
Lahat ay galing kay Kihara. Nang mabasa ito ni Hirono ay napatahimik na lang siya.
"Aray. Sakit ah," Sabi nito sa isipan niya.
"Ahh, ano ba meron don sa sinalihan mo ng gang?" Reply naman ni Hirono kay Kihara.
"Parang nagpapaturo lang ako tas galit na agad 'yung founder. Daming problema ata sa buhay," Sagot naman ni Kihara.
"Ouch. Ang sakit mapagsabihan ng ganito," Ika ni Hirono.
"Okay, wag ka na magalit doon. Turuan na lang kita, pfft," Reply na lang ni Hirono.
"First, pag mag ma-open na 'yong Arena sa 9:00 am, may makikita kang blue at red button. Always press the red button pag sasali ka sa war."
"You need to be ready. Wear both of your virtual equipments, the headphones at yong VR box."
"Paano ba 'yong VR box?" Tanong ni Kihara.
"It's an equipment which you put on your eyes para makita mo ang 3D version ng anumang pinapasok mo through your gadgets or any technologies."
"Aw, okay."
"It's not okay. I mean, baguhan ka lang. So you need to be aware and prepare. Di ko alam kung saan bubuksan ng Woodsworth group ang Arena. And war... Is all about killing."
Nakuryuso naman si Kihara ng marinig niya ang salitang 'Woodsworth'
"Ano ba 'yang Woodsworth na 'yan?"
"Oh, wait, di mo alam?" Si Hirono.
"How come?"
"Ahh.. Dapat pala alam talaga?"
"The heck, Kihara."
"Haha Sorry, I didn't read the following rules noong nag-sign up ako dito."
Mas lalong nag-alala si Hirono kay Kihara. Yet he didn't give up on it. He explained kung ano ba at sino Si Woodsworth.
"Woodsworth is rumored to be a half male and half female bodied human. Siya ang creator ng Diff web. Ang grupo niya, na nangangalan Woodsworth Group, which is nandiyan ang mga tinatawsg na Woodsworth workers ang nagmamanage sa lahat ng laro at ganap dito sa Diff web," Explained Hirono.
"Be careful tho... There are times where they victimize people who doesn't know how to follow rules just like what you did..." Warning nito.
"Oh, well, sa online lang naman ito. Tsaka hindi nila ako mahahawakan. Malay mo malayo-layo ako sa kanila."
"Okay, please take care. Ayokong mapahamak ka dahil sa iisang website lang," Added him.
"Aw yeah haha, oo naman," She replied. But after reading his reply, nang-init ang pisngi niya at kinlig pa ito. She doesn't know how to hide this feeling. Kaya huminga na lang siya ng malalim.
𝒯𝒽ℯ 𝒮𝓊𝒾𝒸𝒾𝒹ℯ 𝒟𝒾𝒶𝓇𝒾ℯ𝓈
Habang inaayos ni Kihara ang kanyang kama ay bigla nalang nag-open mag isa ang kanyang computer sabay nag-alarm ito.
"The Arena is now Open,"
"The Arena is now Open,"
"The Arena is now Open,"
Kuryusong napahinto si Kihara sa kanyang paglilinis at lumapit ito sa kanyang computer. First time niya marinig na nag aalarm ang kanyang computer. But when she looked at her computer, nakita na niya ang tinutukoy ni Hirono na red and blue button.
Nakuryoso agad si Kihara sa nakita kaya kinuha na niya ang mga Virtual equipments na sinabi rin ni Hirono. Sinuot niya ang Headphones at ang VR box. Pagkatapos ay ni-click na nito ang red button.
Biglang Nagdilim ang kanyang desktop kaya wala siyang makita sa kanyang VR box.
Di nagtagal bago maglight uli ito at isang ulo ng lalaki ang nagpagulat kay Kihara ng makita niya ito sa suot niyang VR Box.
"Welcome to the DiFF Arena. You have signed-in in the game of reality. Who are you right now?" Tanong ng Male avatar head na nagsasalita.
"I am Kirei Volcarus," Kalmang sabi ni Kihara.
The male avatar head smiled at her.
"It's good to see you know what you're doing," At unti-unti itong nawala.